16th: Tied Together
NAKANGITI AKO habang nakaamba sa railing. Ramdam ko si Eustace sa tabi ko at pareho kaming nakatingin sa dagat.
The senery in downtown Detroit was astounding. Sa tingin ko ay magkaparehong nakaawang ang bibig naming dalawa-titingala sa langit pagkatapos ay tititig sa dagat.
Tumikhim ako tapos ay gumalaw nang kaunti. Sumandal ako sa railing, ngayon ay nakatalikod na sa dagat pero nakaharap kay Eustace na agad na napatingin sa akin. Tumingin ako sa kanya. Ngumiti nang kaunti tsaka tumitig ulit sa harapan. Sumalubong sa mga mata ko ang tanawin na kasing ganda rin ng tawanin sa likuran ko.
Sinundan ni Eustace ang kilos ko at tumitig na rin sa kung saan ako nakatingin. Pero kumilos ulit ako at muling tumitig sa dagat.
Nakakalula man ang iilang buildings pero sobrang fulfilling ang pakiramdam kapag nakadungaw ka na sa dagat. It seemed like your soul found peace and rest after an endless roaming around a path that you're unsure of. And you know that things weren't certain this time too, yet your heart is in peace. Somehow like that.
"Ang likot mo naman," saad ni Eustace.
"Hindi ako makapagdecide saan mauunang tumitig," saad ko.
Kadalasan ay bubusangot na ang mukha ko sa komento niya pero nangingiti pa rin ako habang nakatitig sa dagat at paminsan-minsan ay sa kanya.
"Sa akin. Pwede naman."
Kumunot ang noo ko. "Ano 'yon?"
"Isa-isa. Pwede naman." Sumagot siya na parang normal na sa kanya ang magsinungaling.
Pinanliitan ko siya ng mga mata. "Iba ang narinig ko kanina."
"Kaunting kalandian."
"Jusko ka." Itinulak ko siya nang bahagya sa balikat.
"Hindi ka na mabiro."
"Gano'n ka ba magbiro? Nakakakaba ha."
Natawa siya.
"Hindi ko mahulaan kung nagbibiro lang ba ang isang tao o hindi," mahina kong sabi. "Maawa ka sa puso kong madaling mahulog at umasa."
Halos gusto kong tampalin ang noo ko dahil sa naibulalas. Lumunok ako habang dama ang paggapang ng kaba mula sa dibdib ko papunta sa mga kamay at noo na unti-unting pinagpapawisan.
"Hindi na ata iyan problema. Hulog na hulog ka pa rin sa isang tao."
Bumaling ako sa kanya. This time, I didn't bother shifting my gaze towards the river after a minute has passed. Hinayaan kong maglagi ang paningin sa kanya.
Nang gumalaw siya at humarap sa akin at pinaghinang ang mga mata naming dalawa, parang lumabo ang paligid. Tanging ang sikat ng araw na tumatama sa kanyang mukha na lang ang nanatiling matingkad sa paningin ko.
At parang umingay ang paligid.
Aside from the rumbling footstep from the people roaming around the street, I could hear the wild beatings of that soft tissue caged inside my chest.
Hindi tamang ganito ang reaksyon ko sa tuwing mapapatitig kami sa isa't-isa.
"You're not saying anything. But your eyes seem to have a conversation with my soul."
Tumikhim ni Eustace pagkatapos sabihin iyon.
Kumurap-kurap ako.
What did he just say?
Tumalikod sa akin sa Eustace. Inabot iyon ng ilang minuto.
Nakatitig ako sa likuran niya, walang masabi, walang maintindihan. Dahil siguro mas mabuting hindi na lang iyon intindihin. Kaysa magkamali sa pag-intindi sa sinabi niya na wala naman siyang balak na ipaliwanag. Baka nga pinagsisihaan niyang sinabi niya iyon.
We waited for another half hour on the same spot. Eustace stared back at the river once again. Pero ang kaibahan ngayon ay hindi kami nag-uusap.
Hanggang sa napansin namin ang pagdagsa ng mga tao. Binuksan na pala ang cruise ship.
Umayos na kami ng tayo at tsaka pa lang ulit ako hinarap ni Eustace at kinausap.
"Tara na."
"As we should," nakangiti kong sabi, nagdarasal na sana hindi maling desisyon na pumayag ako sa pagsama sa kanya.
Ginusto ko rin naman.
Ngayon pa lang ako makakaapak sa isang cruise ship. Si Eustace pa lang ang unang nag-aya sa akin. Kaya habang humahakbang sa hagdanan ng barko, nanginginig nang kaunti ang mga paa ko.
Pero nanatili sa tabi ko sa Eustace. Magaan na nakalapat ang palad sa likod ko. Tapos ay naglahad siya ng kamay, ngumiti ako at tinanggap iyon.
Sabay kaming umakyat sa hagdanan. Hindi na mawaksi ang ngiti sa mga labi ko.
Pagkapasok pa lang namin ay may isang staff na iginiya kami sa isang spot kung saan nagpapapicture ang lahat na sumasakay sa cruise to have some souvenir.
Alright, there's this picture taking going on as soon as we got onboard.
Excitement flushed all over my system that I immediately rushed to the spot and stood behind a replica of a big ship's wheel which was used as a prop.
Sumunod agad si Eustace sa akin, katulad ko na namamangha.
"You can keep your wife closer to you as possible, sir," ani ng staff. Lumunok ako. Napagkamalaman kaming mag-asawa ni Eustace. Goodness.
I stood beside Eustace and was about to explain tge real scenario but things happened so fast at may iba pang naghihintay sa turn nila na magpa-picture kaya hindi na ako pumalag pa. Eustace was in the same position too kaya wala na rin itong nasabi.
"Ayos lang ba?" rinig kong mahina niyang tanong pertaining to his attempt in pulling me close to him. Tumango ako at humilig palapit sa kanya. Humawak ang isang kamay niya sa balikat ko. Ako naman ay tumingkayad nang kaunti at ikinawit ang isang braso sa leeg niya na parang nakaakbay.
Tapos ay ngumiti kami. Sa unang picture ay pormal kami na nakangiti. Pero naramdaman kong lumapat ang libreng kamay ni Eustace sa braso kong nakaakbay sa kanya.
"Don't tickle me for a reason," aniya.
"Oh." Ngumisi ako. "Nakikiliti ka sa bandang batok?"
Gumalaw siya pero pinipigilan na kumawala ang tawa. Mas lalo ko siyang inakbayan at siya naman ay mas ipinalibot ang kamay sa bewang ko. Mas naglapit ang katawan namin sa isa't-isa. Natigil ang paglilikot namin at nang lumapat ang kamay ko sa pisngi niya. His smile was genuine and his hold was firm but gentle.
"Done! You may now proceed inside ma'am and sir," ani ng attendant na nakalapit na sa amin. "You can claim the pictures on the third floor before the cruise ends."
"Thank you," ani Eustace.
Ngumiti na rin ako at nagpasalamat.
"They are so nice."
Sumang-ayon si Eustace sa sinabi ko.
Habang paakyat papunta sa ikalawang floor ng ship ay hindi ko napigilang titigan nang mabuti ang paligid.
We settled at the second floor of the building dahil nandoon ang table na naka-reserve para slot na nakuha ni Eustace. Nakangiti ako nang naupo kaming dalawa sa isang table. Magkaharap kami sa isa't-isa. Few minutes passed and we were then served dinner. It was three course meal. Nanlaki ang mga mata ko.
"Enjoy, Lienna," saad ni Eustace.
Tumango-tango ako. "Oh, surely." Lumapad ang ngiti sa mga labi ko.
"Nag-iiba ka yata kapag kaharap na ang pagkain."
Umirap ako. "Hindi ba puwedeng namamangha lang."
"Palusot?"
"Halata ba?" pabiro kong tanong.
Sabay kaming natawa.
By the time that they served our dessert, nagseryoso na ako at nagawa nang makapagsalita. "Well, they serve expensive food. Mouthwatering ones."
"Si Dad..." Eustace paused as if saying something that is foreign on his lips, something unfamiliar, and unreal. "Siya ang nagbook ng tickets. Pero dahil nagkaproblema ang asawa niya hindi na sila tumuloy."
Hindi ko man lubos maintindihan ang sitwasyon ng pamilya ni Eustace hindi na ako nagtanong pa at tumango na lang. "Ganoon ba? Thank sa pagsama sa akin dito. Once in a life time opportunity."
"Pareho tayo," komento ni Eustace. "Parangap ko lang din 'to noon. Noong buhay pa si Mama at naging overseas worker, palagi niyang kinukwento ang cruise ship na 'to rito sa Detroit. Nagtanong ako kung may cruise ship ba sa Pilipinas, sinabi iyang oo. Pero kung i-kwento niya ang Michigan-ang buhay sa Livonia at Detroit, ibang-iba. Simula noon inakala kong kakaiba ang cruise ship sa ibang bansa."
"T-Teka, ngayon ka lang din makakasakay?"
Tumango siya, hindi makatingin sa akin.
Nako naman. Hindi dapat siya mahiya.
"Ang astig! Hindi pala ako mag-isa na namamangha."
Natawa siya. "Hindi pa nga umaandar, at nasa loob pa lang tayo, ang ganda na ng ambiance."
"True!" saad ko.
Sa bandang stage ay may nagpe-perform na banda at napapasayaw na ang iba.
Napangiti ako at dinama ang tugtog. Unti-unti akong sumayaw sa upuan. Ang iba ay nagsitayo na kasama ang mga asawa at girlfriend.
"You might want to see the other decks," ani Eustace.
"You might wanna dance first?" saad ko, nagbibiro sana pero biglaang umayon ang pagkakataon.
An acoustic version of a famous song started to play in the background.
Naglahad ng kamay si Eustace at agad kong tinanggap.
"Hindi ako marunong sumayaw."
Yumuko ako, natatawa. "Ako rin."
Sabay kaming natawa sa napagtanto.
"Subukan natin." Eustace reached for my left hand and he puts it above his shoulder. Then he held my right hand with his other hand. He took a step backward, guiding me to take a step towards him. Napangiti ako nang umayon sa tugtog ang bawat paghakbang namin.
"Hindi ako naniniwala na hindi ka marunong."
"Iniisip ko lang kung paano isinasayaw ni uncle ang auntie pagkatapos ng hapunan."
"They become your second parents when your Mom died right? I heard it from Avie."
He paused for a while. "They didn't. But they showed me kindness more than I deserve."
Tumango ako, nanatiling nakatitig sa kanya. "I lost my mother too knowing what I did wrong. It was tormenting. But, Eustace... you made it to this day. Now a man. They must be proud of you."
"I am not even proud of myself."
Parang may pumiga sa dibdib ko.
Nanatili ang atensyon niya sa paggiya sa akin. Sa pagsayaw. We swayed to the music while I was thinking about what he just said.
Then he cleared his throat. A small smile lingered on his lips.
"The cruise ship has a total of four decks, nasa ikalawang deck tayo. Gusto mo bang magpunta sa ika-apat?"
"Makikita natin ang labas hindi ba?" tanong ko, namilog ang mga mata.
"You'll see Detroit from a different perspective."
I almost jumped in excitement. "Right! And the skyline. I am sure it'll be magnificent at night."
Tumango kami sa isa't-isa at naglakad paalis sa dance floor. We took the stairs and then rushed towards the upper levels of the ship.
Then we were greeted by a large spacious portion of the ship; makikita ang langit, ang dagat, at ang buong paligid. Patuloy ang pag-andar ng barko at ang mga bisita katulad namin ay namamangha sa paligid. Bukod sa mga kumakain, nagsasayawan, ang iba ay nakahilig sa gilid ng barko at nakadungaw sa tanawin.
Nakaawang ang bibig ko at naghanap na rin ng puwesto. Agad naman na sumunod sa akin si Eustace.
Dinama ko ang hangin sa mukha at ang banayad na pag-andar ng barko. Nilingon ko ang Detoit riverfront at napagmasdan ang mailaw na paligid.
Ngumiti ako at naramdaman ang pag-iinit ng gilid ng mga mata. Huminga ako nang malalim at napahawak sa dibdib. God, this is really happening.
Sobrang ganda.
"Hindi ako marunong lumangoy pero gustong-gusto ko ang dagat."
Bumaling sa akin sa Eustace at kalmadong nakinig sa akin.
"Parang gusto ko nang mainit na kape pero ayaw kong mapaso. Pero worth it naman 'di ba? I mean this experience is costly. Pero dahil inaya mo ako, libre na. Worth it talaga."
"It's worth it, Lienna. Kaysa naman mag-isa lang akong pupunta rito."
"Pwede rin naman. Baka may mahanap kang ka-date."
"Kaunting landi habang nasa lakad?" tanong niya, halos matawa.
"That would seem favorable for you."
"You're not the sarcastic type right?"
"Well, am I being sarcastic now?"
Pinasadahan niya ng kamay ang mukha ko. "Alisin mo nga ang busangot sa mukha mo."
Humalukipkip ako. "Hindi naman ako nakabusangot."
Humalakhak si Eustace.
Nanlaki ang mga mata ko nang maramdaman ang pag-akbay niya sa akin.
"Ganyan ang reaksyon ko sa ginawa mo kanina," mahina ang boses niyang sabi.
Pinanliitan ko siya ng mga mata pero hindi kumikilos baka ibaba niya ang braso.
Kumakalabog ang dibdib ko dahil sa lapit namin sa isa't-isa. Pero bakit ayaw ko namang umatras palayo sa kanya? Bakit parang ayos lang na ganito kami kalapit ngayon?
"You should have told me you aren't comfortable with what I did earlier-"
Umiling-iling siya. "Ayos lang naman. Nabigla lang."
Huminga ako nang malalim.
"How about this?" mahinang saad ni Eustace.
Tumikhim ako. "Ha?"
"Ayos lang ba na nakaakbay ako sa 'yo ngayon?"
Lumunok ako, nangingibabaw ang malakas na pagkabog ng dibdib ko sa puntong 'to.
"Ayos lang din naman. Nabigla lang din ako ng slight."
Hindi na kami nagsalita pa at nanatili sa ganoong posisyon. Pinagmamasdan ang paligid at sabay na mamamangha.
Pero isang oras ang lumipas at nakatanggap si Eustace ng tawag.
He grabbed his phone from the pocket of his jeans at agad iyong sinagot. Pero hindi siya lumayo sa akin. Nakangiti pa nga siya nang sagutin iyon.
"Hello, Dad?"
Binalingan ko siya. Sana naman hindi masamang balita ang sasabihin sa kanya ng tumawag.
It's his Dad. Siguro ay mangangamusta lang ito.
"I took care of it already." Pero mula sa kalmadong boses ay naging seryoso iyon. "No, I handed it to Rachel. She told me to cancel the tour so I did as I was tasked."
Kalaunan ay nangunot na ang noo niya at puno ng pagkalito ang boses. "She didn't tell you first?" Lumingon siya sa akin at itinuro ang phone at iginiya na lalayo muna siya kasi maingay sa banda namin.
Tumango ako at mahinang nagsalita. "It's okay. Take your time."
At humakbang na palayo si Eustace.
Muli kong tinitigan ang paligid; ngayon ay dama na ang lamig ng gabi hindi katulad kanina.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top