CHAPTER 120 - His Turn To Push Her Away



"KUYS ARIS..." Lihim siyang napangiwi. Akala pa man din niya ay makaaalis siya nang walang sagabal.

Salubong ang mga kilay na niyuko siya ni Aris; ang tingin nito'y bumaba sa bitbit niyang tote bag. "And you're leaving already?"

"T-Tulad ng sinabi ko kanina, aalis din ako pagkatapos ng speech. I only came for it, so..." Banayad niyang binawi ang braso mula rito. "W-Why are you here anyway?" Naalala niyang nasa sulok ito ng reception area kanina at mag-isang tumo-toma. Pinag-usapan pa nila ito ni Taurence bago siya umakyat sa stage, at hindi niya napansin ang pag-alis nito roon dahil abala siya sa pagda-drama niya sa harap ng lahat.

"I needed to check on something. Mag-isa lang si Law–" Natigilan si Aris, may napagtanto, saka umiwas ng tingin.

Siya naman ang kinunutan ng noo. "Lawrah? Iyong babaeng dinala mo minsan sa Ramirez? Iyong may kapatid na magnanakaw? Kasama mo pa rin siya sa bahay?"

Mukhang tama nga ang hinala ni Taurence-- ng magkakapatid. Aris got the lovebug.

"Let's not talk about her." Ibinalik nito ang tingin sa kaniya. "Kahit may kausap ako sa cellphone ay hindi nakalagpas sa akin ang speech mo. What was that? Bakit parang hindi naka-address kay Nelly iyong sinabi mo? And why did it sound like you only broke up with Gene because you had no choice? What was that selfishness all about? Ano'ng nangyayari, Trinity Anne?"

"Sasagutin kita kung sasagutin mo ang tanong ko tungkol kay Lawrah."

Well, sa totoo lang ay wala siyang pakialam kay Lawrah at sa nangyayari sa pagitan nito at ni Aris. Pero nakikita niyang may itinatago si Aris na ayaw nitong ipaalam kahit kanino, kaya kung gagamitin niya ang alas na iyon ay maiiwasan niyang sagutin ang tanong nito tungkol sa sinabi niya kanina.

Shit. Ito ang dahilan kung bakit kailangan na niyang umalis ngayon. Sigurado siyang hindi lang si Aris ang nakapansin sa sinabi niya. Siguradong ang lahat ng magkakapatid din, si Felicia, lalo na si Gene. At ayaw niyang abutan siya roon ng sino man sa mga ito kaya kailangan na niyang umalis.

"Hindi ako o si Lawrah ang punto rito, Trini. Ikaw at ang speech na ibinahagi mo kanina," sagot pa ni Aris makaraan ang ilang sandali. "What was that? May malalim bang dahilan kaya ka nakipaghiwalay kay Gene?"

"Kuys Aris, please. Nangyari na ang nangyari, masaya na si Gene ngayon kasama si Chona. He moved on and is having a great life. H'wag mo nang–"

"Kung gusto mong patuloy na umusad si Gene, dapat ay hindi mo sinabi ang sinabi mo kanina sa stage. And for your information, Trinity, Gene was never the same since the break up. Sure, naka-usad siya. Nakangiti, mukhang masaya. Mukhang walang pakialam at mukhang hindi na nasasaktan. But he has changed, and he is not the same Isaac Genesis that he used to be."

"Hindi kaya ikaw lang ang nag-iisip ng ganiyan? Gene looks fine--"

"No, Trinity. Ikaw lang ang nag-iisip na ayos lang siya." Binitiwan siya nito, ang anyo ay nanatiling seryoso. "You need to fix this. You need to tell the truth and make amends with Gene. Ibalik mo siya sa dati."

"Kahit kaladkarin mo ako pabalik doon kay Gene ay hindi ko gagawin ang sinabi mo, Kuys Aris. Hindi ako makikipag-ayos, hindi ako magpapaliwanag. Nakapag-pasiya na ako, at nakahanda na akong umalis, kaya hayaan mo na ako."

Sandali siya nitong sinuri ng tingin bago ito humalukipkip at nagsabing, "You still love him, don't you? At iyong relasyon mo sa Jerome Sison na iyon, it was nothing but an act. Tama ba?"

"Wala akong kailangang ipaliwanag o kompirmahin sa 'yo." Doon na siya tumalikod at humakbang patungo sa gate. Subalit hindi pa man siya nakalalayo ay muli niyang narinig si Aris.

"Kung hindi ka magpapaliwanag sa akin ay si Jerome Sison ang kakausapin ko."

Hindi niya pinansin ang sinabi ni Aris. Alam niyang hindi siya babaliktarin ni Jerome. Kahit pa bugbugin nito si Jerome, naniniwala siyang mananatili sa panig niya ang binata.

"On top of that, paiimbestigahan kita," patuloy pa ni Aris; nasa tinig ang pagbabanta. "Iyon ay kung hindi mauuna sina Ma at si Acky na gawin iyon. Because I'm telling you, Trini. Hindi lang ako ang nakapansin sa mga sinabi mo. Surely, by this time, the whole family is discussing what you just said, and you must prepare because they–– we ––are not going to leave you alone from here on in."

Inis siyang humarap at tinapunan ito ng masamang tingin. "What do you want from me? Gusto kong tahimik na umalis, gusto kong matapos na ang lahat dito. Bakit hindi mo na lang ako hayaang gawin iyon?"

"Because we f*cking care for you, Trinity. Sa pamilya namin ka iniwan ng mommy mo."

"Hindi na ako bata para kailanganin ang pag-alalay ng pamilya ninyo. I can do whatever I want and I will decide what's best for me. Do I really have to spell it out? Gusto kong magpakalayo-layo, gusto kong umalis na sa buhay ni Gene. Gusto kong makasama si Jerome at hindi na ma-involve sa inyo!"

"Uulitin ko, hindi problema sa amin kung iyon ang gusto mong mangyari. Pagbibigyan ka namin–– kaso ay nagsalita ka sa stage at nag-iwan ng puzzle na hindi namin pwedeng balewalain na lang. What you said bugged me, and for sure it also did to the whole family. At hanggang hindi mo ipinaliliwanag ang ibig mong sabihin ay hindi ka namin titigilan."

She opened her mouth to answer Aris, pero natigilan siya nang may nakita siyang aninong papalapit.

Aninong kilalang-kilala niya.

At doon nag-umpisang tumibok nang malakas ang puso niya.

Ilang sandali pa ay tuluyang lumitaw ang nagmamay-ari ng aninong iyon.

Si Gene ay huminto halos tatlong metro mula sa likuran ni Aris. And he stood there with no expression on his face, hands in his pockets, and with eyes as cold as the evening breeze.

Si Aris ay lumingon nang makita ang mga mata niyang lumampas sa balikat nito.

"Let her go, Aris," ani Gene pero ang tingin ay nanatili sa kaniya.

"You heard what she said on the stage, didn't you?"

"I did, and I myself have tons of questions. Pero kung ayaw niyang magpaliwanag at kung gusto na niyang umalis para magpakalayo-layo, let her be."

"Acky, hindi mo man lang ba lilinawin kung ano ang dahilan kaya siya–"

"Aris..." Binalingan ni Gene ang kapatid. "Kung totoong minahal ka ng tao, hindi ka niya tatalikuran sa kahit anong dahilan. Kung minahal ka niya nang sobra kaysa sa sarili niya, ano pa ang mas titimbang doon para maging dahilan ng pag-iwan niya sa 'yo?"

Sandaling hindi naka-imik si Aris, kaya muli siyang binalingan ni Gene.

"You said that selfishness was your only option to protect the people you love. Protect from what again, Trinity Anne? From anguish and despair?"

"Yes." Itinaas niya ang mukha; pilit na tinatagan ang sarili.

Gene scoffed and said, "Hindi ba pumasok sa isip mo na bago ka pa tumalikod ay sinaktan mo na ang taong 'yon? Because during the time you were being secretive about your troubles, he was already hurting. Because the fact that he didn't know what he's done wrong for you to push him away was already torturing him. The thought of not knowing how he could help to make you feel better was already killing him. Tapos ngayon ay sasabihin mo 'yan? Wala kang sinalbang puso sa ginawa mo, Trini. May dinurog kang tao at ngayon ay may kapal ka ng mukhang magpakita sa kaniya at palabasing utang na loob niya sa 'yong tinalikuran mo siya."

"Hindi mo naiintindihan ang--"

"Dahil mahirap kang intindihin, Trinity. At alam mo kung ano ang mas nakakapikon? Ang kaalamang hindi mo ni-respeto ang taong nagmahal sa 'yo. Dahil kung ni-respeto mo siya, sasabihin mo sa kaniya ang problema at hahayaan mo siyang magpasiya kung sasamahan ka niya o hindi. Because if you only asked him, he would willingly go with you and help you carry the burden. Wala siyang pakialam sa sakit at pighating sinasabi mo; because losing you and watching you walk away already meant death to him. And you can't even stop him from walking that same path with you because he had already prepared himself for that. Because that's what he fucking promised when he fell in love with you."

"Nagawa ko na, Gene. Nasaktan na kita. Ano pa ang silbi ng pag-uusap na ito?" O, God. Kung saan man nanggagaling ang tapang niya sa mga sandaling iyon, sana'y hindi maubos. "Sinundan mo ba ako para humingi ng paliwanag? You're just wasting your time."

"No, hindi kita sinundan para humingi ng paliwanag. Sumunod ako para sabihin sa 'yong tigilan mo na ang panggugulo sa tahimik na sanang sitwasyon. Umalis ka na nga, hindi ba? Tumalikod. Bumitiw, tulad ng sinabi mo kanina sa ma-drama mong speech. And since you have already decided what's best for you and the person you claim to love, I guess it's time for you to move on and disappear permanently. Para sa katahimikan ng lahat. Sa 'yo rin nanggaling 'yon, 'di ba? It's the only fucking option." Tumalikod na si Gene bago pa man siya makasagot, pero bago ito humakbang paalis ay muli itong nagsalita. "Good bye, Trinity Anne. May you find solutions to your troubles."

Wala na siyang nasabi pa hanggang sa tuluyang nakaalis si Gene at nawala sa paningin niya. Nang maiwan sila ni Aris doon ay napayuko siya. At nanatili siyang nakayuko hanggang sa nanlabo ang kaniyang paningin at pamunuan ng luha ang kaniyang mga mata.

"Let's go," si Aris na nakalapit nang hindi niya namamalayan.

Nang maramdaman ang kamay nito sa braso niya ay tila biglang nanlambot ang kaniyang mga tuhod. Muntik na siyang mapaluhod kung hindi lang kaagad na umalalay si Aris at hinawakan siya sa magkabila niyang mga braso.

"I... can handle myself," she whispered in a shaky voice. Akma niyang pakakawalan ang sarili mula kay Aris nang higpitan nito ang pagkakahawak sa magkabila niyang mga braso.

"May kinain ka ba buong araw?" anito, salubong ang mga kilay.

Kinain? Shit. Hindi niya maalala kung kailan siya huling kumain.

Kahapon ba kasama sina Anna roon sa cake shop? But she didn't have anything solid back then, she only had a few sips of black coffee.

When did she last have anything solid? The other day?

Shit. Puro kape at alak ang laman ng tiyan niya. And that could be the reason why she was constantly having headaches. Dahilan din kung bakit nanghihina siya sa mga sandaling iyon.

Headaches had been constant these past few weeks, and that was because she wasn't eating and sleeping properly.

Si Aris ay nagpakawala nang malalim na paghinga. "Let's just go, Trin."

Sinubukan niyang itulak ito upang pakawalan ang sarili.

"No, don't fight."

"Aris, just let me go–"

"Pauwi na rin ako kaya idadaan na kita sa Ramirez. Don't worry, hindi ako magtatanong. I will keep my mouth shut unless you want to speak to me."

Napatingala siya sa seryosong mukha ni Aris. At nang makita ang determinasyon sa anyo nito'y nagbaba siya ng tingin at hindi na nagmatigas pa.

*

*

*

"PWEDE NA BANG LIPATAN ANG BAHAY NA 'YON SA MINDORO?"

Ang akmang pagdadala ni Jerome ng tasa ng kape sa bibig ay nahinto nang marinig ang sinabi niya. It was the next morning after Nelly's wedding. Kauuwi lang nito galing sa isang business trip. She was in the kitchen when he arrived, and Jerome was more than willing to join her for a cup of coffee at the breakfast table.

"Akala ko ba, ang sabi mo ay gusto mong hanapan kita ng ibang area?"

"I..." She looked down and stared at her reflection on the coffee. "... changed my mind."

Naramdaman niya ang matagal na pagkakatitig sa kaniya ni Jerome bago nito ibinalik ang tasa sa mesa at nagsalita. "Ano'ng nangyari, Trini?"

"What do you mean?"

"Did something happen at the wedding yesterday?"

"What could happen?"

"I don't know, you tell me."

Napabuntong hininga siya at ibinaba rin ang tasa ng kape. "Kapag ni-release na ni Dr. Sertos si Bulingling ay pwede na akong lumipat sa Mindoro. Nakausap ko na rin naman sina Anna at Mari; aalalayan sila ni Attorney Buencamino sa pag-aasikaso sa facility. I'll keep my line open for urgent calls. Malakas pa ako, kaya kong magmaneho sa pinaka-malapit na ospital kapag hindi naging maganda ang pakiramdam ko. And... I have my cats to accompany me. I will be fine."

"Ano ang nangyari doon sa Contreras?"

Nag-angat siya ng tingin at sinalubong ang seryosong anyo ni Jerome. Nakikita niya sa mukha nito ang determinasyong malaman ang nangyari sa pinuntahan niya kahapon.

Kahapon ay inihatid siya ni Aris hanggang sa gate ng condo. Sa durasyon ng biyahe ay nanatili siyang tahimik kaya hindi rin ito nagsalita o nagtanong pa. Nang maghiwalay sila ay nagpasalamat lang siya at tumalikod na.

"Walan naman," kaila niya.

"Kung ganoon, bakit nagbago ang isip mo?"

"Alam mo naman na inconsistent ako sa nakalipas na mga linggo. At alam mo ring kaya lang ako nagtagal dito ay dahil kay Bulingling. Kapag ni-release na siya ay pwede na akong pumunta roon."

"May ibang lugar akong nahanap sa Bataan–"

"Okay na 'yong sa Mindoro, Jerome. Nakahanda na akong lumipat doon pagkakuha ko kay Bulingling." Tumayo siya at tinungo ang fridge. Binuksan niya iyon at kunwari ay naghanap ng karneng lulutuin. Wala siyang planong magluto, pero paraan niya iyon upang iwasan ang iba pang mga katanungan ni Jerome. "Dito ka ba kakain ng lunch? Magluluto ako."

Matagal na natahimik si Jerome. Ilang sandali pa ay narinig niya ang pag-atras ng upuan nito. Lumingon siya at nakita itong tumayo; bitbit ang tasa nito ng kape.

"No, I'm good. I would rather take you out for lunch para hindi ka na mapagod." Masuyo itong ngumiti. "Would you allow me to take you out?"

Dahan-dahan niyang ini-sara ang fridge at pumihit paharap. Nakahanda na siyang tanggihan ang paanyaya nito nang biglang tumunog ang cellphone niyang nakapatong sa mesa katabi ng tasa niya ng kape. Bumaba roon ang tingin ni Jerome. Kinunutan ng noo.

"Dr. Sartes is calling," he muttered.

"Oh, the vet." Mabilis siyang lumapit at kinuha ang cellphone. Kaagad niyang sinagot ang tawag. She wasn't expecting a call from the vet, so she wondered what was happening. "Doc?"

Nakinig siya sa sinabi ng doktor sa kabilang linya.

At tila siya binagsakan ng mundo nang marinig ang balitang hatid nito.

Bulingling was gone.




A/N:


CHAPTERS 121 to 133 (FINALE) can only be found on my Facebook VIP group. If you wish to learn more, just send me a message on my Facebook account (Tala Natsume). 

Please note that membership fee applies.

Thank you. :))


Talachuchi xx

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top