Chapter Fifty One: Affected?
A/N: Pasensya po kung matagal akong mag-update Nagiging busy na po kase ako sa school, pero tinatry ko po talagang mag-UD :) at sa word naman po na 'kaganina' na 'kanina' dapat, sorry po mas sanay po kase ako sa word na kaganina, dahil po 'yon sa paraan ng pagsasalita rito sa lugar namen i-eedit ko na lang po salamaaat!
Enjoy!
***
CHAPTER FIFTHY ONE: AFFECTED?
KELLIE's POV
MATAPOS ay nakangiti kaming lumabas ni Xedrick sa Mausoleum habang magkahawak ang mga kamay, masaya akong nakilala ko ang tatay ni xedrick kahit pa patay na ito.
Nakangiti kong nilingon si xedrick pero nagulat ako ng nakakunot noo ito nagtataka na nakatingin sa kung saan kaya nilingon ko rin kung saan ang tinitignan n'ya, nagulat naman ako sa nakita.
"Chandra?"
Tama si Chandra kasama ang Fiancé nito magka-holding hands rin sila at parehas ng nakatingin rin saamin matapos ay lumapit.
"Hi,"Nakangiting bati ni Chandra saamin.
"Anong ginagawa n'yo rito?"Kunot noong tanong kaagad ni xedrick matapos nila kaming lapitan, sino kaya ang pinunta nila rito.
"We're visiting our Unborn child."sagot naman nung lalaki habang nakangiti pero halatang nalulungkot na ganoon rin naman si Chandra.
"What?"
Hindi makapaniwalang tanong ni xedrick. Bakit ba parang gulat na gulat s'ya? Hindi na ba pwedeng magkaanak 'tong dalawa? Bakit ba ganto na lang s'ya magreact.
"You heard it right xedrick, nagkaanak kame but the baby were unlucky to see the world,"sagot naman ni Chandra, saglit namang natahimik si xedrick na parang may malalim na iniisip kaya nagtaka na talaga ako.
"Yon ba ang rason kaya mo ko iniwan at hindi na binalikan?"May hinanakit ang boses ni xedrick ng itanong n'ya iyon, naibaba ni chandra ang ulo at nagpapahiwatig na tama ang tanong. Mas dumiin ang hawak ni xedrick sa kamay ko.
"I'm sorry.."Nagdilim ang mukha ni xedrick sa galit, hindi ko mapigilang makaramdam ng selos dahil naaapektuhan parin s'ya sa nangyari kahit na matagal na, nacoconfuse tuloy ako kung sino ba talaga ang tunay na mahal n'ya.
Maya maya'y walang sabi sabi'y hinatak na n'ya ako para umalis na kami d'on, hindi ko naman mapigilang lingunin sila, yakap yakap na si chandra ng fiancé n'ya habang umiiyak sa matitipuno nitong dibdib.
Ng makarating kami sa kotse n'ya ay mabilis n'yang pinaandar ang makita kanina pa walang imik. Naitungo ko na lang ang ulo ko at napakagat labi saglit, mahal n'ya parin kaya si Chandra?
"Kung mahal mo parin s'ya naiintindihan ko.."Bulong ko na sa tingin ko ay narinig n'ya dahil bigla n'yang itinigil ang kotse sa gilid. Kunot noo n'ya akong tinignan.
"What the hell are you talking about?"Malungkot ko s'yang nilingon. Hindi na n'ya kailangang i-deny nararamdaman ko naman e. Kagaya ng sinabi ni Drew Mahirap makalimutan ang taong minamahal mo na ng sobra. Pero kahit ganoon hindi ko naman s'ya iiwan dahil nangako akong Tutulungan ko si Xedrick na makalimutan si Chandra.
Pero hindi ko alam kung mangyayari pa 'yon. Na makalimutan n'ya si Chandra. feeling ko rebound lang ako.
"Hindi mo naman kailangang I-deny e, wag ka mag-alala nangako naman akong tutulungan kitang kalimutan mo s'ya,"saglit ko s'yang nilingon na ngayon ay napapahawak sa ulo.
"I'm just mad okay? Dahil sa tagal ng panahon ngayon n'ya lang sinabi, I have the right to know and to get mad, but that doesn't matter anymore tapos na, I'm sorry."
Hindi na ako nakapagsalita baka kung ano pang masabi kong ikakagalit n'ya o ikakasira naming dalawa, kung hindi na mahalaga yon bakit parang apektadong apektado s'ya? Hindi ko s'ya maintindihan. Hindi ko mapigilang makaramdam ng selos hindi ko lang talaga mapigilan.
Nilingon ko lang s'ya ng hawakan n'ya ang kamay ko.
"Are you jealous?"
"Bakit naman?"Inilihis ko ang tingin ko, pero nakita ko sa peripheral vision ko ang pag-ngisi n'ya at mas diniin pa ang hawak sa kamay ko pero hindi ako nasaktan.
"You don't have to be jealous, mahal kita kulot okay?"Hindi ko s'ya nilingon dahil natatakot akong makita ko sa mga mata n'ya na nagsisinungaling lang s'ya. Ibinaling ko lang ang mata ko sa harapan.
"Please look at me."Pero hindi ko parin s'ya nililingon, kaya natigilan s'ya saglit.
"Sorry hindi ko ka'ya."bulong ko pero sa tingin ko hindi iyon nakawala sa pandinig n'ya kaya napabuntong hininga s'ya at s'ya na mismo ang nagharap ng mukha ko sa kanya. Nagsusumamo ang mukha n'ya.
"Bakit?"
"Wala.."nakangusong sagot ko dahilan para mahina s'yang tumawa.
"Nakakatawa?"Hindi parin s'ya tumitigil kakatawa, kaya nangunot ang noo ko habang nakanguso.
"I badly want to kiss you right now,"Nanlaki ang mata ko kaya hindi na ako ngumuso, sa labi ko s'ya nakatingin. feeling ko pulang pula nanaman neto ang buong mukha ko, gosh!
"So, bakit hindi ka makatingin saakin?"Nakangising tanong n'ya at binitawan na ang mukha ko kaya idiniretso ko ang tingin ko sa harap.
"May-- may.."napakamot ako sa ulo at napapangiwi, wala akong maisagot. Ayaw ko lang siguro madissapoint s'ya kaya hindi ko masabi ang dahilan na pinagdududahan ko s'ya na ganoon na nga.
"May ano?"
"May stiff neck ako!"sigaw ko ng hindi s'ya nililingon. Syempre may stiff neck nga diba?
Bigla nyang pinaandar ang sasakyan kaya saglit ko s'yang Nilingon ng hindi n'ya nakikita
"San tayo pupunta?"
"Hospital."seryosong sagot n'ya kaya pinanlakihan ko s'ya ng mata at nilingon kaya Itinigil n'ya ang kotse sa gilid at nilingon akong iiling iling kaya napalunok ako. Gosh! Akala ko tapos na! Mukhang nahuli na n'ya ako.
"Now tell me, why you can't look at me? Gwapo naman ako."nagtatakang tanong n'ya, napahawak ako sa ulo ko saglit. Haist pag ganito talaga walang magpapatalo saamin e.
"Wala."
"Meron."
"Wala nga."
"Meron nga."
Napabuga ako ng hininga, kita n'yo? Wala talagang magpapatalo saaming dalawa e.
"Dahil gwapo ka! Gusto mo ipagsigawan ko pa sa buong mundo!"Sigaw ko at napairap letche ng matapos na 'to, gusto pa n'ya ipagsigawan ko pa sa buong mundo tsss. So ayon ang laki ng pagkakangisi n'ya. Akala n'ya siguro 'yon talaga.
"I know I know, you don't have to tell me either in the whole world, alam na ng mundo yon."napairap na lang ako sa kahanginan n'ya. Pero may point naman yang kahanginan n'ya e, hinawakan n'ya ulit ang kamay ko at nagsimula ng magmaneho gamit ang kaliwang kamay lang. Ganyan talaga s'ya pag ako ang kasama.
"S'an naman ta'yo pupunta?"Tanong ko makalipas ang ilang minuto. Ang tahimik kasi isa pa wala akong ideya kung saan kame pupunta.
"Sa lugar kung saan ta'yo lang ang may alam."kanta n'ya at ngingisi ngising tumingin saakin sa rear mirror may kasama pang kindat! Ayan nanaman s'ya, pinapakilig nanaman n'ya ako at hindi s'ya nabibigong pakiligin ako ng husto.
Binuksan n'ya ang radio at saktong, Biglang liko ang kanta.
"Tara tara sumama ka sakin hawakan ang aking kamay, ta'yo ay maglalakbay.. Patungo sa lugar kung saan ta'yo lang ang may alam..."pagsabay n'ya sa kanta habang may pa-headbang pa, Hmm maganda pala ang boses n'ya ang Husky.
Hindi na n'ya tinapos ang kanta dahil nilipat na n'ya kaagad ang channel kaya iba na ang kanta.
(You & I ~By One Direction)
"~I figured it out
I figured it out from black and white
Seconds and hours
Maybe they had to take some time."pasulyap sulyap s'ya saakin habang sumasabay sa kanta.
"~I know how it goes
I know how it goes from wrong and right
Silence and sound
Did they ever hold each other tight
Like us? Did they ever fight
Like us?"
"~You and I
We don't wanna be like them
We can make it 'til the end
Nothing can come between
You and I,
Not even the Gods above
Can separate the two of us
No, nothing can come between
You and I."Napakagat ako sa labi ko dahil hindi ko mapigilang kiligin.
"~Oh, you and I."Hindi na s'ya sumabay sa mga sumunod pang kanta kaya nilingon ko s'yang nagtataka.
"O, ba't natigil ka?"Nakangisi n'ya akong nilingon at mas lalong diniinan ang hawak sa kamay ko.
"Bakit? Gusto mo pa ba?"At kumindat pa s'ya kaya paniguradong pulang pula na ang mukha ko nito.
"You're blushing... cute."
Gosh! Nakakahiya! hindi ko alam kyng bakit ba ako nahihiya parang laging first time pag ganitong pakiramdam tuwing pakikiligin n'ya ako. Parang hindi ako nasanay! ganto nga talaga pag nagmamahal pag pinapakilig ka ng taong mahal mo parang unang beses parin, hinding hindi ka mag-sasawa.
***
MATAPOS ang Biyahe ay nauna s'yang lumabas at pinagbuksan ako, nginitian ko lang s'ya pagkalabas ko, hindi na n'ya binitawan ang kamay ko ilang minuto lang yatang hindi kami magka holding hands. Napapailing na lang ako sa isip.
"Nasan na ta'yo?"Tanong ko, nasa parking lot pa lang kasi kami e.
"You'll see."Sagot lang n'ya at naglakad na kami, tumango na lamang ako.
Sa isang Restaurant, mukhang mamahalin rito, pagpasok namin hindi ko mapigilang mamangha, grabe mamahalin nga rito mga mayayaman lang ang makaka afford sa Menu rito panigurado 'yon, Naghuhumiyaw sa kinang ang paligid first time kong makapasok sa ganitong klaseng restaurant.
"Pasalamat ka walang langaw rito."
Parang nahiya ako sa sinabi ni Bakulaw kaya isinara ko ang bibig ko na nakabukas pala, hindi ko namalayan. Sino ba naman ang first time na makakapasok sa ganitong klaseng restaurant ang hindi mapapanganga diba?
"Haha it's okay kulot, walang papansin sa'yo."
Tama nga s'ya, lahat kasi may kanya kanyang ginagawam mga mukhang mayayaman, sino ba naman ako para pagtuunan nila ng tingin e isa lang akong hamak na Tao.
"Ba't nandito ta'yo?"Kunot noong tanong ko Kay xedrick, actually nakatayo parin kami, hindi n'ya ako pinansin kaya binaling ko na lang ang tingin ko sa paligid. Pero maya maya lang nagsalita narin naman s'ya.
"Tita Claudia the owner, want me to go here,"Napa-tango na lang ako at napaisip, Claudia? Parang narinig ko na 'yon.
"Oh! Hijo, how are you?"nabaling naman ang tingin ko sa 40s na babae na papalapit saamin. Teka s'ya yung babae na pumunta sa mansion yung nagsabing may naaalala s'ya saakin.
"I'm fine Tita, by the way Si Kellie my girlfriend."nakipag-beso naman ito saakin.
"Kellie si Tita Claudia Donovan, Mom's bestfriend at the same time business partner"Nanlaki ang mata ko hala sabi na nga ba familiar s'ya! Mama s'ya nila Catie?
"You're kellie? Kellie andrade?"Gulat na tanong nito kaya mas nagulat ako, paano n'ya nalaman ang apelyido ko?
"Paano n'yo po nalaman?"nagkatinginan kami ni xedrick, ganoon rin s'ya nagtataka.
Itinuro naman nito ang Table na may dalawang sofa. "I think we have to sit first"so ayun umupo na kami, ay tumawag s'ya ng waiter.
"What you like to eat?"Binigay saamin ang Menu, pero mabilis ko iyong inilapag sa table kaya nabaling ang tingin nila saakin. Masyadong mahal tsaka wala naman akong gusto sa mga yan.
"Kahit isang basong tubig na lang po."
"You sure?"
Tumango lang ako sa tanong ni Ma'am Claudia. (Lol ma'am XD!)
"Hmmm, just water too will do."Sabi naman ni Xedrick, umalis na ang waiter at mabilis rin namang nakabalik dala dala ang Tubig para saamin.
"Tama ang hinala ko,"nakangiting panimula ni ma'am claudia.
"Ano pong ibig n'yong sabihin ma'am?"
"Drop the ma'am hija, just call me tita Claudia."Tumango lamang ako bilang sagot, pinagsaklop naman n'ya ang dalawang kamay.
"Actually, Your mom was my stepsister naging mag-asawa ang Dad ko at ang nanay n'ya, alam mo ba? kami na yata ang pinakang close sisters sa buong mundo even though we're not blood related nalungkot ako ng nalaman kong umalis s'ya, I didn't see her for almost years, Katrina left without saying anything. Reasons why she left,"nakangiting ito habang nagkekwento pero halata ang lungkot sa mga mata n'ya.
"Wala na akong nabalitaan na kahit ano sa kan'ya, Hija"Hinawakan nito ang kamay ko at hinimas iyon nagmamakaawa.
"Gusto ko s'yang makitang muli,"Hindi ako nakapagsalita.
Kaya pala.. Kaya pala may naaalala s'ya saakin ay dahil sa nanay ko. ang dahilan kaya ay nagtanan sila ng tatay ko? Pero bakit hindi iyon nabanggit ni mama. Muli kong binalingan ng tingin si Tita Claudia.
"I'll stop the wedding plans, just please let me know where's your mom. Please?"nagulat ako sa sinabi n'ya, talaga bang ganoon n'ya kagustong makita si mama? Na pipigilan n'ya ang kaligayahan ng anak n'ya? Bigla na lamang akong nakaramdam ng tuwa ng sabihin n'ya iyon. Parehas kaming sasaya kung sasang-ayon ako.
Pero alam kong malakas ang fighting spirit ni Catie at paniguradong hindi 'yon susunod sa ina n'ya. Mabilis kong tinanguhan si Tita Claudia dahilan para mapangiti ito at paulit ulit n nagpapasalamat.
"Kilala n'yo na po ba ako?"Natigilan ito at tinignan ako.
"Actually matagal na kitang gustong kausapin, kahit na hindi ako sigurado,"Ganoon n'ya Ka-miss si mama wala s'yang pakialam kahit madismaya pa s'ya.
"Wag po ka'yong mag-alala, makikita n'yo na po si mama,"nakangiting sagot ko dahilan para maluha luha itong napangiti. Paniguradong matutuwa nito si mama..
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top