38th: Worth Fighting

"I'VE ARRIVED, Avie..." I whispered softly, grasping my phone near my ear.

Pinuno ko ng hangin ang didbib nang matitigan uli ang pamilyar na airpot nang marating sa Manila. It was a long flight straight from Michigan but not too long compared to the night I had to endure crying and feeling pity for myself. I boarded the plane in the morning after an entire night of crying. Nakarating ako sa sumunod na araw matapos ang 19 hours na flight.

I also spent the entire night trying to call Eustace. Hanggang sa natanggap ko na ang email ni Avie. She sent me money to add to what I currently have in the bank, then I booked a ticket to the Philippines. Umiiyak pa rin ako nang mag-empake. Kinabukasan, my decision was already absolute. I was going home.

Hindi na umuwi pa si Eustace. And I couldn't contact him too. Hiyang-hiya ako matapos magpakita sa Dad niya na ipinamukhang tama nga siguro ang hinala niyang dumikit ako kay Eustace dahil gusto kong magpabuntis.

He had known about my family background too—ang nakaraan ni Dad when was engulfed with hatred and grief with his brother's betrayal along with my mother.

Madilim ang nakaraang iyon. My mother had an affair. At sa kapatid pa ni Dad. It was hell for me to deal with the chaos that my mother had caused our family. I thought my parent's love for each other was true because I grew up too sheltered. When I started to rebel against them and broke the rules they had set on me growing up... my mother lost sense of who she was.

She fell out of love for my father and did the worse. I still loath her for that mistake. But as a daughter, I still wanna show some humanity. Kaya ako ang nasa tabi niya noong tinalikuran na siya ng lahat. She had a son from that affair, but Arwin died after battling with a fatal disease sense birth. Ako ang nag-alaga sa kanya at kay Mama... maayos pa kami ni Dad.

Noong namatay si Mama, parang napagtanto niyang hindi niya ako magawang harapin ulit kagaya ng dati. Perhaps, because of what I have become. Siguro inisip niya na he lost his daughter too—for a long time already.

I didn't have to wait too long. Tulak-tulak ko ang nag-iisang luggage na dala. Natatakpan ng sunglasses ang mugtong mga mata. Sa unahan ay nakita ko ang pagtaas ng kamay ni Avie, beside her was Heiro who gave me a nod and a smile.

Nagmadali akong lumapit sa pinsan ko.

"Avie!"

"Lienna!"

Yumakap kami sa isa't-isa at nakita ko ang pagkuha ni Heiro sa maleta ko at siya na mismo ang nagtulak. "Thank you, Heiro," saad ko at ngumiti na rin sa kanya.

"Don't mention it."

Tumalon-talon pa nang kaunti si Avie tapos ay sumandal sa balikat ko. I grasp on her arm at nagsimula na kaming maglakad palabas ng airport. 

"Uuwi ka ba sa Mindoro?"

Umiling-iling ako.

"Great then, you'll be staying with us!" ani Avie. "Oh, if you're wondering... Heiro and I still don't leave together. Kasama ko si Mama sa bahay. Though I visit him constantly at madalas umaga na umuuwi." 

Avie gazed at Heiro lovingly. Heiro returned her a smile.

Avie has always had the drive and energy to go through things. I am glad things truly worked out in her favor.

"How long are you gonna be staying here?"

"For good."

Nanlaki ang mga mata ni Avie. "I will look for an apartment that I could rent until I could purchase a condo, Avie."

"Whoa, those are major life decisions. What made you think of that, Lienna?"

Natahimik muna ako. Saktong nakalabas na nga kami ng airport at iginiya sa parking lot. It took several minutes bago kami nakarating sa parking ng sasakyan nila.

"Let's both sit at the backseat," ani Avie at pinagbuksan na ako ng pinto sa sasakyan.

Si Heiro naman ay inayos ang bagahe ko sa trunk ng sasakyan.

Tahimik akong pumasok sa loob at agad na tumabi sa akin si Avie. "Okay, you told me you're gonna tell me how things have been as soon as you get here. What happened, Lienna?"

Lumunok ako at hinarap siya, gumapang ang kaba sa dibdib ko nang magsalita. "I'm pregnant, Avie."

"Pregnant?" naibulalas niya... "You're pregnant?"

Umawang ang labi ni Avie sabay nanubig ang mga mata. "Congratulations, Lienna! But... asan si Eustace? Is he the father..." her voice trailed off.

Malungkot akong ngumiti.

Tumaas ang isang kamay niya at natakpan ang bibig. "Sasakalin ko siya kung ano man ang ginawa niya sa 'yo."

Nakuha niya yata ang ibig sabihin ng reaksyon ko kaya mabilis niya akong niyakap. I started sobbing while hugging her tighter. Humihikbi at naghahanap nang mapagsasabihan, dahil pagod na akong mag-isang iyak buong buhay ko.

Avie shed tears as we were hugging each other. "Let's talk about this more after arriving home."

"Thank you, Avie. You have always been understanding."

"Tahan na sa pag-iyak ngayon, baka makasama kay baby." Tapos ay ngumiti siya sa akin, katulad ko ay mugto na rin ang mga mata.

"Sasabihin ko kay Heiro na pumasok na at umuwi na tayo."

I nodded, pagkapasok ulit ni Avie sa backseat ay sumunod na rin si Heiro na umupo sa driver's seat. Tapos ay sinimulan nang magdrive. "Maraming salamat, Heiro," pahabol kong sabi.

"Walang anuman, Lienna. It's always a pleasure to help Avie's family."

Sumandal ako sa balikat ni Avie at marahan niyang tinapik-tapik ang balikat ko.

Tahimik ang buong byahe papunta sa bahay ni Avie kung saan muna ako tutuloy.

Sinalubong kami ni Tita Emorie pagkarating agad sa bahay nila. They finally owned their new house in the same village where the Yveros were residing. It was hard to wrestle against finances and life's phases, pero nakaya nilang mag-ina. Especially si Avie. At her age she had already achieved so much.

"Tita Emorie... good afternoon po." Humalik ako sa pisngi ni Tita tapos ay yumakap. She was smiling as she gazed at me.

"You looked radiant," aniya. Hindi naging madali ang lahat para magkaayos ulit ang pamilya namin. Kaya hindi ko mapigilang magpasalamat sa kung ano'ng meron kami ngayon.

Ngumiti ako at magsasalita sana pero may napansin si Tita Emorie. "Pero namamaga ang mata mo," dagdag niya pa.

"Jet lag, Mommy," ani Avie tapos ay inakbayan ako. Magsasalita pa sana ako nang maduwal ako nang kaunti. "She took a straight flight kaya malamang pagod. I'll escort her sa guest room para makapaghinga. Let's catch up with her later."

Napatango-tango si Tita Emorie. "Alright... I am cooking also. Tatapusin ko lang."

"Thank you po, Tita Emorie," saad ko at nagpahila na kay Avie paakyat sa second floor ng bahay. "It's nice to meet you again."

Kakatapos ko lang sumuka at pawisan ang noo akong napasandal sa pader ng bathroom ng guest room nila Avie... she was waiting outside at inaayos ang kama para makatulog daw muna ako matapos ang mahabang flight.

Ilang beses akong huminga nang malalim tapos ay ngumiti sa salamin.

Magiging maayos din ako.

"Mamaya na siguro ako matutulog, Avie. Kumain muna tayo kasama si Tita."

"Sigurado ka?" aniya.

Tumango ako. "Yes, hindi pa naman ako inaantok. I can still rest while eating."

She also nooded. "Gutom na rin siguro ang baby..." saad niya. "Halika baba na lang tayo."

Parang may humaplos sa dibdib ko matapos marinig iyon galing kay Avie. Palagi kong ipagpapasalamat dahil may pinsan akong katulad niya.

Napangiti si Tita Emorie nang makitang pababa kami ng hagdanan. Tapos ay sabay kaming lahat na nag-agahan. Si Avie madalas ang nagku-kuwento sa akin tungkol sa progress ng preparations para sa kasal nila ni Heiro. At si Tita Emorie naman ay magdadagdag kung ano sa tingin niya ang kulang pa.

Halatang nag-eenjoy si Tita sa pakikipag-usap sa akin, sa pagsasabi kung ano na ang mga nagbago simula noong umalis ko.

Avie's smiling widely also as she's gazing at her Mom, magkasalikop ang mga daliri nila ni Heiro habang nag-uusap sa hapag.

The house was filled with laughter and noise. Nakangiti ako buong pagkakataon.

Hanggang sa biglaang nagsabi si Tita tungkol kay Dad. "Lienna, I got a hold of your Dad for the past month. He was residing at the next town from here all along. Sinabi ko ito kay Avie at nagbilin na sabihan ka..."

Natigilan ako, napakurap-kurap. "Avie did tell me po, Tita Emorie. Pero hindi pa po ako nakakapagpasalamat."

Nagkatinginan kami ni Avie at namungay ang mga mata niya.

Tumango naman si Tita. "Hindi mo pa natatawagan ang Dad mo?"

Dahan-dahan akong umiling.

"Then we should visit your Dad later. Malapit lang naman iyon, isang oras lang mula sa syudad."

"P-po?" nauutal kong tanong.

"Mommy..." saad ni Avie.

I cleared my throat.

"Andito ka na naman. Your Dad couldn't walk anymore kaya hindi makadalaw kahit sa amin. A call might not be enough."

Umawang ang bibig ko. "H-Hindi na po makalakad si Dad?"

"Yes, dear. He uses a wheelchair now instead of his crutches."

"Ang totoo, Lienna, si Tito Simoun ang gumawa ng paraan para ma-contact kami at magtanong tungkol sa 'yo. Pero ang sabi niya, huwag na lang daw iyon sabihhin sa 'yo dahil 'di na kailangan. But he wanted to talk to you—he just doesn't want to sound like he is forcing you to talk to him."

Nanubig ang mga ko. Dahan-dahan akong yumuko. Dad wanted to talk to me? Pero bakit... 

Hindi niya ba ako hinanap kasi hindi na siya makalakad?

Bumaling ako sa kanila. "Ayos lang po ba sa inyong puntahan ko siya?"

"Mismo. Sasama kami," ani Tita Emorie.

"Ako na po ang magda-drive," ani Heiro.

Kalahating oras ang lumipas at nasa gitna ng kalsada na ulit kami. Kasama na ngayon si Tita Emorie. I didn't know what to feel... Nakatitig lang ako sa labas ng bintana ng sasakyan. Then I doze off to sleep.

Nagising ako sa marahang paggalaw ni Avie sa balikat ko. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata. Ako na lang ang nasa loob ng sasakyan kaya kinuha ko ang patries na nabili namin kanina sa highway.

Dahan-dahan na akong bumaba. 

Nakaparada ang sasakyan sa garahe ng isang maliit na bahay, walang gate at bakanteng lote lang iyon. The house was concrete, but it wasn't fully furnished. It was a simple yet functional house for sure. Sa tapat ay may taniman ng mga mais at sa gilid ay isang puno ng buko na nakatanim.

Si Tita Emorie ay nakatayo malapit kay Heiro, naghihintay sa paglapit namin ni Avie.

"Dito nakatira si Dad?" tanong ko... mahina ang boses. 

"Nasa loob siya, Lienna."

Tumango ako tapos ay tumikhim.

"Sino ang kasama niya?"

"Siya lang mag-isa," sagot ni Avie.

"Simoun?" si Tita Emorie ang unang nagsalita. Tapos ay kumatok sa pintuan.

Sumunod naman agad ako. Pero wala akong ibang sinabi.

"Sino sila?" galing sa loob ang boses tapos may taong sumilip sa bintana.

There, I froze. It's Dad... in old age and wrinkled frown.

Agad akong nakilala ni Dad at nanubig ang mga mata ko. He disappeared from the house's window and in no time, the door opened.

"Naparito kayo..." saad niya... bakas ang katandaan ang boses.

Halos hirap akong humakbang pero parang pinipilipit ang puso ko habang nakatingin sa kanya. "Creslienna..."

Humakbang ako palapit. 

"Dad," pumiyok ang boses ko nang tawagin siya. Yumuko ako para mag-mano. Dumampi nang marahan sa noo ko ang kulubot niyang kamay. Siya naman ay parang hanggang ngayon ay hindi makapaniwalang andito ako.

"P-Pasok kayo..." saad ni Dad. Inabot niya ang gulong ng lumang wheelchair na gamit-gamit. Tapos ay gumalaw na siya paatras. My Dad who had once lead our home with might and confidence now couldn't stand on his own feet.

My heart almost broke in two with the sight. Nanunubig ang mga mata ko at natakpan ko na ang bibig.

From my peripherial vision, tuluyang pumasok sa loob ng bahay sina Tita Emorie, Heiro... at si Avie ay binigyan ako ng ngiti na umiintindi sabay tango na parang sinasabi na kakayanin ko na 'to ngayon. "We will be inside," mahinang bulong ni Avie.

Tumango ako.

"Andito ka..." ani Dad, mahina ang boses.

"Gusto mo daw akong makausap," saad ko, huminga nang malalim. "At hinanap mo raw ako?"

"Hindi kita hinahap. Ayaw mong magpakita."

Lumunok ako. "Ang totoo, ayaw mo akong makita. Kaya nagtataka ako kung bakit nagtanong ka kay Tita Emorie at Avie."

We couldn't talk with affection and gentleness at this point... but I could feel how he missed me by the way his eyes gleamed in awe yet almost close to crying.

"Creslienna," pamilyar ang diin sa kanyang boses nang tawagin ako. "Alam ng buong pamilya kung ano ang nangyari."

"Yes, it was my choice. And you're punishing me because of it."

"I hated what you had done to yourself."

Tumango ako, pinigiligan ang umiyak. "What I did to our family..."

"Pinili mong mag-isa."

I nodded.

"You wanted me to be independent."

"It wasn't the way—" 

"Dad, all I ever wanted was to know if you ever would still accept me as a daughter despite what I've done. Pero noong mawala si Mama, naglaho ka rin."

"Dahil gusto mo namang lumayo sa amin, simula pa noong 19 ka, gusto mong mag-isa."

"I had no other choice."

"You had. We expected you to do well with your studies. Pero ang tigas ng ulo mo. Pinili mong mapariwara."

Kumuyom ang mga kamao ko at tumulo ang luha sa pisngi.

"You were the one who taught me how to be content in being alone—in discovering things on my own. When I was growing up, I want to always be alone, and I enjoy to unravel things in my own way—that was what you always wanted me to do. Yet, now you're asking me why I BECAME like this? Si Mama at ikaw, Dad... you made me like this! You wanted me to be better! I ended up being miserable! I'm the worst!"

Humagulhol ako. "Hiyang-hiya ako sa 'yo kasi alam ko wala akong kuwenta. Kaya nang hindi ka na nagpakita sa akin at sa pamilya ni Mama, hindi na ako namilit pa. Sanay akong mag-isa, pero hindi ibig sabihin no'n na hindi ako nasaktan.

"You loathed me as your daughter. That's why when I learned that you wanted to talk to me, umasa ako na baka matatanggap mo pa ako. Kasi gusto kong humingi ng tawad sa kinahantungan ko ngayon."

"Hindi kita hinahap..." aniya, sa bawat salitang sinasabi ay parang pinipiga ang dibdib ko. "Dahil ayaw kitang idamay pa sa paghihirap ko. I don't want to do what your mother had done to you. Ang pag-alagain sa kanya kapag hirap na at may sakit. Kaya hinayaan kita, anak. Dahil noon man gusto mong maging malaya."

"Ayaw mong alagaan kita?"

"It isn't your responsibility to burden yourself with me when I couldn't be a good parent to you ever since."

"Dad..."

"Gusto sana kitang kausapin kahit sa tawag man lang para marinig ang boses mo."

"Para lang marinig ang boses ko? B-Bakit ngayon lang, Dad? I have been waiting for you..."

"I didn't realize this when you were still growing up, but after you made it clear that you can stand on your own no matter how messy things get, this realization never left my mind... parents shouldn't clip their children's wings."

Pinahiran ko ang pisngi pero tuloy-tuloy lang akong umiyak. Nagtaas-baba ang balikat at panay ang paghikbi ko. "Buong akala ko hindi mo na ako matanggap... n-na hindi mo na a-ako m-matingnan man lang ng deritso. O kahit m-matawag man lang ulit na a-anak."

Nakita ko ang pagyuko ni Dad. Tahimik na din siyang umiiyak katulad ko.

Dahan-dahan akong napaupo sa harapan niya.

Hinawakan ko siya sa balikat at halos manginig din iyon. "P-Patawad, a-anak."

"No..." saad ko, pero hindi niya ata iyon narinig dahil unti-unti nang lumakas ang hagulgol niya. His feet weren't in the same size anymore. Kinagat ko ang ibabang labi nang mas lalo lang akong naluha.

"I should be sorry, Dad. I should be the one who's sorry to you..." Tumingala ako sa kanya para matingnan siya sa mga mata. Hinaplos ko siya sa balikat. "I'm so sorry for not becoming the daughter that could make you proud. Humihingi ako ng pasenysa, nabigo ko kayo. Naging mapagmataas ako. I didn't become the daughter you'd want me to be."

Panay ang pagtulo ng mga luha ko habang patuloy akong humihikbi at sa bawat paghinga nang malalim ay ang pamimilipit ng dibdib ko sa sakit nararamdaman.

"Hindi kita na-suportahan sa paraan na hindi mo kami kamumuhian."

Umiling-iling ako. Pero hindi na ako makapagsalita sa sobrang paghikbi kaya dahan-dahan akong lumapit sa kanya at niyakap siya.

Lumapat din ang nanghihina niyang mga kamay sa likod ko. And after years, I finally felt the warmth of a genuine embrace from a parent.

"Dad... I am gonna be a parent soon," mahina kong sabi. "Buntis po ako."

Naramdaman ko ang marahang pagkalas niya sa yakap namin.

Binigyan niya ako ng ngiti, how I longed to see that smile of my father eversince. "I would become a grandfather before dying... that is a gift."

"Dad..."

"I might not stay for a long time in here. I could feel my body getting weak. I'd be gone soon."

Humikbi ako at napatingala, sumilip sa mga mata niya na puno ng luha. Dahil sa kantandaan ay nangulubot na ang katawan niya at halos kita na ang buto. "Dad, no, I'll take care of you. You'll gain strength once again."

Ngumiti siya sabay mabagal na umiling-iling. "No need. I am happy to go knowing you'd be accompanied by a little one when both of your parents are gone."

Niyakap ko siya nang mahigpit. "I miss you so much, Dad."

Tinapik-tapik niya ang braso ko. "You always feel alone... we didn't mean to make you feel that. Nagkulang kami sa 'yo, anak. Pero minahal ka namin."

"I know... Dad. I know. I'm so sorry."

"Walang araw na hindi naiisip ng isang magulang ang kanyang anak. Lubos akong nagpapasalamat dahil dinalaw mo ako."

"Hindi na ako aalis, Dad."

***

When the evening arrived, sabay-sabay kaming naghapunan. Nang-aalis na sina Avie ay sinabi kong hindi muna ako sasama sa kanila. I'd stay with Dad.

"Okay..." ani Avie. Then she mouthed: How about your check-ups?

Tumango lang ako. I'll think about that tomorrow and in the upcoming days.

"Ingat po sa byahe, Tita," paalam ko. Magkatabi kaming nakatayo ni Dad sa labas ng bahay para magpalaam na. "Maraming salamat, Avie... at Heiro."

"We'll be back tomorrow, Lienna para ihatid ang mga gamit mo."

Ngumiti ako. "Thank you, Avie." 

Muntik ko nga iyong makalimutan. Maliit na purse lang ang dala ko ngayon—sa loob ay ang cellphone at kaunting cash.

Kumaway na ako sa kanila. 

Nanatili kami sa labas ni Dad... nakatingin sa sasakyan, hanggang mawala na iyon sa paningin namin at humarurot paalis.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top