17th: Confusion
BUMALIK SI EUSTACE matapos ang labin limang minuto. Wala na ang kunot sa kanyang noo, pero maliit ang ngiti sa kanyang labi. Parang pinilit lang.
"Tingnan natin ang bar station ng cruise?"
"Tara," saad ko. Halatang hindi naging maayos ang usapan nila ng Dad niya nang tumawag ito kanina kaya hindi na ako nagtanong pa tungkol doon.
"I'll have two glasses of margarita," agad na saad ni Eustace sa bartender tapos ay bumaling sa akin. "Ano ang sa 'yo, Lienna?"
"Uh..." Natigilan pa ako at hindi agad nakasagot.
Akala ko ba titingnan lang namin ang bar station? Hindi niya naman sinabing iinom siya. Sobrang bad news ba ang natanggap niya kanina?
"Teka, 'di ba hindi ka umiinom, Eustace?"
Umupo muna siya sa isang tool sa harapan mismo ng bar counter bago ako sinagot. "Umiinom. Paminsan-minsan."
"Hindi ako naniniwala."
Pero nilagok niya na ang dalawang margarita na ibinigay sa kanya ng bartender.
"HALA." Nanlalaki ang mga mata ko at umupo na rin sa kanyang tabi.
Nag-order pa si Eustace ng kasunod at ginawa iyong tatlong baso bukod pa sa dalawang tequila shots.
"Eustace, balak mo bang maglasing?"
"Let's drink, Lienna," pag-aya niya sa akin.
Bumagsak ang balikat ko at pinagmasdan siyang lagukin ang isa pang baso.
"May nangyari ba? Gusto mong pag-usapan?"
Hindi siya sumagot.
"Naiintindihan ko. Maski ako kapag gulong-gulo sa mga bagay nakaka-drain magkwento. Hindi mo rin masisigurado kung maiintindihan ng iba."
"Sa 'yo na ang isang baso," ani Eustace, hindi pinansin ang sinabi ko.
Inilahad niya sa akin ang isang tequila shot para lang din lagukin ng isang beses lang.
"Hindi na, sa 'yo na lang," sabi ko kahit huli na.
Hindi siya kumibo.
He looked troubled. And maybe the alcohol could somehow numb the hurt that he might be feeling. Because it does to me too at times when I choose to nurse a bottle of alcohol instead of solving my own problems. But the aftermath will never justify the means of trying to feel nothing.
Nag-order pa si Eustace ng ilang shots-ang iba ay whiskey na pero agad kong ininom ang dalawang shots para hindi na siya tuluyang makatulog sa sobrang kalasingan.
Mainit sa lalamunan nang straight kong lagukin ang laman ng dalawang baso. Minutes after, I could now feel the effect of the alcohol on my system. Nang dumaong na ang barko ay agad kong inaya si Eustace pauwi.
He wasn't saying anything at tumango lang.
Nang makababa na kami ay agad akong nag-book ng taxi at nagpahatid sa apartment namin.
Magkatabi kaming dalawa sa byahe. Noon kapag pauwi sa Livonia, nalilibang ako sa pagtingin sa mga sasakyang nakakasabayan namin. Pero ngayon, nakapikit ako at hindi na nagbalak pa na tumingin sa labas. I will gaze at the streets some other time. Ngayon, ang importante ay hindi ako mahilo sa kabila ng nainom at hindi na umabot pa sa pagsusuka.
Sa tabi ko ay ramdam ko ang bulto ni Eustace. Sa sobrang lapit namin sa isa't-isa ay nararamdaman ko ang balikat niya na nasasagi rin ng balikat ko.
Pero dahil nakapikit ay hindi ako nakabaling sa kanya. At hindi babaling. Nakakaawa siguro siyang tingnan kapag sobrang nalasing. Kanina ay napapakurapkurap na siya, ngayon ay halos mahihimbing na sa pagtulog.
Gumalaw siya mula sa pagkakaupo kaya gumalaw din ako, balak sanang umusog nang naramdaman ko ang pagpigil niya sa akin.
Idinilat ko ang mga mata at nakitang nakahawak ang isang kamay niya sa palapulsuhan ko.
"Lienna?"
I stared at Eustace and nodded. But I couldn't mumble a word.
Well, I look like shit when I am drunk. But this guy...
May skincare ba ang lalaking 'to? Bakit parang hindi man lang nabahiran ng pagod ang mukha niya ngayong nakapikit lang.
Payapa ang mukha ni Eustace kung titingnan lang at hindi man lang iisipin ang nangyari kanina.
Ang tanging hint lang na uminom ang lalaking 'to ay dahil namumula ang mukha niya at kaunti naman sa leeg. Tinawag niya ang pangalan ko kanina na parang takot maiwanan. Pero matapos hawakan ang palapulsuhan ko at napagtantong hindi ko siya balak ipakidnap sa kung sino man at mag-isang pauuwiin, wala na siyang ibang sinabi na kasunod at yumuko lang.
Hanggang sa napansin kong tahimik siyang umiiyak.
Magkatabi pa rin kami ngayon sa backseat ng taxi kaya tinapik-tapik ko siya sa balikat at hinawakan sa pisngi. Nang ipinahinga niya ang ulo sa gilid ng balikat ko ay hinayaan ko siya. Hindi ako nagtanong o nagsalita. Ipinaramdam ko lang na andito ako, at hindi siya mag-isa.
Nang makarating sa tapat ng apartment complex ay bumulong ako sa kanya na nakarating na kami.
Eustace's eyes fluttered in urgency as he ran his fingers through his hair and looked up to me. "Andito na tayo?"
"Baba ka na," saad ko.
Napahawak siya sa noo niya. Siguro masakit na ang ulo niya sa mga oras na 'to.
Huhugutin niya sana ang wallet sa bulsa nang umiling ako at sumilip na sa bintana ng driver at nagpasalamat.
"I already paid the fare."
"I will have to pay the half," he insisted as he tried to balance himself while trying his best to flip his wallet and get some cash.
"Bukas na, Eustace."
Nang mahirapan sa ginagawa at sa dilim ng paligid ay tumango na lang siya sa sinabi ko.
Balak ko sanang mahuli sa paglalakad nang matingnan ko siya at baka biglaan na lang siyang bumagsak sa sahig dahil sa kalasingan. But it seems that he could manage himself even when obviously struck by the alcohol's intense effect. Nakakalakad pa rin siya ngayon nang maayos.
Probably it helped that he was able to sleep earlier on the drive home.
Tahimik lang kaming dalawa. Hanggang sa makaakyat sa mismong floor ng units namin.
Agad akong lumapit sa pinto ng unit ko. "Maraming salamat sa pag-aya ngayong araw, Eustace. Magpahinga na tayo."
Binuksan ko ang pintuan ng unit ko at doon ko lang napansin na nakasandal lang siya sa gilid ng dingding at hindi pa lumalapit sa unit niya.
"I just realized..." aniya, his voice trailed off like he was embarrassed with what he was about to say next. "I left the keys of my room to my car," mahina niyang sabi.
Lumingon akong muli sa kanya. Napaisip.
Tiningnan ko siya, at lumipas ang ilang segundo, wala pa rin siyang kibo sa posisyon.
Napatango-tango ako nang mapagtantong naiwan ang sasakyan niya sa parking dahil nagtaxi na lang kami pauwi dahil parehong nakainom.
Tumikhim ako. Lumingon ako sa pintuan ng unit at sa kanya ulit. "Gusto mong pumasok? Dito ka na lang muna matulog."
"That won't be comfortable for you, Lienna-"
"No. It is fine. Kaysa naman pabalikin kita sa downtown Detroit para lang kunin ang susi ng unit mo."
Siya naman ngayon ang tumitig sa akin.
Ngumiti ako. "Pasok ka na."
Parang naluluha si Eustace nang sinalubong ulit ang paningin ko. Ilang minuto siyang nanatiling ganoon. Para bang may gustong sabihin.
"Lienna-"
"Ayos lang talaga, Eustace. You can get inside first."
"S-Salamat."
At tahimik siyang naglakad papasok sa loob, bagsak ang balikat at nakayuko, sa kabuuan ay halata talaga ang kalasingan. Pero hindi pa naman siya gumegewang.
Naupo siya sa sofa.
Nakainom man ako ng dalawang shots pero hindi naman ako agad nalalasing. Pero itong isang 'to, sigurado akong lasing na pero sinisikap na hindi matalo ng epekto ng alak. Occasionally, he was rubbing his eyes and the top of his brows.
"You can sleep right there, Eustace."
"Thank you..." aniya ulit. "Thank you for being kind."
"No worries. Sorry at wala ako ditong folding bed or anything-"
"Ayos lang naman ako rito, Leinna," tapos ay humiga na nga siya sa sofa. Itinakpan niya ang mga mata gamit ang braso.
Hinubad ko ang sapatos ko at nagsuot ng tsinelas. Tapos ay tumango na matapos siyang titigan na nakahanap na ng puwesto kung paano hihiga.
Pupunta na sana ako sa kwarto ko at papatayin na ang ilaw nang marinig ang malalim na buntonghininga ni Eustace.
Ilang minuto ang lumipas, bumangon siya at naupo ulit.
"Sabihin mo lang kung may kailangan ka," saad ko.
Nakayuko siya at mahina ang boses nang nagsalita.
"Ikaw."
Natigilan ako sa balak na paghakbang. "Eustace?"
"Ikaw ang kailangan ko."
Tumikhim ako at tumigil sa paghinga. "Eustace? Lasing ka lang."
"Ang lungkot mag-isa," aniya.
Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. "Eustace, ayos ka lang?"
"Akala ba nila hindi na masakit porket sanay ka na mag-isa?"
Umiling-iling ako. "Hindi nawawala ang sakit." Ramdam ko ang unti-unting paggapang ng kaba sa dibdib. Hindi ko alam pero ang kaba na 'to ay hindi dahil sa takot, mas lamang ang pagkabigla.
Lumapat ang palad niya sa noo at napapikit. Umiiyak siya sa tabi ko pero hindi ko siya tinitigan dahil parang nadudurog din ako sa bawat paglipas ng oras.
"Wala akong ibang magawa. Sinusunod ko lang ang sinasabi nila. Pero bakit ang nakikita nila puro mali? Tangina."
Bumalot ang katahimikan sa ere at parang niyakap kami ng lamig, namamanhid ang didbib-sa akin ay dahil sa naririnig na sinasabi niya at sa kanya sa nararamdaman mismong sakit.
"Malungkot mag-isa hindi ba, Lienna?" tanong niya sa akin. Mabilis akong tumango.
"At masakit magkagusto sa mga taong may nauna ng mahalin."
Mas lalo akong natigilan sa narinig.
"What do you mean, Eustace?"
I inhaled a deep breath only to hold my breath further as I anticipate for his response.
"Ano ba ang naintindihan mo sa sinabi ko?"
Hindi agad ako nakasagot. "Aeyzha always loved Heiro."
"That's not what I was trying to say."
"So, ano nga?"
Hindi siya kumibo.
"M-May gusto ka ba s-sa akin?"
Yumuko siya, natahimik. Pero unti-unting tumango.
What?
Umiling-iling ako. Hindi makapaniwala.
"No. May gusto ka kay Aeyzha, Eustace."
Tumitig siya sa akin. Tapos siya naman ang umiling-iling. "No one stood by my side when I was this wrecked, Lienna. Ealier when we were at the cruise. At the bar. And at the taxi. You understood. You didn't retort nor judged me."
"Gusto mo ako? Dahil lang doon?" tanong ko ulit, napakurap-kurap. Pero naghuhuramentado na ang dibdib ko.
"Imposible ba?" tanong niya pabalik, bumaling sa akin saglit. "Hindi dahil lang doon."
"Kaibigan kita, Eustace."
"Kaibigan lang?"
"Bakit mo ba naisipang may gusto ka sa akin?"
Tinitigan niya ako pagkatapos ay nagbaba ng paningin. Tapos ay tumitig sa kawalan. Walang maisagot sa tanong ko.
"Matulog na tayo. Lasing ka lang." Lumunok ako at tumayo na. "Good night."
Nagpunta sa kwarto at ini-lock ang pinto. Humiga ako sa kama at tinakpan ang bibig para hindi na kumawala ang mga paghikbi ko. Nang tanungin ang sarili bakit ako umiiyak... wala akong makapa na sagot.
•••
Kinabuksan, naramdaman ko ang natuyong luha sa gilid ng mga mata ko. Kumunot ang noo ko at ngumiwi sa naalala kagabi. The first thing that registered on my mind was Eustace's words. I did cry before going to sleep but I didn't know why.
Bumangon ako sa kama at agad na kinuha ang cellphone mula sa pinakamalapit na mesa sa akin. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagmasdan ang oras sa screen ng phone.
Saktong alas dyes ng umaga at agad akong nakatanggap ng text mula kay Rhyl.
This was the favor that he asked me yesterday.
Bandang 11 and beyond ng tanghali ang sinabi ni Rhyl kahapon. As he said, I just have to close a deal for him. I would act as his representative and would just say yes to his soon partner in whatever collaboration that they had agreed with. Then accept a parcel for him and drop it in his apartment. Gano'n lang kadali. Pagkatapos ay hindi niya na siya mangungulit pa.
I don't have to deal with that portion of my past anymore.
Bumuntong-hininga ako nang malalim. Bakit parang nakahinga na ako ngayon nang maluwag?
Maybe it is true that I wanna move forward, and he was one of the people that I had to let go.
Naramdaman ko ang panunubig ng mga mata.
Hindi ko na ba talaga siya mahal o takot lang ako dahil nakita ko siya sa siwasyon na iyon kahapon at natatakot akong ganoon din ang mangyari sa akin kalaunan kapag bumalik ako sa tabi niya kagaya ng dati?
Napatampal ako sa noo.
'You just have to be my representative; then you can leave the parcel on the mailbox outside.'
Alright, I just have to do that.
Ilang beses akong pumikit bago tuluyang tumayo at naglakad palabas ng kwarto.
Halos mapatalon ako nang makita si Eustace na walang damit pang-itaas na nakatalikod sa akin at ngayon ay nakaharap sa stove. May nakasalang doon at nakaamoy agad ako ng pagkain.
Napansin niya agad ako kaya mabilis na nagsalita.
"Sorry-" aniya at hinablot ang t-shirt na nasa isang gilid at habang sinusuot iyon ay nagsasalita. "Medyo mainit kasi kaya..."
Nagbaba ako ng paningin sabay sabing, "Isang stand fan lang ang gamit ko. Nasa kwarto. Sana sinabi mo kagabi para-"
"I took a shower also after I woke up."
"Oh, well that's okay."
"Umaga na noong nagsimulang uminit."
"You don't have to wear your shirt again though."
Nakatingin lang siya sa akin.
Tumikhim ako. "I mean, mainit 'di ba? Ayos lang naman sa akin. Basta ba ay komportable ka o kung sino man. Keri na iyon."
"Hindi. Pasensya na. Hindi ko pa naman 'to bahay."
Lumapit ako sa maliit na ref at kumuha ng tubig. "No. No. Feel free to feel at home."
"Seryoso ka?" tanong niya.
"Hmm, balak mong seryosohin?"
Natawa siya.
"How are you feeling? Any signs of a hangover?"
"Meron," mahina niyang sabi.
"Maybe a soup or a hot coffee? It might ease the pain."
"I'm cooking something after checking your fridge."
"Oh, great then."
"Hindi ko pa rin mabubuksan ang unit ko ngayong umaga."
"Pretty understandable. Wala naman kasi rito madalas ang landlord kaya pahirapan ang paghiram ng spare key."
Humagod ang paningin ko kay Eustace. Nakapaa lang siya pero sobrang komportable niya habang naglalakad at gumagalaw sa kusina.
Probably because he had been here too back then when Aeyzha was still the one using this unit.
Hindi ko alam ba't parang may bumara sa lalamunan ko.
"Wanna have breakfast with me?" tanong niya, nakahawak ng sandok sa isang kamay pero sobrang gwapo pa rin sa paningin ko.
"Lasing ka pa ba hanggang ngayon?" tanong ko sa kanya.
Pinagmasdan ko si Eustace at ngumisi lang siya. "Tanda ko pa ang mga sinabi ko kagabi."
"Do you really mean those or you just wanna make fun of me?"
Unti-unting naglaho ang kanyang ngisi.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top