1
"Hoy, Mauree!"
Napa-irap nalang ako nang makita si Miggi na papunta sa direksyon ng kinauupuan ko. Hindi ko nalang ito pinansin, at tinuon nalang ang atensyon sa ginagawa ko. Alam ko naman kasing wala naman siyang sasabihin, eh.
Nang maka-upo siya sa tabi ko ay inasahan ko na ang pagdaldal niya, 'di ko alam kung bakit ang sungit at tahimik niya sa iba pero pagdating sa'kin ay parang puwet ng manok yung bibig niya.
"Si Mr. Bautista parang laging galit sa buhay! Lagi niya nalang kaming sinasalubong nang sermon sa umaga, eh!" Ibinagsak nito ang mga gamit niya sa lamesa sabay dukot sa chips na nasa tabi ko, hindi na ako nag-abalang bumili ng lunch, kaya ito nalang ang kinain ko. Napa-iling nalang ako dahil araw-araw niya atang nirereklamo ang tungkol sa teacher nila na 'yon.
Bahagya akong ngumisi nang makita kong nakatingin ito sa'kin. "Masisira talaga ang araw niya kapag 'yang pagmumukha mo ang nabungaran niya." Kita kong nanlaki ang mata niya nang sabihin ko 'yon.
"Ang funny mo, Mauree! Ano naman ang connect no'n? Halos mabaliw na nga yung mga blockmates ko sa'kin, eh." Inayos nito ang polo niya at itinaas baba ang dalawa niyang kilay. Ang lalakeng 'to! Hindi rin siya nagsasawang sabihin na gwapo siya, eh. Sabagay, totoo naman. Kaya marami rin talaga ang nagkaka gusto sakaniya.
Saglit kaming natahimik nang hindi ko na sinagot ang sinabi niya. Hindi ako matatapos sa ginagawa ko, kung pagtutuunan ko lang nang pansin ang isang 'to. Marami akong dapat tapusin ngayon, halos mabaliw na nga ako sa dami ba namang gawain. Kung pwede lang talaga na yumaman nalang bigla ng 'di gumagawa ng kahit na ano, eh.
"Maruee?" Naramdaman ko ang daliri niya na tinutusok-tusok ang braso ko, kaya naman irita ko itong tinignan.
"Ano na naman ba 'yon, Miggi? Wala ka bang klase at sinasayang mo ang oras sa pang gugulo lang sa'kin?"
Inabot niya sa'kin ang dala niyang lunch box bago inayos ang gamit niya sa harap ko, hindi na ito nag-abalang lumingon sa'kin dahil abala na siya sa ipad niya. "Kumain ka na, alam kong hindi ka pa kumakain ng lunch. Sa'yo na 'yan, wala akong gana kumain, eh."
"Kainin mo na 'yan, busog ako. Tsaka, baka sabihin mo nanaman mamaya na gutom na gutom ka at ayain mo nanaman akong kumain sa kung saan." Ipinatong ko sa mga aklat niya ang lunch box na ibinigay niya. Totoo naman kasi, kapag sabay kaming umuuwi sa hapon ay kung saan-saan niya ako inaaya kumain, 'di naman na kasama sa budget ko ang mga gano'n. Palagi naman siyang nag iinsist manlibre, kaso, ayoko namang gumagastos siya para sa'kin.
Kaibigan ko na si Miggi simula noon pa, hindi ko maipag kakaila ang kabaitan niya. Kumbaga, palagi niyang iniisip ang kalagayan ko, alam niya kasi ang lahat ng tungkol sa'kin. Palagi siyang naiinis kapag tinitipid ko ang sarili ko, paano naman kasing hindi titipirin ang sarili? Eh wala naman na akong ibang aasahan.
"Haynako! Huwag ka na makulit! Kainin mo na 'yan, babalik na ako sa room namin, hinihintay ka na rin nila Natalie. Nakita ko sila kanina sa benches, wala raw kayong klase, pero may meeting ang org niyo." Ginulo nito ang buhok ko bago inayos ang gamit, hilig niyang gawin sa'kin ang bagay na 'yon. "Kainin mo na 'yan, ah? Kapag hindi mo kinain 'yan sasabihin ko kay mama na sinabihan mo ng matabang ang luto niya." Tumawa ito bago naglakad palayo sa'kin.
"Tarantado ka talaga!" Sigaw ko kahit malayo na siya. Palagi rin kasi siyang pinadadalhan ng mama niya ng lunch box, pero kadalasan ay sa'kin niya naman ito ibinibigay. Ang kapal ng mukha niya para ipanakot pa sa'kin ang ganoong bagay.
Tinapos ko lang ang ginagawa ko bago pumunta sa meeting area ng org namin. Ang sabi, ay kami raw ang naka-assign sa pag oorganize ng booth para sa festival week namin. Sa susunod na linggo na rin kase 'yon, kaya malamang ay magiging busy pa ako lalo.
"Ikaw na Kiara ang bahala sa mga flyers na ipamimigay natin during event, ikaw na rin ang bahala mag print. Nailagay ko na kasi sina Natalie at Trixie sa ibang gawain, okay lang ba?" Inabot sa'kin ng president ng org namin na si Yumi ang pag gagayahan ng flyers, hindi naman gaanong mabigat ang ganoong gawain kaya pumayag ako.
"Oo, okay lang sa'kin! I-pprint ko na agad mamaya bago umuwi. Para naman madala ko na siya bukas."
Nang matapos ang meeting ay kaagad akong nilapitan nina Natalie at Trixie, malamang ay may chismis nanamang dala ang mga 'to. Parang nararamdaman ko na kasi kapag ganito ang itsura nila, eh.
"Kiara! Nasabi na sa'yo ni Miggi?" Pumagitna sa'min ni Natalie itong si Trixie, kumapit pa ito na akala mo namang mawawala siya. Palagi niya itong ginagawa tuwing magkakasama kaming tatlo.
Umiling lang ako dahil wala namang sinabing iba sa'kin si Miggi nang magkita kami kanina, at ano naman ba kasing sasabihin niya. "Ang alin?" Bahagya ko lang tinapunan nang tingin ang mga ito.
Hinatak nila ako papunta sa activity center ng school, kung saan naroroon ang ibang students na nag-aayos ng booth nila, nakita ko naman sa stage ang ilang nag p-practice for pageant. Bahagya ko pang iniliit ang mata ko nang maaninag ko si Miggi, kasali siya?
Hinatak pa ako palapit ni Natalie bago kami umupo sa mga bleachers "Tignan mo 'yang bestfriend mo! 'Di ba ang sabi niyan never siyang sasali sa pageant na 'yan kahit anong pilit sakaniya? Tapos si Gianna lang pala makakapag papayag sakaniya." Umiiling-iling na tumawa 'yong dalawa.
Every festival week ay binibigyan ng card si Miggi, card na ibig sabihin ay iniimbitahan siya sa pageant ng school namin. Palagi niya 'yong tinatanggihan dahil hindi naman siya mahilig sa gano'n. Hindi naman maipagkakaila ang itsura ni Miggi dahil talagang gwapo siya, kaya, hindi na rin kami nagtataka kung bakit taon taon ay nabibigyan siya ng card. Tsaka, ano namang kinalaman ni Gianna sa pagsali niya?
Nagtataka akong lumingon sa dalawa na abalang kumakain. "Ano namang kinalaman ni Gianna? Tsaka, malay ko ba sa isang 'yan kung bakit sumali. At hindi na rin naman niya dapat sabihin sa'kin 'yan." Akala ko naman kasi kung ano ang dapat niyang sabihin.
Naramdaman ko ang bahagyang paghampas sa'kin ni Natalie. "Gaga! May pustahan kayo niyan, 'di ba? Ang sabi niya pa nga ay 'Kapag napa payag akong sumali riyan ay himala, kaya bibigyan ko kayo ng five hundred, kahit mag tag-iisa pa kayo kung magkataon' tanda mo na?" Natawa kami ni Trixie nang gayahin nito ang mga sinabi ni Miggi.
Tama, sinabi niya 'yon nung mga panahong pinipilit namin siyang sumali para sa grand prize na ten thousand. Halos taon taon naman ay ganoon.
"Ano nga ang kinalaman ni Gianna?" Ulit ko nang mabaling ang tingin ko sa stage. Naroon nga si Gianna, isa rin sa pinaka sikat dito sa school namin. Sa pagkaka alam ko ay anak ito ng isang mayamang engineer sa america. Bukod don ay ang ganda pa niya.
"Ang sabi nila kaya raw sumali 'yang si Miggi sa pageant para suportahan si Gianna, may something raw sakanila, eh. Hindi ba binanggit ni Miggi sa'yo?" Nagtataka akong tinignan ni Trixie dahil baka inaakala niyang alam ko ang tungkol don. "Biruin mo, dalawang sikat sa iisang frame? Ang cute!" Dagdag pa nito.
Itinaas ko lang ang dalawa kong balikat para sabihing hindi ko alam ang bagay na 'yon, oo, sinasabi rin kasi ni Miggi sa'kin ang mga babaeng nagugustohan niya. Halos lahat nga ata ay na ku-kwento niya. Wala rin naman kaming maitatago sa isa't isa dahil since high school ay mag bestfriend na kami.
Napatingin ako sa stage dahil nagsimula na silang mag practice nang slow dance, na sasayawin nila bago magsimula ang event. Nakita ko pang nagulat ito nang magtama ang tingin namin, kaagad naman itong kumaway at nag thumbs-up pa.
Napabalikwas ako nang biglang sumigaw sina Natalie at Trixie sa tabi ko, kahit kailan talaga ang dalawang 'to. Hindi nahihiya kahit na pinagtitinginan na sila ng ibang students.
"Go Miggi boy! Ang lantod mo!" Sigaw ni Trixie nang makita niya ang bahagyang paghapit ni Miggi sa bewang ni Gianna. Tumawa lang si Miggi bago itinaas ang gitnang daliri bilang sagot.
Umiling-iling nalang ako dahil sa kalokohan ng mga kaibigan ko. Para silang mga bata, eh. Napansin kong padilim na kaya agad akong tumayo at nagpa-alam na sa dalawa. Dadaan pa kasi ako ng printing room para doon nalang i-photo copy ang mga flyers.
"Una na 'ko sainyo, gagawin ko pa yung inutos ni pres." Hindi ko na hihintayin si Miggi dahil malamang ay mamaya pa ang tapos nila.
Nakita kong inayos na rin ni Trixie ang gamit niya. "Sabay na ako sa'yo palabas, kailangan ko na rin palang umuwi. Ikaw Natalie, 'di ka pa ba sasabay?" Umiling lang 'to at tumingin sa wrist watch niya.
"Hihintayin ko pa ang boyfriend ko, mauna na kayo. Ingat kayo, ah? Chat chat nalang!"
Tatalikod na sana kami ni Trixie pero agad kaming napalingon kay Natalie dahil sa sinabi niya, boyfriend daw? Kailan pa nagka-jowa ang isang 'to. Halos araw-araw kaming magkasama pero wala naman siyang nabanggit.
"At kailan ka pa nagka boyfriend?" Sabay na usal namin. Nag peace sign lang ito bago tumayo at itulak kami para magsimula nang makapag lakad.
"Bukas nalang natin pag-usapan, uwi na."
Hindi na namin ito pinansin at umalis na. Limang building pa ang madadaanan bago makarating sa printing room. Agad akong nainis nang makitang sarado ito, no choice, kailangan ko pang magpunta sa computer shop para doon nalang magpa photo copy. Hindi naman malayo sa school namin, pero kailangan ko kasing maka-uwi agad dahil may binabantayan ako sa tabing bahay namin.
Nakita ko na parang nagbabadya ang ulan kaya binilisan ko nalang ang paglalakad, wala pa naman akong dalang payong baka mamaya ay maabutan pa ako.
Pagkatapos kong magpa photo copy ng mahigit dalawang daang flyers ay agad na akong umalis. Napa kamot nalang ako sa ulo ko nang biglang bumuhos ang ulan, buti nalang at may waiting area malapit sa computer shop. Isang jeep lang ang kailangang sakyan para maka uwi sa'min, pero dahil umuulan ay hirap akong maka sakay.
Bahagya akong gumilid dahil sa lalakeng tumabi sa'kin, muntik pang mabasa ng payong niya ang dala ko kung hindi ko pa ito iniwas. Napa-irap ako nang ibaba na nito ang payong niya, si Miggi pala.
Napatakip ito sa bibig niya nang makita niya rin ako, OA talaga ng isang 'to. "Hoy, gago! Bakit ngayon ka palang uuwi? Gabi na, ah? Diba may inaalagaan ka pa? Tsaka, bakit wala kang dalang payong? Anong ginagawa mo dito?" Sunod-sunod ang tanong nito kaya napa-irap nalang ako. Ano bang sa tingin niya?
"Sinisubukan kong bilangin ang ulan, beng! Bored na bored kasi ako, eh." Sarkastikong sagot ko na ikinangiti naman niya, ang babaw talaga ng kaligayahan ng isang 'to!
Tinanggal niya ang jacket niya tsaka inilagay ito sa'kin, kinuha niya rin ang dala ko at inilagay sa bag niya. Hindi na kasi kasya sa'kin kaya binitbit ko nalang. "Bihira mo nalang akong tawagin ng gano'n, ah?" Saad pa nito habang inaayos ang hood ng jacket.
Bahagya akong napangiti nang ma-realize ang sinasabi niya. 'Yon kasi ang callsign namin simula noon pa. Nang bahagyang tumila ang ulan ay nakasakay na rin kami.
Magka-baranggay lang kami ni Miggi kaya sabay kami umuuwi kapag wala kaming gagawin sa hapon.
7:30 PM na nang makarating kami sa bahay, hinatid na rin ako ni Miggi dahil wala akong dalang payong. Kaagad ko nalang ibinaba ang gamit ko bago magpunta sa kwarto ko para magpalit. Kawawa naman ang binabantayan ko, siguradong wala na ang mga kasama niya sa bahay.
"Mauree wala bang kailangang ayusin dito sa bahay? Para maayos ko hanggangg nandito ako." Dinig kong sigaw ni Miggi mula sa sala.
Pagkalabas ko ay agad kong kinuha ang laptop ko sa cabinet bago siya hatakin palabas ng pinto. "Wala na, beng! So far okay naman ang mga gamit. Uwi ka na, baka hinahanap ka na ni tita."
Bahagya itong ngumiti bago ginulo ang buhok ko. "Okay, sabihin mo sa'kin kapag may kailangan ka, ah? Kahit ano, gagawan natin nang paraan 'yan. Chat mo ako kaagad." Para itong kuya ko na nagpapa alala sa'kin na lumapit kaagad sakaniya kapag may kailangan.
Tumango lang ako at pinagmasdan siyang umalis. Hay! Hindi ko alam kung gaano ako kabait para ibigay sa'kin ang ganoong klaseng kaibigan. Simula pa noon ay hindi niya ako pinabayaan, hindi ko talaga alam kung anong mangyayari sa'kin kung wala ang isang 'yon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top