19th: What To Do
RINIG KO ANG pagtambol ng dibdib ko habang hindi mapakali sa kinauupuan. Eustace turned on the car's engine and he was about to step on the accelerator when he glanced at me. "What did Rhyl set you up with?"
Pumikit ako sabay hawak sa noo. "I don't know."
"Tangina," mura ni Eustace at nagsimula nang magmaneho.
Tinahak namin ang kalsada sa unahan at hindi bumalik sa highway. Kinakabahan akong bumaling kay Eustace, magtatanong sana nang sinalubong niya agad ang paningin ko.
"Hindi tayo pwedeng dumaan sa highway. Baka may checkpoint bandang gabi," aniya, bakas ang pagkabalisa sa higpit nang pagkakahawak sa steering wheel pero kita pa rin ang pagiging kalmado.
I could never face Eustace in my confused and chaotic state-because his demeanor that I see this time will be the oppositite of mine kapag nagsimula na akong mag-alala at maging balisa sa sitwasyon ngayon
"It's still 4 in the afternoon," I said, trying to grasp on some hope that was left in me. Huminga ako nang malalim at tinitigan ang box na dala-dala ko.
Mabigat iyon at medium size na rectangle.
Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa bawat gilid tapos inangat. Matibay ang box nang niyugyog ko ng kaunti ay tumunog ang laman.
"Huwag mong alugin."
Agad kong ibinaba ang box at tumingin kay Eustace na parang may nagawa akong mali na hindi dapat.
"We don't know what's inside."
"Exactly, Lienna."
"Don't you think we must know?"
"Sa tingin ko oo," sagot ni Eustace.
"But we can't just open someone's package." Tumingala ako sabay napasinghap. "Shit. Ano ba naman 'to!"
Lumapat ang batok ko sa headrest ng passenger's seat pero sa halip na mapapikit at makapagrelax sa malambot na pakiramdaman-hindi ko magawang makapag-isip ng tama. Mas lalo lang ako nangangamba sa bawat paglipas ng mga minuto.
"Paano kong i-surrender natin sa Sherrif's office?" sabi ko.
"Paano kung magagawa naman nating makabalik sa Detroit ng walang nangyayaring masama?"
Isang liko ang ginawa ni Eustace at hanggang ngayon hindi ko pa rin nakikita ang highway. I-ilang sasakyan lang din ang nasa unahan at mga nakakasalubong namin.
"I just have to get this to Rhyl. End of story," saad ko at tumingin sa kanya.
Right. At this point, I was desperately looking for a validation that I'm about to do is the right thing.
Maybe the girl was just kidding and trying to scare us both? But what would this small package contain that it would theaten our safety?
Hindi ko namalayang nakabaling na pala ang atensyon ni Eustace sa akin habang nakatuon pa rin ang atensyon sa pagmamaneho. "Ano ba ang sinabi ng babae sa 'yo kanina?"
I pursed my lips and then did my best to provide a coherent answer despite my nerves starting to cloud my rational thoughts.
"She warned me about the police finding out about the transaction. But... Eustace." Tumigil ako sa pagsasalita para makapag-isip nang maayos. "They were in a hurry. I'm sure of that. But I think they laughed before they drove the car away from the meeting spot earlier."
"Tumawa sila?"
"Ang driver ng sasakyan ay seryoso at halatang gusto na agad umalis. Habang ang babae... matapos akong balaan, she grinned and for three seconds her laughter echoed at the backseat then they sped off."
Eustace looked at me with worry in his eyes. His lips were sealed in a thin line but his eyes seemed worried and his reflexes showed how he was trying to make sense of the situation and what we could do.
"I agreed to do this for Rhyl... Why does it have to be this complicated?" Uminit ang bawat gilid ng mga mata ko at natakpan ko ang bibig nang hindi kumawala ang mahina kong hikbi.
Yumuko ako agad at hindi na hinayaan pang maipon ang mga luha. I run a palm on my face and inhaled a deep breath. Nakakahiyang makita ni Eustace kung gaano ako kahina sa sitwasyong ganito.
Habang patuloy ang pagtakbo ang sasakyan ay nagmasid ako sa paligid. We're roaming around the streets of some neighborhood. The scenery were a mixture of green pastures and occasional trees displayed on the backyard of simple and sophisticated yet peaceful real estates.
"Where are we heading now, Eustace?"
"Somewhere to buy some time..."
"Buy some time?"
"So we could think what to do, Lienna."
"I'm so sorry for dragging you on this."
"Apologies won't solve our situation."
Umayos ako sa pagkakaupo. Muling binalingan ang box na hawak at mabilis iyong niyugyog.
"Lienna, ano'ng ginagawa mo?" saway ni Eustace.
Bumagal nang kaunti ang pagpapatakbo niya. He gripped the steering while on his left hand and the other reached for the box.
"No, Eustace sa tingin ko bakal ang nasa loob. This might me a new sculpting material? Rhyl have had ordered his materials on the black market before since the rare ones are only retailed in there."
Ngumiti ako at unti-unting napasandal sa upuan.
Si Eustace ay hindi kumibo. Pero sa halip na tingnan ako habang nakikinig ay muli na siyang tumutok sa kalsada. Papadilim na rin ang paligid kaya ay binuksan niya na ang headlights ng sasakyan.
Few minutes passed and I have seen the highway once again.
"Are you sure it's just a sculpting material?"
"I'm not that certain but it could be-"
"We can't risk it, Lienna."
"I think we should also trust Rhyl."
"Ang gulo mo," basta niyang saad at napamaang ako dahil sa narinig.
Naikuyom ko ang kamao at halos hindi na huminga. Natuod ako sa kinauupuan at pakiramdam ko parang nauupos ako sa puwesto dahil sa hiya na unti-unting lumulukob sa dibdib ko.
Tama ang sinabi ni Eustace. Ang gulo ko ngayon.
Pumayag ako sa favor na hiningi ni Rhyl at kanina lang ay hindi mapakali dahil sa sinabi ng babae at ngayon... parang gusto ko na lang balewalain ang lahat.
I understand that he was also distressed at this point. I couldn't blame him or anything but only myself.
But I don't wanna make judgements. May mga kinasangkutan man si Rhyl noon... hindi niya naman siguro ako dinadamay ngayon.
Pero paano kung gusto niyang gumanti dahil hindi na ako makikipagbalikan sa kanya?
Possible ba iyon?
I don't know. Shit, I really don't know.
"I have a bad feeling about this, Lienna," saad ni Eustace, tumango dahil ramdam ko siya.
I do feel bad because I allowed you to be part of this.
I shouldn't have agreed when Eustace has offered to drive me during the meet-up. Kung sakaling masangkot man kami sa isang gulo, it was all on me.
Nakakuyom pa rin ang mga palad ko matapos marinig ang sinabi niya kanina. But I don't have to be angry because of what he said right? Because it was true.
"Siguro bumalik ka para sa lalaking 'yon?"
"Bumalik? Saan?"
"Galing Pilipinas, ginusto mong bumalik dito at maging utusan niya," komento ni Eustace, nakatitig lang sa daan at sa mahabang highway sa harapan naming dalawa.
Nagsalubong ang mga kilay ko at nagtagis ang mga ngipin. "Ano'ng sinabi mo?!"
Tuluyan nang dumilim ang paligid at nagliwanag ang daan dahil sa mga ilaw ng headlights ng sasakyan.
Traffic was not so heavy but there were lots of cars. And here I am silently praying that there wouldn't be any checkpoints and we'll arrive to downtown Detroit peacefully.
But I was biting my tongue trying so hard not to retort negatively on Eustace...
Magagawa ko pang magpigil.
Kaya ko pang hindi ipakita ang iristasyon-
"Can't answer because it was the damn truth?"
Marahas akong tumikhim. "Bumalik ako rito para sa sarili ko," nakakuyom ang mga kamao kong saad. "At... siguro kasi akala ko may natitira pa sa akin. Siya. Ang mga kaibigan ko. Pero wala. I am alone, Eustace. I am."
"Are you? Really?" he asked, as if mocking the answer I gave him.
"How dare you invalidate what I feel?" Hinarap ko siya habang nag-iinit ang gilid ng mga mata pero ang mga kamay ko ay mariing nakakuyom dahil sa nagbabadyang galit.
"Because there has to be someone who should make you realize that you aren't..."
"What is it, Eustace? Sige, sabihin mo!"
"Lienna..."
"Bullshit."
He was driving the car in the highway and it was in an obvious speed. Hindi ko alam kung dahil ba sa frustration na nararamdaman niya ngayon dahil sa akin.
But why would I bother myself with his temper when he has been wrestling and challenging with my own?
"Alam ko namang naipit ako dahil sa pagpayag ko sa favor na hiningi ni Rhyl. Pero kahit pag-intindi man lang ang hihingin ko sa 'yo, Eustace."
Hindi siya kumibo, o nagsalita man.
Huminga ako nang malalim at iyon na ang naging hangganan ng pasenya ko.
"Alright, I'm so sorry for dragging you onto this. Let's end the misery once and for all. Buksan na 'to para malaman kung ano ang nasa loob."
"Lienna, you don't understand what I'm saying."
"No, let's just find out now."
Dumapo ang paningin ko sa dashboard ng sasakyan niya. Binuksan ko iyon at hindi na nagpaalam. My chest was beating so fast because of anger, annoyance, and even shame. Kung sana lang talaga hindi ko na nadamay si Eustace dito. Kung sana...
Nakita ko ang isang maliit na cutter at agad na kinuha iyon.
"What are you doing, Lienna?!"
"This was what you wanted, Eustace!"
"Hindi-" he retorted late, dahil agad ko nang pinadaan ang talim ng cutter sa box na naka-seal.
Sa pangalawang pagdaan ng cutter ay nabuksan ang box. I could hear the ringing in my ears as my nervousness heightened.
As long as the inside of this box isn't a bomb in a count down-I guess we would be fine.
Pero nanlamig ako sa napagmasdan.
Hindi agad naalis ang paningin ko sa laman ng box na ngayon ay nakikita ko na mismo.
"Lienna, hindi naman sa gusto kong buksan mo ang-"
"Inside the parcel is a gun," I mumbled, frozen in my spot.
"Ano?"
"Baril, Eustace. Baril ang laman ng box."
"This is illegally bought, right?"
"Jusging from the scenario, I guess you are right."
"Tangina."
"Bullshit. Rhyl, paano mo nagawa sa akin 'to?"
Muli kong tinakpan ang box at napatampal sa noo. Pero ang frustration at galit na naramdaman kanina ay napalitan ng luha, hiya, at pagkabigo.
"I honestly didn't know I signed up for this."
Nabasag ang boses ko at halos hindi na matingnan si Eustace sa mukha. Hindi na ako kumibo pa at hindi na nagsalita. I couldn't even open my month without choking in my own sobs and tears. Nagtatago ako mula si tingin ni Eustace. Hiyang-hiya.
"Lienna, don't cry."
"Kung may checkpoint sa unahan, I guess that would be too dangerous," humihikbi kong saad. "I will try my best na hindi ka madamay."
"If there will be a checkpoint we can hide the box at the backseat-" Natigil siya sa balak na sasabihin at nanatiling nakatitig sa harapan.
Dahan-dahan akong bumaling doon at umawang na lang ang bibig ko. It was as if my brain shut down and I was only moving out of fear. "Tangina, nasa malapit na ang checkpoint..."
"Lienna, listen to me-"
"You can just drop me off in here, Eustace. Please just drop me off." Napabaling-baling ako sa harapan sa gilid ko. Kulang na lang ay buksan ko ang pintuan ng passenger's seat at gumulong palabas para lang hindi kami mahuli.
When I scanned the box earlier there was only a gun and few bullets. Wala ng iba akong nakita. Kahit papeles wala.
Bumagal nang kaunti ang pagpapatakbo ni Eustace. Mahigpit pa rin ang pagkakahawak sa manibela pero ang mga mata ay nakatutok sa harapan-seryoso at kalmado na parang alam niya na kung ano ang susunod na gagawin.
"Eustace, stop the car!"
"Throw away the box, Lienna," saad niya sa halip na makinig sa akin.
"Pauunahin ko sa harapan ang mga sasakyan na nakasunod sa atin. Kapag nakita mong tayo na ang nasa hulihan, throw it away on the trees on your side of the road."
"Ha? Delikado, Eustace."
"Kita mo sa harapan?"
Kita ko ang mga naunang sasakyan na nakapila na at pinapalabas ang mga nakasakay sabay titingnan ang loob ng sasakyan.
"Hindi ko alam kung bakit ganito kahigpit ang checkpoint ngayon dito... pero ito lang ang solusyon na naiisip ko, Lienna."
"Paano kong hindi ko maihahagis nang maayos papunta sagilid ng mga puno? Paano kung hindi matabunan ng snow ang box?"
Bumaling sa akin si Eustace at tinitigan ako sa mga mata. "May tiwala ako sa 'yo."
Pumikit ako at ilang beses na huminga nang malalim.
"Ready, Lienna?" ani Eustace at mas binagalan pa ang pagpapatakbo. "Dalawang sasakyan na lang ang nasa likuran natin."
He paused for a while and then continued. "Go!"
I immediately opened the car window of the passenger's seat. Sumalubong sa akin ang malamig na simoy ng hangin. At dahil tuluyang gumabi na, dumilim na ang paligid. Mahaba na ang pila ng mga sasakyan sa ginagawang checkpoint sa unahan. Medyo may distansya pa iyon mula sa amin.
I gathered my whole strength and throw the box. It rolled over the grass near some trees and thankfully, it landed somewhere dark.
Lumingon ako sa likod at tiningnan kung may nakasunod ba sa amin na mga sasakyan. Pero katulad ng sinabi ni Eustace pinauna niya nga ang iba.
Sumandal ako sa backseat ng upuan at ipinikit ang mga mata at nagdasal na sana makadaan kami ni Eustace sa checkpoint nang matiwasay.
In truth, we did what the other vehicles did. Nanatili kami sa pila hanggang kami na ang i-ni-spection. Lumabas kami ng sasakyan at kinapkapan. Kaunting mga salita lang ang sinabi ng mga pulis pero masusi nilang tinitingnan ang loob ng bawat sasakyan.
Pinagpapawisan ang mga kamay ko kahit pa nakatayo sa labas sa gitna ng malamig na gabi.
But after several minutes, we were able to go home safely.
Panay ang pagbuga ko ng hangin dahil sa relief. Ilang beses akong tumingala sa langit. Paulit-ulit din akong nagpasalamat kay Eustace.
We didn't exchange so much words at agad na pumasok sa loob ng kanya-kanyang unit dahil pareho kaming pagod dahil sa kaganapan ngayong araw.
The moment my back felt the soft mastress of my bed against my skin, hinila na agad ako ng antok at ipinikit ang mga mata.
***
Bandang madaling araw nang naalimpungatan ako at narinig ang ingay sa bandang lobby ng third floor kung nasaan ang unit ko.
I put on a robe and tried to open my eyes as wide as I could. I was sure that I was squinting as I head toward the door. Mabagal ang bawat paghakbang ko habang pinipilit na magising lalo.
Naniningkit ang mga mata ko at maya't-maya kukusutin iyon para mahimasmasan. I was just taking in and trying to comprehend what's happening at this hour as I opened the door. Only to see Eustace's unit bombarded with three police officers.
Nakatalikod si Eustace mula sa unit ko at nakaposas ang palapulsuhan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top