9th: Gone Yesterday
SIGURO HINDI sapat ang pagod ko kaya hindi agad ako makatulog. I was moving tirelessly on the bed wanting to settle at a comfortable position to let my mind rest and finally sulk into sleep. Pero kahit pa halos 15 minutes na akong nagpabaling-baling sa kaliwat-kanan na posisyon sa kama, hindi talaga ako makatulog.
I glanced at the small-sized clock beside my bed. It was already 11 in the evening.
Dalawang bagay ang gumugulo sa isipan ko ngayon, una ay ang paghintay ni Rhyl sa akin sa labas ng apartment complex. The talk we had left a hint of nostalgia in my heart that I couldn't just ignore. Parang paulit-ulit na nag-echo sa isipan ko ang lahat ng mga sinabi niya tungkol sa amin.
Ang totoo ay hindi ko makuha ang punto niya. He didn't even go straight to the point. Makikipagbalikan ba siya sa akin? O gusto niya lang ipaalala na ako mismo ang dahilan kung bakit wala na kami? But I felt his genuine recollection of what we had.
Ako mismo sa sarili ko... hindi ko na napigilan ang umiyak. After all, he has given me company during high school when I was still living with pressure under the scrunity of my parents.
Rhyl has become a huge part of myself. But that was years ago. Should we resist change or continue to hold on for a portion of the past that's already lost?
Ikalawang bagay na gumugulo sa isipan ko ay ang katahimikan ng paligid at ang lobby ng apartment. It seemed that no one had returned home. Sa floor kung nasaan ang unit namin, apat na unit lang ang meron.
Katabi ng unit ko ngayon ay unit ni Eustace. Pero bakit ba gulong-gulo ako dahil hindi ko pa naririg na umuwi na siya?
Bumangon ako at umupo sa kama. Inabot ko ang phone ko sa ilalim ng unan at nagtitingin ng mga kanta sa music playlist. If I would be exhausted enough maybe, then I could finally doze off to sleep.
So I picked a song.
Slowly I slipped out of bed. I didn't bother to put on my slippers. Hinayaan ko lang na lumapat ang paa ko sa malamig na sahig. Then I listened to the music and I started to sway in its rhythm.
I was part of the contemporary dance troop back when I was still in high school. Life was fun back then. It makes sense and it fueled me. Dancing was my passion.
Ipinikit ko ang mga mata at umindayog kasabay nang malamyos na musika na bumalot sa buong kwarto.
The song started soft and ballad in the first verse. I smiled to contain the rush of heat to my chest. Mas pinag-igihan ko ang pagsayaw kasabay ng kanta. I tip toed my feet then spread my hands sidewards, then up and then I swayed. I stretched my legs in the air and twirled. I crossed my arms in my chest the moment the song finished its chorus. It's been a long time since I had done this.
I kept on dancing in the middle of the night, swaying to the music. Kapag napupunta sa mga kantang paborito ay sinasabayan ko at nagtatalon sabay sigaw.
When it was already 1 am, I was already catching my breath, my sweat pooling the sides of my temple and across my back and neck.
"Wohoo!" I exclaimed, pinahiran ko ang pawis sa noo at nagpunta sa banyo.
Pero pagkalabas ko ay parang may narinig akong nabasag na gamit sa itaas ng apartment ko. Probably galing sa third floor na unit. It was only a faint thud pero narinig ko pa rin.
Kumunot ang noo ko tapos ay tiningala ang puwesto na sa tingin ko ay kung saan nanggaling ang kalabog. Minuto lang ang lumipas nang may narinig akong sumara na pinto pagkatapos ay nasundan ng sigaw.
"Help! Help me!" katulad ng kalabog kanina ay mahina rin ang sigaw. Pero naririnig ko ngayon. In reality the scream might be loud. Enough reason to be alarmed in the middle of the night.
I grabbed the coat that my eyes first laid on. Nagmadali na akong tumakbo palabas.
May kalabog ulit akong narinig. Agad kung sinilip ang unit sa itaas. Doon nga galing ang sigaw. Hawak ko ngayon ang cellphone ko at dahan-dahan na umaakyat sa hagdanan.
That scream in this portion of the apartment complex, poossibleng iyong babae na gustong tulungan ni Eustace ay sinasaktan ngayon. Hindi na katulad noong una na sinisigawan.
"Shit," I mumbled when the thud and screams got louder as I near the spot in the thirdfloor. Bago magpakita at sitahin ang lalaking nananakit sa babae ay tumawag muna ako sa Police department.
I'm sure the rest of our neighbors in the apartment were aware of the chaos at this point. Pero bakit wala pang lumalabas ni isa sa kanila?
Nanatili akong nakatago sa isang gilid at saglit na sumisilip sa bandang pintuan ng unit kung saan ay nanggagaling ang ingay.
But I froze in my spot when a realization hit me after seeing the status quo of the commotion. They guy we had seen before who had punched Eustace on the face was holding a gun.
I immediately texted the police informing them that the assailant has a gun with him.
"Please... don't do this!" nanginginig ang boses ng babae na nagmamakaawa, pero sa hulihan ay napasigaw ito dahil sa takot.
Napatampal ako sa noo at rinig ang malakas na pagtambol sa dibdib. Nanlamig din ang mga kamay ko at halos natuod na sa kinatatayuan.
"Kanina nang makita ko silang dalawa, sinisigawan ng lalaki ang babae. I knew it was not just a simple argument, Lienna."
"We don't know, Eustace. But we tried to help."
Eustace was right. We should have inquired or extended some help. Hindi pa sana umabot sa puntong ganito.
Inilapat ko ang cellphone sa dibdib at pumikit ng ilang beses. Nang sumilip ulit ako ay nakatutok na ang baril na hawak ng lalaki sa noo ng babae habang nakatalikod ang babae sa railing-kaunting galaw o tulak ay mahuhulog agad ito mula sa ika'tlong palapag ng apartment.
"You don't shout at me like that!" Namumula ang mukha ng lalaki at nakatiim ang bagang.
Nanginginig ang babae sa kanyang harapan pero walang ibang magawa. The man took a step toward the woman, and the woman shrivered even more.
"Don't move or I will shoot you!" sigaw ulit ng lalaki. Wala pa rin ni isa sa mga kapitbahay namin ang lumabas. Was I stupid to even be at this specific spot at the moment?
Nanginginig ako sa takot pero hindi ko kayang tumalikod na lang at bumalik sa unit at hindi na makialam. Baka sakaling makatulong ako...
The woman still refused to listen. Umiling-iling siya habang nakatitig sa lalaki. "You're just too drunk to even realize that I only care for you. Austin Stanley, we can still make this work if we agree to compromise-"
"I SAID SHUT YOUR FUCKING MOUTH, BITCH!"
I saw how the man's finger who was clasping the gun moved, wanting to flick the trigger-I immediately shouted in an attempt to stop him. "No!"
Bumaling ang lalaki sa banda ko at sa akin itinutok ang baril. Kasabay noon ay narinig namin ang boses ng mga police na nakapuwesto na sa ibaba.
Naging balisa ang lalaki at agad na hinila ang babae palapit sa kanya. Segundo lang ang lumipas nang marinig namin ang mga yabag na paakyat sa third floor.
The next moments and I was already clutching the hem of the coat that I'm wearing. Tinakpan ko ang tenga ko at nanlalamig na natuod sa isang gilid. There were shots of gun that echoed. Mutliple shots. Then minutes after, I heard that someone's dead.
The man fired the gun to the police, they had no other option left but to defend themselves. The woman had fainted because of fear and shock.
I was already oblivious of what happened next. Basta ang alam ko ay pinababa ako sa ground floor ng apartment ng isa sa mga medical staff na nagresponde.
Sinagot ko ang mga tanong niya. Kung ako ba ang tumawag. May isang pulis rin na lumapit sa akin. Kahit pa mabagal ang pagsagot ko ay sinubukan kong sabihin ang mga nalalaman. Malamig pa rin ang mga kamay ko at parang ang hirap huminga...
Sa oras na iyon pa lang naglabasan ang mga tao at nagsimula nang umingay ang paligid. But it seemed that even now, I can still hear the gun shoots that took place earlier.
Sa gitna ng dagat ng mga tao sa ground floor, napagmasdan ko ang isang sasakyan na pumarada sa maliit na parking space sa harapan. Then I saw a familiar man who stepped outside from the driver's seat.
Kunot noo na si Eustace ang napagmasdan kong palapit.
Tumitingin siya sa mga tao habang humahakbang. Napansin na rin niya ang mga police na pababa mula sa third floor dala ang isang bangkay na nakabalot na ngayon sa plastic ang katawan.
"There was a hostage scene that took place," was the answer of an old woman whom Eustace asked.
My eyes never left him and he made his way towards the busy crowd. Only to find my eyes laid on him the entire time.
Nagtama ang mga mata namin at namilog ang mga mata niya nang mapansin ako na pinapalibutan at kinakausap ng mga pulis.
"Lienna!" tawag niya sa akin at nagmadaling lumapit. "Ano'ng nangyari?"
Ibinuka ko ang bibig pero walang boses na lumabas. Napahawak ako sa dibdib ko at napapikit.
Pero muli kong naidilat ang mga mata nang maramdaman ang marahan na paghila ni Eustace sa akin palapit sa kanya at nagtanong. "Ayos ka lang ba? Kasama ka ba sa-"
I nodded, pinilit kong magsalita sa kabila nang panginginig ng katawan. "-I saw it, Eustace. I heard the gun shots. Nakita ko kung papaano natumba ang lalaking unang nagpaputok ng baril. Nakita ko kung papaano siya tumitig sa babae sa huling pagkakataon pero binalak pa rin na iputok ang baril sa babae kung kaya niya pa... it was horrible."
Natakpan ko ang bibig habang mariin na ipinikit ang mga mata. Ilang beses akong huminga nang malalim.
Marahan ang paglapat uli ng kamay niya sa palapulsuhan ko tapos ay dumaosdos iyon para hawakan ang palad ko.
"You're shaking," aniya. "Hali ka."
Tapos ay dahan-dahan niya akong niyakap habang marahan na tinapik-tapik ang sa likod.
I WAS CLUTCHING a cup of scorching hot coffee in one hand while I gaze at Eustace from his balcony across from mine.
Two hours had passed from the incident and I had finally calmed down. I needed to talk so I could calm down fully.
Ngayon ay panay ang titig ko sa tanawin sa labas ng apartment mula sa balcony. Siya naman ay nakaharap sa laptop niya habang nakaupo sa isang pang-isahang mesa sa nakapuwesto sa balcony ng unit niya.
Hindi ko alam pero kanina ay panay ang tanong niya kung ayos na ba ako. I was fine. Pero nabigla lang siguro.
Ngayon tuloy ay hindi ko maiwasang hindi mapatitig sa kanya at mapansin ang bawat kilos na ginagawa matapos naming makapag-usap saglit.
So, siguro ang binalikan niya rito ay trabaho?
Simula ang makarating kami rito ilang linggo na ang lumipas ay ngayon ko pa lang siya nakitang may seryosong ginagawa. Siguro nga sineryoso ko ang sinabi niyang pumunta lang siya rito dahil bored siya. But it wasn't the whole picture.
Kita ko sa mga mata niya ang pagod at sa kunot noo ay ang antok. He was squinting while gazing at the screen of his laptop. But he was eager enough to focus on whatever he's doing kahit pa nagsisimula ko na siyang paliguan ng mga tanong.
"So, Eustace I doubt that you came here because you're bored. Pumunta ka rito kasi bored ka? Hindi ata."
Tumigil siya sa sa pagtipa sa laptop at hinarap ako kahit na halos dalawang metro ang layo naming dalawa.
"I don't think you need to hear this," komportable niyang sagot, hindi seryoso pero hindi rin natatawa. "Totoo ang sinabi ko sa 'yo na nagpunta ako rito kasi bored ako. Walang magawa sa buhay."
Wala akong nasabi dahil hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Ang lalaking katulad niya walang magawa sa buhay? With that looks? And stance? Wala siyang magawa? Wala ba 'tong girlfriend?
"Babalik at babalik naman talaga ako rito. Sa tingin ko rito ko dapat hinahanap ang tadhana na hindi ibinigay sa akin sa Pilipinas."
"Tadhana? You mean Avie?"
Lumandas ang kaunting ngiti sa labi niya. "Fate, Lienna. Not a specific person."
Tumango ako, hindi namalayan na napangiti.
Then he leaned in to gaze at me in full attention. "Actually, pinapapasabi ni Avie na tingnan ka kung may oras. At dahil... naka-schedule din naman akong lumipad dito after three months. Naisipan kong umalis na lang agad. Now, I'm here."
"Tingnan?" You mean titigan ako? Bakit mawawala ba ako kapag hindi pinansin?" natawa ako sa sariling tanong.
"Bantayan... maybe that term fits better."
Ha?
Unti-unting nalusaw ang malapad kong ngiti. "What am I? A child?"
"You just lost your mother-" Eustace mumbled, his voice is silenced by the disappointment that clouded my eyes.
Natigilan ako. "So, you've been showing kindness to me to somehow carry out that mission Avie has bestowed on you. Bantayan ako?" Natawa ako at napatampal sa noo.
Tumitig ako sa malayo. Nawala na nang tuluyan ang ngiti sa labi. Walang masabing salita.
Bakit ako ibinilin ni Avie?
As if I can't keep a hold of myself and my life!
Siguro iyon pa rin ang tingin ng lahat.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top