7th: Worse Things

NAKAUPO AKO sa gilid ng banyo habang napapapikit. Rinig ang pag-agos ng tubig sa sink sa hindi kalayuan.

I saw Eustace's physique crossing the bathroom with a slight crease on his forehead. "Kung ako ang tatanungin, itutulog ko ang sakit ng ulo na 'yan."

Sunod-sunod akong umiling at sumandal sa dingding. Pinahiran ko ang noo ko. My face was all wet from the water and my own sweat. Naghilamos na ako bago sumalampak sa sahig. But I don't think I feel better.

Ngayon na lang ulit ako nagsuka matapos mag-inom. The throbbing pain in my head seemed to duet with that pinching pain inside my chest. It's aching so bad but it feels hollow and empty too.

If I was alone I don't think I could... still manage to sit up in this position when I am this wrecked.

Nakatayo si Eustace sa harapan ko na may dalang baso ng tubig. It's like he's waiting for me to say something dahil hindi siya kumikibo sa kinatatayuan.

Pumikit ako nang mariin at humugot ng lakas ng loob. It's so embrassing but I have to ask for his help.

"Can you help me get to the..."

Inilagay niya sa sink ang baso na hawak-hawak at iniluhod ang isang paa para tumabi sa akin. "Hindi kita marinig."

I almost smiled with his gentle voice but quick reflexes.

"To the living room. Please, if it's fine with you—" Then before I could even finish the sentence, he had carried me in his arms.

Humawak ako sa leeg niya habang nakikita siyang seryoso ang mga mata habang tumatayo. Then he started taking strides with me still scooped in his arms.

Sa halip na sa living room ay dinala niya ako sa kwarto at marahan na ipinahiga sa kama. Madilim sa loob. Binuksan niya ang lamp light na tanging nagpapailaw ngayon sa buong kwarto.

Akma akong uupo sa kama para sana magsalita.

"Kung may sasabihin ka, bukas na lang." Lumayo na siya sa akin at umayos ng tayo. "Should I keep the light on?"

"Y-Yes," sagot ko.

I closed my eyes, only to get confused whether I wanted to see him walk away from the door or remain to imagine in my head what he'd look like while walking away.

Something tugged in me that I mumbled the words... "Thank you, Eustace," but there's no way he could still hear it.

Nagmamadali kong ibinuka ang mga mata. Then gazed at him from my blurry vision until the door closed behind him.

Kinubukasan, malaki ang ngiti ko nang magising. Sumisikat na ang araw sa labas at naiilawan na rin ang loob ng kwarto ko. Agad akong bumangon pero natigilan saglit nang maramdaman ang kaunting bigat ng ulo. "Alright, I had some drinks last night..."

Still clutching the side portion of my head—na may kaunting sakit—naglakad ako palabas ng kwarto.

"Oh shi—" Natakpan ko ang bibig nang maaninag ang bulto ni Eustace na natutulog sa couch sa harapan lang ng kwarto ko. Pinagkasya siya ang sarili sa couch na hindi gaanong kalaki. The couch was too small for him, pero nagawa niyang mahiga. He was lying on his stomach, eyes closed and couldn't even care where he had allowed himself to doze off to sleep last night.

I contemplated for a few times if I should wake him up or.... Nah, I decided to let him be. Then tiptoed until I arrived at the bathroom only to squeal upon remembering what I had looked and done last night in from of him—well, he's not a stranger at all but he's not a close friend. He's just an acquaintance. Right. Pero...

Shit, nakakahiya.

Tumitig ako sa salamin sa banyo at ilang beses na naghilamos. Matapos ang halos limang minuto kong pagka-stuck doon naglakas loob na akong lumabas.

Bakit ba ako nagdadalawang-isip lumabas papuntang sala? Unit ko naman 'to.

"Gising ka na pala." Tapos may narinig akong humikab.

"Ay, lupang nangangain!" Napapitlag ako at yumakap sa sarili dahil sa bigla.

Naghinang ang mga mata namin ni Eustace, sa akin nanlalaki na halos lumuwa na sa talukap ko, sa kanya naman ay nanliit tapos may kunot pa sa noo.

Umayos siya ng upo sa couch kung saan nakatulog. Basta akong tumalikod nang hindi ko alam ang dahilan.

Sahig, please, ngayon mo na ako lamunin.

Dahan-dahan akong humarap kay Eustace nang marinig siyang tumikhim.

Nakaupo na siya sa couch at nasa kandungan ang isa sa mga throw pillows. Para siguro hindi ko makita ang dapat makita? Sabi kasi ng iba normal lang daw na kapag kakagising—alright. It's not that I want to rummage my gaze on him—no, I can't and shouldn't.

"Nakatulog pala ako rito," naibulalas niya.

Gusto ko sanang magtanong kung bakit pero agad na siyang nagsalita. "Baka kasi magising ka o kung saan ka man magpupunta... at—" Yumuko muna siya. "Baka magsuka ka ulit kaya naghintay muna ako ng fifteen minutes."

Tumingin ako sa kanya, nakaawang ang bibig. "Ah, gano'n..." saad ko.

"Hindi ko inakalang makakatulog ako," pagsisimula niyang magpaliwanag. Hindi man lang nagbaba ng paningin.

"Are you for real? O robot lang na puwedeng prospect for a nanny?" I mumbled.

"A nanny?"

"Woah," namamangha kong sabi sabay tabi sa kanya sa pagkakaupo sa couch. Umusog naman siya para pagbigyan ako ng space. "May kailangan ka ba sa akin?" tanong ko tapos ay sinundan 'yon agad ng isa pang tanong. "Nagpapa-points ka ba?"

Halos masamid siya sa sariling laway dahil sa mga tanong ko.

"Are you planning to blackmail me soon enough?" tuloy ko sa pagtatanong. "Bakit ang bait mo?"

"Hindi ko iyon ginawa, Lienna kasi mabait ako. Ginawa ko 'yon kasi iyon 'yong dapat."

"Kung ano'ng dapat para sa 'yo ay siya ngang tama, Eustace. Suffice to say you are sort of kind."

Napailing-iling siya sa sinabi ko pero may kaunting ngiti sa labi pero ayaw pa rin umamin. "Ako lang naman 'to."

Pumalatak na ako ng tawa tapos ay tinulak siya.

"Ay napalakas." Natawa ako tapos ay tumikhim nang may kaunting ngiwi sa mukha.

"Ang gulo mo minsan, Lienna."

Tumingin ako sa kanya, tapos ay nakangiting napakibit ng balikat.

"You wanna grab some breakfast?"

Tumayo na ako at naglakad papuntang kitchen. Naramdaman ko na ginaya niya rin akong tumayo. Pero hindi siya umalis sa puwesto.

Kumuha na ako ng mga lalagyan at inihanda sa kitchen island nang makapagluto na ako ng agahan.

"I have to leave now..." he said minutes after.

"Ah, okay," sagot ko. "No worries sa pagtulog mo rito. Medyo spacious naman ang living room kaso iyong couch mukhang... maliit. Still, ayos lang. Maybe you're just used to staying at someone else's place."

Bumaling ako sa ginagawa at inakalang aalis na si Eustace pero lumipas na ang ilang minuto hindi pa siya gumagalaw sa puwesto.

"Eustace..." tawag ko. "Ayos ka lang?"

Agad siyang tumango at humakbang na.

"Sige, alis na ako. Siguro naman maayos na ang pakiramdam mo kumpara kagabi."

I paused with what I am doing then stared at him, worried. "Was I too wrecked? And wasted? And loud last night?"

A slight gleam in his eyes displayed. Kumunot ang noo ko.

"Yes, you were so loud..." he said, holding onto the last pieces of words he's about to say— "while puking. And you were screaming that you'd never drink again but look at you now. Wala sa mukha mo na plano mo talagang tigilan na ang pag-inom nang hindi ka na malasing."

"Did I say those?" Pagkatapos ay napatampal ako sa noo. Siguro nga may mga ginawa ako na hindi ko na matandaan. Parang may gap kasi sa naaalala ko kagabi bago ako mapatungo sa banyo pagkatapos magsuka.

"Tapos ano pa ang sinabi ko?"

"That your youth has been wasted by someone."

"Oh shi—"

"I actually forgot the name of the guy—"

"—ugh, thank God," pagtapos ko sa sasabihin niya.

"Siguro Ril iyong pangalan? Iyon ang narinig ko."

"Eustace!"

Nagtaas siya ng dalawang kamay pagkatapos ay dahan-dahan na yumuko para ayusin ang throw pillow sa couch.

"May sinabi pa ba akong iba?"

Nagkunwari siyang nag-iisip. Pero base sa maliit na ngiti sa labi niya nagbabalak pa ata 'tong pakabahin ako dahil sa sarili ko lang ding kagagawan kagabi.

"Sige na, okay na 'yon nilalamon na ako ng kahihiyan."

Tumango siya at naglakad na ulit. Humagod ang paningin ko sa kanya at nakitang nakapaa lang siya palabas.

"Teka lang, Eustace."

Lumapit ako sa couch at tiningnan doon kong nandoon ba ang tsinelas niya. I saw it under the center table.

"Your slippers." Ibinigay ko agad sa kanya.

"Nakalimutan ko," aniya.

"Hmm, hindi lang ata ako ang lasing kagabi."

His faint chuckle filled the silent atmosphere.

Tinanguan niya na ako pero tumigil nang isasara na niya ang pinto ng unit.

"I just want to clarify something..." A kind of awkward smile showed on the corner of his lips. "I'm not used to sleeping at other people's houses. Kung na-offend man kita na hindi ako nakaali—"

I stopped him mid-sentence. "It was fine with me. Sanay naman ako. No big deal. Hindi ka na rin naman iba sa pamilya namin. You're Avie's friend."

I paused. "Well, yes. But... that was not intended to offend you in any way."

Natawa na siya. "Trust me, none taken."

Pinagmasdan ko siyang mawala sa paningin ko kasabay nang pagsara ng pinto.

Tinakpan ko ang buong mukha ko at mariin na pumikit. I'm slipping back to my bad habits once again. Kung katulad ng dati na ako lang mag-isa...

I exhaled a loud breath. I need to get a hold of myself.

Umupo ako sa isang stool at nagsimulang kumain. My thoughts drifted from different things. It started from what happened in the past few days and what could happen in the coming weeks.

Work.

Right, I have to find a job. Kahit dalawang shifts, I think I would grab it. Paubos na ang natitirang savings ko sa banko. A month from now, I'd be eating nothing if I don't start working my ass off.

Tumigil ako sa pagkagat sa toast na hawak-hawak nang parang may humampas sa pintuan ko.

Itinigil ko ang pagkain at dahan-dahan na tumayo. May naiwan ba rito sa loob si Eustace at bumalik?

Pinihit ko ang pintuan at sumilip sa labas.

"Eustace!" naibulalas ko dahil sa napagmasdan.

Sa isang gilid malapit sa pintuan ng mismong unit ko ay nakasalampak siya sa sahig at namumula ang mukha, dahil may kaputian ay kita talaga iyon pati na ang dugo sa ilong niya.

Oh, fuck. His nose was bleeding!

"Hey, why are you meddling with us?! Man, this doesn't include you! Bullshit!"

Saglit akong napatingin sa dalawang tao sa hindi kalayuan. A couple stood a meter away from my unit's door. I think they are indeed a couple because the man was clutching firmly the woman's wrist. Yet that doesn't look like they're in a good situation.

Nagkaalitan ba ang dalawang 'to? Pero bakit nadamay si Eustace?

"Eustace, what happened?" tanong ko at agad na lumapit sa kanya.

"I was just trying to help—" bakas sa boses ni Eustace ang sakit na iniinda pero gusto pa rin magsalita.

"Kanino? Bakit?" tanong ko. Hindi ko mapigilan na kabahan habang nakikita ang dumudugo niya pa ring ilong.

"Sinisigawan niya ang babae."

Something inside my heart tugged at the sight of Eustace's eyes staring at the woman across from us with compassion.

Sa halip na magsalita at makisali sa pagtatalo, tumango ako at inalalayan siyang tumayo.

Binalingan ko ang babae at magsasalita na sana nang mabilis na tumalikod ang lalaki at hinila ang babae sa palapulsuhan para agad itong sumunod sa kanya. Agad itong pumiglas.

"You know I'll come with you, Stan!" Natigilan ang lalaki na kanina ay halos hindi na huminga nang maayos dahil sa galit na pinipigilang kumawala.

"Let's head upstairs," malamig nitong sabi.

Lumingon pa ang babae sa amin bago tuluyang nakalayo para umakyat sa ika'tlong palapag ng apartment complex.

"Should I call the police?" I mouthed.

But the woman whose eyes were as green as the trees just shook her head. "He's just drunk. I'm sorry for the trouble." Sumunod na agad ito paakyat ng hagdanan.

Binalingan ko si Eustace na hindi makapaniwala sa nakita. "You can't force her to drag his boyfriend's ass to the sheriff's office."

Umiling-iling siya.

Kinapakapa ko ang bulsa pero hindi ko pala dala ang panyo ko.

"Halika." At iginiya ko siya papasok sa loob ng unit ko at naupo kami sa couch. I gave him a roll of tissue paper.

"Hindi ka siguro madalas naghahanap ng away. Pero napapahamak ka naman sa kagustuhan mong tumulong."

"Are most people... the same as that woman?"

"No," agad kong sagot. "But there are still instances like that. Maybe they have their reasons." Tuloy-tuloy kong sabi. At hindi pa agad nakuntento dahil nagpatuloy pa ako sa pagsasalita. "Siguro they had just a miss understanding? A fight. A conflict that they'd still able to resolve."

"Kanina nang makita ko silang dalawa, sinisigawan ng lalaki ang babae. I knew it was not just a simple argument, Lienna."

"We don't know, Eustace. But we tried to help."

"Dahil ba lasing puwede nang sisigaw-sigawan ang kung sino man? Puwede nang manakit at mang manipula?"

Natigilan ako sa sinabi niya.

Tumitig kami sa isa't-isa pero hindi ko alam... parang may lumubog na mabigat na bagay sa dibdib ko at hinihila ako para mapaupo sa sahig.

"I didn't mean to shout at you, Lienna. I was drunk—"

"No, being drunk shouldn't be an excuse," I mumbled as a memory surged through my mind, hot tears flowed from my eyes.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top