Chapter Fourty Five: Sweet Boyfriend





CHAPTER FOURTHY FIVE: SWEET BOYFRIEND

KELLIE's POV

NATAPOS ang examination matapos ang dalawang araw, pangatlong araw ay pupunta kami sa retreat center, kaya naghahanda na kami ng mga kakailanganin namin sa loob ng dalawang araw.

Ngayong gabi pa lang ay naghahanda na akong lagay ng mga gamit sa bagahe ko, sa totoo lang nanghiram lang ako Kay manang kase wala na akong ibang bag.

Shampoo, sabon, Face towel, etc etc...

"Hmm? Ano pa kayang kulang may undergarments na, ah tumbler pa pala."

Naglakad naman ako para lumabas at humanap ng tumbler sa kitchen na dinala ko, pero natigilan ako ng makita ko si xedrick sa labas nakasandal ito sa pader, naka black na pajama at makapal na jacket, ang cool nyang tignan sa ayos nya.

"oh? Ba't andito ka?"humarap ito saakin.

"pupunta tayo ng Mall."kinunutan ko naman sya ng noo, ano nanaman kayang balak nya?

"Bakit sa mall? Gabi na oh."sabi ko.

"We have to buy anything else we need for tomorrow,"sagot nya at tinignan ang kabuuan ko, mabuti na lang at may damit pa ako panloob kundi ewan ko na lang.

"Magpalit ka ng damit mo."ayaw ko sana pero bumalik na lang ako sa loob para magpalit ng damit, leggings sa pang ibaba, long sleeve sa pag itaas at simpleng doll shoes lang para sa mga paa ko, syempre hindi ko kakalimutan ang pera ko, mabuti na lang at may sweldo na ako, nakapagpadala narin ako mama ko.

Pagkalabas ay hinatak na nya ako patungo sa labas, nadaanan pa namin yung tatlo pati ang mga kapatid nya, pero hindi sya nagabalang tignan ang mga ito parang nagmamadali talaga syang lumabas.

As if namang tatakbuhan kami ng mall, panigurado ayaw nya lang may kasama kami gusto nya akong masolo, sobrang nainis kase sya ng nagreview kami, ang dami ba naman namin ni hindi na nya ako makausap.




FLASHBACK:

(Reviewing)

"Waah! Kellie let's go, excited na akong magreview hihi."At hinatak ako ni Lyra palayo Kay xedrick, nilingon ko pa si xedrick nakasimangot ito at hinatak ako pabalik sa kanya.

Nga pala pupunta kami sa isang bookstore at magrereview bukas na kasi ang examination, actually lahat kami magkasama pwera kila catie, jackie at oira.

"Hey she's mine! Kay xander ka diba?"naiinis na sigaw nito kaya napanguso si Lyra. Kaganina pa excited si Lyra, gustong gusto nya talaga ang pagrereview.

"Noooo! She's my friend kaya, I want to be with her!"at hinatak ako ni Lyra pabalik sa kanya.

Napasimangot ako, para akong isang mahalagang bagay na gustong gustong makuha ng dalawang 'to.

"Ano ba! Akin ang girlfriend ko!"

"Nooo! Akin ang Bestfriend ko!"

Hindi ko akalain na may ganitong side pala tong si Lyra.

Haist Para silang mga ewan parang ako lang ang kasama nitong dalawa kung umasta sila tss para namang may kung anong kuryente sa pagitan nila, sobrang sama kasi kung tignan nila ang isa't isa, sa dinami dami ng kasama namin bakit ako pa talaga ang pinagaagawan ng dalawang 'to?!
Mukhang walang magpapatalo sa kanila.

Nilingon ko si Lila na nakatungo ang ulo at magkahawak ang dalawang kamay.

Lila! Tulungan mo naman ako huhu.

Ang sakit na talaga ng kamay ko! Bakit ba kasi hindi manlang ako tinutulungan netong mga lalaking 'to?! Wala manlang silang pakealam saakin puro chicks ang pinaguusapan nila e! Huhu.

Sumasakit na ata ang magkabilaan kong braso ni hindi nila naisip na nasasaktan ako, huhu! Halos mabingi ako sa sigawan nilang dalawa sa isa't-isa grabe ang wild nila.

Dahil punong puno na ako ay itinaas ko ang dalawa kong braso at hinatak pabalik saakin, ang pula na ng mga braso ko kakatahak nila e!

"Bahala ka'yo! Kayong dalawa nalang magsama! Kay Lila ako sasama!"at inis na naglakad ako patungo kay Lila.

"Eh?"si xedrick.

"tss! It's all your fault!"si Lyra.

"anong?!-"si xedrick.

Hindi nakalapit lapit saakin si xedrick buong review namin kasi harang ng harang si Lyra, inis na inis sa kanya.

END OF FLASHBACK




Nakarating kami sa garahe pinagbuksan nya ako ng pinto nagmamadali pa nga sya e ewan ko ba sa kanya akala mo hinahabol ng kinatatakutan nya.

"Halatang hindi ka excited ano?"

Pinaandar na nya ang ignition, saglit nya akong tinignan at hinawakan ang kamay ko kaya isang kamay lang nya ang ginagamit nya para magmaneho.

"Tss, baka isama mo nanaman yong mga asungot na yon."nakabusangot na sagot nya kaya natawa ako.

"Nakakatawa yon?"para talaga syang timang haha, uhaw na uhaw sa atensyon? E halos lahat nga ng babae sa school tuwing papasok sya gwapong gwapo sa kanya at sa mga lugar na pupuntahan nya.

"mabuti ng sigurado,"

Ngayon pa lang ang obsessive na nya paano pa kaya bukas? Kung kukulitin ako ni Lyra baka, masapak na nya si Lyra.. Uh oh.

Pero hindi naman nya yon gagawin, babae si Lyra, baka bugbugin pa sya ni xander pagnagkataon e.

"Oo nga pala, tungkol kay chandra."hindi ko alam kung bakit bigla kong nasabi ang mga yon, hindi ko alam kung saan ko nakuha ang mga yon pero gustong gusto ko na talagang tanungin.

Napatigil sya sa gilid ng kalsada, walang emosyon nya akong tinignan, pero maya maya lang ay bigla syang ngumiti.

"Let's not talk about her please?"

Dumiin ang hawak nya sa kamay ko, dahan dahan akong tumango.

"Sorry.."

Hinalikan nya ako sa gilid ng noo ko.

"It's okay."Matapos ay pinaandar na nya ang kotse.

Gustong gusto ko talagang malaman kung ano ba talagang nararamdaman nya para saakin at para dun sa Chandra, paano kung mahal nya parin pala yon? Paano kung sya parin hanggang ngayon pero ayaw lang nyang tanggapin kasi naawa sya saakin? Paano kung galit lang sya pero mahal parin nya?

At paano kung totoo ang naiisip ko? Paano ako?

Para akong bomba na gustong sumabog anytime, sumabog na gustong tanungin sya kung sino ba talaga? Marami na silang napagsamahan, e kami? Wala pang isang taon ng nagkasama kami.

Nakakatakot palang magmahal, mas malala sa inaakala ko, andyan ang pangamba na baka sa huli iiwan ka rin nya.

"you look uneasy, may problema ba?"tinignan ko sya saglit ganon rin sya, pilit ko lang syang nginitian.

"wa-wala,"

Mukhang naniniwala naman sya.

"Oh.. Okay,"




**




PANAY ang dampot nya ng mga chips at ibat ibang pagkain, halos mapuno na nga ang push cart tinitignan ko lang sya sa ginagawa nya pero hindi ko na napigilang pakealaman sya.

"Masyado ng marami, mauubos ba naten 'to?"

Nilingon nya ako na may ngisi.

"Hindi pwede ang unti sa matakaw."sagot nya, tinanguhan ko lang sya.

"oh! Hintayin mo ako rito okay? Wag kang aalis."tinanguhan ko lang sya tumakbo naman sya, ayun as usual gwapong gwapo nanaman ang mga tao sa kanya maski matatanda at mga lalaki lalong lalo ang mga babae.

Hmp!

Luminga linga ako sa mga chips, naghahanap ng gusto kong pagkain dinampot ko ang maliit na garapon ng cream stick.

Paglingon ko naman sa likod ko biglang may sumulpot, kaya napatili ako at napahawak sa dibdib ko.

"ano ba! Magsalita ka naman!"iretable kong sabi rito, natawa naman sya kaya pinagtinginan kami.

"Gulat na gulat ka nanaman sa kagwapuhan ko."ang hangin!

"Tss! Naghahasik ka nanan ng kahanginan."natawa lang sya, hinarap naman nya saakin ang hawak nya kaya gulat na gulat ako.

Anong?!

"Wow! Ang sweet naman ng lalaki,"

"Sana kagaya nya Boyfriend ko,"

Feeling ko pulang pula ako sa hiya, talaga bang binilhan nya ako ng sanitary pads?! Iba't-ibang klase pa, hindi ba sya nahiya?! Sobrang laki ng ngiti nya, so hindi nga talaga sya nahiya.

"A-ano kaba?! Ako dapat ang bibili nyan."Bulong ko, napakamot sya sa ulo nya.

"ayaw mo ba? Ano bang klase?-tinignan nya ang mga pads- Whisper? Sisters? Modess? Heavy flow ba? Regular flow? may size ba dapat? ano?"

Bakit ganon? Feeling ko sobrang swerte kong babae, bihira sa lalaki ang mag-eeffort na bumili ng ganito para sa girlfriend nya.

Iniisip ko rin kung ginagawa na nya ba 'to para Kay Chandra? Hmp!

Lahat yon kinuha ko at nilagay sa push-cart.

"O-okay na'to, ta-Tara na."

"bakit namumula ka?"ibinaba ko ang ulo ko pero hinawakan nya ang baba ko at iniangat.

"Hindi m-mo naman kailangang gawin 'to e,"mahinang sabi ko, ngumisi lang sya.

"Dahil sa sasabihin ng Tao? Then I don't care mind their own business, tsaka kakailanganin mo 'to bukas diba?"

Feeling ko lahat ng dugo meron ako nagsiakyatan na sa mukha ko, at ang pintig ng puso ko ayan nanaman ang bilis, bakit ba ang sweet sweet nya?! Marahan lang akong tumango.

"Kung magka period ka daig mo pa buntis sa sobrang heat headed mo e,"napairap naman ako, ganon? Matapos magpakilig mang-aasar? Tss.

"Kidding!"at hinawakan nya ang bewang ko palapit sa kanya kaya gulat na gulat ako, napakagat labi ako.

Ramdam ko ang init mula sa katawan nya at ang tibok ng puso nya rinig na rinig ko, for sure ganon rin ang nararamdaman nya.

Hindi ko talagang aakalaing ganitong lalaki ang darating sa buhay ko, may nagawa nga kaya akong maganda sa past life ko? Hindi ko alam pero ang saya, kahit alam kong walang kasiguraduhan kung anong mangyayari saamin balang araw, basta masaya akong kasama ko 'tong bakulaw na'to.



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top