Chapter Fifty: Something's Odd
CHAPTER FIFTHY: SOMETHING'S ODD
KELLIE's POV
Nagising ako sa bisig ni Xedrick, habang s'ya ay nakadagan ang braso sa bewang ko, napangiti ako ng masilayan ko ang mukha n'ya.
Hindi ko muna s'ya ginising dahil mahimbing pa ang tulog n'ya, Kaya ang ginawa ko ay hinimas ko pababa ang bridge ng matangos n'yang ilong, tumigil ako sa ginagawa ng Tumalikod ito saakin ng natutulog kaya niyakap ko na lang s'ya patalikod.
Nabaling naman ang tingin ko sa wall clock na sinasabing 5:30 AM pa lang, Bigla ko namang naalala si manang na tinakasan ko pala kagabi, dahan dahan akong umupo para hindi magising si xedrick at napahilamos bago tumayo para lumabas, kailangan kong humingi ng pasensya, paniguradong hinanap na ako n'on.
Pero hindi pa ako nakakatayo ng pumulupot ang braso ni xedrick sa bewang ko mas lalo pa n'yang idiniin para hindi ako makaalis, napailing ako at marahang ngumiti.
"Hmmm, good morning,"aniya habang umuungol pa, pagkalingon ko sa kan'ya ay nakapikit parin s'ya natutulog, napangiti ako.
"Morning,"
Saglit lamang ang katahimikan dahil nagsalita na ako kaagad."Kailangan ko ng bumaba,"
Dahil sa sinabi ko ay mas lalo n'yang isiniksik ang sarili saakin kaya napabuntong hininga ako hindi dahil sa galit kundi nakukulitan ako sa kan'ya, napailing ako saglit.
"Ano kaba, hindi naman ako lalayo 'no, isa pa may pasok na ta'yo,"Mahinhin kong paliwanag rito dahilan para dahan dahang kumalas ang braso n'ya sa bewang ko, at tumagilid na parang nagtatampo.
"Nagtatampo ka ba?"No response kaya napabuntong hininga ako, grabe naman 'to magtampo, para namang last hug na n'ya 'yon saaken e.
"Silent means yes so nagtatampo ka nga,"hindi parin n'ya ako hinaharap, kaya naglakad ako sa kabila kung saan nakaharap s'ya, nagulat ako ng natutulog pala s'ya, mahina akong natawa, parang nakikipag usap tuloy ako sa hangin natutulog pala s'ya, hindi rin pala s'ya nagtatampo haha.
Tumayo naman na ako para umalis na pero pagkatayo ko ay hinawakan n'ya ang kamay ko dahilan para lingunin ko s'yang nagulat.
"I thought you already left, hmm,"Pilit n'yang binubuksan ang mata n'ya na halatang antok na antok parin, masyado pa kasing maaga.
"Aalis na sana talaga ako,"
"Wag ka ng umalis,"aniya sa inaantok na boses napangiti naman ako, hindi parin n'ya iminumulat ang mata.
"Hindi pwede, kailangan ako ni manang,"Nanahimik s'ya saglit pero hawak parin n'ya ang kamay ko.
"Pero mas kailangan kita,"
Kumabog ng malakas ang dibdib ko sa sinabi n'ya parang feeling ko naman ay lahat ng dugo sa buong katawan ko ay nagtungo sa buong mukha ko, gosh! Ayan nanaman s'ya ang galing talaga n'yang magpakilig! Tuluyan ng namulat ang mga mata n'ya dahilan para ilihis ko ang tingin ko sa kanya, nahihiya kase ako e!
"Tss, look at me! Nagseselos tuloy ako,"para naman akong sunod sunuran sa inutos n'ya, malaki ang ngisi ng mapupula n'yang labi.
"Saan ka naman nagseselos? Sa pader?"napakamot ako sa ulo ng humagikgik s'ya, nakatingin ako sa pader ng maglihis ako ng tingin.
"Yes,"nangunot ang noo ko.
"Huh? Bakit naman?"
"Because I want you to only look at me, wag ka namang unfair,"Natatawang inirapan ko s'ya, hay ewan ang dami n'ya talagang alam pero sa totoo lang kinilig ako wahahah.
"loko loko ka talaga, syempre hindi naman sa lahat ng oras nakatingin ako sa'yo 'no,"Napangiti s'ya sa sinabi ko, maya maya ay hinatak n'ya ako dahilan para mapatili ako't mapahiga sa matitipuno n'yang dibdib, nakangiti s'ya habang ako gulat na gulat sa paghatak n'ya at ang tibok ng mga puso namin naghahalo.
Ng matauhan ay mabilis akong tumayo, hindi ko na kaya baka himatayin na ako sa sobrang pagtibok ng puso ko, Nanginginig ko namang tinuro patalikod ang pinto, feeling ko pagka magsasalita ako ay manginginig ang boses ko.
"Si--sige aalis na ko,"Hindi nga ako nagkamali.
Mabilis naman na akong naglakad paalis baka humabol pa s'ya e pano ayaw n'ya akong paalisin na parang hindi kami magkikita ng matagal, napapailing na lang ako habang naglalakad paalis.
**
Nagtungo ako sa Kusina para hanapin si manang matapos kong magtungo sa banyo para gawin ang morning rituals ko, nakakahiya kanina may morning glory pa ako, paniguradong nakita ni xedrick 'yon, akala ko pa naman natanggal lahat haist!
Pagdating ko naman sa kusina ay natigilan ako sa narinig at dahan dahan naman akong nagtungo sa gilid para pakinggan ang usapan sa loob kahit alam kong bawal at paniguradong masasaktan lang ako.
"Bagay na bagay si catie at Xedrick,"Sabi ni manang.
"You're right manang, nuon pa man gusto ko silang magkatuluyan, 'yon ang plano namin ng kaibigan kong si Claudia, ang ipakasal ang mga magiging anak namin,"naitungo ako ang ulo ko at napakagat sa labi sa sinagot ni madame, tama ang hinala at kinatatakutan ko e, paniguradong tututol si madame sa relasyon namin ni xedrick.
Hindi ko na kayang marinig pa ang pag-uusapan nila kaya malungkot na lang akong umalis, tulala ako ng napadaan ako sa salas kaya hindi ko namalayan ang nakabunggo ko, masyado akong lutang kaya hindi ko na ito namalayan.
"Pasensya na,"Paumanhin ko at tumungo, wala naman s'yang imik kaya naglakad na ako paalis pero hindi pa ako nakakaalis ng magsalita s'ya dahilan para matigilan ako.
"Good morning,"nanlaki ang mata kong nilingon s'ya dahil binati n'ya ako at malaki ang ngiti n'ya saakin na ngayon ko na lang ulit nasilayan, alam kong walang bakas ng galit sa mga ngiti n'ya.
"Ngayon lang ba kita binati?"Dahan dahan akong umiling, madalas n'ya akong batiin kaya hindi ko 'yon makakalimutan.
"Hindi,"
"Bakit gulat na gulat ka?"Ipinamulsa n'ya ang dalawa n'yang palad sa khaki shorts n'ya, habang ang mga ngiti n'ya ay hindi parin nawawala.
"Ah..." hindi naman ako makapagsalita, ewan ko ba parang tinakasan ako ng dila ko o wala lang talaga akong maisagot.
"I'm sorry,"
"Para san?"
"Dahil iniwasan kita na hindi ko dapat ginawa, nagmamalasakit ka na nga may gana pa akong magalit.."Saglit s'yang natahimik.
"And for blaming you not loving me, at alam kong wala ng pag-asa... But I still want to fight for you."
Napaawang ang bibig ko sa huling sinabi n'ya, hindi ko aakalaing sasabihin n'ya iyon, akala ko okay na sa kanya ng sandaling ngitian n'ya ako't kausapin, akala ko rin na narealize na n'ya kung sino ba talagang mahal n'ya pero akala ko lang pala.
"Xander..."
"I know. You can't love me back. Pero gusto ko paring subukan na baka mahalin mo rin ako,"Malumanay ang mata n'ya ng sabihin n'ya iyon.
"Sorry xander.. Pero si xedrick ang mahal ko, alam kong alam mo 'yon, please isipin mo si Lyra mahal ka ni Lyra,"
"But I don't love her anymore,"
"Pero yun lang ang akala mo, galit lang 'yan xander.. Oo wala akong alam sa nangyari sa inyong dalawa o sa nagawa n'ya pero tao si Lyra nagkakamali kaya sana mahanap mo ang kapatawaran sa kanya,"
Hindi ko alam kung ilang beses ko ba dapat na sabihin sa kan'ya, bago s'ya matauhan hindi ko alam kung bakit ganito katigas ang puso n'ya.
"She choose someone else over me, she has one night stand with that fucking someone, at yung mas masakit, kami pa ng mga panahong 'yon.."Malungkot ang mga mata n'ya ng sabihin n'ya iyon.
"Tinaggap ko kase mahal na mahal ko s'ya na okay lang, pero mas pinili n'ya parin ang lalaking yon, and now? She really has a guts that she wanted me back after all what she did,"Nawala ang lungkot pero napalitan iyon ng galit.
"Hindi pwedeng habang buhay ka na lang galit sa kan'ya xander. Patawarin mo s'ya maaaring hindi ngayon pero hinihintay n'ya iyon dahil mahal ka n'ya xander."Wala ako sa lugar para diktahan ang dapat n'yang gawin pero masyado na n'yang sinasaktan ang sarili n'ya.
"Hangga't hindi mo parin s'ya pinapatawad patuloy ka paring masasaktan. Tama na xander wag mo ng pahirapan ang sarili mo at si Lyra, mahal na mahal ka nung tao at alam kong ganoon ka rin sa kan'ya,"
"kung mahal n'ya ako bakit n'ya ako sinaktan? Why the fuck she choose someone instead me? Kung mahal n'ya ako ang sakit naman n'yang magmahal,"itinaas n'ya ang ulo n'ya para pigilang tumulo ang nagbabadyang luha.
"Pakinggan mo ang side n'ya malay naten may valid reason s'ya sa mga naging desisyon n'ya noon, minsan kasi kailangan nating makinig sa sasabihin ng iba para maliwanagan ta'yo at isa sa mga dahilan para makawala sa sakit,"Dahan dahan akong naglakad para tapikin ng marahan ang balikat n'ya.
"Nandito lang ako xander bilang kaibigan mo handa akong makinig, at pag-usapan n'yo 'yan ni Lyra, sana naman this time makinig ka na,"Nakangiting sabi ko.
"Sana nga ganon na lang kadali Kellie, but I'll try even thought it will going hard for me to make things up with her,"Medyo nakangiting sagot n'ya.
"Tama 'yan, try lang ng try malay mo mag work out naman in the end, ika nga there's no harm trying,"
"Pero seryoso, nagkaroon ba ako ng lugar sa puso mo?"Unti unting nawala ang ngiti ko ng sandaling itanong n'ya 'yon. Hindi ako makasagot ewan ko pero ang alam ko ayaw kong ma-dissapoint s'ya sa maaaring maging sagot ko.
"Nevermind, of course not, that's only for xedrick. that bastard... Were so lucky to have you."aniya na nakangisi, parang pinapahiwatig ng ngisi n'ya na nasasaktan s'ya.
"Actually meron.."
"Pero hindi kagaya Kay xedrick,"saglit kaming natahimik pero naputol kaagad dahil nagiging awkward na.
"Kaya 'wag ka ng umasa saakin xander, ayusin mo ang dapat ayusin kasama si Lyra, magiging maayos rin ka'yo,"Nakangiting sagot ko dahilan para ngumiti s'ya at alam kong sincere ang mga ngiti n'ya.
"But once he hurt you, Nandito lang ako," Tumango ako bilang sagot.
Masaya ako na okay na kami ulit ni xander hindi ako mapapalagay kung hindi kami magiging okay dahil hindi ako sanay na hindi kami nag-uusap, at sana tuluyan naring maging maayos silang dalawa.
***
KASALUKUYAN na akong naglalakad patungo sa kusina para tumulong Kay manang at para narin magpaliwanag dahil sa pag-indian ko sa kanya nakakahiya naman kung hindi ako magpapaliwanag.
Naabutan ko s'yang nag luluto ng Breakfast.
"Manang.."
"Oh ikaw pala Hija, paki suyo naman ng sibuyas,"sabi nito habang nakatalikod na mabilis ko namang sinunod.d"Manang pasensya na po, kung iniwan ko ka'yo kagabi."Paumanhin ko habang kumakamot sa ulo ko.
"Bakit nga pala hindi ka bumalik ineng? Akala ko e ano ng nangyari sa iyo,"Aniya habang naghahalo sa scramble eggs na hinaluan n'ya ng sibuyas na gusto ng magkakapatid.
Patay. Wala akong maisagot, hindi naman pwedeng magsinungaling ako mas lalo lang akong makokonsensya, syempre kailangan ako ng gabing yon sino ba naman ako para umalis e kasambahay lang naman ako.
Napakamot na lang ako sa ulo habang nangiwi. "Ah-- ano po.."
"May kuto kaba ineng? Bakit kamot ka ng kamot? nako dapat mag-suyod ka hindi maganda sa babaeng may kuto."naalala ko si mama ng sabihin 'yon ni manang, hayst namimiss ko na ang mama.
"Ah hehe, sige po mamaya,"Sagot ko.
"ah manang..."
"Hmm?"Tanong n'ya ng hindi ako nililingon.
"pasensya na po talaga kagabi, Nagka LBM po kase ako e,"Saglit n'ya akong binalingan ng tingin, nakokonsensya tuloy ako, hindi ko naman pwedeng sabihin ang totoo kaya no choice ako.
"Wala naman akong magagawa, o'sya dalhin mo na yung mga pagkain sa hapag."mabilis ko namang sinunod ang inutos ni manang.
Wala pa ang magkakapatid siguro napuyat kagabi, hindi ko mapigilang mapangiti ng maalala ko si xedrick.
"Oh? Bakit ngingiti ngiti ka?"Gulat na gulat kong binalingan ng tingin si Jei at nagbubutones pa ng uniporme na kadarating lang, umupo na ito.
Feeling ko pulang pula ang pisngi ko sa hiya. "wa--wala,"
"Ah okay, pakiabot naman ng scramble eggs, thanks."Sinunod ko naman ang utos n'ya.
Saglit pa ay isa isa naring nagsidatingan yung Lima kaya umingay napapailing na lamang ako sa isip. Si xedrick naman ay kinindatan ako kaya ayun kilig na kilig ako hindi ko nga mapigilang mapangiti.
"Dito ka Kellie,"Tumayo si xedrick para hilain ang upuan na katabi ng sa kanya, hindi na ako nagdalawang isip.
"Sheeet! humohokage!"Natatawang sabi naman Brent na tinatapik pa and balikat ni xedrick."Ano nga palang nangyare kagabi? Ba't lock yung pinto mo xed?"si Jei na ngingisi ngisi at tinitignan pa ako sumunod si xedrick.
"Ulol, saamin na lang 'yon tss chismoso,"iiling iling na sagot ni xedrick.
"Masyado pang maaga para magpa-gatas ka xedrick. Mahal ang gatas bata,"Gatong naman ni Xavier na natatawa.
"Ba't gatas bata? May gatas ano pa ba?"painosenteng tanong ni Toppher na inilingan ko na lang, napaka green minded talaga nitong mga 'to tss.
"Mga siraulo ka'yo!"bulyaw ni xedrick sa kanila, tinawanan lang nila si xedrick.
"Payong kapatid lang, kalma tol. Tsaka protection din minsan ha? Wag mo masyadong madaliin delikado,"Si jei dahilan para pamulahan ako, grabe nasa harap sila ng paglain yan ang pinag-uusapan nila hindi ba sila nandidiri?
"Nga naman, tsaka pre kung uutang ka man saakin, pasensya na grounded ako ng one year kaya wag ako ang lapitan mo si Brent,"hindi ko alam alam kung nagbibiro ba 'tong si toppher o hindi e tsss.
"Anong ako? Kingina walang wala ako ngayon. Si jei dapat! sa kanya ipapamana ang malaking kumpanya e!"
"Gago! Wag ako hindi ako ang hahawak ng ganoong kalaking kumpanya, baka si xander,"napahawak na lang ako sa ulo sa pinagsasasabi nila, jusko talaga nasa akin parin ang V-card ko kailangan ko pa bang sabihin 'yon?!
"Ba't ako? Nananahimik ako."nakangusong sagot ni xander.
"Pano ba 'yan Toppher,"
"Wala ako sorry."
"Mga gago talaga ka'yo,"bulyaw ni xedrick sa kanila na nakasimangot. Hay ewan ko ba sa kanila para silang mga ewan nag-iisip na ng kung ano ano. Hindi pwede yung pinag-iisip nila minsan I iniisip ko kung pag-umpugin ko kaya mga ulo nila ng tumahimik sila. Tsss.
***
Katulad dati sabay sabay kaming papasok sa school, at sana lang talaga maging payapa ang biyahe jusko ang sakit talaga sa ulo pagka kasama sila puro murahan, pero nakakatuwa silang tignan kahit papaano.
Hinatak naman ako ni xedrick palabas ng hindi kasama yung lima, pinapunta kase sila ni madame aliah sa office n'ya rito sa mansion kaya kaming dalawa lang ni xedrick, e hindi na siguro makapag antay kaya hinatak na ako papunta sa kotse.
Pinagbuksan n'ya ako nh pinto at ng nakapasok na ako ay umikot s'ya para pumasok sa driver's seat Narinig ko ang pagclick hudyat na ni-lock n'ya ang mga pinto nangunot ang noo ko.
"Ba't nilock mo?"Hindi n'ya ako sinagot pero nagsimula na s'yang iistart ang makina.
Lumingon ako sa likod at natatanaw ko ang magkakapatid na humahabol sumisigaw pa nga, paniguradong magagalit ang mga 'yon. Nagtatakang binalingan ko ng tingin si xedrick na walang pakealam at diretso lang ang tingin.
"Hindi ta'yo papasok ngayon,"
"Ano?!"
"Don't you remember? Sinabi ko sa'yo kagabi, Pupuntahan natin si dad,"Napatango ako, Oo nga pala bakit ba nakalimutan ko 'yon. Haist.
**
HAWAK hawak ni Xedrick ang kandila at Basket na puno ng puting bulaklak para ilagay sa puntod na nabili n'ya sa gilid ng kalsada.
Mabilis naman kaming nakarating sa tapat ng isang Mausoleum ng Pamilya Anderson, Kung saan nakalibing ang Lola n'ya ang magulang ng Dad n'ya pati ang tita n'ya na kapatid naman ng Dad n'ya. Naabutan pa namin ang nagwawalis walis sa gilid.
"Mang Berto?"Kaagad kaming nilingon nung Matandang nagwawalis at ng makita n'ya si xedrick ay malaki itong napangiti lumapit ito saamin at tinanggal ang sumbrero.
"Oh? Ikaw na ba ang anak ni Dante?"Napangiti si Xedrick ng tignan ito ni mang berto mula ulo hanggang paa na hindi makapaniwala.
"Opo mang Berto, kamusta na po?"
"Mabuti naman, eto naglilinis parin ng sementeryo hanggang ngayon."at itinaas pa nito saglit ang walis tingting na hawak, nabaling naman ang tingin nito saakin.
"By the way Kellie si Mang Berto dati naming guwardya, Mang Berto si Kellie girlfriend ko po."ngumiti naman ako Kay Mang berto.
"Magandang araw po,"Bati ko rito.
"Magandang araw rin ineng, Oo nga pala dadalaw ba ka'yo?"Salit salit naman n'ya kaming tinignan, ng tumango si xedrick ay naglakad si mang berto na sinundan naman namin na nagsisimula ng buksan ang gate.
"Mabuti'y naglinis ako rito kahapon sakto at bumisita ka'yo."
Tatlong libingan ang narito at bawat isa ay may litrato ang mga bulaklak ay mga nalalanta na at tingin kong ilang buwan ng narito, pinalitan iyon ni xedrick ng bago maski ang kandila.
"O'sya maiwan ko muna ka'yo,"Tinanguhan at pinasalamatan ni xedrick ang matanda at tuluyan na nga itong umalis.
"I think it's been years since ng huling bumisita ako rito."Hinawakan ko ang kamay n'ya dahilan para mabaling ang tingin n'ya saakin na nakangiti.
"Kahit papaano maswerte ka kase may nadadalaw kang ama, samantalang ako wala ni hindi ko manlang s'ya nakikala."Pero okay narin saakin kahit hindi ko s'ya makilala tutal ganoon rin naman s'ya saakin dahil kung hindi, hindi naman n'ya ako aabandonahin.
Nagkatinginan kami ng himasin n'ya ang kamay ko gamit ang mga daliri n'ya, pero saglit lang iyon.
"You still have me kulot, hindi kita iiwan,"Binalingan ko ulit s'ya ng may matamis na ngiti sa mga labi.
"Masaya akong nakilala ang dad mo bakulaw, paniguradong hindi tututol saatin ang papa mo, nakangiti s'ya saatin oh,"tinuro ko pa ang litrato sa ibabaw ng puntod. Hindi ko alam kung bakit may kakaiba akong naramdaman ng makita ko ang litratong iyon pero isinawalang bahala ko na lang. kung ano ano nanamang pumapasok sa isip kong hindi ko maintindihan
"Tama ka, dahil kahit kailan hindi tumutol si dad sa mga gusto ko he let me do the things i wanted to do lagi syang nakaagapay saakin at saaming magkakapatid, he's the best father I've ever know, I'll promise, I will be like him someday."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top