CHAPTER 121 - Another Proposal (EXCERPT)
"Hindi ka ba napapagod sa araw-araw mong schedule? Minsan ka na lang umuuwi rito sa condo– madalas na wala akong kasama tuwing gabi dahil kahit gabi ay nasa opisina ka o nasa ibang lugar para asikasuhin ang pagbebenta ng mga properties. I don't know kung natutulog ka pa. At kung uuwi ka naman dito sa condo ay ako ang inaasikaso mo. Hindi ka ba napapagod?"
"No, Trin." Naramdaman niya ang paglapit nito. Huminto si Jerome sa tabi niya, naupo rin at tumitig sa salaming bintana. "I got used to it already. Isa ito sa mga rason kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakapag-asawa. I am a workaholic, and you know that by now. At hindi ako napapagod na asikasuhin ka dahil ginusto ko 'to. At wala akong ginusto na tinalikuran o sinukuan ko."
Sa sinabi ni Jerome ay napangiti siya. Ngiting hindi umabot sa puso. Ngiting walang kahulugan. She smiled just because.
"Walang ginustong hindi tinalikuran o sinukuan," she mimicked. "I hope I could do that, too. Lahat na lang ng mga ginawa ko'y hindi ko napanindigan. At lahat ng ginusto ko'y tinalikuran at sinukuan ko. Mahina ako, Jerome..."
"It's fine, Trin. Hindi lahat ng tao ay pare-pareho. May mga taong malakas ang loob, mayroong mahina. Pero hindi ibig sabihing mahina ka ay hindi mo na kaya. Mahina ka dahil pagod ka. Eventually, you will gain the strength you need to stand up and move forward. It's just a matter of time."
Napatingin siya kay Jerome at sandaling pinanatili ang tingin dito. Jerome was a handsome man. Kind and thoughtful, too. Maliban pa sa mga iyon ay may tindig din ito; may pera. Kung sana ay natuturuan ang puso, gugustuhin niyang mahulog dito.
But... she couldn't teach her heart. She couldn't force herself to fall in love with someone else. At para saan pa't iibig siya? Hindi rin naman na siya tatagal pa.
Napabuntonghininga siya, ibinalik ang tingin sa harapan, saka inihilig ang ulo sa balikat ni Jerome.
"You're such a fine man, Jerome. Maraming babae ang makikipagpatayan, magustuhan mo lang."
Naramdaman niyang sandali itong natigilan, at nang makabawi ay ginagap nito ang isa niyang kamay at masuyong pinisil.
"But I only want one woman..."
Bahaw siyang ngumiti. "How can you continuously love someone who loves another man?"
"I don't know. Hindi ko rin alam kung bakit ganito ako tinamaan sa kaniya. All I know is that... when I saw her again after so many years, my heart just melted, and I was swept away."
Hindi siya sumagot.
Ano ba kasi ang sasabihin niya?
"But let me just remind you, Trin, that I am not expecting you to love me back. Magkaganoon man, sana ay hayaan mo lang akong manatili sa tabi mo. At h'wag mo nang kwestyunin kung bakit ko ginagawa ito o kung napapagod ako."
FULL CHAPTER IS POSTED ON MY FACEBOOK VIP GROUP - FULL STORY IS NOW POSTED ON VIP - DM ME FOR DETAILS
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top