Chapter Fifty Nine: Explain




**

CHAPTER FIFTY NINE: EXPLAIN

KELLIE's POV

"Uy! San ka ba pupunta at nagmamadali ka?!"

Kinuha ko ang mangilan ngilan kong damit at mabilis na isinilid sa Bag ko, hindi ko na kukuhain ang iba tutal may mga natira pa naman akong gamit sa Mansion.

Kailangan kong bumalik kundi mabubulag si Xedrick, hindi ko na hahayaang dahil nanaman saakin mas mahirapan s'ya, haist bakit ba kasi ang tigas ng ulo nya, ayaw n'yang magpa-opera na kailangan n'ya.

"Kailangan ko ng bumalik Sel hik,"Hinawakan n'ya ako sa dalawa kong balikat matapos akong paharapin sa kanya. Kunot noo n'ya akong tinitignan.

"Oh? Bakit umiiyak ka?"

Mabilis kong pinunasan ang luha sa pisngi ko at hinarap na ulit ang mga gamit ko para ayusin.

"Wa-wala 'to, sige na sel pakisabi na lang kay mama na aalis ako,"

Paniguradong nakataas na ang kilay ni sel ngayon dahil sa inaasta ko, hindi n'ya ako titigilan hangga't hindi ko sinasabi ang dahilan kung bakit ako aalis ngayon, pero masyadong komplikado kung ikukwento ko pa sa kanya lahat, hindi ako pwedeng mag-sayang ng oras.

"Anong wala? e bakit umiiyak ka? Tsaka ba't nag-iimpake ka na? Aalis ka na? ilang araw ka pa lang rito,"Walang tigil na saad n'ya.

"Pasensya na talaga sel, pero hindi ako pwedeng mag-sayang ng oras kailangan ko na talagang umalis,"Mas lalong nangunot ang noo n'ya.

"Ikukwento ko sa'yo pagka nakabalik na ako, kailangan ko na talagang umalis sel,"Bumuntong hininga s'ya sign na naiintindihan n'ya.

"Okay sige, basta mag-iingat ka,"

Tumango ako."Ka'yo rin,"



**



Pagkarating ko sa kwarto ni Xedrick ay nabungaran ko kaagad ang magkakapatid na pilit pinakikiusapan ang kapatid na kailangan na nitong magpa-opera.

"No! I have to see Kulot first!"

Namiss ko ang boses n'ya... Hindi ko na napigilang tumulo ng luha ko ng sandaling nag-tama ang mga mata namin ni Xedrick.

"Kulot..."

Ilang beses n'yang ipinikit mulat ang mga mata n'ya marahil ay para makita ako pero nangunot ang Noo n'ya na baka ay hindi na n'ya ako nakikita.

Mabilis kong pinutol ang distansya naming dalawa at marahan s'yang niyakap, hindi ko na napigilang mapahagulhol.

Namiss ko s'ya...

Mabilis ko naman s'yang hinarap at pinunasan ang Pisngi ko.

"Sorry, I'm sorry,"

"No don't be, ako dapat ang mag-sorry kulot, I'm sorry,"Umiling ako ng ilang beses. Hindi n'ya kasalanan ako ang may kasalanan, hindi ko muna s'ya pinakinggan hindi sana 'to nangyari sa kanya.

"Hindi, hindi mo kasalanan, ako... Ako ang may kasalanan hik kung nakinig lang sana ako hik-"

Hindi na ako nakapagsalita ng mabilis n'ya akong yakapin, isiniksik n'ya ang ulo n'ya sa leeg ko.

"Shh don't cry, ayaw kong umiiyak ka Hmm?"

Mapait akong ngumiti kahit na hindi n'ya makikita.

"Wag mong sisihin ang sarili mo sa nangyari, ginusto kong masaktan para sa'yo,"

This time ako naman ang yumakap sa kanya, yakap na parang ayaw ko na s'yang pakawalan, kinakaya nyang masaktan para saakin, masyado syang perpekto para saakin, hindi ako nararapat sa pagmamahal nya.

"Xedrick, you're running out of time, Drop the drama,"Ani Chandra, kaya ako na ang bumitaw sa yakap namin.

"Sige na, magpa-opera ka na hah, nandito na ako,"Ngumisi s'ya at tumango napangiti narin ako.

"Wag ka ng aalis huh? Mababaliw ako,"

Marahan akong tumango.

Sakto namang dumating na ang ang Nurse para dalhin s'ya sa operating room, sinundan namin s'ya hanggang don, hindi nya pa nga inalis ang tingin saakin habang nakangiti.



**



ONE HOUR LATER

Halos isang oras ng inooperahan si Xedrick at kinakabahan na ako, masyadong matagal ang isang oras, kinakabahan ako na baka may masama ng nangyayari sa loob.

Tinabihan naman ako ni Xander at inabutan ako ng Bottled water na kinuha ko naman.

"He'll be fine kellie, calm down,"Pag-aalo saakin ni Xander habang nag-hihintay kaming lahat dito sa labas ng Operating Room, kanina pa dumadagundong ang puso ko sa kaba. Sana maging maayos ang operasyon, hindi ko na yata kakayanin kung mabulag s'ya.

"Salamat,"Tanging tango at ngiti lang ang isinagot n'ya.

"Wag kang mag-alala Kellie, hindi mamamatay ang masamang Damo,"

"Lalaban 'yon syempre para sa'yo Kellie, tiwala lang,"Ani Brent at kumindat pa.

"Hindi pa n'ya pwedeng makita si Kamatayan para pa s'yang kasalanan,"Ani naman ni Jei.

"Sisiw lang 'yan kay Xedrick yun pa bang ugok na 'yon?"Ani Toppher.

Pilit ko silang nginitiang lahat, tama sila malakas si Xedrick alam kong lalaban s'ya, tutulungan ko s'ya nandito lang ako ka'ya dapat hindi ako malungkot, isipin ko dapat ang positibong bagay na magiging successful ang operasyon.

"Kamusta si Xedrick?!"Lahat kami nabaling ang tingin kay Madame Aliah, halatang nag-aalala ito at nagmadali pa para makarating.

"Mom, he's still in operating room, wala pa pong balita sa ngayon,"Si Xander na nilapitan si Madame Aliah, si Chandra at Catie naman ay nilapitan ang Ginang na pawang pinapakalma.

Dumating naman si Lyra, Lila at sila Ashe, Ken at Clyde na nag-aalala.

Lumapit saakin si Lyra at Lila at mahigpit akong niyakap sign na Inaalo ako.

Lahat naman kami natutok ang atensyon sa doctor ng lumabas ito mula sa Operating room, nilapitan naman ni Madame ang Doctor para kausapin.

"How's my son?"Hindi magkandaugagang tanong ni madame, hinihintay naming lahat ang magiging sagot ng Doctor.

"The operation is successful, He's now stable, pero kailangan parin n'yang mag-under observation ng approximately One to two weeks,"

Tila nabunutan ako ng tinik ng marinig ang inaasahan ko. Napangiti ako at hindi ko mapigilang mapaluha sa sobrang tuwa. Mahigpit akong niyakap ni Lyra at Lila.

"Kellie we have to talk,"

Binalingan ko ng tingin si Chandra, wala itong emosyong nakatingin saakin.

Hindi na n'ya hinitay ang sagot ko basta na lang n'ya akong tinalikuran, tumayo ako para sundan s'ya.

"Kailangan mo rin mag-ingat sa babaeng yan Sis, may masama akong kutob sa babaeng 'yan,"Inis na sabi ni Lyra na tinanguhan ko lang.

"Wag ka mag-alala kaya ko sarili ko, salamat,"Ngumiti naman silang dalawa.

"Basta, we got your back, sabihin mo lang saamin don't hesitate okay?"Tumango ako sa pangalawang pagkakataon.

Sinundan ko si Chandra na sa tingin ko ay papunta sa loob ng Church ng Hospital, nagtaka pa ako ng dito n'ya gustong makipagusap, umupo s'ya sa pinakang dulong upuan tinabihan ko naman s'ya na diretso ang tingin. Saglit ko s'yang binalingan ng tingin.
"Bakit bumalik ka pa?"Matigas na tanong nya.

Hindi ko alam kung bakit kailangan nya pang itanong gayong alam naman nya ang dahilan hindi imposibleng hindi nya malaman dahil lagi syang nandito.

"Kailangan ako ng Boyfriend ko,"Mariing saad ko. Kitang kita ko sa peripheral vision ko ang pag-kuyom ng kamao n'ya.

"Kung iniisip mong susundin ko ang mga banta mo... Nagkakamali ka."Marahas syang bumuntong hininga at sarkastikong ngumiti.

"Hindi na kita pipiliting layuan si Xedrick, Dahil ikaw na mismo ang gagawa n'on, so why bother?"

Hindi ko mapigilang mapakuyom ng kamao sa pinagsasasabi n'ya. Hindi ko s'ya maintindihan. Bakit ba hindi na lang n'ya sabihin saakin, hindi yung huhulaan ko na lang.

"Hindi ko iiwan si Xedrick... hindi ako kagaya mo,"

"This will be the last time I'll warned you, Magpapasalamat karin saakin kung gagawin mo,"Tumayo s'ya pagkatapos at walang sabi sabi'y umalis kaya naiwan akong mag-isa.

Napakadesperada n'ya, to the point na nagbabanta na s'ya, Kung hindi lang n'ya sana iniwan si Xedrick hindi sana s'ya ganto kadesperada ngayon, pero Nagpapasalamat akong iniwan n'ya si Xedrick, dahil kung kung hindi, hindi kami magkakakilala.




***



"Gosh! That B!tch!"Pinigilan namin ni Lila si Lyra sa pagsugod kay Chandra, kinwento ko kasi sa kanila ang pinag-usapan namin So ayun galit na galit si Lyra na parang s'ya yung kinausap.

"Maghunos dili ka Lyra, Hayaan mo na 'yon,"Sabi ko habang hawak parin s'ya sa kaliwang braso n'ya.

"Kellie were right, calm down Lyra,"Ani Lila.

Bumuntong hininga si Lyra."Sorry, mainit lang talaga dugo ko sa malalandi,"Ng sabihin iyon ni Lyra ay sakto namang pagdaan ni Chandra, sinadya talagang magparinig ni Lyra kay Chandra ang sinabi.

Natigilan si Chandra saglit pero nagtuloy tuloy na itong naglakad paalis.

"Serves her right!"Kunot noo kong Binalingan ng tingin si Lila.

"Hayaan n'yo na 'yon, nga pala di pa ba ka'yo uuwi? Baka may mga gagawin pa kayo,"

Actually ako ang tumawag sa kanila para pumunta rito, hindi ko na nga alintana na baka may gagawin pa silang mahalaga, ngayon lang ako nabalutan ng Hiya sa kanilang dalawa.

"Namiss ka namin e, so mamaya na,"Tumango lamang si Lila.

"By the way, babalik ka pa ba sa inyo?"

Napaisip ako saglit, hindi ko alam kung uuwi pa ba ako lalo pa't hindi ako nakapagpaalam ng maayos kila Mama. Pero sa ngayon mas kailangan ako ni Xedrick.

"Hmm, hindi na muna siguro,"

"Oh that's good to hear!"Si Lila.

"I'll pray for your Sister's fast recovery,"Napangiti ako sa sinabi ni Lyra.

"Salamat,"




**




Ilang oras na ang nakalipas at sa wakas ay pwede ng pumasok sa Kwarto ni Xedrick, Pagpasok ko sa Kwarto ni Xedrick ay dahan dahan kong isinara ang pinto para hindi maistorbo ang tulog n'ya, kailangan n'ya ng mahabang pahinga dahil sa operasyon.

May mga nakakabit paring mga apparatus sa katawan n'ya pero hindi na kasing dami ng nakaraan, may benda pa sa Ulo n'ya.

Nagtungo ako sa gilid ng Hospital Bed, ang laki ng ipinayat n'ya at namumutla ang Buong katawan n'ya, pero litaw na litaw parin ang Gwapo nyang mukha. Kahit pa yata mabugbog sya't nakaratay ay hindi parin maipagkakaila ang kagwapuhan n'ya.

Dahan dahan kong inabot ang kamay nyang may nakadikit na IV, sinigurado kong hindi s'ya magigising ay mabilis lang ang paghawak ko sa palad n'ya.

Ngumiti ako ng mapait."Magpagaling ka ha bakulaw, nasasaktan akong nakikita kang ganito,"Kusa na lang tumulo ang mga luha kong kanina pa nagbabadyang lumabas.

Maya maya'y biglang gumalaw ang daliri n'ya sa kaliwang kamay kaya nagulat ako, dahan dahang bumukas ang mga mata. Mabilis kong tinungo ang Intercome para tawagin ang mga nurse at Doctor, matapos ay Binalikan ko si Xedrick.

Naluluhang napangiti ako ng hawakan ko ang kamay n'ya.

"Xe... Xedrick,"

Isang pilit na ngiti ang ipinakita n'ya saakin at mariing hinawakan ang kamay ko pabalik.

Maya maya'y nagsipasok na ang mga nurse at Doctor para i-check s'ya, ayaw pa n'yang bitawan ang kamay ko pero kailangan syang tignan ng Doctor.

Nagsipasok na sila Xavier ng natapos na ang mga nurse at Doctor na i-check si Xedrick, gising na s'ya at pwede ng makausap pero kailangan n'ya pang magpahinga sa ngayon.




**




"Last na,"

Hindi naman s'ya nagdalawang isip na isubo ang kutsara na may lamang lugaw, naka dalawang Mangkok s'ya marahil sa gutom dalawang araw kasi s'yang hindi kumain ng maayos kaya ang takaw n'ya ngayon.

Isang araw na ang nakalipas ng Operahan s'ya sa ngayon hindi pa s'ya gaanong gumagaling kaya nandito parin s'ya sa Hospital. Kailangan nyang manatili rito ng isa o dalawang linggo para tuluyang magpagaling.

"Gusto mo pa ba?"Mahinhing tanong ko sa kanya, tumango s'ya habang nakangiti.

"Apple naman,"

Kinuha ko ang mansanas na nasa side table at binalatan iyon gamit ang kutsilyo, pero hindi ko namalayan na nahiwa na pala ang daliri ko kaya napadaing ako.

"Kulot, are you okay?"

Marahan akong tumango at itinago ang daliri kong may Sugat para hindi n'ya makita, pero dahil nasa gilid lang n'ya ako ay hindi ko na sya napigilan ng marahan nyang kinuha ang daliri kong may sugat.

Sinipsip n'ya ang daliri ko kaya nagulat ako, ang init ng labi n'ya. Mabilis na kumabog ang dibdib ko sa ginagawa n'ya, feeling ko tuloy lahat ng dugo sa katawan ko umakyat sa buong mukha ko.

Gusto ko na sanang kuhain ang kamay ko pabalik pero parang may kakaibang enerhiya ang humahatak saakin na huwag gawin.

Kumuha s'ya ng Band aid sa Cabinet ng Side table pero Hindi parin n'ya binabalik ang kamay ko hinayaan ko na lang s'ya sa gusto nyang gawin.

Marahan nyang inilagay ang Band aid sa daliri ko. "You should be more careful next time,"

Maya maya'y ipinuwesto n'ya ang kamay ko sa dibdib n'ya kaya nagulat ako. Ang bilis ng kabog ng dibdib n'ya ramdam na ramdam ko 'iyon sa paghawak lang sa dibdib n'ya.

"Pag nasasaktan ka, nasasaktan rin 'to,"

Nakagat ko ang labi ko sa kilig, ang lakas ng epekto saakin, sheeet ka Bakulaw, nakuha pang magpakilig
Nakaratay na nga.

"Kellie? Xedrick?"

Nanlaki ang mata ko at mabilis na hinatak ang kamay ko pabalik ng pumasok si Madame at tawagin kami, Paniguradong nakita n'ya 'yon.

"Explain."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top