CHAPTER 128 - Return To Faith (EXCERPT)


"I have to go, Trin. May tatawagan pa akong kliyente," ani Jerome mula sa kabilang linya na nagpagising sa diwa niya.

Tumango siya na tila nasa harap lang ang kausap.

"Take care of yourself, alright?"

Hindi siya kaagad na nakasagot nang biglang may nag-pop up na notification sa phone niya. Incoming call from Dra. Hernandez.

Hindi niya napigilan ang mga matang umikot paitaas.

"Jerome, this is my new number and you are the only person who knows it. Papaano akong nagagawang tawagan ni Dra. Hernandez ngayon?"

"Oh. I'm... sorry. I gave it to her last night. Tuloy-tuloy pa rin kasi ang tawag niya sa isa mong number–"

"You kept that number?"

"For emergency purposes, sorry."

"Oh, God." Sinapo niya ang ulo. "Alam mong ayaw kong makausap si Dra–"

"Para sa 'yo rin ito, Trinity. One of these days, you will need her and her service. Mas kilala ka niya at alam niya ang family history mo, kaya kung may mangyayaring hindi maganda at kailanagn natin ang assitance niya, nariyan lang siya. One call away."

She grunted in annoyance. Naiintindihan niya ang punto ni Jerome, pero ang nais niya'y manahimik sa Mindoro nang hindi iniisip ang kalagayan niya. At kung may tao siyang ayaw makausap na makapagpapaalala sa kaniya sa kasalukuyan niyang kondisyon, iyon ay si Dra. Hernandez!

"Just take her call and see what's up," sabi pa ni Jerome na ikina-ikot na lang ng mga mata niya.

"Fine, I have to let you go now so I could take her call. Bukas na lang ulit tayo mag-usap."

Hindi na niya hinintay pang makapag-paalam si Jerome. She ended the call right away.

At imbes na sagutin ang incoming call mula sa doktora ay ni-cancel niya iyon at tumipa ng mensahe para rito.

She typed in,

Doc, I'm really sorry, but I can't talk right now. Can you just text me? I will read and reply to it soon. Thanks!

Mahigit limang minuto ang hinintay niya bago siya nakatanggap ng reply mula sa doktora.

Two things, Trini.

Firstly – Felicia Zodiac was here the other day. I told her about your health.

Secondly– we need to meet ASAP. We have something important to discuss.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top