Chapter Fifty Two: Expect The Unexpected
CHAPTER FIFTHY TWO: EXPECT THE UNEXPECTED
KELLIE's POV
"San ba ka'yo galing?!"
"Alam n'yo ba ang dinanas namen kanina ha?!"
"Parang iba kame hah!"
"Xedrick! Napakasama mo!"
"kung magtatanan ka'yo mag-paalam ka'yo!"
Lahat ng tingin nabaling Kay Xavier as usual may hawak nanaman s'yang yogurt, nangunot ang namumula n'yang noo.
"Oh bakit?"
"May Nagtatanan bang nag-papaalam?! Tsaka ano ba ka'yo! Manahimik nga ka'yo! Grabe ang OA ang OA! Jusko!"Bulyaw ko sa kanila na nakapamewang at nakatayo sa harapan nilang lahat.
Kaya lang naman sila ganyan e iniwan namin sila kahapon tsaka nag-alala sila, In-off ni xedrick ang Cellphone ko kasi puro missed calls at messages mula sa kanilang lima mga istorbo raw. So ayan ang iingay ang O-oa pa. Akala nila mag-tatanan na kame jusko mga utak talaga nila.
"Teka isa lang ba kotse ha? Para ka'yong mga tanga,"Si xedrick.
"Alam mo namang hindi pwedeng gamitin 'yon pag nandito si mom! Gago 'to nagkashota lang kinalimutan na."Ungot ni Brent na nakasimangot, napansin kong may pasa sila sa katawan ano nanaman ka'yang meron at bakit pasa pasa sila, may mga bakas pa ng lipstick ukit labi sa mga uniform Nila.
"Ba't ba puro pasa ka'yo? At ano yan lipstick?! Don't tell me nag-bar ka'yo?"Kunot noong tanong ni xedrick at pinasadaha sila ng tingin.
"Nag-jeep kame pauwi, kanina sa jeep pa lang pinaghahatak na kami."ani ni Jei na nakasimangot, marami itong halik sa leeg at pisngi.
"Tsss, alam mo naman ang gwapo dinudumog."
"Langyang mga babae 'yon ang sakit manghatak."
"Yogurt na lang sana ibibigay ko kaso out of stock ako e."nagkibit balikat pa si Xavier at sumipsip sa yogurt matapos magsalita.
"Ang hirap talaga maging gwapo men!"
Paniguradong nagmukha silang standee sa mall na gustong iuwi, sino ba naman ang hindi dudumog sa kanila? Ang gagwapo nila magkakasama pa.
"Eh ka'yo?! San ka'yo galing?!"Chorus na tanong nila, nagkatinginan kami ni Xedrick habang magkahawak kamay.
"Binisita namin si Dad."lahat sila nagulat sa sinagot ni xedrick napatayo pa nga, nilapitan ako ni Brent at bahagyang inilayo Kay Xedrick kaya nangunot ang noo ko.
"Delikado ka kulot, just stay there."
Walan pang ilang segundo pasugod na silang Lima Kay xedrick para ambahan ito ng kanya kanyang sapak. Masama pa silang nakatingin rito.
"Oy! Oy! Fuck! what's that stare for?!"
Maya maya lang ay sinugod na nila si xedrick ako naman nakatayo lang rito, paniguradong gusto rin nilang bumisita ang kaso makasarili 'tong si xedrick so ayon galit na galit tuloy sa kanya mga kapatid nya. Hay ewan.
***
KINABUKASAN:
"Damn, my whole body hurts."Kanina pa daing ng daing si xedrick nanghihingi pa nga ng halik, napapailing na nga lang ako, Bahala
S'ya dyan. Hinarap n'ya akong nakanguso, alam ko na 'yang nginunguso nguso n'ya, malamang gusto n'yan ng halik.
"Please?"Aniya at tinuro pa ang pisngi n'ya na namumula pa.
"Masakit ano? Bunga yan ng kasakiman mo."
"Kasakiman? Tsss, hindi pwedeng sumabit nanaman sila,"Pinapaikot n'ya ang braso n'ya e pano buong katawan ata n'ya hindi pinalampas ng Lima, ganoon nila kagustong mabisita ang tatay nila.
"Hayst ewan ko sa'yo,"napahalukipkip ako sa kinauupuan ko.
"Mas lalo kitang minamahal kung ganyan ka."
Napakagat labi ako sa sinabi n'ya, eto nanaman tumitibok nanaman ang puso ko, paniguradong pulang pula na ang pisngi ko.
"Nako, gusto mo lang ng Halik,"saglit Kong ibinaba ang ulo ko para matakpan ang mukha ko matapos ay itinaas ko rin. Kahit nagmamaneho s'ya ay ramdam kong sumusulyap s'ya saakin.
"Yes so Can I have my kiss baby? My whole body really hurts, I need you,"nagkukunyari s'yang sobrang nasasaktan, sa tingin ko naman ay hindi naman ganoon kalala ang pambubugbog sa kanya ng mga kapatid n'ya. Kaartehan at kalandian n'ya talaga.
"Painkiller, hindi kiss loko ka."
"But you're my painkiller right?"Kanina pa ako nagpipigil rito jusko!
"Kalandian talaga."Bulong ko.
"What?"
"San ba? Ng matigil kana d'yan."Hinarap ko na s'ya kahit pa nahihiya ako kase paniguradong namumula ako. So ayon right after Kong sabihin yon wala pang ilang kurap tumirik na ang sasakyan, oh diba? Adik talaga s'ya sa kiss ko hehe.
"Hmmm, here."Itinuro n'ya ang labi n'ya. Nginisian ko s'ya at dahan dahang inilapit ang labi ko sa labi n'ya, pero hindi pa ako nakakalapit ng bigla n'yang kabigin ang likod ng ulo ko at mabilis akong ninakawan ng halik, nanlaki ang mata ko at mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko.
Hindi ko namalayan na unti unti na akong napapapikit nadadala sa nakakalunod n'yang halik, Maya maya'y natapos ang halik at kapwa kami hinihingal ngunit may ngiti sa mga labi.
"I love you."Ngumiti ako.
"Alam ko... Mahal rin kita,"
"Kulot,"
"Hmmm?"
"May practice pala kami,"Nilingon ko s'ya. Parang hindi s'ya sigurado base sa expression n'ya ng sabihin iyon, kaya nangunot ang noo ko saglit n'ya akong tinignan.
"Ah- ano may gig kami tomorrow so hindi kita maihahatid,"
"Okay lang 'no, kaya ko naman,"
Ngumiti lang s'ya saakin at Binuksan na ang makina ng kotse, as usual magkahawak kami ng kamay. Hobby n'ya na talagang hawakan ang kamay ko.
**
SCHOOL
"Defense here, Defense there! Projects here, Projects there! Gosh! suicidal tong ginagawa naten!"Nakababa ang dalawang balikat ni Lyra habang naglalakad kami, malaki narin ang eyebags n'ya sa dami ng ginagawa, para saakin iniisip ko na lang na natural lang 'tong ginagawa namin para hindi ako gaanong naii-stress. Tambak na talaga ang Gawain lalo pa't patapos na ang last sem.
Parang kailan nga lang ng first day ng school ngayon last semester na, hindi ko na namalayan ang araw.
"Tama ka, pero keri lang 'yan, part of students life naman 'to, isipin no na lang matamis ang bunga ng lahat ng efforts mo,"Tinapik ko ang balikat n'ya para kahit papaano gumaan ang pakiramdam n'ya.
"I just can't help to be stressed, who wouldn't?"Inayos n'ya ang salamin habang nakabusangot, hindi ko naman mapigilang matawa.
"By the way, where's your boyfriend? Bago huh, hindi mo s'ya kasama,"Linta kase yon kaya naninibago 'tong si Lyra e. Gusto pa ngang sumama saakin ang kaso may practice raw sila, Band matters. Pero hindi ko paring mapigilang kiligin dahil sa nangyari kanina.
"Ah, may practice ata sila, alam mo na banda."Tumango lamang s'ya at may nililingon sa hindi kalayuan kaya nilingon ko rin.
"Hey! Lila!"nakangiting kinakawayan ni Lyra si Lila ng makita n'ya kami ay kaagad n'ya kaming nilapitan at saglit pang inangat ang gitna ng salamin n'ya.
"Hi."
"Oh by the way Lila can you help me? I'm a little bit confused sa project ko, gusto ko sanang i-check mo."
"Sure no prob,"Mahinhin namang sagot ni Lila, kaya malaki na ang ngiti ni Lyra.
"Thanks!"
"Parang nahihiya ka pa Lila, don't be shy ako lang 'to,"Nakangiting tinanguhan lamang ito ni Lila, Mahiyain talaga si Lila hindi ko talaga inakala nuong mage-effort s'yang gumawa ng Banner para sa Magical-9 noong intrams, akala ko kasi hindi s'ya yung tipo na may pagka fan side pala ng banda akala ko ang gusto n'ya lang ay magbasa ng libro, mag-aral.
"Couz!"nanlaki ang mata ko ng lapitan ako ni Catie at nakipag-beso pa saakin matapos ay hinarap n'ya akong may malaking ngiti sa labi, yung dalawa naman ay nakakunot boo nagtataka sa kakaibang kinikilos ni catie.
"Cousin?"Sabay na tanong ni Lila at Lyra kaya nilingon sila ni catie at pumantay saakin.
"Yes, got problem with that?"Saglit nagkatinginan ang dalawa, hindi parin makapaniwala.
"How come?"Tanong ni Lyra.
Tumaas ang dulo ng kilay ni Catie, mukhang nagkakainitan na silang dalawa. Hindi na'to maganda.
"seriously? Do you have to ask that? Stupid,"
"Well... Kung itatanong hindi obvious, I didn't imagine mag-pinsan ka'yo,"
"So anong gusto mong iparating?"Jusko sabi na nga ba e, napakamot ako sa ulo ko.
"Nevermind, hindi mo na gugustuhing malaman."At ngumiti si Lyra ng pagkalaki laki pero sarkastiko. Ramdam kong nangigigil na si Catie nagpipigil lamang s'ya.
"By the way couz can you accompany me later? Alam mo na I just want to catch up with my cousin,"Tinignan ko si Lyra at Lila, hala hindi ko alam kung sasama ba ako, lumihis naman sila ng tingin, kaya hinarap ko na lang si catie na nag-hihintay ng sagot.
"I won't take a no as an answer,"napakamot ako sa ulo, kung ganon ba't nagtatanong pa s'ya? nakipagbeso pa saakin si Catie matapos ay umalis na.
"May masama akong kutob Kellie, you have to be careful, lalo na sa babaeng 'yon,"Ngumiti ako at tinanguhan lamang si Lyra. May masama rin akong kutob Kay catie.
"Actually stepsisters ang Mommy n'ya at ang mama ko,"nagulat naman silang dalawa.
"Hindi naman pala ka'yo blood related kung maka cousin akala mo talaga,"Natawa ako sa reaksyon ni Lyra.
"Hayaan mo na, wala sigurong pinsan joke!"parehas silang natawa sa Biro ko.
Maya maya'y may nililingon si lyra hindi ko naman makita kaya nilingon ko na mula sa likuran ko, nagulat ako ng makita ko yung walo na nakatingin sa gawi namin, teka? Akala ko may practice sila? Bakit kaya nandito sila, wala pa ngang isang oras ng hindi kami nagkikita ni xedrick dumiretso na s'ya sa practice room nila, at bakit hindi nila kasama si xedrick.
May kakaiba akong napansin Kay bakulaw kanina, parang nagdadalawang isip pa s'yang mag-paalam saakin.
"Sup girls!"
Hindi ko na namalayan na nakalapit na pala sila saamin.
"Oh nasan ang bakulaw?"Tanong ko kaagad kaya nagkatinginan silang nakakunot noo.
"Hindi mo kasama?"Napasimangot ang lahat sa itinanong ni Brent.
"Nakikita mo? Nakikita mo?"Chorus na tanong nilang lahat kaya nakaagaw ng pansin sa mga dumadaan.
"Tsss,"Busangot ni Brent. Gusto ko sanang matawa pero feeling ko wala ako sa mood para tumawa.
"Akala namen kasama mo,"Nagtatakang sagot naman ni Jei.
"Nasan na ka'ya yung asungot na 'yon himala hindi nakabuntot sa'yo,"Si Toppher na nakakunot ang Noo.
"Nag-paalam s'ya saakin,"Nagulat naman silang lahat at tutok na tutok saakin, nag-hihintay ng sagot.
"Ang sabi n'ya, may practice raw ka'yo ngayon,"Natigilan sila sa sinabi ko, mukhang wala silang kaalam alam kung nasan si Bakulaw.
"Hala, para sa'n naman kami magpapractice? Next Next week pa ang gig namin."Sagot ni Xavier, ayaw ko sanang maghinala pero hindi ko lang mapigilan.
Hindi, hindi ko dapat s'yang paghinalaan... Pero ba't hindi n'ya sinabi saakin kung saan talaga ang lakad n'ya?
"Xander, may alam ka ba? Ba't ang tahimik mo?"lahat kami nabaling ang tingin kay xander yung reaksyon n'ya parang kababalik lang sa wisyo, may malalim s'yang iniisip.
"Huh?"
"Huh? Hay ewan,"Iritableng sagot rito ni Jei at binalingan ako ng tingin.
"Are you sure na wala ng ibang sinabi sa'yo si Xedrick?"seryosong tanong ni Jei saakin, wala talaga s'yang ibang sinabi saakin basta about lang sa practice nila.
"Bukod sa mahal n'ya ako at magpapractice ka'yo Hmmm... wala na."Umiling iling pa ako.
"What if may surprise pala s'ya sa'yo?"
Biglang nawala ang Hindi magandang paghihinala ko sa sinabing iyon ni Xavier, medyo gumaan ang pakiramdam ko, pero napabusangot ako.
"Oh? Bakit?"Walang sabi sabi'y pinagbabatukan nila si Xavier.
"Ang galing mo xavier, wala kang kasing galing as in wala,"sarkastikong sabi ni jei rito na nakabusangot. San naman kaya yung bakulaw na'yon.
***
FAST FORWARD
HALOS segu segundo kong binabantayan ang orasan na nagmumukha na akong timang sa classroom, ni wala na akong natutunan kanina, bakante ang upuan ni xedrick, wala akong ideya kung nasan ba s'ya, nag-hahalo halo ang emosyon ko, pero isa lang ang alam ko excited na akong makita s'ya, baka totoo ang sinasabi ni Xavier baka may surprise s'ya para saakin.
"Excited huh?"Inangkla ni catie ang braso n'ya sa braso ko, hindi ko na namalayan na lumapit na pala s'ya kaya napabalik ako sa wisyo.
"Huh?"
"You look uneasy kanina pa, aren't you excited?"napapansin pala n'ya yon, sabagay sinong hindi makakapansin para nga akong naiihi na hindi mapakali.
Nag-aalanganin akong ngumiti sa kanya.
"Ah- O-oo."Ayaw ko namang magalit s'ya saakin kaya kahit hindi ay sige Oo na nga lang.
"By the way where's xedrick?"napakamot ako sa ulo ko.
"Hindi ko alam."nagtaka s'ya sa sinagot ko, mukhang wala rin s'yang alam kung nasan si xedrick. May bumusina naman kaya ay nabaling ang tingin namin sa Black Ferrari, lumabas d'on ang sa tingin kong nag-babantay kay catie binuksan nito ang pinto sa passengear seat.
"Where do you want to go first couz?"Napaisip naman ako, hindi ko alam kaya nakangiwing binalingan ko s'ya ng tingin.
"Ikaw na bahala."Napaisip s'ya saglit. Matapos ay binalingan n'ya ng tingin ang Driver.
"Manong, Ihatid mo kami sa restaurant ni Mom, faster please."Tumango lamang ang driver at nagsimula ng magmaneho, mukhang alam ko na kung sa'n.
PAYAPA naman kaming nakarating, hindi ko parin mapigilang humanga sa restaurant na'to kahit pa pangalawang beses ko ng dating rito.
Pagkaupo naman namin ay wala pang tinatawag si Catie ay may dumating ng waitress, may dala itong dalawang menu na ibinigay saaming dalawa.
"Good afternoon ma'am catie,"Hindi iyon pinansin ni catie dahil nakatutok ang tingin n'ya sa menu, nginitian ko ang waitress pero hindi ako nito ninilingon, problema nito. Bahala na nga.
"Couz you can choose whatever you want to eat, wag ka mahiya since family naman ta'yo,"Slight lang akong ngumiti bilang sagot.
"Sa totoo lang busog ako kahit Itong iced tea na lang,"
"No, pumili ka, hmm so I guess hindi ka na magpapapilit so ako na ang pipili for you,"conyong sagot nito wala naman na akong nagawa ng sumagot na s'ya.
"Hmm Buffalo wings with fries and rice, what do you think?"Napatango na lang ako, sa totoo lang nagugutom na talaga ako hehe, nauuna lang talaga hiya hehe.
"Beef Brisket then fruitbomb iced tea."
Matapos makuha ang order ay kaagad ng umalis ang waitress.
Nakakarelax rito isama pa na may music nakakatanggal stress kahit tignan mo lang ang ambiance mapapahanga ka at saglit na mawawala ang mga problema mo.
Luminga linga ako sa paligid napako ang tingin ko sa babaeng nasa Kabilang side malayo layo ito sa kinauupuan namin pero nakikilala ko kung sino iyon.
Si Chandra.
Smile in your Heart By Harana (Originally By Ariel Rivera)
~I had a feeling that your holding my heart and I know that it is true
You wouldn't let it be broken apart
'Coz it's much to dear to you.
Mas lalong lumaki ang ngiti n'ya ng nag-iba ang kanta, paniguradong kasama n'ya ang fiance n'ya, pero hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako.
Hay napaparanoid talaga ako pag wala si Bakulaw.
~Forever we'll be
Together no one can
Break us apart
For our love truly be a wonderful
Smile in your heart...
~When the night comes
And I'm keeping your
Heart how I feel so
Much secure
~You wouldn't let
Me close my eyes so I can
See you through and through...
~You're a sweet tender lover
We are so much in love
I'm not afraid when you're far away
Just give me a smile in your heart...
Maya maya'y medyo nawala ang malaking ngiti ni Chandra ng tumayo ang kasama n'ya, iyon din ang dahilan para magulat ako't masaktan. Kahit nakatalikod ito sa gawi ko alam kong s'ya iyon at nakumpirma kong s'ya iyon ng bahagya n'yang itinagilid ang ulo.
So eto ang surprise? Ito na yata ang pinakamasakit na surprise na nasaksihan ko.
Kasama n'ya ang ex n'ya at wala akong kaalam alam, bakit hindi n'ya saakin sinabing makikipagkita pala s'ya rito, girlfriend n'ya ako at may karapatan akong malaman kung s'an s'ya pupunta, ang mas masakit pa d'on nagsinungaling s'ya, hindi n'ya sinabi ang totoo, anong dahilan n'ya? Nasasaktan ako sa posibleng dahilan.
"Couz! Why were you crying?!"Binalingan ko ng pilit na ngiti si catie at pinahid ang luha ko, hindi ko na namalayang lumuluha na pala ako.
"Alis na ko,"mabilis kong sagot at tumayo na, dali dali akong lumabas hindi ko na alintana ang tawag ni Catie gusto ko na lang makaalis sa lugar na 'iyon, hindi ko alam kung san pupunta basta naglakad lakad na lang ako, panay ang pag-iyak ko at hindi ko alam kung kailan ako titigil.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top