Chapter Fifty Four: He'll Save Her at All Costs

CHAPTER FIFTY FOUR: HE'LL SAVE HER AT ALL COSTS

XEDRICK's POV

Damn! Bigo akong hanapin s'ya, It's already 1 am pero Hindi ko parin s'ya nahahanap pero hindi ako susuko, nag-aalala na ako na baka may masama ng nangyari sa kanya mababaliw na yata.

Dapat pala pinaalam ko na lang sa kanya na makikipagkita ako Kay Chandra, but I can't, I don't want her to be more jealous just because of Chandra wala na saakin ang babaeng 'yon wala na s'yang ka amor amor sa saakin. One more thing ayaw kong mas lalong magselos si Kulot, pero dahil sa ginawa ko paniguradong mag-seselos 'yon at magagalit.

Pumunta na ako sa pwede n'yang puntahan Kila Lyra even Lila but she's not there, I can't find her but doesn't mean I'll stop.

Sa Park, nagpunta ako d'on dahil baka sakaling nand'on s'ya ulit, pero wala talaga ilang beses na akong pumunta rito, umupo na lang ako sa Bench at napahimas sa noo ko, damn ang sakit ng buong mukha ko, I know I deserve this hindi ko pinaalam Kay kulot na makikipagkita ako Kay Chandra na dapat at sana ginawa ko.
Pag may nangyaring masama sa kanya hindi ko alam kung mapapatawad ko pa ang sarili ko kasalanan ko, napakatanga ko.

May napansin akong kung ano sa station ng tricycle kaya naglakad ako patungo d'on and there I saw Kulot's Bag. Damn. Where the hell is she? My Heart Beat erratically, napapikit ako ng ilang beses sa pinaghalong inis at kaba, inis sa sarili ko at kaba na baka may masamang mangyari sa kanya.

Nag-ring ang Phone ko kaya kinuha ko iyon mula sa bulsa ng pants ko, I click the green button, si Jei ang tumatawag.

("Pre ano ng balita?")

"Hindi ko parin s'ya mahanap,"

("Hey Brat! Give my phone back!") Napahimas ako sa noo ko. Nagkakagulo na sa kabilang linya, they were all eager to know where's kulot and so I am.

("Ano?! Nasan si Kulot?") si Brent.

"Hindi pa nga nahahanap,"

("Tulungan ka ba namen? Pre nag-aalala narin kami actually kanina pa,") This time na Kay Toppher ang phone ni jei, napabuntong hininga ako.

"No, wag na ako na dapat, kasalanan ko 'to e,"Pero mukhang hindi sila magpapatalo ofcourse napa-mahal na sa kanila si Kulot.

("We insist, para narin naming kapatid si Kellie kaya sobra kaming nag-aalala rito,") Si Xavier narinig ko pang sumipsip s'ya ng yogurt na lagi naman n'yang ginagawa. Pumamewang ako pagkuwan.

"Okay fine, ano kamusta? Hinanap ba ako ni mom?"I asked.

("Oo and you know what? Catie was about to tell the truth pero pasalamat ka hindi lang yogurt ang laman ng utak ni Xavier,") si Brent. Maya maya'y inagawa ni toppher ang phone.

("Hindi 'to ang tamang oras para magbiro Brent, you freaking brat!")Toppher hissed, I caressed my nape.

"Rito sa park bilisan n'yo,"After I end up the call.

Hindi ako pwedeng magsayang ng oras I have to find Kellie whatever it takes.

***

KELLIE's POV

NANLALABO ang paningin ko at sumasakit naman ang ulo ko, argh! Gusto ko sanang hawakan ang ulo ko pero paano ko magagawa 'yon kung nakatali sa makapal na tali ang
Dalawang kamay ko't paa habang nakaupo at may nakatutok na ilaw saakin sa itaas.

May naaaninag akong mga sampung tao sa harap ko, nagpikit mula't ako para makita sila ng tuluyan, sila yung mga kumindnapp saakin, kunot
Noo silang nakatingin saakin na parang hinihintay akong magising, nangunot noo ako at nilingon ang paligid, hindi ko alam kung nasan ako medyo madilim kaya hindi talaga makikita ang paligid.

"Na-nasaan ako?"utal na tanong ko dahil medyo masakit pa ang ulo ko.

Pero ni isa sa kanila walang sumagot sa tanong ko, maya maya'y nilingon ng mataba yung katabi n'yang sa tingin ko ay alagad n'ya, may ibinulong s'ya pagkalapit kaya hindi ko narinig tumango lang yung alagad at mabilis na umalis.

"Nasaan sabi ako?!"Hindi ko na mapigilang sumigaw. Pero sa pangalawang pagkakataon wala nanamang sumagot, medyo lumapit saakin yung mataba at malakas akong sinampal kaya tumagilid ang mukha ko na paniguradong namamaga na, feeling ko ay nawala sa pagkakaayos ang panga ko.

Hinarap ko ang nanampal saakin ng may masamang tingin.

"Ang kapal ng mukha mong manampal ng babae! Bakla kaba?!"Natawa naman ang mga alagad nitong mataba kaya nilingon n'ya ang mga ito ng may masamang tingin kaya nagsitahimik matapos ay ako na ang hinarap n'ya, hindi makapaniwalang tinuro n'ya ang sarili.

"Ako? Bakla? sa mukha kong 'tong artistahin? Bakla?"Natawa nanaman ang mga alagad n'ya, hindi lang pala s'ya leader, clown na sinungaling rin.

"Ano bang kailangan n'yo saken?! Pakawalan nyo ako! Wala naman ka'yong mahuhuthot saakin kahit na singkong duling!"Sigaw ko at pilit na kumakawala sa pagkakatali. Ano nanaman ba 'to? Pangalawa na 'to baka ma-trauma na ako neto, huhu.

"Ikaw ang tulay para makaganti kami sa Magical- 9, akala mo siguro hindi namin malalaman ang koneksyon mo sa kanila, at paniguradong pinag-hahanap ka na nila,"Sana talaga! Sana iligtas nila ako rito! Natatakot na talaga ako baka kung anong gawin nila saakin.

"At dahil d'on makakaganti na kami sa kanila, nakikita mo 'to?"Tinuro n'ya ang braso nya't ulo na may benda na paniguradong gawa nung siyam.

"Kasalanan nila kung bakit namin 'to ginagawa!"Inis na sigaw n'ya kaya medyo inilayo ko ang ulo ko, Tumatalsik laway n'ya kadiri. Tinuro n'ya pa ang Benda n'ya sa braso n'ya.

Kagagawan 'to ng Mga yon! alam mo bang ilang buwan na 'to hah! Kaya hangga't nabubuhay sila hindi ko sila mapapatawad!"Pinisil n'ya ang pisngi ko ng madiin kaya napapangiwi ako sa kirot, argh! Ang taba pa naman ng kamay n'ya kaya ang sakit, maya maya'y binitawan na n'ya ako.

"Kung gusto n'yo silang gantihan wag n'yo ako isali! Ni hindi ko nga alam na ka'yo pala ang nakaaway nila e!"Mangiyak ngiyak na sigaw ko na halos ikapiyok ko pa, ang sakit na nga ng pisngi ko isunod pa daw panga ko!

"Wala akong pakealam! Manahimik ka na lang kung gusto mo pang mabuhay!"Sigaw n'ya at naglakad paalis kasama ang mga alipores n'yang hindi ko mawari.

Nanlaki ang mata ko ng maya maya'y pumasok yung Babaeng dalawang mataba at isang payat na kumidnapp saakin dati, may hawak na baseball bat yung isa habang yung isa naman ay may nginunguya at ang payat na halos isang ubo na lang este- masamang nakatingin saakin.

Napalunok ako ng ilang beses ng lumapit sila saakin, yung payat ay inilapit ang mukha saakin na ngayon ay nakangisi na.

"Nice to meet you again... Slut."saglit ngumisi yung payat at tinignan na ako nito ng masama na parang ang laki ng kasalanan ko sa kanya.

"Nagsinungaling ka! may relasyon pala kayo ni bebe xedrick! Kapal ng mukha mo!"Sasampalin na sana n'ya ako pero hindi ko napigilan ang sarili kong sigawan s'ya dahilan para tumigil sa ere ang kanang kamay n'ya.

"Ano naman kung kame na nga?!"Hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas ng loob sa kabila ng sobrang kaba ko kanina pa.

Nanlaki ang mata nila sa gulat.

"Aba! Lumalaban ka na?"Inis na kinuha nung payat ang baseball bat at marahan iyong inihahampas sa kanang kamay n'ya, hindi ako nagpatinag o nagpakita ng reaksyong natatakot ako, lahat ng takot biglang nawala dahil mali itong ginagawa nila, wala silang karapatan na tumutol sa relasyon namin ni Xedrick.

"Dahil mali itong ginagawa n'yo saakin! Wala akong kasalanan sa inyo para gawin n'yo ito saakin!"Sigaw ko dahilan para hingalin ako, bigla na lamang bumilis ang tibok ng puso ko na parang anytime ay sasabog.

Saglit silang natahimik, nagkatinginan at sarkastikong tumawa.

"You think I am I some kinda joke?!

"Wala ka'yong karapatan!"

"Pwes wala akong pakealam! Saakin si Xedrick! Akin s'ya hindi sa'yo, I am five million times better than you kaya nagtataka ako kung bakit ikaw pa!"

Ang hirap talaga pagka gwapo ang boyfriend marami kang kaagaw e hindi ko alam kung ilang babae pa ba ang gagawa ng ganitong bagay saakin. Haist! Kung bakit kasi ang gwapo gwapo ni xedrick e.

Naitungo ko ang ulo ko ng pumasok sa isip ko si Chandra... Mali sila ng kinakausap si Chandra dapat. Bigla na lamang tumulo ang luha ko

"Hindi ako ang mahal ni xedrick..."Bulong ko pero alam kong hindi iyon nakatakas sa pandinig nila. Hindi ko na namalayan na tumulo na pala ang luha ko isiping hindi naman ako ang mahal ni xedrick, ang sakit non e sobra.

Hinawakan nung payat ang baba ko at marahas na itinaas, hindi ko na s'ya makita dahil sa nagbu-blur na ang mata ko dahil sa luha.

"What did you say?!"Tanong nito sa masayang tono.

"Hindi ako mahal ni xedrick..."(Inulet, XD!)

Marahas n'yang binitawan ang baba ko kaya mas lalo akong napaiyak, ang sakit na kase dinagdagan pa n'ya. Balak yata nilang lamugin 'tong mukha ko.

"Well... Hindi na ako nagulat, now tell me who's that slut?!"Hinawakan nanaman n'ya ang baba ko para itaas ang mukha ko, sana pala itinaas ko na lang hindi na lang sana ako tumungo huhu.

"Bakit saakin n'yo tinatanong? Si Bakulaw- este si xedrick ang tanungin n'yo."Tumaas ang kilay nilang tatlo na parang inaalala ang sinabi ko kani kanina lang.

"Wag mo kaming pinaglololoko kung ayaw mong mahampas netong baseball bat,"Banta naman nung isang mataba na may hawak rin na baseball bat.

"Hindi na talaga ako nagsisinungaling ngayon, bad yon diba? hindi ba 'yon tinuro ng mama n'yo?"At ngumisi ako ng pagkalaki laki sa kanila.

"Let's go girls, wala na ta'yong mapapala d'yan,"Itinuro ng isa pang mataba ang dalawang daliri n'ya sa mata n'ya sumunod saakin na nagpapahiwatig na hindi pa sila tapos saakin. Wait! Anong ibig n'yang sabihin na wala silang mapapala saakin?!

Tatalikuran na sana nila ako ng tinawag ko sila. "Teka lang!"

Kunot noo nila akong tinignan nagtatanong kung bakit, nangunot rin naman ang Noo ko, may isang bagay lang akong gustong tanungin sa kanila.

"Talaga bang patay na patay ka'yo Kay Bakulaw? Ay este- Xedrick?"Nagkatinginan sila na parang nagtatanong kung sino ang makakasagot ng Oo. Tingin ko talaga may kakaibang nangyayari e.

"Pa-pakealam mo ba?!"Nakangusong sagot nung mataba sa right side.

"Walang makasagot sa inyong tatlo... Kaya umamin nga ka'yo, may nag-utos ba sa inyo?"Hindi ko alam kung saan galing ang mga salitang lumabas na lang sa bibig ko, nagkatinginan nanaman sila nagtuturuan kung sinong aamin.

"A-ako! gusto ko si Bebe xedrick!"Sagot ng payat.

"Sigurado? Mamatay?"Naglihis ito ng tingin at paniguradong hindi s'ya sigurado sa sagot n'ya halata sa ekspresyong pinapakita n'ya, something's fishy...

"Hoy! May gusto talaga s'ya Kay xedrick, ano bang tanong yan?!"aniya ng mataba na naiinis at nakanguso pa. Pinaningkitan ko sila ng mata ka'ya nagkatinginan sila't nagtataka.

"Bakit hindi s'ya sigurado? Umamin na ka'yo. May nag-utos ba sa inyo na gawin 'to saakin dati pa?"Nagkatinginan silang tatlo nagtuturuan kung sino ang sasagot, mukhang walang makasagot ka'ya tumikhim ako dahilan para mabaling ang atensyon nilang tatlo saakin.

"Ehem!"

"Sinong nag-utos sa inyo para gawin 'to? Wag ka'yong mag-alala hindi 'to malalaman ng nag-utos sa inyo,"Sana kumagat sila please!

Nagkatinginan sila nangungusap ang mga mata kung sasabihin ba nila.

"Si- si catie,"Sagot nung payat.

Nanlaki ang Mata ko. Paniguradong dati pa n'ya alam na kasambahay ako ng mga Andersons nagkukunyari lang s'yang hindi n'ya alam. Hindi ako makapaniwalang ipina-kidnapp n'ya pa ako para Kay Xedrick, mahal n'ya nga talaga si Bakulaw.

Pero hindi... Hindi pagmamahal ang nararamdaman ni Catie kay Bakukaw dahil kung pagmamahal nga iyon hahayaan n'yang maging masaya ang taong mahal n'ya sa totoong minamahal nito.

"Lahat ng Babaeng nakakausap ni xedrick, napapahamak..."Ani ng mataba.

"At ang tuma-tradyor sa kanya! Ka'ya magtatago na kame!"Takot namang dagdag ng isa pang mataba.

"Salamat..."Nakangiting pasasalamat ko sa kanila bago sila tuluyang umalis, Matatapang sila pero mukhang mga Uto-uto mabuti narin 'yon sa kanila dahil nalaman ko ang katotohanan.

Ilang minuto lamang ang katahimikan naputol iyon ng bumukas ang sliding door at pumasok ang tatlong lalaki si Walking Letchon at ang tauhan n'ya.

"A-anong gagawin ninyo saakin?!"Kinakabahang tanong ko.

"Nasagot na kita kanina, wag ka ngang tanga!"At talagang tumalsik pa ang laway n'ya.

"Hindi dapat ako ang Kinidnapp ninyo, e hindi naman talaga ako ang mahal ni Xedrick e,"

Hindi ako sinagot ni walking letchon, may pinaamoy s'ya saakin gamit ang panyo dahilan para manlabo ang paningin ko at dahilan para tuluyan akong lamunin ng kadiliman.

**

XEDRICK's POV

KASALUKUYAN kaming nanditong lahat sa tambayan namin, hindi parin namin nahahanap si Kulot, at kanina pa hindi umiimik si Xander he can't even eye contact at me, mukhang guilty sa ginawa saakin dahil hindi naman totoo ang binibintang saakin ni Catie.

That's too impossible, masyado kong mahal si Kulot para lokohin s'ya, she deserve the loyalty, well every girls deserves that dahil ang babae minamahal hindi niloloko.

One more thing I am afraid that I might lose her I lose once... Hindi ko ka'yang lokohin si Kulot dahil ayaw kong mawala s'ya, she's the only girl have my eyes and heart.

"For sure Kagagawan nanaman 'to nila Leandre."Si Jei.

"Actually kagabi ko pa gustong sabihin 'yan inunahan mo lang ako,"Ani ni Brent.

"Paniguradong gustong mag-higanti saatin ng mga 'yon, paanong hindi e halos ma-confine 'yon as hospital." Well may point naman si Toppher, kung totoo man 'yon hindi na nila gugustuhin ang kahahantungan nila pag sinaktan nila si Kulot.

"So? Pupuntahan na ba natin ang lungga nila ngayon?"Si Ashe.

"Of course! Kailangan nating iligtas si Kulot,"Untag ko. Tumayo na ako para maunang lumabas walang oras na dapat sayangin.

"Bro,"

Walang emosyon kong nilingon si Xander hinihintay ang sasabihin n'ya. Damn this were not the right time for drama.

"Sorry..."

Tumango lang ako matapos ay lumabas na.

**

KELLIE's POV

NAGISING ako na may takip ang ulo ko dahilan para hindi ako makakita, nakaupo parin ako at may tali ang dalawang kamay ko't paa, medyo nahihilo pa ako't masakit ang ulo.

Tuluyan ng tinanggal ang sako sa ulo ko pero hindi parin ako gaanong nakakakita dahil nanlalabo parin ang paningin ko hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog dahilan para sumakit ng ganto ang ulo ko.

"Boss! Nandyan na sila,"

Tila nawala ang sakit ng ulo ko ng marinig ko iyon, anong ibig n'yang sabihin? Sinong nandito na? sana sila na 'yon. Paniguradong pumunta sila rito para iligtas ako, tila humupa ang kaba ko sa isiping nandito sila para saakin para iligtas ako, Si Bakulaw? Ka'ya siguro s'ya nandito dahil nakukunsensya sya?

Haist nasasaktan lang ako, hindi ko na dapat isipin 'iyon.

"Kulot!"

Nanlaki ang mata ko ng tinawag ako ng xedrick, hindi lang s'ya ang nandito, nandito silang lahat complete attendance.

Hinatak ako ni walking letchon sa buhok dahilan para mapangiwi ako, nabaling ang tingin ko kay Balulaw umiitim ang mukha nito sa galit na parang gustong pumatay.

"Fvck you as*hole! Don't you fvcking dare hurt her!"Nasaktan na nga ako e!

Bigla n'ya akong binitawan dahilan para mapasubsob ako sa malamig na sahig kasabay n'on ang malakas na pagsigaw ni Bakulaw na paulit ulit na nagmumura.

"Gag0 ka! Hindi mo s'ya dapat dinamay!"sigaw ni Toppher dahilan para matawa ng sarkastiko si walking letchon.

"At anong gagawin n'yo? Bubugbugin n'yo ko? Pwes! Hindi na ako papayag!"

"This would be amazing! Since I haven't fought for ages,"Si Xavier na pinatunog rin ang braso n'ya at sumipsip pa sa yogurt n'ya bago itapon.

"Wag ka mag-alala Kulot ililigtas ka namin,"Rinig na rinig ko ang pagpapatunog ni Jei ng braso n'ya, huhu sana naman hindi ako madamay nasa gitna pa naman ako ng dalawang panig. Nangangalay narin ang katawan ko at ang panga't pisngi ko ang sakit, grabe ano ba 'tong nangyayari saakin? Mabait naman akong anak, nagpapadala naman ako ng pera kila mama.

Napangiwi ako't napapikit Oo nga pala! Nagsinungaling ako Kay mama tungkol sa sakit ko huhu, karma ka'ya tawag dito?

"Hindi ka pa talaga nag-tanda taba, We went easy on you before, lakas pa ng apog mong kalabanin kami ulit,"Si Toppher.

"Pwe! Sinwerte lang ka'yo noon!"

Nagsitawanan naman sila Jei, pero si Xedrick ang itim parin ng mukha nito nangigigil ang panga sa galit at ang kamao n'ya nakakuyom. Nag-aalala s'ya para saakin... Hindi ko mapigilang mapaluha sa pinapakita n'ya dahil mas lalo n'ya lang akong sinasaktan.

"Well... Let's see,"Paghahamon ni Brent.

"Bago natin 'to simulan, sisimulan natin sa kasunduan."Sabi ni Walking letchon, may nagpilit na nagtayo saakin at pinaupo ako sa kinauupuan ko kanina lang.

"At ano namang kasunduan?"Tanong ni Jei.

"Pag-nanalo ka'yo ibabalik ko ang babaeng 'to sainyo, at kung manalo man kami sasama ka'yo saamin at gagawin namin ang gusto naming gawin sa inyo,"

"Payag kami... ba't hindi pa natin simulan?"

Sa isang iglap lang ay nagrarambulan na ang lahat, napapangiwi pa ako dahil masyado silang mga brutal nag-hahampasan sila ng matitigas na bagay, ang panig nila Jei tuwang tuwa sila na parang basic lang sa kanila ang ginagawa, actually maram na silang napataob.

Nabaling ang tingin ko kay Xedrick seryoso ito sa ginagawa marami s'yang napapataob sa bawat pagsugod n'ya para ngang sana'y na sana'y s'ya sa ginagawa, hindi ko mapigilang mapahanga sa bilis n'ya, para s'yang nag-aapoy.

Nagulat pa ako ng balingan ako nito ng tingin kaya mabilis kong inilihis ang tingin ko at ilang beses napapalunok, itinungo ko ang ulo ko't napapikit.

Pero maya maya lang ay may nag-taas ng baba ko, si Walking letchon! Mabilis pa sa alaskwatrong sinampal n'ya ako ng malakas, Isang malakas na suntok ang inabot n'ya kay Xedrick dahilan para mapahiga si walking Letchon kinaibabawan s'ya ni Xedrick at namumulang pinagsusuntok ng ilang beses sa mukha na halos hindi na makilala.

"Sisiguraduhin kong manghihiram ka ng mukha sa aso hay0p ka!"

Hindi ko mabilang kung ilang beses na n'yang pinagsasasapak si Walking letchon at malutong na pinagmumumura. Maraming umawat sa kanya pero tuwing inaawat s'ya ay yon ang pagbabalingan n'ya ng malalakas na suntok saglit.

"Xe-xedrick..."

Hindi ito lumingon saakin. Napapikit ako bago ko ulit tawagin ang pangalan n'ya.

"Xedrick!"Mas nilakasan ko ka'ya naagaw ko ang atensyon n'ya.

Nag-aalala n'ya akong nilapitan at marahang hinawakan ang mukha ko.
"Oh god, I'm sorry. sorry,"Niyakap n'ya ako saglit at mabilis akong hinarap.

"Damn I'm sorry..."Hindi ko mapigilang mapaluha.

"Ba-bakit ka ba ganyan ka?"Hindi ko mapigilang mapiyok ng tuluyan akong napaluha.

"Ma-mas lalo mo lang akong sinasaktan,"

"Sorry."

Niyakap n'ya ako at umiyak sa balikat ko.

Mas lalo lang akong nasasaktan at minamahal s'ya sa ginagawa n'ya, isiping awa lang ang nararamdaman n'ya saakin masakit, at pag-mamahal dahil mas lalo akong umaasa na baka ako nga talaga ang mahal n'ya.

Nanlaki ang mata ko at parang naging slow motion ang paligid ng hampasin s'ya sa likod ng ulo n'ya ng walang kalaban laban, nanlalaki ang mata n'ya ng harapin n'ya ako.

"Xedrick..."

Bumilis ang kabog ng dibdib ko at ang takot halos lamunin ako ng tuluyan s'yang himatayin.

"Xedrick!"


**

Feedbacks are Highly Appreciated...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top