CHAPTER 125 - No Resistance (EXCERPT)





"H-Hindi ko alam kung may karapatan pa akong hilingin sa 'yo ito, pero... b-bago ako tuluyang umalis, can you promise me one thing, Gene?"

Nakita niya ang pagkunot nito ng noo; naguluhan. At muli ay pinalipas nito ang ilang segundo bago sumagot. "I hate making promises now, Trinity. Lalo kung ang pangakong gagawin ko ay para sa 'yo. But you got me curious. What is it?"

She gave him a smile. A smile so heartbreaking she almost let a tear stream down her face. "Please marry someone who deserves your love and loyalty, and build a family with her."

"Someone who deserves my love and loyalty, huh..." There was no mockery in his voice. His tone was neutral.

"Yes." Napayuko siya. "Your love and loyalty. Bagay na hindi ako ang karapatdapat pagbigyan. Bagay na sinayang ko lang."

Nang wala siyang sagot na narinig mula kay Gene ay muli siyang nag-angat ng tingin at nakita itong seryosong nakamata lang sa kaniya. There was something in his eyes that felt so familiar, but she couldn't explain what.

Sandali naghinang ang kanilang mga mata hanggang sa nagbaba ng tingin si Gene, at sa mahinang tinig ay...

"Okay, Trinity. I think I can do that."

Muli siyang nagpakawala ng malungkot na ngiti bago muli tumalikod at humarap sa pinto. Doon muling bumukal ang luha sa kaniyang mga mata. Humugot muna siya nang malalim na paghinga bago pinihit ang doorknob pabukas.

Pakiramdam niya'y kay bigat ng pinto nang iyon ay kaniyang buksan. Nang tuluyan na iyong bumukas ay kaagad na humampas sa katawan niya ang pang-umagang hangin; the numbing cold from the wind covered her aching heart. She took a deep breath and braced her jacket. Hindi na niya inisip na isuot pa ang mga sapatos; humakbang na siya palabas at akma nang kakabigin pasara ang pinto nang marinig muli ang tinig ni Gene,

"Goodbye, Trinidad..."

Natigilan siya.

Trinidad...

When was the last time you called me that?

Since we became lovers, you ceased to call me by that name. It's been Trini– just Trini– since then. And it continued until we broke up.

Why now, Gene? When I was just about to leave?

Huminga siya nang malalim saka banayad na umiling. Ayaw na niyang bigyan pa ng kahulugan ito. Ayaw na niyang guluhin ang isip. Ayaw niyang bigyan ng dahilan ang sarili na muling kanselahin ang pag-alis. Tama na ito. Tama nang dito matapos ito.

Kaya dinala na niya ang kamay sa doorknob at dahan-dahan iyong hinila pasara. But just before the door totally shut, she uttered the words,

"Goodbye, Heneroso."

At doon tuluyang sumara ang pinto.






FULL CHAPTER IS POSTED ON MY FACEBOOK VIP GROUP - FULL STORY IS NOW POSTED ON VIP - DM ME FOR DETAILS



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top