10th: With You

HINDI PA SUMISIKAT ang araw ay nasa balcony na ako dala ang isang maliit na speaker habang naghahanda nang sumayaw. Suot ko na ngayon ang workout clothes ko pero dahil wala sa tamang kundisyon ang katawan ko para magworkout dahil puyat ako kagabi, I would spend the next two hours dancing my frustrations out. I hope it helps.

My hair was carefully held in an updo. May kataasan ang buhok ko kaya sobrang dali lang gawin.

Itinaas ko ang dalawang mga kamay at nagsimulang magstretch. Today begins the first day of me claiming back my life. I don't need anyone to lean on. I have myself. I shall freely express myself through dwelling on things that had fueled me years ago.

Dancing.

Dinama ko ang malamig na hangin at ipinikit ang mga mata.

Ilang saglit lang ay tumugtog na ang up beat song na p-in-lay ko sa speaker.

I mastered the rhythm and decided to begin my count. Hinayaan ko ang sarili at pinuno ng hangin ang dibdib pagkatapos ay nakangiting nagsimula sa pagsayaw.

An hour passed and I was already too immersed in the music that I was practically making up moves that would synchronize with the music: a glide on the side, a march to the front, sway on the hips, and a thump on my feet.

Someone had told me I am not really good at hip-hop dancing. Well, maybe he'd think otherwise after he would see me with the way I-

Basta akong napatigil sa dapat sanang susunod na step na gagawin nang mapatingin ako sa katabing balcony at nakitang naroon si Eustace, nakatayo sa isang gilid at tahimik na nakabaling ang atensyon sa banda ko.

When he realized that I saw him and stopped dancing, he cleared his throat and tried to stand properly. Earlier, he was leaning on the railings at sa likuran ay ang papasikat na araw at ang langit na nagkulay payapang asul.

I thought he would pretend that he wasn't watching but I saw him slowly clap his hands and he gave me a nod. "I didn't know you're a good dancer."

Tapos ay ngumiti siya na ikinabusangot ng mukha ko.

"I can dance that's a given," malamig kong saad at tatalikod na sana pero agad nagsalita si Eustace.

"I didn't mean to distract you from your reverie. Nagising ako kasi ang lakas ng tugtog. Tiningnan ko lang kung saan galing."

"At nabulabog kita?" I asked, I didn't mean to sound sarcastic pero iyon yata ang kinalabasan ng tono ko. "Palagi ka na lang may reklamo sa ingay rito. Noong nandito pa si Avie sa Michigan at dito niya muna ako pinatuloy, iyan din ang sabi mo."

Basta kong kinuha ang maliit na speaker na ginagamit ko kanina. I even climbed to the edge of the railing para ilapit iyon sa kanya at ipakita.

"Ganito lang kaliit ang speaker na ginagamit ko ha. I tell you hindi nito magigising ang buong barangay."

"Pero magigising mo ang katabing unit."

"Hindi naman nakafull on ang volume ng phone ko!"

I extended a hand in an attempt to really make him see how small the speaker is pero dahil sa pag-akyat ay nadulas ako nang kaunti.

"Careful, Lienna!" malakas ang boses ni Eustace, halos sumigaw... kita ang kaba sa mukha.

Muntikan na akong mapatungo sa railing at mahulog, mabuti na lang at nakakapit ako nang mahigpit at agad naibaba ang mga paa.

Tumitig ako sa ibaba sabay atras.

Nanlalaki ang mga ko at lumapat ang isang kamay sa dibdib.

"Ingat kasi," Eustace mumbled pero kahit mahina ay narinig ko pa rin.

Muli akong tumingin sa kanya.

Nagtaas naman siya ng mga kamay pero bakas ang pagka-amused sa mukha.

Ang weird ng lalaking 'to.

Pinahiran ko na lang ang pawis sa noo at pinakawalan ang buhok ko na ipinangko ko kanina. My copper-red hair flowed freely at my back. Then I fixed my shoe laces tapos ay tumayo na.

"Hey, Lienna! May sasabihin pa ako."

Hindi ko pinansin si Eustace na panay ngayon ang pagtawag sa pangalan ko.

"Lienna! Hoy!"

"Bantayan... maybe that term fits better."

Iyon ang sabi niya sa akin kagabi.

Hindi talaga nawala sa isip ko 'yon. Useless ang desperada kong iwaksi iyon sa isipan sa pamamagitan nang pagsayaw.

May pambayad ba ako para sa isang taga-bantay?

Akala ko pa naman genuine ang usapan namin at ang paunti-unting pagiging malapit sa isa't-isa.

I think people tend to get close for a specific reason or agenda-a connection is built for a purpose and doesn't only happen spontaneously. Saddening.

I took a bath and prepared my breakfast. As I was putting the dishes on the sink my phone rang.

Tinakbo ko ang distansya ng kitchen papuntang living room.

"Hello, Danica?" saad ko agad matapos sagutin ang tawag. Napasalampak ako sa couch at naupo.

"The results for the hiring will be out by 10 am, antayin mo ang tawag."

Agad umawang ang bibig ko at napangiti. "Natanggap ba ako?"

"Yes, we were already told who to expect later when the new hires will report on duty by the evening after their call back."

"This is great news!" Namuo ang luha sa mga mata ko at hindi na maalis ang ngiti sa mga labi ko.

"Yes, we should celebrate after our shift."

"Maghahanda na ako, Danica."

"Go on. Congratulations, Lienna. You deserve this."

"Thank you, Danica..."

"See you later."

At ibinaba niya na ang tawag.

Sumandal ako sa couch at ipinikit ang mga mata. Tumulo ang luha ko sa gilid ng mga mata.

Paulit-ulit akong bumulong, nagpapasalamat.

Kumaripas ako ng takbo sa kwarto at naghanap nang maisusuot mamaya. Naghanda na ako habang naghihintay sa tawag. This is it.

Bandang alas nuebe ng umaga ay kumunot ang noo ko nang may matanggap na text message. I was sure it wasn't the staffs in the grill dahil iba ang laman ng message.

It was a message that's asking if the sender could call.

From: unknown number

Hi, can I call?

May I know who's this?

Rhyl.

Ilang segundo ang lumipas na hindi ako humihinga. Nagtipa ako ng reply pero hindi ko itinutuloy sa pagsend.

Humugot ako ng hangin tapos at mapapatingala sa kisame.

Hello, Rhyl. Of course, you can call. Go on...

Then I pressed the send button before I could even think of what I just typed.

Mabilis kong isinave ang cell phone number ni Rhyl at naghintay sa tawag na sinabi niya.

Ilang minuto ang lumipas at-

Rhyl calling...

"Hello?" kalmado kong sabi at pinakinggan nang maagi ang kabilang linya. "Rhyl?"

"Lienna..." parang pabulong ang boses niya nang magsalita. "I hope I'm not intervening with your schedule. I was really planning to call the other night but I got caught up with things. How are you?"

Tumikhim ako pero aaminin kong natulala ako nang marinig ulit ang boses niya.

"I'm good. Things have been playing out in my favor. What about you? What were you up to..."

"All I was thinking yesterday was calling you. I'm glad we're already talking... even when it's only through phone at this point. I won't have to scold myself for not having the balls to even try."

"Rhyl."

"Perhaps you're busy. But can I at least have a few moments of hearing your voice?"

"B-But why?"

"Creslienna, I've missed you all these years."

Nang matapos ang tawag ay nakatulala na lang ako at hindi na nakakilos pa.

Am I dreaming? Narinig ko ba talaga ang lahat ng iyon? Totoo ba?

What does Rhyl imply?

Ano na ngayon? Ano na ang mangyayari?

Bakit sa halip na mapangiti sa narinig ay basta akong kinabahan?

Napapitlag ako nang muling tumunog ang cellphone ko. I immediately answered thinking it was still Rhyl. "Rhyl, I just wanna say that maybe things will be better if-"

"Good morning! Is this Ms. Creslienna Benevente?"

Bastang umurong ang mga salita sa bibig ko pero agad ako tumikhim. "Hello, good morning. Yes, speaking."

Kumurapkurap ako nang ilang beses habang pinapakinggan ang sinasabi ng staff ng grill sa kabilang linya. This is the call back that I have been waiting for, muntikan ko nang mapurnada dahil akala ko si Rhyl at agad akong nagpadala sa nararamdaman.

"Congratulations, Ms. Benevente for qualifying for the hiring that we conducted... you can report on duty today and will be informed about the other details pertaining your job-such as which hours will be your assigned shift and other relevant information. Thank you and have a great day ahead. See you at the store."

"Thank you so much!" masigla kong sabi. Nanatili ang ngiti sa mga labi ko at agad na napatayo. "Yes! I made it!"

Umikot ako habang nagtatalon-talon at hawak-hawak pa rin ang cell phone malapit sa dibdib. "I finally got a job! Wohoo!"

I glanced at the entire space of the unit, appreciated the ornaments, and my things placed in their specific spot. Things are going well, and I can't help but feel grateful.

My heart swelled and my knees almost wanted to give out as my tears started to flow from my cheeks. A smile stretched on my lips as I immediately wiped my tears. But they didn't immediately stop.

Nakangiti akong umiiyak.

I've got a unit in my name. I just got a job. Hindi ko na kailangan pang umasa sa iba para lang maramdaman na buhay ako. Sana... sana magtuloy-tuloy na.

Inayos ko muna ang sarili ko pero nakitang kailangan kong linisin ang apartment dahil may kalat sa bandang kusina.

I was mopping the floor and saw the trash.

Halos napuno na rin iyon kaya agad kong hinablot at tiningnan. Kailangan na talagang itapon at palitan ng bagong garbage bag.

Ibinaba ko muna ulit ang trash bin at nagmadali akong humablot ng jacket sa kwarto. Isinuot ko iyon at tiningnan ang sariling repleksyon sa salamin.

My hair complimented the vibrant and clean white-colored jacket. I scanned my face while still looking at the mirror.

Ngumiti ako at sumimangot ulit. Itinaas ko ang kilay at ikinunot ang noo pagkatapos ay umayos ng tayo at natural na ngumiti. I look fine in front of mirrors.

Inayos ko ang buhok na umalpas sa hoodie ng jacket. Perfect. When I was satisfied with how I look, bumalik na ako sa kitchen at hinugot ang garbage bag na puno na ng basura at pinalitan ng bagong garbage bag pagkatapos ay inayos sa isang gilid ang garbage bin.

Isinuksok ko sa bulsa ng shorts ang cell phone ko at pinihit na ang pinto para bumaba na sa ground floor para magtapon ng basura.

Pagkababa ko at pagkalapit sa kung saan iniipon ang mga basura para mas mapadali ang garbage collection araw-araw ay namataan ko si Eustace na nagtatapon din.

I marched toward the spot pero hindi ko siya tinawag.

Nang tumabi na ako sa kanya ay naramdaman ko ang saglit niyang pagpitlag na parang nabigla nang kaunti. "Sumusulpot ka rin pala sa kung saan."

"Nagtatapon ako ng basura," saad ko pero hindi lumilingon at nagpokus sa kailangan gawin.

I reached for the drum where I should probably put the garbage bag I am carrying pero biglaang gumaan ang dala kong basura sa dalawang kamay dahil inabot pala iyon ni Eustace.

"Ang liit mong tumingkayad."

"Matangkad kaya ako, Eustace."

"Tumingkayad, Lienna. You can't reach that far." Then he demonstrated how I should have done it, ang pagpasok ng garbage bag sa loob ng malaking drum. "Ayan."

"Galing. Nagpangaral pa nang ganitong oras. Bad trip ka ba whole day tapos gusto mo akong idamay?"

Nagkibit ng balikat si Eustace sabay humarap sa akin. "Wala eh, nagising ako nang maaga at hindi sa tamang oras na dapat ay nagigising ako."

Pinanliitan ko siya ng mga mata at nakipagtitigan lang siya sa akin pero agad na tumingin sa ibaba.

"Kala mo naman ang laki ng kasalanan ko sa 'yo." Humalukipkip ako at umayos ng tayo.

Saglit na bumalik ang paningin sa akin ni Eustace at humagod iyon pababa. "May lakad ka ata?"

"Yes, actually mamaya. May trabaho na ako." Nakangiti kong anunsyo at tinapik siya sa balikat nang marahan. "Ang ganda ng araw ko 'di mo lang alam."

"'Wag ka muna umuwi agad ha, ayaw ko ng maingay sa balcony." Sumimangot ako sa sinabi niya.

"Edi solohin mo 'yon!" saad ko tapos umirap.

Sa halip na tahimik na ngumiti si Eustace, natawa siya. Malakas na tumawa tapos ay nanliit ang mga mata habang napailing-iling.

Napangiti na rin ako habang nakamasid sa kanya.

"May tanong ako." Umayos na rin si Eustace sa pagtayo sa tabi ko.

Ngayon ay dalawa na kaming nakatingin sa harapan. May iilang puno sa harapan at isang bench. Doon kami naupo ni Rhyl nang dinalaw niya ako rito.

Ilang minuto ang lumipas na katabi lang namin ang isa't-isa habang nakamasid sa paligid. The sun was setting in front of us, bursting in fading colors of orange and blue. Peace enveloped my heart, as I slowly closed my eyes and inhaled a breath.

"Paano ka naka-move on sa ex mo?" tanong ko kay Eustace sa gitna ng katahimikan.

Hinintay kong sumagot siya pero wala.

So, I took a step back and face him. Nang tumalikod ako ay nakatingin na pala si Eustace sa akin kaya nagtama agad ang mga mata naming dalawa.

"I never had one," sagot niya.

"Pero may girlfriend ka siguro ngayon?"

Silence. A shrug.

"Did Avie break your heart so hard you couldn't love anyone else after her?" naibulalas ko.

"What made you think of that?" Hindi ko alam pero parang saglit kong nakita ang paglandas ng lungkot sa mga mata ni Eustace bago siya ngumiti at tumingala sa payapang langit ng Livonia.

Napakurap-kurap ako. I might have said too much. I bit my lip then cleared my throat.

Tapos ay bahagya akong lumapit sa kanya para marahan sabihing... "Sorry, Eustace. I didn't mean to offend you or anything-"

"None, taken." Pero malamig ang boses niya nang sabihin iyon.

Hinagod ko ang likod niya nang bahagya. "Gusto mong umiyak?"

Natawa siya, mahina. "Sa itsura mo ikaw ata ang gustong umiyak."

Napayuko ako at natawa rin. "Ang saklap, gulong-gulo ako ngayon."

"Nakikipagbalikan ba?"

"Iyong ex ko?"

Tumango si Eustace.

Nagkibit ako ng balikat. "Siguro? Panay ang tawag sa akin."

"Mahal mo pa?"

May bumara sa lalamunan ko. "Hindi ko alam..." my voice trailed off. "Pero siya ang tatanggap sa akin."

Pinahiran ko ang luha na tumulo sa pisngi ko. Ngayon ay si Eustace naman ang lumapit sa akin. Tapos ay naramdaman ko ang paghagod niya sa likod ko. "Sa bagay napakaingay mo naman kasi."

Pinanliitan ko siya ng mga mata, naglapat ang mga labi. "Sana maubusan ka ng stocks sa ref mo at maligaw sa Walmart nang hindi ka agad makakain!"

Eustace grinned. "I will still be as fit as I am now, no need to worry about my welfare, Lienna. Ako lang 'to."

Pumalatak ako ng tawa at napatingala sa langit na kaunti na lang ay didilim na.

"Noong mabangga kita, buto lang naman ang naramdaman kong lumapat sa noo ko kaya nagkabukol ako agad."

Itinuro ko ang banda kong saan ako nagkabukol noong kararating niya pa lang rito sa apartment at humarang siya sa daraanan ko, umiikot pa naman ang paningin ko noon.

Wala na ang bukol pero hindi mawala sa isipan ko ang nangyari kahit pa mahigit isang buwan na ata simula nang mangyari iyon.

"Really, Lienna?" he said as if challenging me. "See for yourself."

"What... do you mean by that?"

"Dito ka nauntog hindi ba?" aniya, itinuro ang gilid ng dibdib niya. Then he tapped his chest twice. "Hindi ako naniniwala na buto agad ang mararamdaman mo kapag hinimas m-"

"My God, Eustace!" saad ko at nagmadaling tumakbo palayo sa kanya.

At humalakhak siya nang pagkalakas-lakas.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top