Chapter Fifty Three: On The Rocks

***

CHAPTER FIFTHY THREE: ON THE ROCKS

KELLIE's POV

10+ Misscalls 20+ messages... Lahat 'yon naggaling sa magkakapatid pero ni isa wala akong pinansin gusto ko muna mapag-isa bago ako umuwi, ayaw ko munang umuwi ayaw ko muna s'yang makita.

Bakit hindi n'ya sinabi? Ano bang balak n'ya?

Tuwing iniisip ko 'yan napapaluha ako, mga konklusyon na pwede n'ya akong iwan at sumama sa ex n'ya, Dahil hindi n'ya sinabi saakin na makikipagkita s'ya rito base sa hitsura ni Chandra masaya s'ya, halos mababaliw na yata ako kung anong dahilan kung bakit s'ya masaya.

Paranoid na kung Paranoid O oa na Kung oa pero hindi ko mapigilan dahil hindi ko alam kung ano ang dahilan, bakit sila magkasama, at hindi ko pa 'yon alam samantalang girlfriend n'ya ako kaya may karapatan akong mainis o magselos.

Hindi ko rin alam kung sa'n patutungo tong relasyon namin dahil alam kong maraming nakaharang, nakakapagod pero kahit ganoon alam ko namang magkasama kaming bubuwagin ang mga nakaharang na 'yon, pero paano kung ako na lang pala ang gumagawa n'on?

Hindi ko alam kung sino ba talaga ang nasa puso n'ya.




***




XANDER's POV

"10 am na wala parin si kulot nasan ka'ya s'ya?"

"Hoy Top nagreply na ba?"

"Hindi pa,"

"Na'san ka'ya s'ya?"

"Nag-aalala na ako, LQ sila ni Xedrick panigurado, hanapin na ka'ya naten?"

Kaagad akong pumasok sa practice room dahil sa pinag-uusapan nila, damn! Kellie is missing!

Nagulat ang ilan sa kanila sa biglaang pagpasok ko, but I don't care, mas mahalagang malaman ko kung nasaan si Kellie, wag lang talagang malaman kong nagloloko si xedrick lagot saakin 'yon.

"Where's Kellie?!"

Iginala ko ang tingin sa paligid wala rin si Xedrick, nasaan ka'ya silang dalawa. Walang sumagot dahil may sinisilip sila sa likod ko paglingon ko nakita ko d'on si Xedrick, hindi n'ya kasama si Kellie ka'ya mas lalo akong kinabahan.

"Oh? Sa'n ka ba galing tol?!"

"Sa'n ka galing?"Nabaling ang tingin nito saakin dahil sa itinanong ko, seryoso ang tingin na ipinupukol ko sa kanya so his forehead crinkled, maya maya'y nagbago ang reaksyon n'ya, hindi s'ya makasagot at naglihis pa ng tingin kaya napakuyom ako ng Kamao, He can't answer, Hesitation plastered all over his face.

"Are you cheating on Kellie?"His forehead crinkled again.

"Ano bang tanong yan?! Na'san si kulot?"Maang-maangan ang gago..

"Nasan si Kellie? Why don't you ask that to yourself? Bakit ano bang ginawa mo? Para hindi s'ya umuwi,"Sabi ko at nagtaas ng Noo, gulat na gulat s'ya ng may ma-realize.

"Sh!t"Tatakbo na sana s'ya paalis pero hinawakan ko ang braso n'ya para hindi s'ya makaalis.

"What the! Bitawan mo ako!"Ng tuluyan s'yang nakawala ay masama n'ya akong binalingan ng tingin, tingin n'ya ata magpapatalo ako sa kanya. Once na saktan n'ya si Kellie hindi ko na hahayaang gawin n'ya ulit 'yon.

"Pag tama ang hinala ko, asahan mo kukuhain ko s'ya sa'yo!"Banta ko rito, He smiled sarcastically.

"Well... That's not gonna happen!"He hissed.

"Siguraduhin mo lang,"

Inis n'ya akong tinalikuran pero bago pa s'ya tuluyang makaalis ay nakatayo si Catie sa harapan namin humahangos ito at mabilis na itinuro si Xedrick, masama ang tingin kaya nangigigil kong itinagilid ang ulo ko.

"You! Why are you cheating on kellie?!"Inis na sigaw nito kaya napasinghap yung pito.

"Ano?! Paano?!"Chorus na tanong nila.

"Chandra and Xedrick were dating, sakto dumating kami sa restaurant where they were having their secret relationship, They're stabbing Kellie behind her back!"Masamang binalingan ni Catie ng tingin si Xedrick.

"You! Liar!"

"No! That's-"

Sabi na nga ba, tama ang hinala ko, hindi naman aalis ng ganon si Kellie ng hindi nagpapaalam, mabilis kong inambahan ng suntok si Xedrick bago pa s'ya makapagsalita at ipagtanggol ang sarili.

May umaawat saakin pero hindi ako nagpapaawat, pinagkatiwalaan ko 'tong g@gong 'to! Yun pala lolokohin lang si Kellie.

"She didn't fvcking deserve an assh*le like you!"

Ng maipaglayo na kaming dalawa ay mas maga ang mukha n'ya putok ang labi n'ya at kilay, kulang pa 'yan sa ginawa n'ya kay Kellie, kulang...

"Kung alam ko lang na lolokohin mo s'ya, lumaban pa sa'na ako! T@ngina akala ko matino ka tol! Tandaan mo, Kukuhain ko s'ya sa'yo!"Sigaw ko at nagpipilit na pumiglas pero mahigpit ang kapit saakin.

"Xander..."

Lahat kami nabaling ang tingin sa bagong dating, biglang Bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig ko ang boses ni Lyra, hindi ko alam kung bakit, pero nasasaktan akong makita s'yang malungkot, damn!

"Lyra..."

Mabilis s'yang tumakbo, She wiped off her tears damn nakokonsensya akong makita s'yang nagkakaganyan, mabilis ko s'yang hinabol tinatawag ang pangalan n'ya.

She was about to open the gate but I caught her in her right arm, hinarap ko s'ya saakin so I can see her sad face. Pero nagbago ang expression n'ya naging cold at pinunasan ang pisngi n'ya.

"Let me go."Mahinhing utos nito pero hindi ko ginawa, mas lalo kong idiniin ang kamay ko sa braso n'ya pero sapat lang para Hindi s'ya masaktan.

"No, we have to talk,"She looked at me sarcastically.

"Talk for what? Gusto mo bang pag-usapan at ipamukha saaking pinapaasa mo lang ako? Is that what you want to talk about?"marahas n'yang hinatak ang braso mula sa pagkakahawak ko.

"I am fed up xander, pagod narin akong humingi sa'yo ng kapatawaran araw araw at iparamdam sa'yong sising sisi ako sa mga naging decisions ko noon!"

"Anong klaseng sorry ba ang gusto mo para patawarin mo ako at mahalin ulit hah?!"Hindi ako nakapagsalita, pinaghahampas n'ya ang Dibdib ko at tuluyan na s'yang napahagulhol.

"How can I break this stone huh?"Hinuli ko ang pulos n'ya at niyakap s'ya pero nagpupumilit s'yang makawala, nasasaktan rin akong makita s'yang nagkakaganito.

"Let me go! Tama na siguro Xander, maybe I have to stop chasing you, you're hurting me even more,"Ramdam kong basa na ang Polo ko dahil sa hagulhol n'ya. Kumawala s'ya mabilis na tumakbo paalis wala akong nagawa...

I am always fvcking stupid napakatanga ko pagdating sa babaeng mahal ko, I let her turn her back on me again, she left me dumbfounded.

I let the girl I love leave me again...

She doesn't deserve me.




***




JEI's POV

TUMAHIMIK ang lahat ng tuluyang makaalis ang dalawa, I didn't thought this coming, Akala ko okay na si Lyra at Xander at si Xedrick naman at Kellie, pero akala ko lang pala masyado kasi akong tutok Kay Nancy since hindi na kami LDR.

"Tol, totoo ba?"pagputol ni Ashe sa katahimikan.

"Of course not! Hindi ko ipagpapalit si Kellie Kay Chandra, catie were the one who's lying, They Frame me up,"napaatras si Catie at napalunok ng ilang beses ng binalingan namin s'ya ng tingin.

"No! That's not true! Ri-right Brent?"Talagang ginamit pa si Brent para tulungan s'ya, maling mali s'ya ng hiningian ng tulong.

"Blood will always be thicker than water catie,"nanlaki ang mata ni catie at namutla pa, hindi rin ako makapaniwala head over heels tong si Brent kay Catie but I guess Realization were hit Brent, narealize n'yang hindi s'ya magugustuhan nito dahil alam n'yang patay na patay si Catie Kay Xedrick.

"Alam mo hindi ako pumapatol sa Babae kaya kung ayaw mo umalis ka'na,"Banta rito ni Xavier kaya mas lalo s'yang namutla At takot na umatras.

"Anong nangyayari rito?"

Lahat kami nabaling ang tingin Kay Mom na kadarating lang na nakakunot noo at clueless na nakatingin saaming lahat, nabuhayan naman ng dugo si Catie at dali daling lumapit Kay Mom.

"Ma, pinagkakaisahan po nila ako!"Gulat at galit naman kaming nilingon ni Mom, tsss Ma kaagad ni hindi nga papayag si Xedrick sa kasalan.

"What?! Bakit ninyo pinagkakaisahan ang Soon to be Sister-in-Law ninyo? Hindi magandang pag-uugali iyan!"sigaw ni Mom na halos mag-echo sa buong mansion, nako pag talagang si Mommy nakakatakot daig pa Pinuno ng Isis e.

"Xedrick! What happened to you?! ganyan ninyo ba dapat i-congratulate ang kapatid ninyo?!"Napapangiwi na lang ako sa lakas ng boses ni Mom, hindi naman namin pwedeng pigilan 'yan baka sakmalin na kami e.

"Ka'yong lahat! Go to Library now!"Utos ni Mom kaya nagtatakang itinuro ng tatlo ang sarili nila, tuluyan ng umalis si mom kasama si catie na sarkastikong nakangiti saamin.

"Tol hanapin mo si Kellie, kami ng bahala rito,"Ngumiti si xedrick at paulit ulit na nagpapasalamat.

"I owe you guys! Babawi ako,"

"Kahit wag na saakin mabait naman ako e,"Pagyayabang ni Toppher.

"Aba dapat lang! Bili mo ko one box na yogurt,"Tinanguhan lang ni Xedrick si Xavier at mabilis na tumakbo paalis.




***




KELLIE's POV

NAPAGDESISYUNAN ko ng umuwi tutal isang oras at mahigit narin akong narito, isa pa ang sakit mangagat ng mga lamok baka hindi pa ako nakakauwi ng mansion wala na akong dugo.

Hayst parang ayaw ko pa nga e, gusto ko sanang tumuloy kina Lila o Kay Lyra ang kaso nahihiya ako, hindi naman pwedeng umuwi ako kila mama e masyadong malayo isa pa ayaw kong mag-alala 'yon. Oa pa naman ni Mama.

Tumayo ako at napabuntong hininga naglakad ako papuntang estasyon ng Tricycle mabuti na lang at alam ko pauwi hindi naman ganoon kalayo ang mansion rito sa park, mga kalahating oras lang kung sasakay.

Wala ng tao kaya medyo kinakabahan ako halos bilang na lang ang dumadaan dahil malapit ng mag 11 am.

Sa hindi kalayuan may mga lalaking nagkukumpulan kung hindi ako nagkakamali uniporme iyon ng kabilang school na malapit sa Saint Anthony, bigla kong nahawakan ng mahigpit ang strap ng bag ko dahil ang isa sa kanila ay lumingon sa gawi ko at itinuro pa ako.

Mas lalo akong natakot ng lumapit sila saakin... Jusko mahigpit sampu sila napapikit na lang ako saglit sa takot nanginginig na ang kalamnan ko, sana naman hindi pa ito ang katapusan ko.

"S'ya ba 'yon?"

"Oo! Kilala mo si payatot? yung may kasamang dalawang botchog?"

"Anong meron sa mga panget na 'yon?"

"Shota raw ni xedrick yang babae sabi nilang tatlo,"

"Raw?! Hindi ka sigurado?!"

Payatot na may kasamang botchog? Teka! Sila yung tatlo na kumidnapp saakin at dumating n'on si Xedrick para iligtas ako.

Napaatras ako ng malapit lapit na sila saakin lahat sila Sila mga nakakatakot na aakalain mong ex-convict, puro tattoo ang katawan nila at parang sanay pumatay!

"Nasa harapan narin natin e ba't hindi n'yo pa itanong? Ang tatanga n'yo!"Binatukan ng Mataba yung dalawang tingin kong alagad n'ya, napakamot yung dalawa sa ulo kung saan sila nabatukan.

"A-anong kailangan n'yo?!"Nginisian ako ng tingin kong pinuno nila.

"Malaki."

"E boss s'ya ba talaga 'yon? Mukhang hindi naman papatulan ng isa sa mga magical 9 yan e,"Napanguso ako sa inis sa sinabi ng isa sa kanila, aba't! Nagsalita yung gwapo!

"Tanga ang mga yon, luw klas kaya hahanap rin sila ng kauri nila,"napakuyom ako ng kamao, Si Xedrick ko?! Low class?! Aba hinayupak 'to ah, e parang alalay nga lang s'ya ni xedrick e!

Ayiieee! Pinagtatanggol!

"Ikaw yung shota ni xedrick?"Nagtaas ako ng Noo at nakangusong hinarap sila kahit medyo natatakot ako ay nagtatapang tapangan ako nakakainis yung pinagsasasabi nila e!

"O-Oo ako nga!"

"Talaga?"sabay sabay na tanong nila pwera d'on sa walking Letchon nilang leader.

"Oo nga! Ba't nagtanong pa ka'yo kung hindi ka'yo maniniwala?!"Inis na bulyaw ko sa kanila kaya nagkatinginan silang lahat sa isa't isa, mga bwisit kung makalait parang ang ga-gwapo e.

"A-aalis na ko,"Mahinang usal ko't nanginginig, Tumagilid ako sa kanila para umalis na ang kaso may humawak sa braso ko, yung isang ubo na lang magiging abo na hinatak ko pabalik ang braso ko hindi ako nahirapan, papaanong hindi e parang wala ngang humawak saakin.

"Kailangan ka namin Miss, kaya sasama ka saamin sa ayaw o sa gusto mo,"Nangunot ang noo ko sa leader nilang nakakatakam kasi mukhang letchon.

"At ano naman? Pera? pasensya na Sa susunod na linggo pa sahod ko, advance ka'yo mag-isip huh,"Masama naman akong tinignan nung Botchog.

"Kuhain n'yo na 'yan,"

Nanlaki ang mata ko ng nagsimula na akong hawakan nung tatlong lalaki, bigla nanaman akong kinabahan ng sobra at pilit na kumakawala, pero may itinapal silang panyo sa bibig ko na alam kong may kung anong gamot ka'ya hindi na ako nakapanlaban at nanghina, at tuluyan na nga akong nilamon ng Kadiliman.



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top