Chapter Fourthy Seven: Retreat Day 2
A/N:
Parang walang may gusto sa chapter 46 walang nagreact lol, so babawi ako rito sa chapter na‘to, masyado yatang lame kahit 3k words na, gusto ko sanang i-edit kaso tinatamad ako, (Indeed Lazy) XD, so sana may magcomment rito para hindi ko maisipang I-edit. :)
**
CHAPTER FOURTHY SEVEN: RETREAT DAY 2
KELLIE’s POV
12:01 am ng magising ako sa matagal na pagkakatulog, marahan akong bumangon medyo inaantok pa ako dahil sobrang maaga pa para magising, medyo nahihilo naman ako sa sobrang tagal ng pagkakatulog ko.
Tinignan ko ang paligid, nasa clinic ako for sure mataas ang hinihigaan kong hospital bed walang nakakabit na kahit ano saakin.
Napadpad ang paningin ko Kay Xedrick na natutulog habang nakaupo sa Plastic na upuan at naka crossed arms, mukhang hindi pa sya nakakapagpalit ng damit, marahan akong bumaba at kinuha ang Comforter ko at kinumutan si xedrick malamig pa naman baka magkasakit sya.
Pinagmasdan ko lang sya habang natutulog, ang himbing ng tulog nya kaya tititigan ko na lang muna sya hanggang sa mag-sawa ako, hindi ko napigilang mapangiti.
Ang gwapo nya talaga, Halos perfect guy, iniisip ko nga kung bakit magical 9 ang pangalan ng grupo nila, siguro mala mahika ang talent at Physical appearance nila? Siguro?
Gumalaw galaw ang ulo nya at napapasimangot pa pero hindi iyon nagtagal hindi naman sya nagising kaya mas nagkaroon pa ako ng oras para titigan sya.
“Hmmmm, kulot ko, hmm..”feeling ko lahat ng dugo ko nagsipunta sa buong mukha ko sa sinabi nya, kahit sa pagtulog nya naiisip nya parin ako, hindi ko mapigilang mapangiti ng sobra sa sobrang kilig.
“Kellie,”Nabaling ang tingin ko sa nagsalita mula sa pinto, nagtaka naman ako, Hindi ko ‘to nakita kaganina ah? Akala ko hindi sya kasama.
“Drew?”Nag-shh naman ako kaya nagthumbs up sya at dahan dahang pumasok, naka-hoodie sya at may dalang plastic bag at inabot iyon saakin.
“How have you been?”
“Okay naman, ikaw?”
“Okay naman,”
“Ano ‘to?”tanong ko pagka kuha ko ng plastic, kulay red iyon kaya hindi ko makita ang laman.
“pagkain yan, from xedrick sabi kase nya bumili raw ako ng food para kainin mo, he can't leave you, kaya ako na lang ang inutusan nya.”Tumango na lang ako sa mahabang paliwanag nya.
“Ano nga palang nangyari kaganina?”Tanong ko habang hawak parin ang plastic bag, umupo kami sa kama habang kaharap si xedrick na natutulog parin.
“Games ganon parin naman, you two missed out the first day recreation time 3 games,”Napatingin ako sa gawi ni xedrick at Kay Drew sumunod.
“Hala? Hindi sya naglaro? so binantayan nya talaga ako rito mula kaganina pa,”Dahil pa tuloy saakin hindi nya na-enjoy yung araw na dapat mag-eenjoy sya, kung nagising lang sana ako pipilitin ko syang bumalik kahit na matigas ang ulo nya’t ayaw magpatalo.
“Yup, he insisted to stay here with you, alalang alala sya para sa’ yo, looks like he's about to passed out too, he brought you here right away, ganoon sya kaalalang alala sa’ yo, grabe magmahal ang isang Xedrick Anderson,”nakangiting sabi nya, feeling ko matutunaw ako sa sobrang tuwa sa sinabi nya.
“Tama ka, grabe sya mag-mahal, maski makalapit lang ako Kay Xander naiinis na sya,”natawa kami parehas sa sinabi ko.
“Hindi lang kay xander kundi sa ibang mga lalaki, he can't stand seeing you with another man, he's selfish and possessive pagdating sa’yo, dati yang Playboy, mabisyo at badboy but believe me he's kindhearted person, hindi lang obvious.”
“Alam ko naman yon frame lang yon pero may totoong mabuting ugali si xedrick kailangan nya lang ng taong tutulong sa kanya para magbago, at para kalimutan ang nakaraan nya,”
“There's someone, for brokenhearted like Xedrick, and the person for him is a psychiatrist, at ikaw yon, the psychiatrist he need,”
Tama sya kailangan ako ni xedrick kaya hindi ko dapat sya iwan, alam ko namang may puwang parin si Catie sa puso nya hindi gano kadali makalimot sa taong minahal mo ng sobra kaya naiintindihan ko at tutulungan ko sya para tuluyang makalimutan ang taong nanakit sa kanya.
“Wag ka sanang magsawang ma-hintay na makalimutan nya si Chandra, she's been in his life for almost a decades kaya hindi maiiwasang mahalin nya si Chandra ng sobra, at hindi biro ang pinagsamahan nila,”napatango ako sa sinabi nya.
“Don't worry maaasahan mo’ko.”Nakangiting sagot ko.
“Nung time na nag celebrate kami ng engagement slight party ni Chandra kila xedrick, we thought that he's okay with it, he already have you akala lang pala namin, sising sisi tuloy yung lima na nag-organize ng party,”napatango ako.
“By the way may sakit kaba or what? Why did you passed out? Don't tell me nakascore kaagad si Xedrick? I am I going to be uncle?”Inirapan ko ito habang Tatawa tawa, natatawa rin naman sya.
“Sira ‘to, dipa pwede baka ibitay ako ng nanay ko ‘no.”
“Kidding!”
Parehas na Lang kaming natawa, pagkaharap naman namin ni Drew Kay xedrick gising na ito, nagulat naman kami.
“Pinagchichismisan nyo ko huh,”
“Kaganina ka pa ba gising?”Tanong ko at tumayo ganoon rin naman si drew, inilapag ko ang pagkain sa ibabaw ng side table.
“I gotta go, by the way kellie get well, you should see a doctor baka malala na yang nararamdaman mo.”sabi ni Drew na nasa pinto na habang nakalagay ang dalawang kamay sa Bulsa ng hoodie nya.
“Malala na, malala na pagmamahal nya sakin,”Sagot ni xedrick, natawa na lang si Drew at umalis na.
“Tara, kain ta’ yo,”Yaya ko rito at binuksan na ang plastic bag na naglalaman ng lunch box, naramdaman ko naman ang pagyakap nya sa likod ko.
“Anong klase ng pagkain? Hindi kase yan ang gusto ko e,”feeling ko pulang pula nanaman ang pisngi ko parang nag-iinit dahil sa sinabi nya, napakagat labi ako.
“Sira ka rin ‘no? e ikaw kaya ang nagpadala nito,”sabi ko habang nagpipigil ng kilig, maya maya natahimik sya.
“Nag-alala ako ng sobra kulot,”Tinagilid ko ang ulo ko at tumigil muna sa ginagawa.
“Alam ko halos hindi ka na nga umalis rito e,”nangunot naman ang noo nya hinarap ko sya, nakahawak parin sya sa dalawang bewang ko.
“How did you know?”
“Sinabi ni drew, Oo alam ko nag-alala ka naiintindihan ko pero hindi ka na dapat nag-stay rito ng matagal, dapat mag-eenjoy ka imbis na nandito buong araw,”Nag-aalala kong sabi sa kanya niyakap Naman nya ako, paharap.
“ang thoughtful mo naman, pero ayaw ko e, mas lalo lang akong mag-alala kung hindi kita makikita,”At hinarap na nya ako para bigyan ng nakaw na halik.
“you're blushing,”nakangising sabi nya, kaya itinagilid ko ang ulo ko, lakas talaga nyang magpakilig sheeeet naman ang aga aga.
“Uyy mukhang bad timing ta’ yo,”napalayo kami ni Xedrick sa isa’t-isa ng marinig namin si Xavier kasama si Oira na nakasimangot at naka-crossed arms.
“Oh? Bakit nandito ka’ yo?”Natitinigan ko ang iritable sa boses ni xedrick, napailing na lang ako sa isip.
“Binibisita si Kellie,”Si xavier, Tinignan nya ako at nginitian ganoon rin ako.
“kung iniisip mong Binisita kita, nagkakamali ka nagpasama lang si Xavier,”mataray na sabi ni Oira na tinanguhan ko.
“Mabuti hindi kami nahuli,”nakangiting sabi ni Xavier.
“Sana nga nahuli na lang ka ’yo,”
Nabaling ang tingin namin Kay xedrick na nakasimangot kinunutan ko ito ng noo, hindi ko sya narinig bubulong bulong kase, psh.
“Huh?”
Napakamot sya sa ulo.
“Wala, ano magtatagal ba ka’ yo rito?”
Parang pinapakiusapan ni xedrick si Xavier sa pamamagitan ng pakikipagtinginan, maya maya ay may binigay na Yogurt at siopao si Xavier saakin, kinuha ko naman yon.
“Kainin na yan, baka makita ni Brent at Jei yan kinuha ko lang yan sa kanila hehe,”ngumisi pa sya at Napakamot sa ulo sinimangutan ko ito, panigurado pag nalaman‘to ng dalawa magagalit uom.
“Nag-abala ka pa, pero sige salamat,”
“Okaaaay, makakaalis na ka’ yo,”Hinawakan ni xedrick yung dalawa sa balikat at pinatalikod, tinulak paalis.
“Tss! Kakarating nga lang namin e!”reklamo ni Xavier.
“Basta magsilayas na ka’yo!”si xedrick.
“Ang harsh mo talaga! Hindi ko talaga malaman why catie loves you so damn much!”si Oira.
Napailing na lang akong naiwan mag-isa, last day na namin rito bukas uuwi na nakakalungkot, actually may Asthma ako inborn at namana ko raw iyon sa tatay ko, hindi ko na naisip dahil ang tanging nasa isip ko lang ay mag-enjoy at hindi mastress sa sakit ko, inatake tuloy ako nag-alala pa sila.
* * * *
“waaaah! Okay ka na ba Kellie? I am sooo worried,”pagkalabas namin ng clinic ni xedrick ay sinalubong kami ni Xander, Lila at nitong si lyra at niyakap ako, mga naka white T-shirt sila at mukhang tumakas lang sa pila, 8:30 AM na kasi at nagsisimula na ang programs, kami naman ni xedrick naka P.E parin kailangan na naming magpalit ng damit para makahabol.
“Oo naman ayos na ko, ako pa ba?”pag-assured ko rito, kumalas na sya sa yakap at hinarap ako.
“You still look pale, may sakit ka ba?”nakanguso at nag-aalalang tanong nya nginitian ko s’ ya.
“Sorry kung hindi ko nasabi kaagad, may asthma ako pero hindi naman ganon kalala,”nakangiting sagot ko.
Hinawakan naman ni Xedrick ang palapulsuhan ko, kaya napatingin ako sa kanya, hinatak naman nya ako ng walang sinasabi.
KAGANINA pa kami naglalakad patungo sa assign rooms namin medyo malayo layo kasi ang clinic kaya medyo matatagalan kami patungo don.
“Why you didn't tell me?”natigilan naman ako sa sinabi nya, hinarap nya ako at ganoon rin ako, tinutukoy nya yung sakit ko.
“sorry, ayaw ko lang mag-alala ka,”
“Iniisip mo parin ang ibang Tao, ibang klase ka talaga, wala ka bang pakealam sa sarili mo?”
Nagdidilim ang mukha nya sa galit, kaya ibinaba ko na lang ang tingin ko dahil nahihirapan akong tignan sya lalo na kung ganyan s ’ya.
“Just this time Kellie, will you please? Wag laging ang ibang tao ang iniisip mo, isipin mo naman ang sarili mo, tignan mo kung hindi pa nangyari yon sa’ yo hindi ko pa malalaman,”Natitinigan ko ang inis sa boses nya.
“Dahil gusto kong maging masaya gusto kong gawin ang lahat ng bagay na sinasabi ng mga doctor na hindi ko dapat gawin na gusto kong gawin! Ano bang masama kung gusto kong sumaya?! gusto kong maging masaya xedrick! Gusto ko this time ayaw ko ng may nag-aalala nanaman saaken! Ayaw kong maging pasanin nanaman ako kaya itinatago ko na lang! Ayaw kong ituring nyo ako na parang walang kwenta na hindi magagawa ang lahat! Ayaw kong kaawaan nyo ako dahil feeling ko ang useless ko! Kahit hindi naman ‘to malala!”tuluyan na akong napahagulhol, kinuha nya ang kamay ko at niyakap ako ng marahan.
“You don't have to be strong all the time, shh hindi ka walang kwenta shh,”
“Kahit may sakit ka at bawal magtrabaho ginawa mo parin, ang thankful ko dahil sa tigas ng ulo mo ginawa mo paring magtrabaho, baka kung hindi, hindi kita makikilala, at kung hindi kita nakilala baka hindi ako magbabago ngayon, let me help you this time,”
Kaya lang naman ako nagtatrabaho ay para sa pamilya ko para makapag tapos, alam ko kaseng nahihirapan na si Mama kaya naghanap ako ng trabaho ayaw pa niya pero nagpumilit ako nagsinungaling ako na wala ng nararamdaman, dahil kung hindi ako kikilos baka hindi ako makapag-aral.
Pag-nalaman ni mama na iniinda ko parin ang sakit ko paniguradong magagalit yon, nung time na nag pa check up ako nagsinungaling ako na wala na ang sakit ko dahil mag-aalala nanaman siya at hindi ako hahayaang magtrabaho para saamin.
“Shh, Tahan na, you can get through this just trust yourself, nandito lang ako hindi kita iiwan, hayaan nating tulungan ang isa’t-isa,”paunti unting gumagaan ang loob ko.
“Sorry, kung itinago ko sorry,”
“I quite understand, ako dapat ang mag-sorry shh tahan na,”
Hindi ko alam kung bakit hindi ko mapigilan ang luha ko.
“Tss, ang cry baby mo talaga kulot,”natawa naman kami pareha sa sinabi nya, Slight ko syang hinampas sa matigas nyang dibdib.
“ikaw kase e! Pinaiyak mo ko!”natatawang isiniksik nya ang ulo nya sa leeg ko.
“wag ka ng umiyak, nahahawa tuloy ako, tignan mo malungkot narin ako,”at hinarap nya ako, nakanguso sya at hinila pababa ang dulo ng mata nya, para tuloy maskara yung mukha nya.
Natawa naman ako kaya bumalik sa dati ang hitsura nya.
“ayan masaya ka na, mas lalo kang gumaganda kung nakangiti ka e,”
“achuchuchu, nambola ka pa talaga ‘no?”
“hindi pambobola ang nagsasabi ng totoo!”
Tumakbo naman ako at ng malayo layo na ako ay hinarap ko sya, nagwave ako pataas naka steady parin sya sa kinatatayuan nya.
“Habulin mo kooo!”sigaw ko.
“Hindi ka pwedeng mapagoood!”sigaw nya pabalik.
Ibinaba ko ang kamay ko at napasimangot, “Bahala ka na nga dyan!”sigaw ko at tumakbo na paalis, naririnig ko pa syang sumisigaw pero hindi ko pinapansin natatawang tumakbo lang ako.
Hmp! Bahala sya dyan maghabol haha.
* * * *
KINAGABIHAN, mabilis lumipas ang oras, kaganina hindi ako ganoon naglaro dahil narin sa sinunod ko ang utos ng Nurse na nagcheck up saakin at sinabi iyon sa mga counsellors kaya hindi nila ako hinayaang maglaro, pero mga light games lang ang pwede kong salihan,
ngayong gabi nagtipon tipon kaming lahat sa gilid ng Bonfire, isa isa naman kaming binigyan ng mga counsellor ng tig-iisang kandila.
“Ah ano pong gagawin namin rito sa kandila?”Tanong ng isa sa mga student.
“The candle symbolize a personal sacrifice to light up it's surroundings, let us think about what people are candles for us,”sabi ni Counsellor Dj.
“My Family!”
“My parents!”
“Ang mama ko,”Bulong ko habang hawak ang kandila na sinidihan sa siga.
Hindi ko namalayan na napapaluha na ako ng maalala ko ang mama ko, namiss ko na sya, ilang buwan na ng hindi kami nagkikita, tanging sa cp lang, kulang ang boses lang ang naririnig ko gusto kong makita si Mama.
“Huhuhuhu, mama kuuu huhu,”
Naramdaman ko naman ang kamay ni xedrick sa likod at hinihimas iyon, matapos ay hinawakan nya ako sa gilid ng ulo ko at idinantay sa balikat nya, hindi parin ako tumitigil kakaiyak kagaya ng iba.
***
XEDRICK’s POV
“Huhuhuhu, mama kuuu huhu,”
Grabe sya umiyak parang wala ng bukas mas malakas pa syang umiyak sa sanggol e, I caressed her back to give comfort, and placed her head in my arm.
She badly misses her mom, parehas lang kami, I miss my mom too kahit lagi syang wala for business trips, wala sya ng mga araw na kailangan naming magkakapatid ng parents for school events, pipirma ng mga waivers, sa graduations namin, wala but still I love her even thought parang wala na syang pakealam saamin.
Crap! Ang drama.
“shh tahan na, tahan na,”
“si hik counsellor hik kase e! Huhuhu hik sya sisihin mo, huhu hik,”
natawa naman ako sa sinabi nya, ang childish nya talaga, pero kahit ganyan sya mahal na mahal ko yan.
Napansin kong kaganina pa tumitingin tingin si xander rito sa gawi namin ni kulot, tuwing tinitignan ko sya ay nahuhuli kong si kulot ang tinitignan nya.
Tss nakakainis! Ano kayang tinitingin tingin nito, may Lyra naman sya bakit hindi yon ang pagsawaan nyang tignan?
“Hey xed! How are things going?”
“Nancy?”I said astounded.
“yup! Oh who is she?”mahinang tanong nya at inginuso si Kellie na iyak parin ng iyak.
“My girlfriend kellie, teka? Ba’t andito ka? Diba dapat kasama mo si Jei? You should catch up with him,”she's Jei's girlfriend ngayon na lang sila nagsama ulit dahil kakatransfer nya lang sa SAU this month she's from Australia, buti nga pinayagan pa syang magtransfer kahit matatapos na ang last semester, palibhasa nag iisang anak ng vice president ng SAU.
“Hmmm, nag-break na kami kanina lang,”hindi na yon bago saakin, I can't count how many times they broke up, magbabalikan rin naman, walang kasiguraduhan ang relasyon nila.
“Oh why you didn't react? Hindi ka nagulat?”
“I'm used to it,”
“Well, by tomorrow baka akin na sya ulit, lol,”sagot pa nya kaya natawa ako’t iiling iling.
“sige na lumayas ka na, moment namin ‘to can't you see?”napasimangot naman sya at marahang tinapik ang balikat ko.
“Break a leg!”
“For what?”kunot noong tanong ko.
“Sa relationship nyo, I hope you two last long you two look perfect for each other, she's pretty and looks so innocent kaya maswerte ka na, baka lokohin mo pa yan hah,”
“Promise hindi kami gagaya sa inyo ni jei, that's not gonna happen,”
“Still lalaki ka parin, attracted lalo na kung mala bombshell na babae, kagaya ko,”Tss Hindi parin sya nagbago.
“Bakit? may balak ka bang akitin ako?”sumimangot naman sya.
“Hell no! Kahit gwapo ka hindi kita papatulan ‘no! Hindi ako pumapatol sa taken! Fyi!”
“Mabuting nagkakaintindihan ta’ yo,”
“I Gotta go,”sabi nya at umalis na, nabaling ang tingin ko Kay Kulot, she's still crying napa face palm ako, iniisip ko kung gaano ba karami ang Luha sa tearglands nya, baka atakihin nanaman sya ng asthma nya tss.
Mahina kong hinampas ang likuran nya kaya napatingin sya saakin, punong puno ng luha ang mukha nya.
Tumayo ako at hinatak sya.
“sa-saan hik tayo hik pu-pupunta? Hik?”
Hinatak ko lang sya papaalis ng walang nakakapansin, imbis na sagutin sya ay naglakad lang ako hatak hatak sya, I Can't stand seeing her crying and I want her to be happy even for a while.
* * * *
KELLIE’s POV
Nagpatianod lang ako sa paghatak nya saakin, medyo madilim dilim na rito sa pinupuntahan namin, mukhang alam nya ang direksyon sa pupuntahan namin o nagpapanggap lang sya na alam nya?
“san ba hik ta’ yo pupunta? Hik,”Bugnot na tanong ko, hindi pa nga tapos yung bonfire e, sana lang talaga walang nakapansin na umalis kami.
“Mareklamo ka talaga tsk”
Napapout na lang ako sa sinagot nya, ewan ko ba sa bakulaw na‘to ang daming alam, bakit kaya hindi sya mag-host balang araw? Tss.
“Nagtatanong ka’ ya ako, hik hmp!”
“Useless ang pagtatanong mo kung nandon narin naman ta’ yo mamaya baby,”ano raw?! Baby? feeling ko pulang pula nanaman ang pisngi ko sa tawag nya saakin.
Pero maya maya lang tumigil sya kaya nagtaka ako, hinarap naman nya ako at may kinuha sa Bulsa ng P.E nya, Blindfold yon.
“Ano naman ‘to?”Kunot noong tanong ko.
“Baka Blindfold?”napairap ako natawa naman sya.
“Surprise ang pupuntahan natin,”sagot lang nya habang nilalagay ang blindfold hinayaan ko naman sya.
Kinakabahan pa ako sa nilalakaran ko pero tuwing naaalala kong nasa tabi ko si xedrick inaalalayan ako nawawala ang pangamba ko, tinutunaw nya yon.
Tumigil naman kami at dahan dahan nya pang tinanggal ang blindfold, medyo nag bu-blur pa ang paningin ko kaya kinusot ko pero, ng luminaw.
May blue carpet na nakalatag sa sahig may aromatic candles, may mga bulaklak pa sa gilid gilid rose petal, napatakip ako sa bibig sa sobrang tuwa.
“Surprise,”Hindi naman ako makapagsalita grabe, hindi ko ine-expect na gagawin nya ‘to as in!
“Since kasal na ta’ yo ngayon natin gagawin ang Honeymoon natin,”Pinanlakihan ko naman sya ng mata.
“hindi ka naman seryoso sa sinasabi mo ano?”Tinaasan ko sya ng kilay, pero ang totoo kinikilig talaga ako hehe.
Hinawakan nya ang kamay ko, nandon parin ang fake na singsing na binigay saamin sa wedding Booth, hindi ko pala natanggal yon maski sya, panigurado piso lang ‘to sa tindahan, pero pinapahalagahan parin namin.
“when you need someone to be there for you, I'll be right there by your side always,”sincere na sabi nya, napangiti naman ako.
“The first time I met you, I didn't imagine you would be so important to me, hindi ko aakalaing magbabago ako ng ganito ng dahil yon sa’ yo thankful ako ng dumating ka sa buhay ko, kaya kung aalis ka hindi ko na alam kung ano ng mangyayari saakin, dahil kulang ang xedrick na’ to kung wala ang kellie na kagaya mo ang bumubuo saakin, ang kumumpleto at bumago saakin, thank you, I love you,”at mabilis nya akong niyakap at marahang hinalikan sa Noo.
Hindi ko na namalayan na lumuluha na pala ako, hindi dahil sa malungkot ako kundi sa sobrang tuwa, hindi ko rin aakalaing magiging importante sya ng ganito saakin.
“Mahal rin kita hik,”
Hinarap nya ako at kunot noong tinignan, pinunasan nya ang pisngi ko.
“Hindi ka ba masaya?”
“Huh? Hindi ah! Sobrang saya ko nga e,”sagot ko habang nakangiting pinupunasan ang pisngi ko.
“Sobrang saya ko kase,”
“Wag ka ng umiyak, kung masaya ka ngumiti ka na lang kaganina ka pa iyak ng iyak baka atakihin ka nanaman?”at napanguso pa sya kaya natawa na lang ako.
“Okay po hindi na po,”
Nanlaki ang mata ko ng bigla nya akong hinalikan, matagal iyon nakapikit na sya habang ako gulat na gulat, at yung feeling na nag slow motion ang paligid, malakas na kumabog ang dibdib ko at parang may paro paro sa tiyan ko na parang kinikiliti ako.
Maya maya lang hindi ko na namalayan na napapikit narin ako at sinasabayan ang halik nya, ipinwesto nya ang dalawang kamay sa bewang ko habang ako ay napahawak sa pisngi nya, tumingkayad pa ako para gawin yon.
Natapos ang maalab naming halikan at parehas kaming hinihingal.
Nilingon nya ang kalangitan kaya ginawa ko rin, may mga bituin, napangiti ako sa ganda, hinatak naman nya ako sa Blue carpet at humiga kami don.
“Eto na yung Honeymoon natin, pero mas gusto ko ata yung iniisip mo,”sabi nya at niyakap ako patalikod.
“Gusto mo bang maging bata ama huh?”mas lalo nyang idinikit ang katawan saakin.
“Bakit gusto mo ba?”hinarap ko sya at hinampas hampas sya Sinalo naman nya ang kamay ko.
“Ang dumi talaga ng utak mo tss!”
“I'm just kidding, nirerespeto ko ang Decisions mo,”napakagat labi ako pinipigilan ang kilig.
Pumwesto sya sa gilid ko at hinapit ako sa bewang, tinignan na namin ang kalangitan.
“Wow ang ganda talaga,”
“Oo ang ganda nga, sobra,”Nakangiti ko syang nilingon, sa akin sya nakatingin imbis na sa kalangitan para syang patay na patay saakin kung makangiti.
“Tss, saakin ka naman nakangitin e,”
“Ang ganda kasi e hehe,”inirapan ko sya at napanguso, bahala nga sya tinignan ko na lang ang kalangitan at nagulat ako sa tuwa ng nakita ko ang paparating na shooting star, tinuro ko yon kaya napatingin sya.
“Mag-wish ta’ yo, may shooting star oh!”mabilis naman akong napapikit at nag wish.
“Sana po gumaling na ako, at sana po hindi kami maghiwalay ni Bakulaw hehe,”
Minulat ko ang mata ko at tinignan si xedrick nakangiti syang nakatingin saakin niyakap naman nya ako, iniunan nya ang braso nya para sa ulo ko.
“Anong winish mo?”Tanong ko hindi parin nawawalawa ang ngiti sa mga labi nya.
“Magkatotoo yung wish mo,”napangiti ako, isniksik ko ang ulo ko sa Leeg nya kaya ramdam ko ang init ng katawan nya sa sobrang lapit namin sa isa’t-isa.
“I love you, more than all the stars in the sky,”
“Ako naman kung gaano karami ang ulap, hindi mabilang, ganoon kita kamahal hindi mo mabibilang,”nakangiti ko syang tinignan saglit ganoon rin naman sya, ibinaling ko na ulit ang paningin ko sa ulap.
Sana hindi na matapos ‘tong gabing ‘to, at kung panaginip man ‘to ayaw ko ng gumising sana wala ng gumising saakin, gusto ko na lang mabuhay ng ganito kasama sya habang buhay.
***
Longest update so far.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top