Chapter Fifty Six: Complicated Situation


A/N: First of all gusto ko munang i-dedicate ang story na 'to kay shaniyaabdul dahil kinilig ako sa comment mo at mas lalo akong ginanahan hehe, salamaaat! ❤ then shout out kay Badgurlbae Hi! hihi.

Enjoy!

****





CHAPTER FIFTY SIX: COMPLICATED SITUATION

KELLIE’s POV

MATAPOS Kong umalis sa garden ay nagtungo na ako sa kwarto ni Xedrick, oras na makabalik ako d'on ay hindi na ako aalis dahil gusto kong ako ang makita n'ya pag-gising n'ya.

“Oh! Kellie,”Tawag saakin ni Jei kasama sila Xavier, Toppher, Brent may hawak silang mga gamit at pagkain Nilapitan ko naman sila.

Kahit may bangas ang mga mukha nila lumilitaw parin ang pagiging gwapo nila ka'ya ayun kilig na kilig ang mga babaeng nurse na parang maiihi sa sobrang kilig, na bawat dumadaan ay napapalingon sa kanila, sino nga ba namang hindi.

“Nga pala, Binili kita ng mga clothes or whatever na kailangan mo,”Sabi ni Jei at Inabot saakin ang Dalawang malaking paper bag, nagulat pa ako ng makita ko ang tatak ng paper bag, paniguradong Branded ito.

Magsasalita sana ako pero inunahan ako ni Toppher.

“Tsss, gaya gaya ako dapat magsasabi n'on,”Natawa na lang ako sa inasal n'ya.

“By the way, Hindi ko na kailangang sabihin kung ano 'to same lang 'to kay Jei,”Dagdag n'ya at kumamot sa ulo. Ganoon rin Branded rin ito pero iba naman ang Tatak.

“Hep hep! It's my turn hehe,”si Xavier.

Napakamot ang tatlo sa kani kanilang ulo ng ilabas ni Xavier ang tatlong yogurt na nasa Plastic bag.

“Surprise!”

Maski ako hindi ko mapigilang mapakamot, bago s'ya umuwi kagabi Dalawang yogurt ang binigay n'ya na hindi ko maubos sa sobrang tamis. At ngayon yogurt ulit, hay ewan bahala na nga, laman tiyan rin naman 'to e.

“Matatawag pa bang surprise 'yan e nakikita na nga n'ya kanina pa,”si Brent.

“Hindi na ako nagtaka na 'yan ang ibibigay mo,”si Toppher.

“Pambihira ka Xavier, gusto mo yatang ma-diabetes si Kellie e, Bugbog sarado ka talaga kay Xedrick pagnagkataon,”si Jei.

Napapailing na lang ako sa kanilang magkakapatid hayst ewan hindi ako masanay sanay sa kanila, sa away nila. Madalas man silang mag-away pero alam kong hindi nila ka'yang mabuhay ng wala ang isa't-isa.

“Shut up! Sarap ka'ya neto,”Ani ni Xavier. Hindi na ako choosy kinuha ko na lang ang bigay n'ya.

“And of course, fruits for you Kellie, masustansya 'yan,”At kumindat pa si Brent, kinuha ko ang basket na puno ng prutas.

“Bakit ako ang binibigyan n'yo? Diba dapat si Xedrick?”Tanong ko, ano ka'yang pumasok sa isip nila at ako ang binibigyan nila ng ganito na dapat kay Xedrick dahil saaming lahat s'ya lang ang nakaratay, isa pa hindi ko naman kailangan ang mga 'to dahil may gamit naman na ako pero kung iisipin grasya narin naman 'to.

Pero bago pa sila makasagot sa tinatanong ko ay biglang may mga Students ng SAU ang nandito at may kanya kanyang dala na sa tingin ko ay para kay Xedrick, Grabe ang bilis namang dumating ng Balita sa school samantalang kailan lang nangyari.

“So sa tingin ko hindi na nga n'ya kailangan,”Sabi ko habang nakatingin sa mga nagkukumpulang halos maghugis puso ang mga mata samantalang ang iba ay malungkot.

“Hindi nila maibibigay ang mga 'yan,”Kunot noo kong binalingan si Jei ng sabihin n'ya iyon.

“Huh?”

“Si Catie ang kukuha, pero hindi 'yon malalaman ni Xedrick dahil itatapon n'ya lang ang mga yon,”

Bigla naman akong nainis dahil d'on, isiping ang mga effort ng iba na hindi naman para sa kanya s'ya pa ang nagdedesisyon kung anong gagawin sa mga 'iyon. Grabe talaga ang ugali n'ya.

“That's the reason why he's wondering why no one would attempt to gives him gifts,”Ani Brent iiling iling.

**

Ng dumating ako sa pinto kung saan ang kwarto ni Xedrick ay wala na ang mga fans n'ya, paniguradong pinaalis ang mga iyon ni Catie.

Pagkapasok ko ay nagulat ako ng Si Chandra ang naabutan ko, masyado s'yang malapit kay Xedrick na halos halikan na n'ya, at ng mapansin n'yang dumating ako ay gulat ang rumehistro sa buong mukha n'ya at naglilihis pa ng tingin.

“Anong ginagawa mo?”

Biglang nag-bago ang timpla ng Reaksyon n'ya.

“I am the one who should ask you that, what are you doing here?”Hindi ko alam kung paano n'ya nasasabi ang mga 'iyan samantalang alam n'yang girlfriend ako ni Xedrick.

“Girlfriend n'ya ako ka'ya nararapat na nandito ako para bantayan s'ya, hindi ko alam na may Ahas na pa lang nakapasok,”Mahina pero madiing sambit ko sa kanya dahilan para taasan n'ya ako ng Kilay.

“What did you say?”

Dahan dahan n'ya akong nilalapitan habang inis na nakakunot ang Noo, Bigla na lang n'ya akong tinulak ng mahina sa Dalawang balikat ko pero kahit mahina ay napaatras parin ako.

Sa tingin n'ya hindi ko malalamang kasabwat n'ya ang kapatid n'ya para magkalabuan kami ni Xedrick.

“You know what? I can't stand seeing you with Xedrick, so back off B!tch, He's still mine,”Mariing saad n'ya.

Ibang iba s'ya kumpara ng una ko s'yang nakita na parang mas maamo pa sa tupa, pero ngayon mukha s'yang Lion na gusto akong kainin.

“This wouldn't have happened to Xedrick if it weren't for you! At kung nakinig ka lang sa kanya hindi 'to mangyayari sa kanya!”

Napakuyom ako ng kamao sa sinabi n'ya, bigla ko na lang naitungo ang ulo ko dahil bigla akong na-guilty sa sinabi n'ya, tama s'ya ako ang dahilan kung bakit comatose si Xedrick.

Hindi ko na napigilan ng tuluyan ng bumagsak ang mga luha ko.

“And what? Iiyak iyak ka ngayon? Mas mabuti pang layuan mo na si Xedrick! Before you cause him any more trouble,”Dahil sa sinabi n'ya ay mabilis akong nagtaas ng ulo at iiling iling na Hinarap s'ya.

“You don't have any idea what will happen soon, sinasabi ko sa'yo...“

Hindi ko s'ya maintindihan, ano ba ang pinagsasasabi n'ya? Mariin n'ya akong tinignan, bago muling nagsalita.

“Layuan. Mo. Si. Xedrick.”

“At bakit? Hindi kita maintindihan, desperada ka lang ba ka'ya mo sinasabi 'yan?”Lakas loob kong sagot dahilan para mas tumaas ang kilay n'ya.

Pero maya maya'y nagbago ang Ekspresyon ng mukha n'ya sa kaninang nagdi-dilim, ngayon ay para na s'yang maamong tupa.

Nagulat pa ako ng marahan n'ya akong hawakan sa dalawa kong balikat. Parang kanina lang ay parang gusto n'ya akong patayin at ngayon ay para s'yang maamong tupa. hindi ko alam kung may sakit ba s'yang Bipolar pero mukha nga.

“I warned you, Leave xedrick, ayaw mo naman sigurong mapahamak s'ya right?”

Hindi ko talaga s'ya maintindihan, ano bang ibig n'yang sabihin?

“A-anong ibig mong sabihin?”

Pero imbis na sagutin n'ya ang tanong ko ay bigla na lang s'ya umalis at iniwan akong nagtataka, ano bang ibig n'yang sabihin? Hindi ko alam kung dapat ba akong maniwala sa kanya O hindi.

Pero paniguradong nag-babanta s'ya saakin para layuan ko si Xedrick. Hindi ako sigurado kung 'iyon nga, at kung tama man ang hinala ko o hindi, wala akong pakealam hindi ko iiwan si Xedrick, wala akong dahilan para iwanan s'ya, mahal ko si s'ya.

At sigurado na akong parehas kami ng nararamdaman.

Alam ko na ang lahat, Nilinaw saakin nila Jei kanina ang lahat, at masaya ako na nalaman ko na ang totoo.

Bumalik lamang ako sa aking wisyo ng mag-ring ang cellphone ko, si mama ang tumatawag ka'ya mabilis kong sinagot ang answer button.

(“Anak! Jusko! ang kapatid mo si Budang!”) Halos umiiyak na panimula ni mama.

Halos mailayo ko naman ang Cellphone ko sa tapat ng tainga ko dahil sa lakas ng boses ni mama, kinabahan naman ako dahil baka may masamang nangyari sa kapatid ko.

“Anong nangyari ma?!”Hindi ko na napigilang mapasigaw dahil sa kaba.

(“Nasagasaan s'ya nak, umuwi ka na,”) Napahilamos ako sa sinabi ni mama at saglit na nilingon si Xedrick.

(“Iti-txt ko sa'yo ang bagong address, anak ta'yo ta'yo lang ang nakakaalam naiintindihan mo?”) seryosong sabi naman ni mama dahilan para magtaka ako, lumipat? Bakit?

“Huh? Bakit po ka'yo lumipat?”

Kung hindi man sila nakabayad ng renta ng bahay, hindi pwedeng mangyari 'iyon dahil sa lunes pa maniningil ang Landlord at bukas mismo ako magpapadala.

(“Basta, sasabihin ko sa'yo pag-punta mo rito, siguraduhin mong walang susunod sa'yo naiintindihan mo?”)Hindi ko maintindihan. Ano bang pinagsasasabi ni mama? Hindi ko s'ya maintindihan.

Dahil sa pagtataka ay Sinuklay ko ang Buhok ko mula sa noo ko.

“Kung tungkol po 'iyan sa Bayad ng renta, pakisabi po muna—“ Hindi ko na napatos ang sasabihin ko ng biglang magsalita si mama.

(“Hindi, Sasabihin ko sa'yo pag-uwi mo rito, sige na nak mag-iingat ka d'yan,”) Hindi pa ako nakakapagsalita ng Patayin na ni mama ang tawag. Maya maya'y natanggap ko ang Message ni mama ng bagong address.

Mukhang kailangan ko talagang umuwi, mukhang may mahalagang sasabihin saakin si Mama. May pakiramdam akong may hindi magandang nangyayari.

Nalulungkot na nilingon ko si Xedrick na nasa malalim parin ng pagkakatulog, nilapitan ko s'ya at marahang hinawakan ang kamay na may nakakabit na IV.

“Mukhang hindi mo ako makikita pag-gising mo...”Hindi ko nanaman napigilan ang luha ko pero mabilis ko 'iyong pinunasan, babalik pa ako kaya hindi dapat ako mag-alala, makikita ko parin naman s'ya. Pero ayaw kong magising s'ya na hindi n'ya ako makikita At ganoon rin ako pero hindi pwede dahil mas kailangan ako ng pamilya ko, panigurado namang magiging maayos si Xedrick rito kahit wala ako, isa pa hindi naman ito ang huling pagkikita namin, babalik ako para sa kanya.

“Kailangan kong umalis, sana maintindihan mo, hindi ako magtatagal bakulaw ko,”Halos mapiyok ako dahil sa pagpipigil ko ng luha.

“Babalik ako, Babalikan kita...”

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top