CHAPTER 123 - Sneak (EXCERPT)


            Si Jerome sa kabilang linya ay napabuntong-hininga. "Maaga kong natapos ang meeting; I thought I'd check on you, pero ang tagal kong kumatok sa kwarto mo. Sa pag-aalala ay pinilit kong buksan ang pinto ng guest room, pero nang makita kong wala ka roon ay nag-panic ako. Where you at? And why do you sound... drunk? Have you been drinking again?"

            "Jerome..." Hinagod niya ang ulo. "I can't talk right now, alright? Tama ka, lasing ako at hindi ko alam kung papaano ako nakauwi––"

            "You are not listening, Trini. Hindi ka pa nakakauwi."

            Muli siyang umungol at muling pilit na iminulat ang mga mata. Madilim ang silid. Pamilyar ang kwarto at masyado pa siyang sinasakop ng kalasingan para mapagtanto kung nasaan siya.

            "All I can say is I am in a familiar place, Jerome. Nasa silid ako. And please... don't bomabard me with all your questions, hindi pa matino ang utak ko para sagutin lahat ng mga katanungan mo."

            Hindi na niya hinintay pang sumagot si Jerome. Tinapos na niya ang tawag at ini-itsa ang cellphone sa kama. Tumagilid siya, dumapa, hanggang sa ibinaon niya ang mukha sa unan.

            The smell of the pillow was also familiar. Hindi pwedeng sabihin ni Jerome sa kaniya na wala siya sa silid niya dahil pamilyar sa kaniya ang paligid, ang amoy, ang pakiramdam.

            Muli niyang inamoy ang unan, at ewan niya kung bakit siya napangiti.

            The familiar scent brought shivers down her spine and warmth in her heart. Hindi niya alam kung bakit.

            O baka nasobrahan lang siya ng alak kagabi?

            Right, nasobrahan siya ng alak.

            Sa sobrang kalasingan niya kagabi ay muntik na siyang tumalon sa ilog at magpakalunod hanggang sa––

            Natigilan siya.

            Para siyang dam ng tubig na binuksan at lahat ng alaala tungkol sa nangyari kagabi ay muling nagbalik sa kaniyang isipan.

            Hanggang sa tuluyang nagising ang diwa niya.

            Pabalikwas siyang bumangon at in-inda ang kirot sa ulo pati na ang hilo.

            Inikot niya ang tingin sa madilim na paligid.

            At nanlaki ang kaniyang mga mata nang mapagtanto kung nasaan siya.

            Hindi siya maaaring magkamali sa nakikita niya. Hindi niya maaaring ipagkamali sa ibang silid ang silid na kinaroroonan niya ngayon. Maaaring nag-iba ang posisyon ng kama, o ang kulay ng kurtina, o ang ilang mga nagkalat na gamit. At maaring may tama pa siya ng alak at nahihilo pa, pero alam niyang hindi siya nagkakamali.

            She was in Gene's room.

            "Oh, God..." 




FULL CHAPTER IS POSTED ON MY FACEBOOK VIP GROUP - FULL STORY IS NOW POSTED ON VIP -
DM ME FOR DETAILS


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top