11th: Making Sense
NAKABUSANGOT ANG MUKHA ko nang inilock ang pinto ng unit at namataan si Eustace na nakangisi habang isinusuot ang isang kulay gray na winter jacket at nagmamadaling maabutan ako.
"Mamaya na nga ba talaga ang start ng first duty mo?"
"Hindi mo ata gustong intindihin iyong mga sinabi ko kanina," I said then glared at him. "Mamaya na nga. For real."
I clutched my purse and pressed it against my chest as I inhaled a deep breath.
"May karapatan na akong magliwaliw kapag nagkaroon na ulit ako ng means of earning an income."
Humakbang na ako.
"Safe ba ang trabaho mong 'yan?" he asked tilting his head to one side to get a better glance at my frowning face. He then smiled sheepishly, as if caught in such a bad situation.
"I understand that you have to play a good Samaritan to me because you wanted to maybe kind of-please, Avie. But no, Eustace. You don't have to. Please spare yourself from the headache."
Basta siyang natigilan sa tuloy-tuloy kong sabi at umawang na lang nang kaunti ang mga labi.
I almost wanted to pinch myself when I realized I was staring at his lips for a minute with thoughts of how blessed he was for having those lips which looked so soft they were almost begging to be touched.
I cleared my throat and continued walking. Sumunod naman agad si Eustace at nagmadaling humabol. Sinabayan niya ang bilis ng paglalakad ko kaya sinubukan kong mas bilisan pa.
He did keep up with my pace. His hands were hidden inside the pockets of his coat and his eyes were looking directly to the path in front of us.
By the time we reached the ground floor, we stood in front of the small parking space and stared at the snow as it glistened from the sky and slowly fell to the ground.
Nagpatuloy siya sa paglalakad palapit sa sasakyan na dala niya kahapon nang dumating galing sa kung saan at hindi umuwi sa apartment ng isang gabi.
"You shouldn't really have to do this, Eustace. Malamig lang naman dito sa labas pero hindi naman delikado."
"Ihahatid kita, Lienna. This isn't because I feel obligated to do so but because I like to drive you to your destination. Ayos lang ba 'yon sa 'yo?"
Tumitig ako sa mukha niya at napagmasdan ang mga matang marahan ang pagtitig sa akin. Pati na ang paraan kung paano niya sabihin iyon ay kalmado. Hindi namimilit pero hindi rin naninisi o ano.
That was the first time I had noticed how silent the surroundings become when I was standing this close to Eustace and when he's looking at me like that.
Napaatras ako pero humakbang siya palapit sa akin.
A few more steps backward then he would take steps towards me. Tapos maya't-maya ay itinaas niya ang isang kamay at dumukwang saglit, sobrang lapit naminsa isa't-isa.
Bumaling-baling ako sa bawat gilid sabay sabing-"Teka lang."
Kumunot ang noo ni Eustace pero nagpatuloy sa balak gawin. "Tabi ka muna," he said, magaan ang isang kamay niya nang lumapat sa balikat ko at iginiya ako para humakbang sa isang gilid para mabuksan niya ang pinto ng passenger's seat.
I exhaled a breath. Bakit parang hindi ako humihinga habang nangyayari 'yon kanina?
Eustace motioned the open door and I glanced at the car seat. It was empty and it smells nice. Like his masculine perfume.
"Pasok? Ako?"
Tumango siya.
Tahimik kong iniyuko ang ulo at pumasok sa sasakyan.
Agad na umikot si Eustace at naupo sa tabi ko. He then expertly maneuvered the steering wheel. Lumingon siya sa likod at gumalaw saglit, tumagilid at lumapat ang isang kamay niya sa bandang headrest ng upuan ko.
Nanatili akong natutuod sa kinauupuan, ramdam ang bawat pagkilos niya at ang bawat reaksyon na nararamdaman ko.
"Makakaabot ka ba sa schedule mo on time kapag ipinagdrive kita hanggang Detroit? O mas mabuti kung sa train station na lang?"
Para akong natameme sa kalmadong kilos ni Eustace. Wala akong ibang nagawa kung hindi ay sumagot din nang marahan. "I still have time."
"Alright."
Bumalik na siya sa posisyon niya at nagsimula nang magdrive. Dumidilim na nga ang langit at nagsimula na naming tahakin ang mahabang high way. Ang mga kamay ko ay nasa ibabaw ng kandungan pati na ang purse ko na mahigpit ko nang hawak-hawak.
"I hope I am not making you uncomfortable."
Umiling-iling ako agad. "You're not making me uncomfortable, Eustace. It's just that... this is the first time."
"Hindi ka sanay na mabuti sa 'yo ang iba?"
Wala akong maisagot.
Nasa kalagitnaan na kami ng byahe nang magtanong ako sa kanya kasi wala na akong ibang magawa para hindi kami tuluyang mabingi sa katahimikan.
"So, saan ka galing noong isang araw?"
Lumingon siya sa akin saglit bago tumingala sa traffic light sa unahan. Saktong lumipat sa kulay pula ang ilaw at tumigil kami saglit. "Somewhere."
"Trabaho ba?"
"Parang."
"Ah, okay, that's great."
"Siguro."
Bakit ang tipid niya na naman sumagot ngayon?
"Marunong ka pa lang magdrive..." That was more like a statement other than a question dahil hindi ko na nadagdagan pa ang sinasabi nang mapansin kung gaano niya walang ka-effort-effort na kinakabig ang manibela.
His hands gripped on the steering wheel with certainty and he was gazing at the road very intently, putting his undivided attention on the road and spotting each traffic signs that we should be mindful of. Aabot din siguro ng mahigit 20 minutes bago kami makarating sa grill and as of now, halos sampung minuto pa lang ang lumilipas.
"Gusto mo magpatugtog? Ang tahimik." Amba niyang bubuksan ang stereo ng sasakyan nang magtanong ako.
"Gusto mo ba akong magsalita o magtanong nang magtanong?"
"Puwede rin naman."
I was slightly shocked with his response. Akala ko ba ayaw niya ng maingay?
"Pero bakit ang tipid mong sumagot kanina?"
Rinig ang kaunting pagkabasag sa boses ko pero pinanatili kong nakakunot ang noo nang matawa siya habang nakatingin sa akin.
"Ginalit ba kita?"
"Minsan hindi kita maintindihan, Eustace."
Nanatili ang nakangiti niyang mukha na nakabaling sa akin habang unti-unti nang nalulukot ang mukha ko.
"Sinasadya mo ba 'yan?"
"I am letting you talk. This time I won't complain. I was rude when I told you we were kind of loud."
"Na-guilty ka no?"
"Naawa ako sa malungkot mong mukha."
"May awa ka pala."
"I care for you, Lienna. That's the truth." Biglaan niyang sabi nang umandar na ulit ang traffic at pinatakbo niya na ulit ang sasakyan. Nakabaling na siya sa daan nang dinagdagan ang sinasabi. "Even without Avie's reprimand, I would still choose to look over for you."
"Bakit?"
"Kailangan ba may bakit?" tanong niya, lumingon sa akin at pinaghinang ang mga mata naming dalawa. "Hindi ba puwedeng gusto ko? Kaya ko ginagawa?"
"Bakit gusto mo?"
Lumunok siya at napagmasdan ko ang bawat galaw niya habang ginagawa iyon. Hindi niya ibinuka ang bibig, inakala ko ngang hindi na siya magsasalita pa nang marinig ko ang mahina niyang boses.
"Hindi ko rin alam," saad niya, mahina ang boses pero alam kong gusto niyang iparinig iyon sa akin.
Nang makarating sa grill ay hinihintay kong magsalubong ulit ang mga mata namin pero halos hindi na iyon mangyari dahil panay na ang pag-ring ng cellphone ni Eustace at hindi na siya mapakali sa tuwing bumabagal ang traffic.
"May kailangan ka pang puntahan?"
"Hindi ayos lang, makakahintay sila," sagot niya.
Tumango ako at tumahimik ulit.
"Gusto mo gumala next week, Eustace?" tanong ko, nakangiti nang may maisip na puwedeng gawin kapag day-off ko na sa trabaho at sa mga oras na hindi ko pa shift.
"Next week?" tanong ni Eustace, saglit na nag-isip. "I could squeeze in some free time."
"So, gusto mo talagang gumala?" Nanlaki ang mga mata ko.
"Bakit hindi?" tanong niya, natawa sa reaksyon ko.
"Ayon! May pala lakwacha palang nananalaytay sa dugo mo! Igagala kita next week dito sa Detroit. Pa-thank you na rin siguro sa paghatid mo rito sa akin."
"Sige, asahan ko iyan," saad niya na nagpangiti sa akin. Itinaas-baba ko ang mga kilay at sinundot siya sa balikat. Buti na lang naalala kong nagda-drive siya at hindi napalakas.
Sabay na kaming bumaling sa harapan at napagmasdan ang pamilyar na streets ng Detroit.
Pumarada si Eustace sa harapan ng grill at sabay kaming lumabas ng sasakyan. Hinintay kong makalapit siya at hindi inakalang hindi pa agad siya aalis. Pero sa bungad ng grill ay dumapo agad ang mga mata ko sa dalawang lalaki na nakaabang sa harapan ng grill.
At sa bandang unahan ay nakita ko rin si Rhyl na parang nag-aalangan na pumasok at nagpabaling-baling sa paligid.
Nakatayo lang ako sa puwesto at si Eustace naman ay tumayo sa harapan ko. Kailangan pa naming tumawid sa kalsada para makapasok sa entrance ng grill. Eustace was mumbling something about food and dinner... pero hindi na malinaw sa pandinig ko.
"I guess I should have dinner before I head to-"
Biglaang tumunog ang phone ko kaya agad kong hinugot mula sa purse na dala. Kasabay noon ang pagtabi sa akin ni Eustace para makatawid na kami. It was the alarm. I have to go to work.
Marahan na nakalapat ang isang palad niya sa bandang likod ko habang tumatawid kami. When he said something I just nodded pero hindi ko na iyon narinig. Ang dalawang lalaking kahina-hinalang nakatayo sa bandang gilid sa entrance ng grill ay panay ang tingin sa paligid na parang may hinahanap.
Sa puntong iyon ay napansin ako ni Rhyl na palapit. Akma siyang may sasabihin at tatawagin sana ako pero agad niyang itinikom ang bibig at walang sabi-sabi na sinalubong ako at hinawakan sa palapulsuhan tapos ay hinila.
Sa bilis ng pangyayari ay hindi agad nakapagsalita si Eustace at agad lang din napasunod sa aming dalawa.
"Lienna..." tawag niya sa akin sa mahinang boses.
Kailangan kong ihakbang ang mga paa pasunod kay Rhyl kung hindi ay madadapa ako. Pero sa bawat paghakbang ay nakatingin ako sa likod kung saan ay gulong-gulo na nakatingin sa akin si Eustace.
Tuloy-tuloy siya sa pagsunod sa amin. Pero nang tuluyan na siyang makalapit ay parang may napagtanto siya at biglaang bumagal ang paglalakad niya. "It was him that you're about to meet."
Gusto kong umangal pero mabilis ang pagkakahawak ngayon ni Rhyl sa balikat ko at ang paglalakad niya. "Rhyl, what is this... why are you dragging me away from-"
Nang makalayo nang kaunti sa mataong lugar ay biglaan siyang tumigil at tiningnan ang balikat ko. "Did I hurt you?"
"No. But you startled me. What is this all about?"
"I was so worried they would see you."
Kumunot ang noo ko tapos umiling-iling. Sa hindi kalayuan ay tumigil na si Eustace sa paglalakad at nakatingin na lang sa amin mula sa malayo.
Parang may pumupukpok sa dibdib ko na hindi ko maiwas ang paningin sa kanya. Humakbang ako paatras para sana maglakad patalikod kay Rhyl pero agad niyang inabot ang kamay ko.
"Lienna..."
"Rhyl, I have work to attend tonight."
"Please... let me talk first."
"I would let you. You even know that you can call me to do that. But why are you making a scene here, Rhyl?"
Ilang segundo ang lumipas ay nagpabaling-baling ulit siya sa kung saan na parang may hinahanap.
Kumunot ang noo ko at napahawak na sa baywang, pinakatitigan ko siya at magsasalita sana ulit pero basta siyang humakbang palapit sa akin at hinila ako palapit sa kanya.
Naikuyom ko ang kamao at pinandilatan siya ng mga mata. "Rhyl, why are you acting like this?"
Pero tumitig lang siya sa akin at napagmasdan ko ang pangingitim ng ilalim ng mga mata niya at mas napansin ang magulo at napabayaan niya nang buhok.
"I didn't know that I would see you again."
"I'm in front of you now."
"This won't work, Lienna but I could try."
Lumapat na ang nakakuyom kong kamao sa balikat niya at akma nang magpumiglas nang biglaan niyang inilapit ang sarili sa akin.
I could sense that Eustace started to walk towards us in a faster pace, parang nababahala.
Pero nanigas ako sa kinatatayuan nang maramdam ang mga labi ni Rhyl na lumapat sa mga labi ko.
Wala akong ibang sunod na naramdaman kung hindi ang malamig niyang mga kamay na nakahawak sa mga kamay ko.
Tuluyang nakalapit si Eustace sa amin at ramdam ko kung paano unti-unting humina ang tunog ng bawat yabag niya na parang unti-unti siyang nawalan ng lakas.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top