Chapter Fourty Four: Xanders Upset

Happy 100k! Thank you guys! ♥

Kung gulo gulo man po ang chapters, paki tanggal muna sa readinglist or lib nyo then ibalik na lang ulit :>

Enjoy!



*****





CHAPTER FOURTHY FOUR: XANDERS UPSET

KELLIE's POV

SUNDAY ngayon means walang pasok, maaga pa lang ay gumising na ako para gumawa ng gawaing bahay, marami nanaman ang gagawin ngayon lalo pa't linggo ngayon.

"Oh! Bakulaw? Aga mo nagising ah."first time nya yatang nagising ng maaga ngayong weekend, karaniwan kase Tanghali na sya nagigising.

Imbis na sumagot ay niyakap nya lang ako.

"Good morning kulot ko."

"Good morning rin."Nauna akong kumalas sa yakap dahil may sasabihin ako.

"Oo nga pala, next Monday Midterm na."napakamot sya sa ulo at parang may napagtanto.

"right, the midterm's approaching, it totally slipped my mind, I haven't open a book."Napakamot sya sa ulo nya saglit.

Nginitian ko lang sya, dahil walang pasok ngayon, kailangan namin mag-review para may maisagot kami sa exam.

"Oh sakto, review tayo mamaya."napangiti naman sya, gosh! Ang gwapo nya lalo pag ngumiti.

"Tayong dalawa?"

"Hindi, marami tayo."nginitian ko naman sya ng pagkalaki laki, medyo nawala ang ngiti nya, gusto siguro nya akong masolo, niyakap nya ako ulit.

"eeee, tayong dalawa na lang."

"para kang bata, magbago ka na nga."Tatawa tawang sabi ko, isiniksik naman nya ang ulo nya sa leeg ko, ang clingy naman neto masyado.

"Niyaya ko na ang kaibigan ko, nakakahiya naman kung tatanggihan ko pa yon, isama narin natin mga kapatid mo, wag kang selfish."napakamot na lang sya sa ulo.

"kung hindi isa, Marami."bulong nya na hindi nakalusot sa dalawang tenga ko, sinimangutan ko sya at nag-cross arms.

"May problema tayo don?"tinaasan ko sya ng kilay napangisi naman sya at napakamot sa ulo nya at nag-wave sign na hindi.

"Oh edi mabuti nagkakaintindihan tayo."Sabi ko at ngumiti ng pagkalaki laki, pilit lang ang mga ngisi nya, gusto talaga nya akong masolo para namang hindi kami nagkakasama kahit hindi kami solo.

"Oh xed! Sakto nakita kita, may practice tayo ngayon, tama na muna yan lalanggamin na kayo e."napangisi naman ako sa sinabi ni Ken na may hawak na gitara.

"Ah kayo na lang muna-" pero bago pa sya nakapagsalita ay hinatak na sya ni ken para mag-practice.

"Argh! Ano ba, wag mo nga akong hatakin, makakatikim ka talaga!"Mahina at inis na sabi nito Kay ken, hawak hawak ni ken si xedrick sa balikat at hinahatak.

"Hindi ka pwedeng um-absent, sige subukan mo magkaka one on one tayo rito."Hindi nagpapatalo si ken, napapailing at napapangisi na lang ako sa kanilang dalawa.

"Ngayon lang mawawala e! Pambihira!"Tumingin naman saakin si xedrick na nakangiti kumamot sya sa ulo.

"I'll see you later."sabi nya at tuluyan na nga syang hinatak ni ken palayo, nagtatalo pa silang dalawa, hay nako parang mga bata, natatawa ko silang tinitignan, pasulyap sulyap pa si Xedrick saakin pero pinipigilan sya ni ken.

"Don't touch me!"

"arte mo!"





**





As Usual, gawaing bahay ang ginagawa ko ngayon bago mag-review, uuwi kasi si Madame ulit mula sa France pinaalam nito Kay manang, may bisita raw kase galing sa France na kasama si madame next week kaya puspusan ang paghahanda namin ni manang wala kaming dapat sayanging oras.

"Oh! Hi there kellie,"napatayo ako mula sa pagpupunas ng sahig ng tawagin ako ni Lyra, malaki ang ngiti nya kasama nya si xander, napangiti ako mabuti naman at mukhang nagkakaroon sila ng quality time sa isa't-isa.

"uhm hello, ah gusto nyo ba ng meryenda?"umupo naman silang dalawa sa malaking sofa.

"Just a water will do."masayang sagot ni Lyra.

Nabaling naman ang tingin ko Kay xander, may galos pa ang mukha nya kaya medyo nawala ang ngiti ko, naka tagilid ang ulo nya at walang reaksyon, malayong malayo sa masayahing xander ang nakikita ko ngayon.

Ng na-sense nyang nakatingin ako sa kanya ay sumulyap narin sya, ang lamig ng tingin nya, hindi na kagaya ng dati na punong puno ng saya kapag nagkakatinginan kami.

Feeling ko nagka-goosebumps ako dahil sa eye contact namin sa isa't-isa, ano kayang nangyari? Bakit ganito sya? Parang nagbago sya.

"Xa-xander, anong gusto mo?"Nauutal kong tanong rito, umiwas naman sya ng tingin.

"Nothing."at hinawakan nya ang kamay ni Lyra, napatingin dun si Lyra at napangiti hinawakan nya ito pabalik, mukhang wala naman silang problema, pero bakit ganito saakin tong si xander? May nagawa ba akong masama sa kanya?

Oo nga pala nabugbog sya ng sarili nyang kapatid dahil saakin, dapat pala nag-offer ako na gamutin ang sugat nya ang kaso ayaw ko namang mas lalong mag-selos si xedrick, seloso pa naman yon konting kibot lang.

"ah sige, kuha muna ako ng tubig."paalam ko sa kanila, tinanguhan lang ako ni Lyra.

Nagtungo naman ako sa kusina para kumuha ng isang baso ng tubig, habang nagsasalin hindi ko mapigilang mapaisip sa inaasta ni xander kaganina, galit kaya sya saakin? Kung yun nga ano namang dahilan? Dahil kaya yon sa binugbog sya ni xedrick dahil saakin?

Kailangan ko syang kausapin, hindi ako sana'y na ganon sya ka-cold magkaibigan kami e, ayaw kong masira ang pagkakaibigan namin at tsaka ayaw ko rin ng ilangan, isa pa hindi ganon ang xander na nakilala ko, kaya kailangan ko syang kausapin.

"ah ang lamig!"Dahil sa pago-ver think ay hindi ko namalayan na napuno na pala ng malamig na tubig ang baso.

Pagkarating ko sa sala ay naibagsak ko ang baso at tray dahil sa gulat sa nakita.

Nakita ko lang naman si Xander at Lyra na naghahalikan na halos humiga na sila sa sofa, gulat na gulat naman sila dahil sa ingay na nagawa ng pagbagsak ng baso at tray na hawak ko.

Hindi uso kwarto?! Gosh ang aga aga pa- I mean ang babata pa nila para sa ganyan! Jusko! Kung ako ang nasa kalagayan ni Lyra at nahuli ni mama siguradong patay ako.

"Uhm- si-sige! Alis na ako, so-sorry sa istorbo."utal kong sabi at nagtakip ng mata at dinampot ang tray at nabasag na baso.

Dahil sa pagmamadali ay nasugatan ang kamay ko, hindi ko naman namalayang nilapitan ako ni xander, seryoso syang nakatingin sa sugat sa daliri ko.

"a-ayos lang ako."nahihiyang sabi ko, at pilit na hinahatak ang kamay ko sa pagkakahawak nya, pero hindi sya nagpatinag.

"What happened?!"

Napatingin kaming dalawa Kay xedrick, nag-aalala ang expresyon nya, halos mag-echo ang boses nya sa buong mansion dahil sa lakas ng boses nya, lumapit sya saamin at tinulak si xander palayo kaya napalayo sya saamin.

Nag-aalala si xedrick na marahang kinuha ang kamay ko. "Kailangan natin tong linisan para mawala ang bubog at pagdudugo."sabi nya, kaya naglakad kami patungo sa kusina.

Sya na mismo ang naghugas ng daliri ko sa sink, habang ginagawa nya iyon ay seryoso sya, hindi ko na napigilang mapangiti dahil sa pag-aalala nya, ang sweet!

"Baka matunaw ako."

Napaiwas ako ng tingin ng sabihin nya iyon, parang nahiya naman ako so alam pala nya, nakikita nya ata sa peripheral vision nya, feeling ko pulang pula na ako sa hiya.

Binitawan nya ang kamay ko tsaka ako tinignan.

"Hintayin mo ako."Tumango lang ako.

May kinuha naman syang first aid kit sa Cabinet at tsaka lumapit saakin.

"Ta-tapos na ba practice nyo?"Tanong ko rito, masyado kasing tahimik.

"Yup,"sagot nya habang binubuksan ang alcohol.

"Waah! Masakit yan hindi mo, kailangang lagyan nyan!"Hinatak ko ang kamay ko pabalik saakin, no way! Ang sakit kaya nyan!

"Para hindi ma-infection, don't be stubborn kulot, parang kagat lang to ng tigre- I mean lamok."pilit nyang hinahatak ang kamay ko, pero dahil ayaw ko inilalayo ko.

"eeeeee!"

"Masakit kaya yan! Ayaw ko."

"Promise I'll be gentle."at kinuha nya ulit ang kamay ko.

"Gentle mo mukha mo! Masakit nga yan ayaw ko!"at hinatak ko pabalik ang kamay ko at nakangusong itinago yon.





***





JEI's POV

"The midterms approaching, anong Plano?"Tanong ni Ken.

Yeah malapit na, dati hindi naman 'to mahirap para saamin back when we were high schooler, si Xander ang inaasahan naming kokopyahan pero dahil magkakaiba kami ng dep, hindi na mangyayari yon, Nasa Architecture Department ako at si Xander? He's in Department of Teacher education.

Actually business sana ako dahil ako ang magmamana ng companies ni mommy at mga naiwan ni dad but I insist architecture ang gusto ko.

"Hayst katamad magreview."Sabi ni Toppher at nagstretching.

"well.."I shrug off my shoulder.

"sumasakit mata ko sa libro, yung feeling na magkakasore eyes."Si Xavier.

We were heading to kitchen to get some beer.

"nga pala diba may telepathy tayo?"Tuwang tuwang sabi ni Ashe, habang paturo turo at pumapalakpak pa.

"Our telepathy... Will it work during the test?"Napa-face palm kaming lahat dahil sa tinanong ni Ashe.

"Imposible, pwera kung magpapasahan tayo ng papel."Sagot naman ni Clyde habang nakalagay ang mga palad sa likod ng ulo nya.

"eeeeee!"

Lahat kami natigilan dahil sa sigaw na yon, where the sound came from? Kung hindi ako nagkakamali Kay Kellie yon.

"Nasa kitchen yon!"Sabi ni Brent, dahan dahan naman kaming nagtungo sa gilid, pinapakinggan ang boses nila.

"Masakit kaya yan! Ayaw ko."anong masakit?

"Promise I'll be gentle."nanlaki ang mata namin at nagkatinginan kami.

"si Xedrick at kellie yon!"si Brent.

"Sheeet! Umii-score si xedrick!"si Ken.

"He's the man!"ako.

Mukhang maaga kaming magkakapamangkin nito, tsk tsk tsk.

"Gentle mo mukha mo! Masakit nga yan ayaw ko!"natawa naman kami dahil sa sigaw ni kellie.

Haha mukhang mahihirapan si xedrick umi-score, hard to get pa naman si kellie amazona pa.

"what are you guys doing there?"lahat kami napalingon sa nagsalita sa likod namin.

It was Lyra with xander, mukhang nagkabalikan na sila, kung magaling talaga sa acads bobo sa pag-ibig e.

Tumayo kaming lahat at hinatak ang dalawa papunta sa gilid, baka kasi ma-istorbo yung dalawa mabugbog pa kami ni xedrick, baka sumakit puson nya sisihin pa kame.

Nagtaka naman ang dalawa sa inasal namin.

"anong meron?"clueless na tanong ni xander.

"Nanonood ng live show."pigil kaming tumawa dahil sa sinagot ni Brent, nagkatinginan ang dalawa.

Psh! Feeling inosente, parang ewan.

"Wag na nga kayong dalawa mag-maang maangan, alam naming alam nyo ang live show na tinutukoy namin."Sabi naman ni ken na nakataas ang noo.

"Wait? Tingin nyo may ginagawang 'ano' si xedrick at kellie?"Lahat kami sumagot ng Oo Kay xander, kaya pinanlakihan nila kami ng mata.

"What the?! Bakit ba ang malisyoso nyo? Hindi yon ang ginagawa nila!"Sabi pa ni xander.

"sus! Hindi mo lang kase matanggap e, wag mo ng pagselosin si Lyra."nagkatinginan silang dalawa sa sinabi ni brent tsaka malakas na tumawa.





**





KELLIE's POV

"HAHAHAHAHAHAHA!"

Natigilan kami sa kanina pa naming pag-aaway ni Bakulaw ng marinig namin ang malakas na palahaw ng tawang yon, saan kaya galing yon? Pinaghalong tawa ng babaeng at lalaki.

"ano yon?"

"baka tawa?"

"Pilosopo!"Napairap ako sa sinagot saakin ni bakulaw, bwisit parin talaga sya. Pero mahal ko sya hehe.

"No I'm not, I'm just answering you."nakangiting sagot nya kaya nawala ang galit ko, bwisit talaga bentang benta ang mga ngiti nya saakin.

"Tara, hanapin natin."Parang malapit lang yon rito sa kusina e, rinig na rinig kase, kinuha naman nya ang daliri ko at nilagyan ng bandage, ako ang nanalo haha, hindi nya nalagyan ng alcohol ang sugat, sa sobran pag-aalala nya hindi tumalab pagpapacute ko sa kanya.

Lumabas naman kami sa kusina at nagulat kami ng nadatnan namin ang nagkukumpulang tao sa gilid, kumakamot ng ulo yung pito at nakatalikod naman saamin si Lyra at xander.

Gulat na gulat silang lahat ng makita kami, anong meron rito? Bakit nandito silang lahat?

Tinignan ng pito ang daliri kong may bandage, at pilit silang nagsisitawanan, ang weird naman nitong mga 'to.

"Ah hehehe hi Kellie! Okay ka na ba?"si Ken.

"pagaling ka kellie hehe!"si ashe.

"ah hehe sige alis na kame hah."si Jei.

At mabilis na nga silang nagsialisan, ano ba talagang meron sa kanila? Ang weird talaga nila, ng nawala na sa paningin namin ang pito ay nilingon naming dalawa ni xedrick si Lyra at xander na nakakunot noo.

Nagkatinginan silang saglit at pilit rin ang pagtawa, pati silang dalawa ang weird rin.

"Anong meron?"Tanong ko.

"ah hehe wala, wala sige."at mabilis rin silang nagsialisan.

Kunot noo kaming nagkatinginan ni xedrick sa isa't isa, at nawewerduhan sa kinilos nila kani Kanila lang.

Wala naman kaming maisagot sa isa't-isa kaya nagkibit balikat lang kaming dalawa.



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top