Keep My Heartbeat


THE BEGINNING

My life is peaceful before I met this guy. Okay naman ako. Nasa maayos akong pamilya. Nakakakain ako tatlong beses isang araw. May maayos na bahay na tinitirahan at nakakapag-aral sa isang magandang Univeristy dito sa Bulacan.

Ako nga pala si Belle Mendez, nineteen years old, second year college from Bulacan State University. Kinukuha ko ay BSED English. Pangatlo ako sa apat na magkakapatid.

Napalingon ako sa gilid ko ng mapansing nakatingin sa'kin si Linda. Nginitian ko siya.

"Bakit ka ganiyang makatingin sa'kin?" nagtatakang tanong ko habang inililigpit ang mga gamit ko. Tapos na kasi ang klase sa una naming subject at lilipat na kami ng classroom sa susunod.

She pouted her lips.

"Ang ganda mo kasi kahit kailan, Belle, kalian ka ba papangit?" pagrereklamong tanong nito sa pabirong paraan.

Tumawa ako ng pagak dahil sa sinabi niya. Mahina ko siyang hinampas ng notebook.

"Ikaw talaga puro ka kalokohan! Hindi naman ako maganda," pagtanggi ko.

"Awit! Pa-humble siya oh!"

Imbis na sagutin ay pabiro ko na lang siyang inirapan pagkatapos ay tumayo na. Sumunod naman sa'kin ang kaybigan ko at sabay kaming lumabas ng classroom. Papunta kami sa sunod naming subject na RPH o Reading in Philippine History.

Pangalawang taon ko ng kaybigan ngayon si Linda. Sa isang taon kong pagsama-sama sa kanya ay tanggap ko na ang ugali niya. Madalas siyang mag-cutting pero nakakapasang-awa naman.

Pumasok kami sa classroom kung saan kami mag-aaral. Naghalo na ang mga estudyante do'n na may-ari ng classroom at kaming mga makiki-gamit. Akma akong uupo sa madalas kong upuan ng makita kong may bag pa do'n.

Lumingon sa'kin si Linda.

"Bakit ayaw mo pang umupo?" nagtatakang tanong nito.

Itinuro ko ang bag sa upuan bago tumingin sa kanya. "Nandito pa yata 'yung may-ari. Antayin ko na lang muna umalis," wika ko bago inilibot ang paningin ko sa loob ng classroom.

"Hay na ako! Hayaan mo na nga 'yan!" naiinis na sabi nito bago walang paalam na inilipat ang bag sa ibang upuan. Kinuha nito ang bag ko at inilagay sa upuan bago itinuro 'yon. "Ayan na po, santa Belle!" sarcastic niyang ani.

Napasimangot ako dito. Kahit kaylangan talaga ang babaeng 'yan palagi na lang aktong siga. Baka mamaya ay magalit pa 'yung may-ari ng bag dahil sa paglipat niya. Umiling ako at umupo na.

Nilingon ko ang upunang pinaglagyan ni Linda ng bag. As of now wala pa namang gumagalaw do'n at sana walang gumalaw hanggang sa dumating ang may-ari, ayoko namang manakawak kung sino man 'yon at baka sa'kin pa pabayaran.

Ilang sandali pa ay unti-unti ng umalis ang ibang estudyanteng hindi naman a-attend sa klase namin ngayon. Sandali lang kaming naghintay dahil pumasok na ang prof namin. Lahat ng kasamahan namin ay tumahimik dahil kilala sa pagiging strict ang prof namin ngayon.

Madalas kaming nasisita nito dahil sa ingay namin. Isinarado ng prof ang pinto. Pagkaraan ng ilang minuto ay pabalyang bumukas ang pinto na kinalingon naming lahat. Pumasok sa loob ang isang matangkad na lalaki. Medyo payat ang pangangatawan nito at mahaba ang buhok. Kumabog ng malakas ang dibdib ko.

Napalunok ako saka napahawak sa dibdib ko.

Bakit ka ba tumitibok ng malakas?! Bakit?! May sakit na ba ako sa puso?!

Mas lalong naghurumentado ang puso ko ng lumakad ito palapit sa'kin. Nakasimangot ang mukha at may hinahanap sa likuran ko. Namilong ang mga mata ko. Huwag mong sabihin— at bago ko pa matapos ang naiisip ko ay sumigaw ito ng pagkalakas-lakas.

"NASAAN ANG BAG KO?!" mala-kulog nitong tanong ng nasa harapan ko na siya.

Umigtad ako.

"Mister! Anong karapatan mong sumigaw sa klase ko?! Sarado na ang pintuan ibig sabihin ay may magka-klase na! Wala ka ng karapatang pumasok pa dito!" ani ng Prof namin.

Masamang tumingin dito ang lalaki sa harapan ko.

"Ako tigil-tigilan mo sa kakadada mo ah! Mag-uumpisa na rin ang klase ko! Nasaan ang bag ko! Lintik!" malakas nitong sigaw na kina-igtad ko na naman.

Nanginginig kong tinuro ang upuan sa likod kung nasaan ang bag ng lalaki. Ikinuyom nito ang kamao bago tumingin sa'kin mula ulo hanggang paa. Dinilaan muna nito ang pang-ibabang labi bago kinuha ang bag at lumabas gamit ang pintuan sa likod na malakas din nitong sinarado. Umalog yata ang mga pader.

Nakahinga ako ng maluwag ng wala na ang lalaki sa loob ng silid. Nakatingin sa'kin lahat ng nasa loob.

"Okay ka lang ba, Ms. Mendez? Huwag kang mag-aalala. That guy will have his punishment," may pagkasiguradong wika ni Prof.

Hindi ko magawang tumango dahil hanggang ngayon pakiramdam ko nanginginig ang mga hita ko dahil sa takot. Hinaplos ni Linda ang likuran ko. Nagtatanong siyang tumingin sa'kin.

I give her an assuring smile para hindi na siya mag-alala. Pagkaraan ng limang minuto ay nag-umpisa ng magturo ang Prof namin patungkol sa history ng Philippines. Pasimple akong tumitingin sa mga pinto dahil baka mamaya ay bigla na lang dumating ang lalaking pumasok kanina.

Ang oras sa klase namin ay lumipad na wala akong naiintindihan sa kung anong tinuro ng Prof. nagpakawala ako ng hininga habang pinagmamasdan ang sinusulat ni prof sa board na assignment namin.

"Copy this and I want you to advance study about our next topic. Magkita na lang ulit tayo sa susunod na meeting. Paalam," anito bago nag-marsiya palabas ng classroom. Napatingin ako kay Linda na nagsusulat. Kokopya na lang siguro ako mamaya.

Madami pa kaming na-iwan dito upang kumopya ng takdang aralin.

"Hindi ka ba magsusulat?" nagtatakang tanong ni Linda sa'kin habang nakatingin sa notebook na hindi ko naman ginagalawa.

Nanlalatang umiling ako sa kanya.

"Wala akong gana, Linda. Pakiramdam ko ay naubos lahat ng energy ko," ani ko bago marahang ibinalik sa bag ko.

"Huwag mo nang isipin 'yung nangyari kanina. Gago talaga 'yung si George kaya nga walang mararating sa buhay 'yon eh," anito.

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi nito. Mabilis akong humarap sa kanya.

"Kilala mo 'yong lalaking 'yon?!"

Gulat na tumingin sa'kin si Linda. "Oo!" anito. "Bakit?! Hindi mo ba kilala 'yon?" tanong nito na kina-iling ko.

"Hindi eh," mahinang sagot ko.

NATAPOS ang pang-umaga namin na lumulutang ang utak ko sa nangyari kanina. Patuloy 'yung nagr-reply sa utak ko na para bang isang sirang plaka.

Muli akong nagbuntonghininga. Inirapan naman ako ni Linda.

"Nako Belle! Tigil-tigilan mo na 'yang pag-iisip mo sa lalaking 'yon! Hindi siya worth it! Kumain ka na nga diyan! Sige ka! Mamaya may Physical Education tayo pero hindi ka makakasabay!" pag-sita sa'kin ni Linda.

Oo nga pala. May PE kami mamaya. Muli akong nagpakawala ang malalim na hininga bago umiling. Kaylangan ko ngang magkaroon ng energy para mamaya, paniguradong papagurin na naman kami no'n sa pagtakbo.

Nag-umpisa na akong kumain ng binili kong pagkain sa canteen. Isa lang itong sandwich with egg and ham ang inumin ko naman ay orange juice.

Panay ang kwento ni Linda sa nangyayari sa lovelife niya ngayon. Isa pa 'to sa hindi ko maintindihan kay Linda, daig pa nagpapalit ng damit sa pagpapalit ng boyfriend. Kada araw yata ay iba-ibang pangalan ng lalaki ang naririnig ko.

"Ayun na nga! Nahuli kong may kabit si lalaki!!!" nanggigigil na wika nito.

Napa-inom ako sa juice ko.

"Eh anong ginawa mo?" curious kong tanong. Hindi ko naman kasi alam ang pakiramdam ng ganito dahil single ako buong buhay ko. Hindi pa ako nagkaka-boyfriend sa lagay na 'to.

"Ano pa?! Edi sinugod ko sila ng kabit niya! Anong akala nila sa'kin?! Iiyak na lang ako sa isang tabi! Hindi noh!! Kinalbo ko talaga 'yung babae dahil mang-aagaw siya ng boyfriend! Makati siyang babae napakawalanghiya niya!" gigil pa niyang pagk-kwento sa'kin. Napangiti ako.

Matapang talagang babae si Linda. Hanga ako sa kanya. Kaya niyang lumaban ng gano'n kung ako siguro 'yon ay baka nga nag-iiyak na lang ako dahil hindi naman ako marunong makipag-away. Baka 'yung bunso pa namin ang sumugod para sa'kin.

Nang matapos akong kumain ay nagpunta na kami sa sumunod naming klase na Cognate Creative Writing. Sa likod namin sinubukang umupo ni Linda para iwas tao. Masyado kasing mainit ngayon dahil tirik ang araw at ang electric fan ay parang nagbubuga ng apoy kesa yelo.

"Paniguradong magsusulat na naman tayo ng kung ano-ano dito," tamad at walang buhay na wika ni Linda.

Napangiti na lang ako. Dito kami nagkaka-iba dahil gusto ko ang creative writing na subject namin. Easy na lang 'to para sa'kin. Kinuha ko ang bag ko para sana kunin ang panyo pero may kung sinong padabog na umupo sa bakanteng upuan sa tabi ko na kinalingon ko.

Lumaglag ang panga ako ng makilala ko kung sinong nasa tabi ko. Nakaramdam ako ng takot dahil baka mamaya ay saktan niya ako.

"Tsk! Anong tinitingin-tingin mo diyan?!" maangas nitong tanong sa'kin.

Bago pa man ako makasagot ay nagsalita na naman ito.

"Sinusundan mo ba ako?!"

Umawang ang labi ko sa kahanginan ng lalaking 'to sa katawan. Umakyat lahat ng dugo ko sa mukha.

"Hoy, lalaki!! Wag ka ngang mahangin! Hindi kita sinusundan hano! May klase kami dito, eh ikaw?! Anong ginagawa mo dito?! Alam mo bang bawal maki-sit in ng wala pang pahintulot ng teacher! Hindi niyo naman 'to classroom para dito ka tumambay!" suplada kong wika sa kanya. Naramdaman ko ang pag-lingon sa'min ni Linda.

Nginisihan niya ako.

"Tapang! Ganiyan ang gusto ko sa babae. Palaban!" ani pa niya kasabay ng paghawak niya sa labi ko na kina-init ng ulo ko. Paasik kong iwinaksi ang kamay niya.

"Bastos!" galit kong sigaw.

Hindi ko na sigurado kung wala pa bang usok na lumalabas sa tenga't ilong ko dahil sa inis sa lalaking katabi ko ngayon.

"Lumayas ka nga dito! Madaming seats na bakante diyan!" pagalit kong utos sa kanya.

Nginisihan niya ako sabay inilingan. Tinapik-tapik nito ang daliri sa table.

"Sorry not sorry I will not leave my seat. I like it better now I found you amusing," nakakalokong sabi nito.

Ikinuyom ko ang kamao ko bago tumayo.

"Pasensya na! Ako pala 'yung kaylangan mag-adjust!" sarcastic kong wika bago lumakad papunta sa ibang seats pero bago pa man ako maka-upo ay sumigaw na ng pagkalakas-lakas ang lalaki.

"Sa kung sinong magpapa-upo sa kanya sa bakanteng upuan ay malilintikan sa'kin!" nakakatakot nitong bababala sa lahat.

Sa isang kisap mata ay na-occupy lahat ng bakanteng seat sa room bukod sa inuupuan ko kanina. Kung susubukan kong magpalayas ng classmate sa isa sa mga seat at makipag-palit ay 'di rin ako magtatagumpay dahil takot sila sa linti na lalaking 'to. Tiningnan ko siya ng masama pero nginisihan niya lang ako. Bumaling ako sa kaybigan kong naka-ngisi sa'kin.

"Upo ka na dito, Belle," nakangising paanyaya nito.

Talagang uupo ako do'n! Wala naman na akong ibang mauupuan! Padabog akong bumalik sa dati kong upuan. Nakangisi sa'kin si George.

"Mas lalo ka pa lang gumaganda kapag ka nagagalit ka, mahal," malambing niyang wika.

Inirapan ko siya. "Pwede ba! Huwag mo kong matawag-tawag na mahal at mabola-bola dahil hindi ako naniniwala sa mga salita lang!"

"Gusto mong pakitaan na kita?" malokong tanong niya.

"Bastos ka talagang lalaki ka! Lumayas ka na dito! Ayokong katabi ka!!" naiinis kong pagpapalayas dito pero tinawanan lang niya ako.

"Ano bang iniisip mo?! Papakitaan kita ng mga moves! Nang mga diskarte para mapa-oo dahil simula sa araw na 'to liligawan na kita!" may pagmamalaki pa sa boses niya.

"No! Basted ka na hindi ka pa nag-uumpisa kaya pwede ba lumayas ka na!"

"Hindi mangyayari!"

Dahil sa inis ay padabog akong tumalikod sa lalaki at kay Linda ako humarap para naman hindi masira ang buong araw ko.

"Akala ko ba ay huwag ko ng pansinin ay lalaking 'to. Bakit hindi mo ako tinutulungan para mapalayo 'to?!" patanong kong asik sa kaybigan ko.

Nilingon niya ako saka binigyan ng isang nakakalokong ngisi. Mukhang mapapagka-isahan ako ng dalawang 'to ah.

"Syempre naman, Belle. Ayoko pero andiyan na anong magagawa ko? Pikunin ang lalaking 'yan, bigla-bigla na lang nananapak, nako, nako," pananakot pa niya sa'kin.

Inirapan ko siya. Anong klaseng kaybigan sya. Grabe!

"Huwag mo akong kausapin!" pikon kong ani sa kanya na pinagkibit balikat ng babae. Nakaka-inis bakit gano'n? Imbis na tulungan ako ay pinapadikit pa niya lalo sa'kin 'tong lalaking 'to. Alam na pala niyang nananakit ng babae pero ayaw akong tulungan. Gusto akong masapak gano'n?!

Sa buong klase namin ay pulos panungulit lang ang ginawa sa'kin ng lalaki. Nakaka-inis dahil ni miski Prof namin sa PE ay ayaw pigilan ang lalaki. Kanina ay nagtaas ako ng kamay para magpalipat ng seat pero hindi naman ako pinansin. Kaya ang buong suma ay napanis ang laway ko.

Tapos na ang klase ko ngayong araw at uuwi na ako sa bahay namin, dahil naiinis pa rin ako sa dalawa ay hindi ko sila kina-usap. Padabog akong naglakad palabas. Narinig ko ang pagtawag sa'kin ni George pero binilisan ko ang paglalakad ko dahil ayaw kong maabutan niya ako.

Nasa labas na ako ng building ng maramdaman ko ang mahigpit na paghawak ng kung sino sa braso ko.

Agad akong napalingon. Tumambad sa'kin ang nakasimangot na mukha ng lalaki.

"Bakit ka ba nagmamadali? May lakad ka ba? Huwag ka na munang sumama do'n at sa'kin na lang. Gusto pa kitang mai-date," untag niya.

Padabog kong binawi ang braso ko.

"Ayoko!!" madiin kong sabi bago nagtatakbo palayo sa lalaki. Narinig ko ang muli niyang pagtawag sa pangalan ko pero hindi ko na nilingon. Ayokong isipin niyang nagpapa-kipot lang ako. Sumama na rin ako sa kumpol ng mg estudyante para sakaling mawala ang lalaki kung susubukan niya akong sundan ulit.

Hanggang sa makasakay naman ako ng jeep ay walang nakasunod kaya nagpapasalamat na din ako.

NAKA-UWI ako sa bahay namin ng alas-tres ng hapon. Walang tao sa bahay kundi ang bunso naming kapatid na nasa elementary pa lang. Siya si Bea. Ang panganay naman naming kapatid na si Clea ay nagtra-trabaho sa Manila at 'yung sumunod do'n na si Celine ay nagtra-trabaho na din sa isang Private High School dito sa Bulacan din.

Umupo ako sa tabi ni Bea at tiningnan kung anong ginagawa nito Kumunot ang noo ko.

"Anong ginagawa mo?" tanong ko.

Maarte siyang lumingon sa'kin. "Assignment! Sabi kasi ng teacher namin ay may tatlong star ang kapag maganda ang drawing! Kaya naman gagandahan ko 'yung drawing ko!" may pagmamalaking wika niya.

Nginisihan ko siya.

"O sige nga! Gandahan mo ha! Huwag pangit 'yan kundi yari ka sa'kin!" pananakot ko sa kanya bago tumayo.

Iniwan ko si Bea sa ibaba at nagpunta ako sa second floor ng bahay namin na may isang silid. Lahat kami ay dito natutulog. Magkakatabi kaming tatlo nila Ate Celine at Clea habang sina Inang at Amang pati si Bea ay sa kama.

Nagtungo ako sa maliit naming bodega dito kung nasaan ang drawers namin. Kumuha ako ng damit ko saka nagbihis, isinabit ko sa hanger ang uniform ko pagkatapos ay naglakad na ako pababa.

"Nasaan sila Inang?"

"Nasa bukid. May inaayos lang do'n," sagot ni Bea ng hindi tumitingin sa'kin.

I nod. Lumakad ako papuntang kusina at kumuha ng malamig na tubig sa ref. Lumapit ako sa lababo para kumuh ng baso. Nagsalin ako ng tubig sa baso saka uminom. Nang matapos ay ibinalik ko sa ref ang tubig, umupo ako sa may upuan sa harapan ng mesa. Kinuha ko ang saging do'n.

Naalala ko ang sinabi ni George kanina. Totoo kaya 'yon? Liligawan niya kaya ako? Ewan ko pero may kaunting kasiyahan akong nadama sa puso ko. Pero what if niloloko niya lang pala ako? Sunod-sunod akong umiling. Ano ba 'tong iniisip ko?! Hindi ko dapat 'to iniisip!

"Para kang baliw diyan!" puna sa'kin ng kapatid ko.

Napalingon ako sa harapan. Inirapan ko siya bago tumayo at nagpunta malapit sa basurahan. Itinapon ko do'n ang balat ng saging bago nagpunta sa may sala. Aakyat sana ako sa may hagdan ng tumunog ang telepono namin.

Kumunot ang noo ko dahil sa pagtataka kung sino 'yon. Bumalik ako sa ibaba para sagutin ang tawag.

"Hello? Sino sila?"

"So eto pala talaga ang landline number ng bahay niyo?" malakong wika sa kanilang linya.

Napatigil ako ng makilala ang boses na 'yon. Nakaramdam ako ng inis.

"Paano mo nalaman ang number namin?!" pabulong kong tanong na puno ng inis. Ayokong marinig ni Bea dahil baka magsumbong pa siya kina Ate at Inang, malilintikan talaga ako nito!

Tumawa sa kabilang linya si George.

"Sa register. Alam mo na... meron silang numbers ng mga magulang o ng landline ng bahay para in case of emergency ay may tatawagan sila," pagpapaliwanag niya.

Nagkiskisisan ang mga ngipin ko. "Tigilan mo na ako dahil hindi na ako natutuwa! Ayokong maka-usap ka ni miski makita ka! Kaya pwede ba tigilan mo na ako!"

"Sabi ko na sa'yo... hindi mangyayari 'yon, mahal ko. Simula sa araw na 'to ay liligawan kita. Inuulit ko, liligawan kita at wala ka ng magagawa do'n. Sinigurado ko lang na naka-uwi ka ng ligtas sa bahay ninyo kaya ako tumawag at ngayon. Ibababa ko na. Isipin mo ko, mahal ko," malokong wika niya pagkatapos ay nawala na lang ito sa kabilang linya.

Padabog kong ibinaba ang telepono saka tumalikod. Muntikan pa akong mapatalon ng makita si Bea sa likod at nanunuring nakatingin sa'kin.

"Sino 'yon?" ani mo detective niyang tanong.

Inirapan ko siya, "hindi ko kilala!" asik ko bago pumanik sa itaas. Sa buong maghapon na 'yon ay inis lang ang nararamdaman ko dahil sa lalaking 'yon. Paano niya nakuha sa register ang landline number namin? Hindi ba't bawal 'yon! Nakakainis!

Hanggang sa maka-uwi ang mga kapatid at magulang ko ay nawala ako sa mood. Nasa hapag na kami ng kausapin ako ni Inang.

"Bakit ka ba nakasibangot, Belle? Kanina pa 'yan?!" may pagka-inis nitong tanong sa'kin.

"Pagod lang po siguro ako. Madami kaming ginawa kanina," nag-iiwas kong tinging sagot.

"Dalian mo na lang kumain at pumanik ka na sa taas para makapagpahinga," ani Amang.

Matamlay akong tumango akala ko ay magiging okay na ang lahat pero hindi ko napansin ang tinginan ng mga kapatid ko sa'kin. Pagkapanik ko sa itaas ay sinalubong ako ng mga kapatid ko.

"Sabi ni Bea ay may kausap ka daw kanina sa phone. Sino 'yon?" curious na tanong ni Ate Clea.

Napanguso ako bago pasimpleng nilingon si Bea. Pinandilatan ko siya bago humarap kina Ate.

"Classmate ko po, Ate. May tinatanong kasi siya kanina kaya napatawag," pagpapalusot ko.

"Maniwala kami sa'yo Belle!" ani Ate Celine. "Baka naman mamaya ay boyfriend mo na 'yon ha," may pagka-strict na wika nito.

Sunod-sunod akong umiling sa kanya.

"Wala, Ate! Hindi pa naman ako magb-boyfriend hano." Umiwas ako sa kanila. Pumuwesto ako sa higaan ko.

"Nako Belle, ha! Huwag ka munang magbo-boyfriend," may halong pananakot ni Ate Celine.

Hindi na ako sumagot para matapos na ang away. Sabay-sabay kaming nahiga ng gabing 'yon pero 'di naman ako nakatulog kaagad. Patuloy kong iniisip si George.

MABILIS lumipas ang mga araw hindi ko na namalayang patapos na ang unang semester ng pag-aaral namin at ngayon ay second sem na. Anim na buwan na rin simula ng manligaw sa'kin si George at nakikita ko namang totoo ang kaniyang pinapakita. Napangiti ako, mukhang hindi nakakapagsisi na hinayaan ko siya.

Araw-araw tumatawag ang binata sa bahay namin para siguraduhing naka-uwi na ako sa bahay. Minsan ay magbibigay siya ng roses sa'kin o 'di kaya naman ay mga cupcakes. Napaka-sweet niyang lalaki. Kapag sa uwian ay hinihintay niya talaga ko para ihatid sa sakayan. At mukhang malapit na niyang makuha ang matamis kong oo.

"Mahal!" tawag niya sa'kin na kinalingon ko.

Nakita ko si George, may hawak na isang tray na may dalawang plate ng pagkain. Ngumiti ako sa kanya. Tinabihan niya ako ng upo.

"Kumain na tayo," yaya niya.

Tumango ako bago humarap kay Linda na ngayon ay busy rin sa pakikipag-landian sa bagot nitong boyfriend na kaybigan ni George.

"Sa susunod nating klase, Linda. Mauna ka na dahil may dadaanan pa ako," pagpapaalam ko dito na kinatigil nila.

Nagtatakang tumingin sa'kin si Linda at George.

"Saan ka dadaan?"

"Anong dadaanan mo?"

Magkasabay pa nilang tanong na kinatigil ko. Pasimple akong umirap.

"Diyan lang. kukunin ko 'yung hinihiram kong libro sa library," sagot ko na kinatango naman ni Linda.

"Okay. Pag-save na lang kita ng upuan," anito.

Tumango ako sa kanya.

"Samahan na lang kita mamaya gusto mo?" alok ni George.

"Hindi na noh at saka sandali lang naman ako do'n. 'Di rin ako magtatagal."

"Edi sasamahan na nga kita. Sandali lang naman pala eh."

"Hindi na nga. May klase ka pa rin sa oras na 'yon kaya ako na lang."

Sumimangot ang lalaki, bakit ayaw mo akong pasamahin? Siguro may lalaki kang kakatagpuin hano?"

Namilog ang mata ko sa akusasyon niya.

"Hoy! Sinong lalaking kakatagpuin! Ikaw talaga napaka-dumi ng isip mo. Sa library ako magpupunta para humiram ng libro! Huwag kang OA!" may pagka-inis kong wika sa kanya.

"Nako po naman si George, napaka-seloso!" pang-aasar ng kaybigan ni George, pero imbis na patulan ay sumimangot ang lalaki.

Halatang hindi nagustuhan ang ginawa kong pag-tanggi. Napahinga ako ng malalim. Ito ang unang beses na nag-selos ang lalaki, madalas kasi ay iniintindi niya ako kaya hindi ko siya maintindihan kung bakit nagkakagnito siya ngayon.

Natapos ang lunch time na walang kibuan sa pagitan namin ng lalaki. Pumunta ako sa library na mag-isa kahit ayaw niya. Wala naman kasi akong kakatagpuing lalaki. Siya lang ang madumi ang isip.

Buong maghapon ay walang George na nagpakita sa'kin. Nalungkot ako dahil do'n. Gano'n ba kababaw ang tingin niya sa nararamdaman ko. Hindi ko naman ipinadama sa kanya na hindi ko siya gusto o kaya naman ay may iba.

Sabay kaming lumabas ng classroom ni Linda.

"Oh, nasaan si lover boy mo? Ikaw lang ang uuwi?" nagtatakang tanong ni Linda na mas kinabigat ng loob ko.

Wala kasing nag-aabang na George sa'kin. Napasimangot ako bago tumingin sa babae.

"Nagtampo yata dahil hindi ko siya sinama kanina sa panghihiram ko ng libro," malungkot kong sagot habang naglalakad kami palabas ng building.

Bumuntonghininga ang babae.

"Edi suyuin mo!" ani 'to.

Kumunot ang noo ko. "Paano?"

Nginisihan niya ako. "Sagutin mo na o kaya naman ay iregalo mo ang virginity mo!"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Napatingin ako sa paligid para tingnan kung may nakarinig ba sa sinabi ng babae. Hinawakan ko ang kamay niya at hinila siya sa gilid.

"Ikaw! Kung ano-anong itinituro mo sa'kin!" sita ko pero inirapan niya lang ako.

"Alam mo! Wala namang masama do'n eh! Ikaw din bahala ka. Baka mamaya ay mawalan siya ng gana sa'yo at ipagpalit ka sa iba!" pananakot niya.

Humawak ako sa dibdib ko saka umiling.

"Hindi niya magagawa sa'kin 'yon. Alam kong mahal niya ako!"

"Ikaw! Kung 'yan ang pinapaniwalaan mo bahala ka!" bored nitong sabi bago ako iniwan do'n.

Hindi nawala sa isip ko ang sinabi niya. Kapag ba talaga hindi ko ibinigay ang sarili ko kay George ay may chance na maghanap siya ng iba? Napalunok ako. Ayokong isipin na magkakaroon siya ng iba.

Nang maka-uwi ako sa bahay ay sa tabi agad ako ng telepono pumuwesto. Wala akong pake kung hindi pa ako nakakapagpalit ng uniform ko. Mariing nakamasid sa'kin si Inang at alam kong nagtataka na siya sa ikinikilos ko. Pero hanggang sa sumapit ang alas-siete ng gabi ay walang tumawag sa telepono.

Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa. Ang tamlay ko at wala akong ganang kumain. Halos ayoko ng bumaba sa kusina ng tawagin ako sa pagkain. Natulog akong may mga luhang dumadaloy sa pisnge ko.

Kinabukasan ay napagpasiyahan kong kausapin si George, gusto ko ng maayos ang away sa pagitan naming dalawa. Pinagtanong-tanong ko sa mga classmates at kaybigan niya pero iisa lang ang sagot nila. Nasa roof top daw si George kaya naman mabilis akong pumanik sa roof top ng building namin.

Pero bago pa man ako makapanik sa taas ay natuod na ako sa nakita ko sa may hagdan. Ilang beses akong lumunok para pigilan ang sarili kong umiyak.

Si George ay may kasamang ibang babae. Napalunok ako dahil kilala ko ang babaeng 'yon. Madaming beses na silang nali-link sa isa't isa dahil bagay daw ang dalawa. Magkayakap silang dalawa.

Tama nga si Linda, mukhang maaagaw sa'kin si George kapag hindi ako gumawa ng paraan para mapanatili siya sa tabi ko. Sa oras na 'yon ay nakagawa ako ng isang desisyon na hindi ko man lang inisip ang magiging consequence. Walang ingay akong bumaba.


THE SIN

ANG sabi nila kapag mahal mo ang isang tao ay gagawin ko ang lahat para sa kanya at oo. Totoo ang kasabihang 'yon dahil ngayon ay hinahayaan ko ang lalaking mahal kong halikan at pagmasdan ang buong katawan ko ng walang kahit anong saplot.

Hinayaan ko siya pag-isahin ang mga katawan namin. Pagsawain ang mga sarili namin sa pag-abot ng ikapitong langit. Hindi ko na namalayan kung anong oras ba kami natapos. Ang naalala ko lang ay ang pagbanggit niya sa'kin ng mahal kita.

"Mahal kita, Belle... maraming salamat," bulong niya bago ako muling hinalikan sa labi na ginantihan ko naman. Pagkaraan ng mainit naming halikan ay tumabi siya ng higa sa'kin at niyakap ako ng mahigpit.

Katahimikan.

"Nagsisisi ka ba?" mahinang bulong niya.

Umiling ako bago siya nilingon. "Hindi. Ikaw?"

Nginitian niya ako saka hinaplos ang pisnge ko. "Kaylan man ay hindi ko pagsisisihan ang bagay na 'to, Belle. I will always treasure this memory," bulong niya.

"Anong gagawin natin kung sakaling mabuntis ako?" natatakot kong tanong.

"Edi papanagutan kita. Magpapakasal tayo pagkatapos ay titira tayo sa isang maliit na apartment. Magtitinda tayo ng buko at fishball," nakangiting sagot niya.

Nawala ang saglitang pangambang nadama ko dahil sa sinabi niya. Tuwang-tuwa na ako sa pagtitinda ng buko at fishball dahil hindi ko pa alam kung gaano kahirap ang buhay.

ISANG MALAKAS na sampal ang tumama sa mukha ko ng malaman ni Amang na buntis ako. Lalo akong napa-iyak.

"ESTUPIDA! NAPAKA TANGA MO, BELLE!" malakas na sigaw sa'kin ni Amang at muli akong sasampalin ng pigilan siya ni Inang at ni Ate Clea.

"TAMA NA AMANG!"

"WALA NG MAGAGAWA ANG GALIT-GALIT MO NA 'YAN, CHRIS!"

Lalo akong napahagulgul dahil sa takot. Dalawang buwan na akong hindi dinadatnan at kanina'y nalaman kong buntis ako. Iyak ako ng iyak dahil sa takot. Nang malaman ni Amang ay galit na galit siya.

"LUMAYAS KA DITO!!" malakas nitong sigaw.

"CHRIS!"

Sina Ate Celine ay nakaalalay sa'kin. Hinahawakan niya ang kamay ko kasabay ng pag hagod niya sa likod ko.

"KAYLANGAN PANAGUTAN NG PUTANGINANG LALAKING 'YON ANG GINAWA NIYA SA ANAK KO! HINDI AKO PAPAYAG NA—PUTANGINA KASI! ANG BOBO MO! PINAG-AARAL KITA PARA MAKAPAGTAPOS KA HINDI PARA MAAGA KANG KUMERENGKENG!"

"Huminahon ka, Chris! Walang magagawa 'yang galit mo at baka makasama pa sa anak mo! Huwag kang magsisisgaw, mamaya ay atakihin ka pa sa puso! Tumigil ka na diyan at umupo ka!" pagpapahinahon ni Inang kay Amang.

Tumingin sa'kin si Ate Clea, I saw the disappointment in her eyes and I cannot take it. Nag-iwas ako ng tingin.

"Bella, tawagan mo ang lalaking nakabuntis sa'yo at papuntahin mo dito," walang emosyong utos sa'kin ni Ate.

Nanginginig akong tumango bago lumapit sa may telepono. Dinial ko ang number ni George na kaagad naman niyang sinagot. Actually hindi ko pa nasasabi sa kanya. Wala pa siyang ediya sa kung anong nangyayari ngayon.

"Hello, mahal!" malakas nitong bati sa kabilang linya.

"P-pumunta ka dito sa bahay," walang boses kong utos sa kanya.

"Ha? Bakit?" nagtatakang tanong niya.

Limingon ako kina Amang na hanggang ngayon ay masama pa rin ang tingin sa'kin. Ibinalik ko ang tingin ko sa kawalan.

"Mamaya ko na sasabihin. Basta pumunta ka na dito ngayon na. Please," pagkasabi ko no'n ay binaba ko na ang tawag at umupo sa pang-isahang upuan.

Nakayuko ako dahil hindi ko kayang salubungin ang mga tingin nila. Hinila ni Inang si Amang palabas ng sala upang mas lalo ng hindi tumindi ang away sa pagitan naming dalawa. Naiwan ako sa salang kasama sina Ate.

"Alam mo ba kung gaano ako kagalit ngayon, Bella?" walang emosyong tanong ni Ate Clea ni inilingan ko.

"Hindi naman alam kung saan kami nagkulang ng pagpapaalala sa'yong huwag kang makikipag-boyfriend muna, pwede naman pero bakit kinaylangan mo pang ilihim sa'min? Alam mo ba kung gaano kasakit 'yon?" tanong ni Ate Celine.

Umiling ko sa kanya. Mas lalo akong napa-iyak.

NAGPUNTA si George sa bahay, pinatawagan kay George ang mga magulang nito na sinunod naman ng lalaki. Ngayon ay magkatabi kami sa upuan samantalang ang mga magulang namin ay nasa magkabilang gilid.

"Nabuntis na ng anak niyo ang sa amin. Dapat na silang magpakasal," walang kaamor-amor na wika ni Ama.

"Hindi naman yata pwede 'yon!" pagtutol ng Nanay ni George.

"Anong hindi pwede?! Pwede 'yon! Anong gusto niyo?! Lumaking bastardo ang magiging anak ng anak ko?! Puta, ginalaw-galaw ng anak mo ang anak ko pagkatapos wala siyang bayag para magpakasal?!" galit na usal ni Ama.

Natigilan naman ang mag-asawa. Sumingit si Inang.

"Kung sa inyo rin naman siguro nangyari 'to ay ganito rin ang gagawin ninyo. Babae ang anak namin at sa inyo ay lalaki. Walang mawawala sa inyo pero sa'min ay meron," pagpapaliwanag ni Inang.

Nagkatinginan ang mga magulang ni George at wala ng nagawa kundi ang haayan na lang kaming dalawa na makasal. Hindi ko alam kung anong saluobin ni George dahil hindi naman siya nagsasalita sa buong oras na 'yon.

Mabilis lang ang naging kasal. Kinabukasan ay niyaya na kami ng mga magulang namin para magpunta sa munisipyo. Gusto kasi ni Amang makasal na kami bago pa lumobo ang tiyan ko dahil nakakahiya daw 'yon na totoo naman.

Ang mga naging saksi namin ay ang mga magulang namin at mga kapatid. Hindi ganitong kasal ang na-imagine kong pagdadaanan ko. Ang gusto ko sana ay 'yung lalakad ako sa aisle habang naghihintay ang asawa ko sa my altar pero mukhang malabo pang mangyari 'yon.

Nang matapos ang kasalan ay kumain kami sa bahay. Nagpaluto si Inang ng ulam para sa'min. Tahimik pa rin si George at hindi ako kinikibo. Natatakot akong baka mamaya ay hindi niya gusto ang mga nangyayari sa'ming dalawa.

Nung kinahapunan ay nagpaalam ng aalis ang mga magulang ni George kaya naman kami ang naghatid sa kanila sa labas. Kumaway ako sa papalayong trike na sinasakyan ng mag-asawa.

"Bakit hindi mo pa pinalaglag 'yung bata nung may chance ka?" malamig na tanong ni George pagkaraan ng ilang minuto.

'Di makapaniwalang tumingin ako sa kanya.

"Gusto mong ipinalaglag ko na lang ang bata?" mapait kong tanong.

Masamang tumingin sa'kin si George.

"Oo! Dahil hindi pa tayo handa, Belle! Ni hindi ko pa alam kung paano alagaan ang sarili ko pagkatapos ay magdadgdag ka pa ng isa?! Saan tayo kukuha ng pangkakain natin sa batang 'yan!"

"S-sabi mo magtitinda tayo—"

"Bobo! Sa tingin mo ay kaya tayong buhayin ng pagtitinda ng fishball at buko?! Wala tayong pera!" malakas niyang sigaw na kina-iyak ko.

"H-huwag mo naman akong sigawan! Kung nagagalit ka dahil sa nangyaring ito edi sana ay hindi mo na lang—"

"Lintik ka! Huwag akong sisihin mo dahil hindi ko naman hininging ibigay mo sa'kin ang sarili mo! Nagkusa ka lintik!"

"DAHIL IIWAN MO AKO!" malakas kong sigaw na kinatigil niya.

Shocked itong tumingin sa'kin bago ngumisi.

"Sa tingin mo dahil buntis ka ay hindi kita magagawang iwan?! Tangina. Belle! Ginawa mong kumplikado ang lahat ng bagay sa'tin!" malakas niyang sigaw.

Mas lalo akong napa-iyak. Wala na kaming pake kung nasa labas kami ng bahay at pinagtitinginan ng mga tao sa paligid.

Akala ko ay magiging maayos ang lahat sa'min pagkatapos no'n pero hindi. Mas lalong naging magulo. Lumamig ang pakikitungo sa'kin ni George. Nakatira kami sa lumang bahay ng mga magulang ko sa may bandang bukid dahil ginusto naming bumukod. Nakakahiya na kasi sa mga magulang ko na nakikita kaming araw-araw na nag-aaway.

Mag-isa ako ngayon sa bahay dahil namasada ng trike si George para sa pang-araw-araw naming pagkain. Pareho kaming nagtigil sa pag-aaral. Bali-balita na daw sa school na buntis ako at ang nagpabalita no'n ay walang iba kundi si Linda.

Napa-upo ako sa labas ng bahay namin. Tahimik ang buong lugar dahil walang masyadong tao dito at may pagkamalayo sa kalsada. Ang makikita mo lang ay mga pala-isdaan.

Ginabi ng uwi si George, pagod na pagod ang hitsura at gutom na gutom. Mabuti na lang at nakapag-luto ako ng maaga.

Magkatabi kaming natutulog ni George pero pakiramdam ko ay napakalayo niya sa'kin. Para bang anlawak-lawak ng maliit na papag kung saan kami natutulog. Tumagilid ako ng higa at tahimik na umiyak.

Nagpunta kami sa bahay ng biyenan ko, hindi rin maganda ang pakikitungo sa'kin.

"Eto! Hugasan mo 'yan. Ang kupad-kupad mong kumilos!" ani ng biyenan kong babae. Napalunok ako dahil sa pang labing apat nitong pagdadagdag ng nga hugasin. Iilan lang naman kaming kumain pero pakiramdam ko ay pinakain nila pati buong barangay sa dami ng plato.

Napalunok ako ng makita sa gilid ang masamang tingin sa'kin ng mga sister in law ko. May kung anong ibinulong 'yung isa sa isa at sabay silang tumawa habang nakatingin sa'kin. Napayuko ako dahil sa kahihiyan. Gustuhin ko mang umalis ngayon ay hindi ko magagawa dahil magagalit na naman sa'kin ang asawa ko.

LUMIPAS ang mga buwan at ngayon ay kabuwanan ko na. Ang saya-saya ko dahil babae ang magiging anak ko. Nag-iisip na ako kung anong maari kong ipangalan sa kanya. Gusto ko sanang Bellissima dahil ang ibig sabihin no'n ay kagandahan.

Napangiti ako ng makita si George na dala-dala ang mga pinabiling pagkain ni Inang.

"Kumustang pakiramdam mo?" malambing na tanong ni George saka humawak sa tiyan ko.

Nginitian ko siya. "Okay lang naman. Medyo humihilab 'yung tiyan ko pero sabi naman sa'kin ay natural lang daw 'yon dahil kabuwanan ko na ngayon."

"Mabuti naman. Aalis nga pala ako ngayon dahil may raket akong papasukan. Baka mamaya pa ako maka-uwi. Huwag mo na akong hintayin," pagpapaaalam niya sa'kin pagkatapos ay mabilis akong tinalikuran paalis.

Naiwan akong mag-isa dito. May mga times na mabait siya sa'kin tulad nung una at meron ding wala siyang pakialam sa'kin. Ilang beses ko ng tinanong ang sarili ko kung may mali ba sa'kin dahil palagi na lang akong nasasaktan.

Kinagabihan ay biglang sumakit ng husto ang tiyan ko. Napahawak ako kay Ate Celine na katabi kong matulog. Nagising ito.

"Ano? Bakit?" inaantok nitong tanong.

Puno ng sakit ang mukha ko ng hinarap ko siya. "Ate, manganganak na yata ako!!" malakas kong sigaw na kinagising nito.

Nanlaki ang mga mata nito at ginising si Ate Clea na nagulat din ng makita ako. Kusang mga nagising ang mga magulang namin. Mabilis nila akong isinugod sa hospital dahil pumutok na ang panubigan ko. Iyak ako ng iyak dahil sa pinaghalong Physical and emotional pain. Nanganak akong wala sa tabi ko ang asawa ko.

KINABUKASAN ay nagising ako dahil sa iyak ng sanggol. Namulatan ko ang buong pamilya ko na nasa loob ng hospital room ko. Hawak hawak nila ang isang maliit na sanggol. May kung anong mainit na kamay na humaplos sa dibdib ko.

Tumingin sa'kin ang lahat ng mapansin nilang gising na ako. Nakangiting lumapit sa'kin si Ate Clea na siyang may hawak sa baby ko. Inilipat niya 'to sa bisig ko. Kitang-kita ko ang maganda niyang mukha. Bagay na bagay ang pangalang Bellissima sa kanya.

Three days kaming nasa loob ng hospital at three days ring walang George na nagpapakita sa'kin. Isang araw ay napagpasyahan kong puntahan ito sa trabahong tinutukoy. Nakuha ko kasi ang address sa isa sa mga common friends naming dalawa.

Ewan ko pero habang nasa daan ako ay hindi ako mapakali. Pakiramdam ko may masamang mangyayari na huwag naman sana. Nakita ko kaagad ang building na ginagawa nila George. Pumara ako do'n at pumasok sa loob.

"Kuya, tanong ko lang po kung nasaan si George," magalang kong tanong sa lalaking nakasalubong ko.

Siningkitan ako ng mata ng lalaki.

"Abe nasa loob. Kasama 'yung girlfriend niya. Sino ka ba?"

Nabingi yata ako dahil sa sinabi nito. K-kasama ni George ang girlfriend niya sa loob? P-Puta?!

"Asawa lang naman ako ni George," mahina kong sagot bago mabilis na nilakad ang bahay kung saan nakatira ang mga gumagawa. Kahit masakit pa ang katawan ko dahil sa pangangnak ay 'di ako napigilan no'n para malakas na buksan ang pintuan.

Bumungad sa'kin ang magkahalikang sina Linda at George, halos wala ng pang-itaas na damit si Linda.

"MGA HAYOP KAYO!!!!!" malakas kong sigaw na puno ng puot kasabay ng paghila ko sa buhok ni Linda. "WALANGHIYA KANG BABAE KA! ANG BABABOY NIYO! MGA WALANGHIYA KAYO!" galit kong sigaw sa kanila.

"TAMA NA, BELLE!" pigil ni George.

Sinampal ko ang lalaki bago tinapakan sa sikmura si Linda na nakahiga na sa lapag. Dumaing ito ng sakit.

"WALANGHIYA KA GEORGE! KAYA PALA AYAW MO NA SA'KIN DAHIL SA KAYBIGAN KO?! PUTANGINA! NANGANAK AKO SA ANAK NATIN PERO WALA KA! PUTANGINA KA! PUTANGINA KAYONG DALAWA! MGA AHAS! MGA BABOY!!" puno ng galing kong sigaw sa kaniya habang pinagkakalmot siya.

Gumawa na ako ng eksena kung gagawa pero gusto ko ng matapos lahat ng sakit na nadadama ko ngayon. Muli kong sinampal si George at dinuro siya.

"Mula sa oras na 'to ay wala ka ng asawa George! Putangina ka! Magsama kayo ng kagbit mo!" Hinarap ko si Linda at nandidiri siyang tiningnan. "Hindi ko alam na napaka-baba mo pa lang nilalang, Linda. Nakakaawa ka," mapang-uyam kong wika bago sila tinalikuran.

Awang-awa ako sa sarili ko habang lumalabas ako sa site. Lahat ng kasamahan ni George ay nakatingin sa'kin. May ibang naaawa, 'yung iba naman ay nakiki-usyoso lang. Anong kasalanan ang ginawa ko sa kanila.

'Yung kaybigan ko trinaydor ako. 'Yung lalaking mahal ko at pinaglaban ko sa pamilya ko niloko ako. Gaano katagal na nila akong niloloko? Masaya ba sila na pinagmukha nila akong tanga?!

Hindi ko alam kung paano ako naka-uwi sa bahay namin. Namalayan ko na lang na dinadaluhan na ako ng mga kapatid ko. Lahat sila ay nag-aalala sa'kin. Panay ang tanong kung saan ako nagpunta, kung anong nangyari pero wala akong maisagot sa kanila kundi ang pag-iyak. Dahil nasasaktan ako sa tuwing naalala ko ang kawalanghiyaan sa'kin ng mga taong pinagkatiwalaan ko.

Kinagabihan ay umuwi si George.

Nginisihan ko siya.

"Ang lakas naman talaga ng loob mong bumalik pa dito, hano? Wala ka na ba talagang hiya?!" galit kong tanong sa lalaki.

Napatigil sa pagkain ang mga kapatid ko. Si Amang ay napatayo sa tabi ko. Nanunuri ang mata habang nakatingin sa lalaki.

"Anong nangyayari dito?" tanong ni Inang na kadarating lang.

Pagalit kong tinuro ang lalaki sa harapan ko. "Bakit hindi niyo tanungin ang lalaking 'yan kung anong nangyari kanina? Ang lakas ng loob mong umuwi pa dito pagkatapos ko kayong mahuli ng kabit mo!"

"KABIT?!" sabay-sabay nilang wika.

"PUTANGINA KA!"

"Lumayas ka na dito dahil wala kang mapapala."

"Hindi mo akong pwedeng paalisin dito dahil ako ang asawa mo. May karaapatan akong umuwi dito at may karapatan ako sa'yo pati na sa..." bumalik ang tingin ni sa crib na nasa gilid ng bintana. "Pati na sa anak ko. Kaya—"

Napatili kami ng tumama ang kamao ni Ama sa mukha ni George. Kung noon siguro 'to nangyari ay baka pinigilan ko pa si Amang pero hindi eh. Deserve niya ang sapak na 'yon.

"PUTANGINA KA! KAYA UNA PA LANG WALA NA AKONG TIWALA SA TABAS NG MUKHA MONG TANGINA KA!!" galit na galit na sigaw ni Amang habang sinasapak si George.

Sina Inang at Ate Clea ay pinipigilan si Amang dahil daw baka matuluyan nitong mapatay si George pero wala akong pake. Bagkus ay hinanda ko ang mga gamit ng lalaki. Kinuha ko lahat at wala akong itinira. Padabog kong itinapon ang bag sa labas.

"Lumayas ka na George. Wala ka ng mapapala dito. Asahan mo na lang ang annulment papers," malamig kong wika. Nilapitan ko ang crib ng anak ko pagkatapos ay pumanik kami sa ikalawang palapag ng bahay.

Malambing kong tiningnan ang anak ko na nagising dahil sa ingay sa ibaba. Mabuti na lang at hindi siya nag-iiyak.

Hinaplos ko ang pisnge niya.

Pangako, Bellissima, hindi ka lalaki kasama ang gano'ng klaseng tao. Lalaki ka mang wala ama ay pinapangako kong hindi ka mauubusan ng pagmamahal.


New Life

PAGKATAPOS ng gabing 'yon ay naghanap kami ng abogadong maaring maglakad ng annulment namin. May nakuha naman kami. Isang malapit na kaybigan. Kaya ang saya rin dahil mabilis lang na-grant ang pemission na mapawalangbisa ang kasal namin dahil madami akong patunay na hindi naman siya naging asawa at ama sa anak namin.

Simula ng huling pagkikita namin sa korte ay hindi ko na siya nakita.

"Hindi mo kayang wala ako, Belle! Hindi mo kaya!!!" galit nag alit na sigaw ni George.

Inilingan ko siya at tinaas ang kaliwanag kamay ko para mag-dirty finger sa harapan niya. Tinawanan ko lang siya. Hindi ako matutulad sa kanyang walang kinabukasan.

Nag-start ako ng business namin dito. Maliit pero keri lang. 'Yung sinabi niyang pagtitinda ng fishball at buko? Tinutoo ko 'yon.

Ngayon ay may ilang branch na kami ng Bellissima's street food dito sa Hagonoy.

"Mama, gusto ko ng balloon!" tinuro ni Bellissima ang nagtitinda ng lobo. Nginitian ko siya saka kami sabay naglakad papunta do'n.

Hindi ko ipinagmamalaking maaga akong nabuntis. Ni hindi ko ipinagmamalaking teenage mom ako dahil alam kong mali 'yon. Nasira ang pangarap sa'kin ng mga magulang ko, niloko ako ng asawa ko dahil sa bestfriend ko. Minsan napapatong kung dahil ba sa kapusukan ko kaya nangyari sa'kin ang mga bagay na 'yon pero sa tuwing nakikita ko kung nasaan at ano ako ngayon ay nawawala ang pagsisisi ko.

Tama lang na naranasan ko 'yon dahil kung hindi ay hindi ako matututong kumilala ng mga taong dapat kinakaybigan sa taong iniiwasan.

Humigpit ang hawak ko sa kamay ni Bellissima ng patawid na kami sa kalsada. Tumatawa pa ang anak ko dahil bibili kami ng lobo. Ipinangako ko sa sarili kong ibibigay ko lahat ng kaylangan niya na hindi na niya kaylangang maghanap ng isang ama.

"A, b, c, d, e ef, ji, eycth, ay , jey, key, el em en ow pi! Que ar es! Ti u bi, dobolyu ex---"

Even before he finished singing the alphabet song, I just felt our bodies throwing on the road.

I heard the loud sighing of the people, their cries for help.

Even though my body hurts, I still try to open my eyes. I saw Bellissima in the distance. Unconscious.

I cried in pain and fear. I can't afford to do anything bad to my child. She is my life.

People approached us quickly. A woman is asking something but I cannot understand her. The one thing that is in my mind is my daughter. I need to make sure she's safe. I can't lose her. I could see the darkness of the sky. I saw how people looked at me with pity. I saw how their eyes looked at me.

"A-ng a-anak--" I didn't finish what I was about to say because I saw someone in the crowd of people. He was smiling like a monster. He looks so happy about what happened to me and to his child. He turned away when he realized I had already seen him. I tried to raise my hand to point him but it was too late. He already left.

"Ligtas 'yung bata! Tumabi kayo! Dadalhin sa hospital 'yung bata!"

"Humihinga pa 'yung bata! Tumawag kayo ng ambulance!"

Napangiti ako ng marinig na buhay ang anak ko. She's a fighter. I know she can survive after this.

"K-keep my heartbeat safe for me," huling wika ko bago ako pumikit.



The End 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top