Chapter Fourthy Eight: Haba ng Hair

This chapter Dedicated to thepinkitty
Kinilig ako sa comment mo hahaha, Salamaaat ❤

Enjoy!


--------------------------------------------------------------------

CHAPTER FOURTHY EIGHT: HABA NG HAIR

KELLIE’s POV

Next Day...

“Ingat po kayo,”

“Mag-iingat ka,”si manang.

“Thank you hija, ofcourse manang thank you, by the way may mga darating maya maya para mag organize ng party, paki antay na lang,”

“Noted po ma'am, ingat po,”sagot ko.

Sinundan namin ni manang ng tingin ang kotse na sinasakyan ni Madame bago kami pumasok sa loob.

Ngayon aalis si manang papunta ng cebu dahil sa business at matapos ay iimbitahan ang mga bisita nya, sa pagkakaalam ko Celebration ng 47th birthday ni Madame.

Tuluyan ng pumasok si Madame sa kotse nakatayo lang kami ni manang
Sa gilid ng daan, ng nawala na sa paningin namin ang kotse ay pumasok na kami sa loob, 5 AM pa lang kaya hindi na naabutan ng magkakapatid ang pag alis ni madame.

Wala sa hitsura ni Madame na mag-47 na sya mukha pa kase syang nasa mid30’s, dahil makinis ang balat nito na parang teenager.


**



“Hmmm, lalalalala,”Humehele ako habang nag mo-mop ng sahig kaganina pa, pagkatapos kong magluto, mamplantsa ng damit nsgdilig ng halaman naghugas ng hugasin naglaba at kung ano ano pang gawaing bahay, ay ito naman ang ginawa ko, bumabawi ako Kay manang kasi dalawang araw syang walang kasama rito ng retreat namin, hindi na bumabata si manang at alam kong nahihirapan narin sya.

Walang pasok ngayon dahil wala ang mga teachers seminar dalawang araw at saktong bukas na darating ang mga bisita ni Madame.

“Hija Tinapos mo ba ang mga hindi ko natapos kahapon?”Tanong ni manang.

“Ah opo manang, isa pa kailangan nyo rin pong magpahinga na muna, kaya ko naman po tsaka dapat po talaga akong maglinis dahil bukas na darating ang mga bisita,”napangiti naman si manang na parang na touch sa sinabi ko.

“Hmm, Osya mamamalengke muna ako,”nginitian ko si manang habang hawak ang mop.

“Kailangan n’ yo po ba ng tulong? Samahan ko na po ka’ yo,”

“Wag na Hija kaya ko na may ginagawa ka pa, maiwan ka na lang,”

“Sige po manang ingat ka,”tumango lang sya bago tuluyang umalis.

Nagpatuloy ako sa ginagawa ko pero Natigilan ng may makita akong isang pares ng paa na nakatsinelas ang nakita ko, pagtaas ko ng ulo ko si xander ang nakita ko, sabi na nga ba e.

Napatayo ako habang sya nakatingin sa kung saan at nakalagay ang dalawang kamay sa bulsa ng khaki short nya, nakasando ito kaya kitang kita ko ang macho nyang braso.

“Go–good morning,”Hindi ko alam kung bakit ako nauuta, tinanguhan nya lang ako at naglakad na paalis ng hindi ako nililingon.

“Sandali,”hindi ako makapaniwalang nasabi ko iyon pero dala siguro ng gusto ko syang makausap, hinarap ko sya ganoon rin naman sya.

As usual expressionless nanaman sya hindi talaga ako sana’y na ganyan sya masayahin syang tao kaya hindi ko alam kung bakit s’ ya ganito.

“What?”

“ah, pwede ba tayong mag-usap?”wala parin syang reaksyon.

“Para san pa?”

Hindi ko alam kung may laman ba ang sinabi nya na may pinapahiwatig sya, kaya nga gusto ko syang kausapin para malaman ko kung bakit nagiging cold na sya saakin.

“Bakit ba parang galit ka saakin? Hindi ko alam kung bakit ka nagkakaganyan saakin e,”simula ko marahan syang lumapit saakin wala parin syang reaksyon.

“So? May pakealam ka parin pala?”nangunot ang noo ko sa sinabi nya.

“Ano? Hindi kita maintindihan xander, magkaibigan tayo kaya sabihin mo naman,”hindi ko na mapigilang mairita sa inaasta nya, hindi ko sya maintindihan.

Hindi sya nagsalita kaya napakuyom ako ng kamao.

“Alam mo! Ako dapat ang nagagalit sa’ yo sa inyo!”Dahil sa sinabi ko ay napatingin sya saakin, kailangan ko pa talagang ibalik yung nakaraan bago nya ako tignan at magsalita.

“What?! Why?”Maang maangan pa talaga sya, Hindi porket kinalimutan ko iyon at napatawad sila hindi ibig sabihin tuluyan kong makakalimutan iyon, sya ang gumagawa ng dahilan e.

“Dahil Pinagpustahan n’ yo ko!”sigaw ko kaya nag echo iyon sa buong salas, natigilan sya.

“Oo pinagpustahan ka namin, pero nagsisisi na kami don, lalo na si xedrick,”si Brent, kunot noo ko itong nilingon, hala narinig nila?! Silang apat.

“Sorry,”si Jei.

“Sorry din,”si Toppher.

“Gusto mo ng Yogurt?”lahat sila nabaling ang tingin kay Xavier na nag ooffer ng yogurt.

“Bakit?”Binalingan na nila ako ng tingin ng hindi pinapansin si Xavier.

“Hindi sa totoo lang, pinatawad ko na ka’ yo sorry nabigla lang talaga ako,”Mabilis ko namang hinatak si xander paalis sa salas, nagtungo kami sa veranda.

“Ngayon sabihin mo na saakin, bakit mo ba ako iniiwasan? Hindi ako sana’y na ganyan ka,”

“Eto naman ang gusto mo diba? Ang pilitin kong mahalin si Lyra kahit hindi ko kaya, kasi ikaw ang mahal ko kellie! Ikaw!”Gulat na gulat ako sa sinabi nya.

Akala ko okay na sila ni lyra, hindi pa pala.

“Pero wala akong sinabing magalit ka saakin, Nagagalit ka lang Xander nagagalit ka lang sa kanya mahal mo si lyra, wag mo ng lokohin ang sarili mo xander,”

“I'm not fooling myself kellie, mahal nga kita ano bang mahirap intindihin don?”

“Sorry kung nakinig ako sa usapan nyo ni lyra, alam ko na kung bakit galit ka sa kanya dahil hindi ka nya naipaglaban, hindi ka nya kayang maipaglaban—“

“Stop it!”

Nagulat ako sa pagsigaw nya, ibang ibang xander na ang kaharap ko ngayon parang hindi sya.

“Hindi mo yon kayang marinig dahil Galit ka lang xander, pero mahal mo nga sya! Maaaring gusto mo ko pero sya ang mahal mo! Galit ka lang dahil sa nagawa nya dati pero mahal mo sya!”minsan gusto kong hampasin ang ulo nya para marealize nya e, pero alam kong kailangan nya ng  oras para maka-pagisip ng maayos.

“Take your time xander, wag mong madaliin ang magpatawad pero Wag mo sanang pag-antayin ng matagal si Lyra dahil ang tao sumusuko rin, baka isang araw napatawad mo na sya pero hindi na sya nakapag-hintay, wag mong hayaan na sumuko na lang sya,”

“Ano bang alam mo sa nararamdaman ko? Wala ka namang pakealam diba?!”

“Hindi sa ga—“

Bago pa ako makapagsalita ay may humatak sa Kamay ko paalis, pero hinawakan rin ni Xander ang kamay ko sa kanan, walang emosyong nagkatinginan sila, nag-aalala naman ako.

“Bitawan mo sya,”Nag-babantang utos ni Xedrick, nabaling ang tingin ko Kay xander sarkastikong nakangisi na ito ngayon.

“E pano kung ayaw ko? Anong gagawin mo?”Napapikit saglit si Xedrick at ngumisi ng sarkastiko, hindi na maganda ang nangyayari.

“Ang kapal rin ng mukha mo ‘no? Concern na nga sa’yo yung tao at nagpapakatotoo ikaw pa tong galit, why don't you accept the fact that she's not loving you—“ pero bago pa matapos ni xedrick ang sasabihin nya ay bigla na lang syang sinapak ni Xander kaya nanlaki ang mata ko.

“Tumigil ka’yo ano ba!”pero parang wala silang naririnig, patuloy silang nagsasapakan kaya nataranta na ako at kinuha ang vase at hinagis yon sa gilid nila kaya natigilan silang dalawa.

Hingal na hingal ko silang tinignan.

“What happened?!”Si Toppher.

“Anong nangyare?”Si Xavier, habang sumisipsip sa yogurt nya.

“Hala! Yung mamahaling vase ni mom,”Gulat na gulat na sigaw ni Brent.

Napatayo ang dalawa na duguan ang mga mukha.

“Bakit ba ka’yo nag-aaway?! Ano nanaman to xander, xedrick?”Tanong ni Jei na iritado, nilingon ako ni Toppher masama itong nakatingin saakin.

“Sino pa bang dapat sisihin?”Nagback out si Toppher matapos sabihin iyon, gulat na gulat naman ako, pati ba naman sya galit narin saakin? Pero may point sya ako naman ang dahilan kung bakit sila nag-away e.

“Top!”sinundan ito ni Jei.

Hindi ko mapigilang mapaluha dahil sa nangyayari, nagkagulo gulo sila ng dahil saakin na hindi dapat.



**




TOPPHER’s POV

“Toppher, hindi kasalanan ni kellie, don't blame her wag mo ng palakihin.”hinarap ko si Jei, sinundan nya ako hanggang rito sa garden.

Alam ko hindi nya ‘to kasalanan.

But Hindi ko alam kung bakit ako nagalit Kay Kellie, siguro sa nararamdaman ko para sa kanya
Argh ang gulo! Sa lahat ng babae, hindi ko alam kung bakit sya ang nagustuhan ko e, damn ang dami daming babae bakit sa kanya pa? Paniguradong bubugbugin ako ni Hazel pagnalaman nyang may natitipuhan na akong babae.

Who's hazel? She's my first love sya ang babaeng pinangakuan Kong pakakasalan balang-araw, pero wala na akong idea kung nasan sya, it's been Years ng makilala ko sya sa Baryo na pinuntahan namin ni mom, baka nga may Boyfriend na iyon.

FLASHBACK:

“Uy tuktok! Andito ka nanaman?”

She's about to punch me but because I'm fast to catch her fist, hindi na nya nagawa, napakunot ang noo ko dahil sa sinasabi nya, para syang tomboy pero ang ganda nya, mommy brought me and my brother xedrick here in Village, bibisitahin nya raw ang kaibigan nya, this was the second time mom brought us here.

sel calling me tuktok cause I introduced myself, ‘top’.

She's sel nagkakilala kami kase sinapak nya ako, ng una kaming nagkita sa puno where she's hanging out, hindi ko alam nandon pala sya.

“you know what? You're so tough, I like you,”Hindi ko alam kung bakit ko nasabi iyon basta nagustuhan ko na sya, even she looks filthy, but I already like her, she scratch her head, napakunot noo sya.

“Hindi kita maintindihan, pero bakit kayo nagpupunta sa bahay nila aswang?”nangunot ang noo ko.

“Who's aswang?”

“Hmmmm, ah sino si aswang? Oh ayun sya oh,”may tinuro naman sya sa malayo layo saamin, may batang nakatalikod, her hair is mess, parang hindi sya nagsuklay ng ilang taon, her hair is also blonde.

“Aswang!”

Nilingon lang nya kame Pero imbis na pumunta rito ay sumimangot lang sya at tinalikuran kami, napakamot sa ulo si Sel.

“Hayaan mo na sya, tinutupak rin kase yan minsan.”Isinawalang bahala ko na lang iyon.

Nilapitan ako ni sel at hinatak ang kamay ko na malaki ang ngiti.“May ipapakita ako sa’yo, babawi ako hehe,”sagot nya habang hatak hatak ako.

“For what? I mean para saan?”

“Susuntukin sana kita e, hehe,”napangiti na lang ako sa sinagot nya, I let her pull me going anywhere, masaya akong kasama si sel, at hindi ko alam kung bukas babalik pa kami rito, but I hope so.

Nakarating kami sa dagat, ang linis ng tubig, the air is refreshing, parang gusto ko na rito palagi, gusto Kong takasan ang magulong buhay namen at sumama makipaglaro kag sel habang buhay.

“Wow ang ganda rito sel, ang ganda,”

“Tuktok,”

“Hmm?”

“Bakit ka saakin nakatingin?”

Natawa kami parehas sa sinabi nya, kaganina lang nasa view ang paningin ko hindi ko namalayan na nasa kanya na pala hehe.

“Gusto mo ko tuktok?”

“Huh?”

“Sabi kase ng mama ni aswang, pag nakangiti ka sa babae gusto mo sya, nalimutan ko tawag ron e,”napakamot sya sa ulo nya, at may inaalala.

“In Love?”

“Yon! Inlab raw,”tuwang tuwa pa sya habang sinasabi yon.

“kaya magpramis ka saakin, hehe,”nangunot ang noo ko.

“Promise?”

“Oo, papakasalan mo ko balang-araw at magkakaanak tayo hehe,”She raised her little finger, hinihintay nya ang saakin.

“promise papakasalan kita, at magkakaanak ta’yo,”

“Susuntukin kita pag hindi ka sumunod ha?”Natatawang tumango ako.

END OF FLASHBACK

Kahit mga bata pa kami pinanghawakan ko iyon, kahit hanggang ngayon si sel parin ang gusto ko, and I wonder if she still remember me, pero gusto ko narin si Kellie.

Ang overreacting ko kaganina, pero sa totoo lang hindi dapat sinisisi si kellie sa nangyare kundi si Xander he can't accept the fact so he's still being in stupid, dumb stage.

“I like Kellie,”hindi sya nagulat.

“Alam ko, Toppher alam ko, among us ikaw lang ang ilag Kay Kellie, ayaw mong lumala ang nararamdaman mo para sa kanya, you can't confess so you bullied her,”

“Pero ilang beses lang yon, kaya paano mo– argh! Fine alam mo na,”

Yung time na magkasama si xander at Kellie, sinadya Kong puntahan silang dalawa, magkasama sila at masaya si Kellie, so I distance myself from her, pero hindi ko napigilang tanungin kung gusto nya ba si xander, kahit obvious gusto ko paring itanggi nya even though alam Kong gustong gusto nya si xander.

I'm smiling looking at her even from a far, naguguilty tuloy ako Kay sel sa pinangako ko sa kanya, naguguilty ako kahit alam Kong imposible narin na magkita kami ulit.

At ng nalaman Kong si Xedrick at Kellie na, I pretend that I am happy for them, damn minsan iniisip Kong ipaalam sa kanya e pero nahuli ako.

“Hindi mahirap mahalin si Kellie kaya hindi na ako nagtaka kung bakit mo sya nagustuhan,”nabaling ang tingin ko Kay Jei.

“Damn, I hate this,”I'm the most distant from her, dahil ang torpe ko.

“Nagkukunyari akong walang gusto sa kanya nararamdaman mo na pala? Tss,”Napangisi naman si jei.

“Hindi ko Ma-imagine na mangyayari ‘to,”he said grinning.

Damn, hindi ko rin akalaing magugustuhan ko si Kellie na dating kinaiinisan ko at gusto Kong mapalayas rito, but everything become unexpected, at alam kong ganto rin si Xander at Xedrick.

“Dapat sinabi mo, nagmumukha tuloy akong tanga,”I hissed.

“Hindi ako mahilig mag-advance sorry haha,”

“Ulol,”

“Hindi ka marunong magpanggap, but nice try top,”keen observer talaga sya nakalimutan ko, damn nakakahiya para akong tanga nagpapanggap pa ko, pero hindi naman siguro naramdaman nung pito yon.

“Pagtinamaan ka nga naman ng pana, ang malala hindi lang isa tatlo pa,”aniya iiling iling. Kung totoo man si kupido. Bwisit na kupido yan ba't sakin pa tsss.

“There's no such things like Cupid,”I

~Baby Baby Baby Jei, sagutin mo ang tawag kooooo.

Napangiwi ako sa ringtone ni jei, damn ang corny, kahit kelan talaga yang girlfriend nya ang weird walang pakealam malait tss.

“I'll take this call, ganda ng ringtone ko diba?”sabi nya, napangiwi na lang ako’t naiiling.




***




KELLIE’s POV

“Kellie, umamin ka nga, pinadala— Hmmmp!”Hindi na natuloy ni Brent ang sasabihin ng takpan ni Xavier ang bibig nito, papikit pikit si xedrick at napapahawak pa sa noo.

“Huh?”

“Wag mo syang pansinin, hehe,”si xavier, Ano kayang problema ng dalawang ‘to?

“Umalis na nga kayong dalawa!”iritang sigaw ni Xedrick, napatayo naman silang dalawa at nagtatalong umalis, kaya kaming dalawa na lang ni xedrick ang naiwan.

Napatingin sya sa ulo ko, nakakunot noo, “Bakit? May kuto ba?”may hinatak naman sya sa ulo ko kaya napangiwi ako.

Hinatak nya ang clip ko na may flower design, napanguso ako sa ginawa nya. “Bakit mo tinanggal?!”

“Gusto mo parin si Xander?”

“Bakit naman nasali si xander rito?!”Tinignan nya ako at hinarap saakin ang clip.

“Galing ‘to sa kanya diba?”nakataas ang isang kilay nya.

“O–Oo ano naman?!”

Nanlaki ang mata ko ng Ibato nya iyon patalikod, grabe! Ang attitude nya talaga, napaka seloso pa. “Bakit mo naman tinapon yon?!”Nakataray parin sya, tss Dinaig pa ko, kung hindi ko lang ‘to kilala iisipin kong bakla ‘to e.

Nag crossed arms sya nakakunot ang noo. “Gusto mo si xander?”napanguso ako, grabe nagseselos parin sya?!

“Medyo lang, hehe”sumimangot sya at aalis na sana sya ng hawakan ko ang braso nya at hinarap saakin, napakaseloso tsss!

“Mahal naman kita diba?”

So ayun ang laki ng ngiti nya, kilig na kilig. “uy! Kinikilig sya!”

Napasimangot naman sya’t napaiwas ng tingin nahihiya namumula pa nga sya e haha, ang cute nya kiligin haha.

Natigilan ako ng hapitin nya ang mga bewang ko, nanlaki ang mata ko kumabog ang puso ko triple dahil sa lapit namin sa isa’t isa lalo pang nag-eye to eye kami, paniguradong pulang pula ang pisngi ko, lumawak ang ngiti nya.

“Ngayon sino kayang kinikilig?”mas lalo nya akong nilapit sa kanya kaya napahawak ako sa matitipuno nyang dibdib.

Bumabawi talaga sya tsss.




**




Galit saakin si Toppher galit rin saakin si Xander, argh! Sana naman wala ng dumagdag, naiintindihan ko si Toppher kung bakit sya galit saakin si Xander nalaman ko na pero bakit ganon? Hindi ko sya maintindihan ang babaw nya, kahit ngayon nagpapakatanga parin sya.

Lumalayo sya saakin dahil gusto nya akong makalimutan, pero ayaw ko naman kase namimiss ko ang masayahing xander, at parang sang-ayon ako na iwasan nya ako para makalimutan nya ako.

Aish! Ang gulo ko, naguguluhan na talaga ako kung anong gusto ko.

Hindi ako makatulog kakaisip sa nangyayari kaya mula sa pagkakahiga napaupo ako at ginulo ang buhok ko.
Napasulyap ako sa Wall clock

sinasabing 11:00 PM na, tulog na tulog na si manang.

Tumayo ako para lumabas, hindi naman ako makatulog kaya magpapalipas na lang ako ng oras sa labas kesa naman tuluyan na akong mabaliw, gusto Kong maglibang.

Nagtungo ako sa pool area sa gilid, malamig na kaya inipit ko ang suot Kong blazer sa katawan ko, napabuntong hininga ako.

“Hmm, magsosorry kaya ako Kay Toppher?”kausap ko sa sarili ko habang naglalakad pabalik balik sa gilid ng pool.

“You don't have to, don't say sorry,”

Nagulat ako at natigilan sa nagsalita, madilim ang paligid kaya hindi ko makita kung sino ang nagsalita.

“Sino yan?”

“Nakalimutan mo ang boses ko huh, dapat na ba akong malungkot?”Naaninag ko si Toppher ng Lumapit na ito saakin, boses nya iyon nakalimutan ko.

“ah ikaw lang pala,”

Nakangiti sya, kaya nagtaka ako, kaganina lang galit sya saakin at ngayon? Ngingiti sya saakin na parang hindi sya nagalit saakin.

“So–sorry pala kung—“

“Ang tigas talaga ng ulo mo, hindi ka nakikinig saakin tss,”napakamot ako sa ulo ko, Oo nga pala.

“Hindi mo kasalanan, kasalanan ko, wala kang kasalanan,”medyo lumapit sya saakin naka jacket sya at naka pjs.

“actually, I have to tell you something wag ka sanang mabigla,”tinignan ko sya na nacucurious ano kayang sasabihin nya, mukhang masaya pa s'ya.

“Paano ko ba sisimulan 'to,”napakamot pa sya sa ulo nya na parang hindi masabi ang gustong sabihin, yung parang aamin sa gusto nya ganoon, pero hindi naman siguro ganoon.

“I like you,”

Nanlaki ang mata ko sa gulat, nabibingi na ba ako? Gusto nya ako? Imposible naman ata yon? Baka naman bingi talaga ako?

“Sabi na nga ba magugulat ka,”

“Malamang, hindi ko naman inaasahan, hindi naman ako assuming 'no,”sagot ko, nakangisi parin sya.

“I wanted to confess to you but my timing was always off,”Tumigil sya saglit at napabuntong hininga. “I was too slow and coward to beat the memories you share with xedrick, pati Kay xander,”

Hala, seryoso ba s'ya? Hindi ko ma-imagine na magkakagusto s'ya saakin sa dami ng babaeng nagkakandarapa sa kanya.

“Pwede naman ta'yong maging mag kaibigan,”sa totoo lang hindi parin ako makapaniwalang nagustuhan ako ni Toppher, sya ang mas malayo saakin at akala ko ang dahilan kung bakit parang ilag sya saakin ay ayaw nya saakin.

“Baka mas lalo akong mahulog sa'yo,”

“Hindi mo naman siguro ako lalayuan diba?”hindi nawala ang ngiti sa labi nya, saglit nya akong binalingan ng tingin.

“Magkapatid kami ni xander pero magkaiba kame, kaya mas gwapo rin ako,”Parehas kaming natawa sa pinagsasasabi nya, Bumuntong hininga sya bago muling nagsalita.

“I felt relieve that i finally confess what i really wanted to confess,”Masayang sabi nya, napangiti na lang ako mabuti naman at Hindi sya galit saakin akala ko talaga e.

“Hindi ko pwedeng pilitin na magustuhan mo rin ako, but I know someday the girl I like will like me back,”tinapik ko ang balikat nya.

“Oo naman, kailangan mo lang antayin, sana mahanap mo rin ang babaeng yon,”at sana nga rin magkaayos na kami ni Xander lalo na sila ni Lyra.



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top