Chapter Fourty: Confession


Play the video on multimedia...

***

CHAPTER FOURTY: CONFESSION

KELLIE's POV

“Let us all welcome and give a round of applause! the Magical-Nin9!"

Kasabay ng pag welcome nang emcee sa banda ay s'yang paglakas ng hiyawan, dito kami ni Lila sa harap pumwesto para makita namin nang malapitan ang banda.

Isa isa silang nagsipasok, may mga nakahanda ng drums at iba't ibang instruments sa stage.

“Wohoooooo! Are you reaaadddyyy?”sigaw ni Xavier ang may hawak ng mic si Xander naman ang main vocalist base sa puwesto n'ya kasama rin nya si Jei, Xander Toppher at si Clyde, may tig-iisang mic rin ang lahat ng grupo, si Xedrick naka electric guitar kasama si Ashe at Brent, si Ken naman ang nasa drums.

Nagsimula na ang kanilang concert for this school's event, mas lumakas ang hiyawan. Ang kakantahin nila ay ang famous song ng The Vamps ft. Martin Jensen ang Middle of the Night, sinimulan ni Xander ang kanta na sinabayan ni Xavier dahilan para maghiwalayn nang mas malakas ang audience.

Tumingin saakin saglit si Xander ng kantahin nya ang part nya, at yon rin na wala akong maramdamang kakaiba hindi kagaya noon na kinikilig ako sa tuwing nagkakatinginan kaming dalawa, siguro nagtatampo pa rin ako sa kanya, nginitian ko lang sya.

Hindi sinasadyang mapatingin ako kay Xedrick na nakasimangot na nakatingin kay Xander at sumunod saakin, mukhang napansin n'ya ang tininginan namin ni Xander

Si Clyde na ang sumunod na kumakanta, kalmado ito habang nakangiti sa madla.

Tinignan ko ulit si Xander at ito na ulit ang kumakanta, may tinitignan ito sa paligid kaya sinundan ko ng tingin yon, na kay Lyra.

Si Jei na ang kumakanta, at si Toppher naman sumunod, sabay sabay na silang kumanta sa huling parte ng pagkanta.

Matapos ang kanta ay nagsilapit sila malapit lapit saamin ng kaunti, tinanggal nila ang mga t-shirts nila kaya ayun mga nakasando na lang silang lahat, halos dumami ang tilian, kahit ako ay napatili dahil ang lalaki ng mga katawan nila plus pawis na pawis pa sila, grabe ang hooot! Sabay sabay silang nag-sexy dance ng tumugtog ang versace on the floor, grabeeee! Nakakabingi na talaga ang tilian ang sakit sa tenga tapos busog na busog narin mga mata ko sa kanila.

"Wohoooooo!"

Nang aakit ang kanilang sayaw sa parteng ito dahil narin sa kanta, natatawa na lamang ako sa kanila. Nakakabingi ang audience.

Nabaling ang tingin ko kay xedrick, nahuli kong nakatingin ito saakin at kumindat pa talaga, kaya ayun yung mga katabi ko akala nila sila yung kinindatan, natawa na lang ako na kinikilig kilig pa, tong lalaking toh alam na alam kung paano magpakilig.

Muntik na akong madapa dahil may nanadyang manulak saakin, pero nadapa na nga ako ng tuluyan ng sipain ako sa likod ko, dinaluhan naman ako ni lila.

“Hala!”

Itinayo ako ni lila at sabay naming nilingon yung nanulak saakin, si Catie pala kasama nya si Jackie at oira, Tatlo silang tinatarayan ako, wala naman akong nagawa dahil pinipigilan ko ang sarili ko.

Maya Maya lang itinuon na nila ang tingin sa stage at tumitili, bumaling ako ng tingin kay xedrick, pinagpapatuloy parin nya ang sayaw nya, siguro hindi nya nakita ang nangyari mabuti naman kung ganon.

“Are you okay? gosh! there's blood!”

Napansin kong nagdudugo ang dalawang tuhod ko, lumayo naman kami sa mga taong nagtutulungan nagpunta kami sa malapit lapit na bench, umupo ako dun si lila naman kinuha nya ang Panyo nya para punasan ang sugat.

Pupunasan na sana nya ang sugat ko pero may kumuha non sa kamay ni lila medyo tinulak si lila lumuhod sa harap ko at pinunasan ang sugat ko ng dahan dahan parang ayaw nya akong lalong masaktan.

"He looked like a prince charming!"

Bulong ni lila na halos himatayin sa kilig, pero hindi namin sya nilingon pero ramdam ko yon.

Seryoso ang mukha ni Xedrick habang marahang pinupunasan ang sugat ko, wala itong imik, kinakabahan tuloy ako baka nagagalit na sya, sana naman wala syang ginawa Kay catie, syempre babae yon hindi nya dapat pinapatulan ako nga eh hindi ko na pinatulan, lalong lala eh.

"Parang sinadya ito, malaki ang sugat mo."

Biglang kumabog ang dibdib ko ng sabihin n'ya yon, matigas ang pagkakasabi nya, mukha rin na nagalit, napabuntong hininga naman s'ya.

“Na— Nadapa lang.”

“Don't lie.”

Hindi ko na alam kung ano pa ang sasabihin ko, ayaw nya talagang maniwala seryosong seryoso sya yung mananapak na talaga sa sobrang galit.

"Ah... ano kasi."

Napakamot ako sa ulo at tinignan si Lila na nakatayo lang, humihingi ako ng tulong sa kanya sa pamamagitan ng pagtingin alam kong naintindihan nya pero mukhang kinakabahan sya kaya hindi nya ako matutulungan.

Tinignan nya ako sa mata, may bahid ng galit ang emosyon nya.

“Ano... ano kase, ahm, ah! hindi may date pa tayo ngayon?! tara na.” tumayo ako at hinatak sya patayo tumayo naman sya.

“Tss.”

Wala syang nagawa kundi ang sumunod na lang, nilingon ko si Lila ngumiti lang ako.

**

NAGLALAKAD kami papunta sa parking lot ng walang imikan habang hawak hawak nya ang kamay ko hanggang sa naalala ko yung t-shirt na bigay saakin ni lila baka galing yon Kay Lila.

“May pinabibigay kaba kay Lila?”pagbasag ko ng katahimikan, tumigil naman kami sa van na sinasakyan namin.

“Yup, gusto kong isuot mo yon.”pinagbuksan naman nya ako ng pinto sa front seat pumasok ako at sya naman umikot papuntang driver seat.

“Bakit gusto mong ipasuot yon?”nakangiting tinignan nya ako.

“Dahil inlove ka sakin? Isn't it?”

Natawa naman ako at hinampas sya sa Hita nya natawa narin sya, ang pilingero nitong lalaking toh haha.

"Ewan ko sa'yo! ang yabang mo namam, pero isusuot ko 'to.”

Sa totoo lang natatakot parin ako hanggang ngayon sa nararamdaman ko dahil ayaw kong magaya ako sa mama ko na umibig sa isang mayaman pero iniwan lang naman sya.

At ako ang naging bunga ng pagmamahalan nilang yon, kinwento yon saakin ni mama nun ng lumaki at magkaisip na ako, maraming naging sagabal sa pagmamahalan nila isa naron ang pamilya ng tatay ko na hindi boto sa nanay ko dahil mahirap lang ito, mas bagay raw kase ang papakasalan ng tatay ko sa kanya dahil mayaman rin ito, inakusahan pa nga si mama ng Gold digger dahil sa pagpasok nya sa mundo ng mga mayayaman nagsimula yon ng makilala nya ang tatay ko.

Hindi manggagamit ang mama ko alam ko yon.

At sa kadahilanang iyon lumayas sila ni mama at lumuwas ng probinsya para magsama, lumipas ang Limang buwan na pagsasama, at yon rin ang buwan na pinagbubuntis palang ako ni mama ay walang paalam na umalis si papa at nabalitaan na lang ni mama na lumuwas ng Maynila si papa ng hindi nya alam ang dahilan nito.

Hindi nya na makontak si papa at hindi narin ito bumalik pa, nabalitaan na lang nya na nagpakasal na pala ito at ang asawa nito ay buntis ito siyam na buwan na, dahil nga kilala ang pamilya ni papa ay umabot pa ito hanggang probinsya dahil sa Dyaryo.

Masakit man para kay mama magpatuloy ulit dahil sa nangyari ay ginawa parin nya ang lahat para mabuhay kasama ako at kalimutan ang masasakit na ala ala.

Hanggang ngayon Hindi ko parin alam ang pangalan ni ang Hitsura nya, at wala narin akong balak na alamin pa, sapat na saaking may kinilala akong ama kahit pa hindi ko kadugo.

Natatakot akong maulit yon saakin, alam kong masakit yon sobra, kaya nga malaki ang pasasalamat ko kay mama kase kahit hindi ako pinanindigan ng ama ko hindi nya ako hinayaan hindi nya ako pinalaglag kahit nahihirapan na sya ng mga panahong yon.

Lumipas ang maraming taon nakapangasawa ulit si mama ng tricycle Driver dahil kailangan nya rin ng tutulong sa kanya syempre tumatanda na sya kailangan nya rin ng may makakasama at mamahaling muli.

Nagkaanak sila ng Lima ni tito Albert ang stepfather ko, pero lumipas ang maraming taon natuklasan ni mama na may Sakit ito sa puso bata pa lang ito sinikreto nya yon saamin dahil ayaw nyang iwanan namin sya, ng mga panahong yon nakaratay na sya sa hospital, yon rin ang kinamatay nya.

At dahil don kailangan kong magtrabaho para sa pamilya ko, ako ang tumayong ama saamin dahil kahit Highschool student ako nagtatrabaho na ako maibigay lang ang kalahating pangangailangan ng pamilya ko, tutol si mama dahil ang bata ko pa para mag-aral pero tinuloy ko parin dahil kailangan.

Sa katigasan ng ulo ko hindi na ako napigilan ng mama ko.

“Babe!”

Napabalik lang ako sa wisyo ng sumigaw si Xedrick, hinawakan nya ang kamay ko at lumapit saakin ng nakakunot noo, marahan nyang pinunasan ang pisngi ko kaya nagulat ako, hindi ko namalayang umiiyak na pala ako.

“Bakit ka umiiyak?”

Nag-aalalang tanong nya, natawa naman ako, hinawakan ko ang kamay nyang pinupunasan ang pisngi ko at ibinaba yon.

“Hindi yon, may naalala lang ako.”

“What is it? care to share?"

Hinimas nya ang Likod ko pinapagaan ang loob ko, tuwing naaalala ko ang nakaraan ni mama hindi ko mapigilang mapaluha, maiisip ko pa lang na umiiyak si mama ng dahil don naiiyak na ako.

Nagagalit ako sa tatay ko dahil hindi manlang nya kami pinaglaban sinukuan nya kami ni mama wala sya sa tabi namin, ni hindi ko alam ang hitsura nya, basta ang alam ko Iresponsable sya, iniwan nya kami ni mama na dapat kasama nya.

Niyakap ko si xedrick at duon napahagulhol sa balikat nya hindi ko narin alintana na baka mabasa yung t-shirt nya.

“Sana hindi mo rin ako iiwan.”

Hindi ko alam bigla na lang lumabas ang mga salitanf yon sa bibig ko, mahalaga saakin si xedrick kaya ayaw kong mawala sya malaki na ang naging bahagi nya sa puso ko, magkaiba ang mundong ginagalawan namin kaya natatakot akong iwan nya ako kung sakaling mahalin ko na sya ng sobra.

“I won't leave you, Kulot, I have no reason for leaving you, I love you.”

Bigla na lang kumabog ng malakas ang dibdib ko ng marinig ko ang salitang matagal ko nh hinihintay na sabihin nya, yung puso ko parang gustong umalis sa kinalalagyan sa sobrang bilis, mahal ko na kaya sya?

Hinarap ko sya na gulat na gulat sya naman nakangiti.

“Ma... mahal mo–ako?”

"No one can't make me say I love you, if I'm not, I love you so I mean it.

Feeling ko pulang pula na Pisngi ko sa sobrang kilig tagos na tagos sa puso ko yung sinabi nya, ang sarap sa pakiramdam ng sinabi nya, nararamdaman ko rin ang nararamdaman nya.

“And if you can't say you love me too, you know I'll be right there near you, will wait."

Bago pa madagdagan ang sasabihin nya ay bigyan ko sya ng smack sa labi kaya gulat na gulat naman sya.

Mahal kita kahit bakulaw ka.”

Ngayon ko lang yon nasabi dahil ayaw kong umasa at magmahal ng nag-iisa natatakot ako na baka matulad ako sa mama ko natatakot ako at alam kong ayaw rin ni mama na mangyari saakin iyon.

Saglit kaming nagkatitigan at maya maya lang dumampi na ang malambot na mga labi nya sa labi ko, magaan ang bawat halik na binibigay nya.

Nanlaki ang mga mata ko pero napapikit narin ako at dinadama ang bawat halik nya nadadala narin ako.

Halos kapusin kami sa hininga ng natapos ang halik.

“Hindi ako magsasawang mahalin ka bakulaw ko, mahal kita.”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top