CHAPTER 119 - Subtle Message
PAGDATING NILA NI TAURENCE SA RECEPTION AREA ay sandali siyang nahinto upang suyurin ng tingin ang paligid.
Alas cuatro na ng hapon at mataas pa rin ang sikat ng araw. Magkaganoon man ay hindi iyon problema sa reception area dahil mayroon doong nakapaligid na mga naglalakihang puno ng mangga at acacia na nagsisilbing proteksyon ng mga bisita mula sa araw. Everyone was celebrating and in a festive mode.
Sa kanang bahagi ng area ay naroon ang tatlong mahahabang mesa kung saan nakasalansan ang napaka-raming pagkain, at sa bandang dulo naman ay may apat na magkakaibigang food stations; bread and cheese, fruits and vegetable salads, some finger food, and BBQ. It was a combination of buffet and food stations; classic and modern. Mayroon ding maliit na beverage stall sa kabilang dulo ng buffet table kung saan naka-display rin ang tatlong malalaking barrell ng organic beer na gawa ni Leonne. Sa kaliwang bahagi ng area ay may maliit na makeshift stage para sa MC at sa mga speakers mamaya. Sa kaliwang bahagi niyon ay ang mesa kung saan naka-upo ang bride and groom. Sa likurang bahagi naman ay ang DJ booth.
Sa gitna ay naroon ang mga pabilog na mesa na naka-decorate base na rin sa white and pink theme ng kasal. Sa bawat mesa ay mayroong anim na upuan para sa anim na tao. Saktong-sakto ang lawak ng area para sa lahat; and there was even some space for the dance floor!
Nakita niya sina Nelly at Ambong na magkahawak-kamay at isa-isang nilalapitan ang mga bisita sa bawat mesa. Nakikipag-kumustahan at kumukuha ng mga larawan. Hindi pa sila nito nagkausap, pero siguradong alam na ni Nelly na naroon siya.
Ilang sandali pa ay nabaling ang pansin ng lahat sa stage nang marinig na nagsalita roon si Caprionne. Tinawag na nito ang bagong kasal na bumalik na sa mesa at mag-uumpisa nang magbigay ng speech ang mga magulang.
"Akala ko ba ay si Lee ang MC sa tuwing may mga okasyon?" bulong niya kay Taurence.
"Well, Lee was supposed to be there, pero hinarang ni Capri. Hindi mo ba siya narinig kanina nang i-welcome niya ang bride and groom?"
"I was busy... drinking." And besides, sarado ang kusina na medyo may kalayuan sa area na iyon, kaya hindi gaanong dinig mula roon ang ingay.
"Kung balak mong uminom ay sana nagyaya ka ng kasama. Pwede kitang samahan. O ni Aris." Taurence pointed to Aris who was standing at the corner – isolated from many– holding a glass full of scotch.
"Aris is acting weird..." she whispered again, eyeing Aris.
"Yeah, we noticed, too. Pero wala kang dapat ipag-alala."
"Why?" Ibinalik niya ang tingin kay Taurence. "Bakit hindi, eh hindi naman ganiyan si Kuys Aris."
Taurence grinned before winking at her. "Nah, he's acting normal. And he's going to be fine. Itanong mo pa kina Quaro at Phill."
"Ano?" Lalo siyang naguluhan.
Lalo namang lumapad ang ngisi ni Taurence. "Apparently, Aris is currently in the stage of... you know. Falling in love. And he is fighting it, kaya siya ganiyan. That's according to Quaro and Phill who both went through the same phase."
Sandali siyang natigilan bago pinanlakihan ng mga mata. At gusto pa sana niyang itanong kung ang babaeng tinutukoy nito'y si Lawrah nang biglang magsalita sa microphone si Caprionne at ni-welcome ang ama ni Ambong para sa speech nito. Nanatili sila ni Taurence sa kinatatayuan habang nakikinig; Ambong's father was emotional during his speech.
Ang sumunod na nagbigay ng speech nito ay si Sunshine; nagpasalamat ito sa ate sa suporta at gabay. Maluha-luha nitong sinabi na excited na itong magkaroon ng pamangkin. Sunod kay Sunshine ay ang mag-asawang Phillian at Calley, at doon naging emosyonal si Nelly.
Pinasalamatan ng mag-asawa si Nelly sa pagiging loyal nito at sa pagmamahal; nangako ang mag-asawang mananatiling naroon upang suportahan si Nelly at tulungan. Makalipas ang mahigit kalahating oras ay pangalan naman niya ang tinawag ni Capri. Umikot ang tingin nito hanggang sa makita siyang nakatayo malapit sa entry way ng reception area. Malapad na ngumiti si Capri saka nag-umpisang ipakilala siya sa mga bisitang naroon.
"The next speaker is special to our family, at ang dinig ko ay may secret agreement sila ng bride tungkol sa araw na ito." Capri grinned all the more when he saw her rolled her eyes. "Let's all welcome– the sister we never had– Trinity Anne."
Nagpalakpakan ang mga bisitang walang kaalam-alam sa ibig sabihin ni Capri, habang siya naman ay nanggagalaiting lumapit sa stage habang alalay ni Taurence. Pagdating niya roon ay nagpakawala siya ng pilit na ngiti saka binalingan si Caprionne.
"I'm going to wring your neck after this," she warned.
Capri just chuckled before bending down and kissing her on the cheek. "I missed you."
Hindi na siya sumagot pa at kinuha na mula rito ang MIC. Si Capri ay umatras upang bigyang-daan siya, at bago siya humarap sa lahat ay humugot muna siya nang malalim na paghinga.
Nang sa tingin niya'y handa na siya ay saka siya nagpakawala ng malapad na ngiti saka humarap sa mga bisita. Una niyang binalingan ang bride and groom na naka-upo sa table ng mga ito. Mababakas sa mukha ni Nelly ang labis na saya nang makita siya; she was teary-eyed.
"Don't cry now," she started. "Masisira ang eye make-up mo, sige ka."
Suminghot si Nelly at kinuha ang tablenapkin saka iyon ang ipinag-punas sa luhang namuo sa mga mata.
She let out a gentle smile before facing the crowd.
"Hi..." she said, smiling from ear to ear. Salamat sa ilang shots ng scotch na ini-inom niya kanina, may lakas ng loob at kapal ng mukha siyang magsalita sa harap ng lahat ngayon. Isa-isa niyang sinulyapan ang mga bisita. Hindi niya kilala ang karamihan kaya nilampasan na lang niya ng tingin ang mga ito at ipinukol ang tingin sa dalawang magkatabing table kung saan naroon ang pamilya Zodiac.
Felicia Zodiac, who looked so beautiful in her light yellow gown, was sitting next to her sons, Leonne and Lee. Si Taurence na naghatid sa kaniya kanina ay bumalik na rin doon at tumayo sa likuran ng ina.
Sa kabilang table naman ay ang mag-asawang Phill at Calley kasama ang anak ng mga itong si Theo na kumaway pagkakita sa kaniya. Naroon din sa table sina Kirsten at Quaro na hindi niya namalayang dumating. Quentin, their eldest child, was sitting next to Theo and was waving at her, too. She waved back to the two.
Disimulado niyang hinanap ng tingin ang mga taong inasahan niyang makikita roon. Pero nang hindi makita ang mga ito roon ay kinunutan siya ng noo. At bago pa niya napigilan ang sarili ay nagsimula na naman siyang suyurin ng tingin ang paligid.
Nasaan sila?
Bakit wala sina Gene at Chona?
"They're probably busy right now," bulong ni Capri na nanatili sa likuran niya.
Napalingon siya rito at nahuli ang pagngisi nito.
"They left before you came for the speech, more than thirty minutes ago. Kung wala sila sa silid sa itaas ay baka nasa kotse. If you know what I mean..."
May kudlit siyang naramdaman sa nais na ipahiwatig ni Capri sa kaniya, pero ayaw niyang magmukhang kawawa kaya dinaan niya sa pag-irap ang sagot niya sa sinabi nito at ibinalik na ang pansin sa harapan.
Well, mabuti na ring wala roon ang dalawa. Hindi siya gaanong maiilang. Kailangan na niyang tapusin ang speech dahil maya-maya'y darating na ang sundo niya.
"Hello, everyone," umpisa niya. "My name is... Trinity Anne and I am... Well..." she paused and looked at Nelly. "Well, honestly, hindi ko alam kung ano ako sa buhay ni Nelly, pero kinailangan kong tumayo ngayon dito para mag-speech, kung hindi ay hindi ako patatahimikin ni Nelly hanggang sa nabubuhay ako." She giggled at her own lame joke. Si Nelly na siyang nakaiintindi sa sitwasyon ay bumungisngis din.
Huminga muna siya nang malalim bago nagpatuloy.
"Nakilala ko si Nelly noong... bata pa kami. Hindi ko maalala kung ano ang edad ko nang mag-umpisa akong bumisita sa bahay ng mga Zodiac, but I remember the first time I met Nelly, she was running away from her mother, Aling Patty, na noon ay may bitbit na walis tingting pamalo sa kaniya. Paano ba naman, tinakasan niya ang mga labahan niya at natulog sa tree house para hindi makita dahil alam niyang hindi maaakyat ni Aling Patty ang puno dahil sa rayuma."
Nakita niya ang pag-nguso ni Nelly at ang pagtawanan ng mga bisita.
Napatuloy siya. "Hindi kami sobrang close ni Nelly, but I would like to think that we were friends nonetheless. She's hardworking, kind, loyal, and is super funny. Kapag si Nelly ang kasama mo, asahan mo nang may comedy show dahil hindi pwedeng wala siyang sabihin na hindi nakakatawa. And oh, pagdating sa pagluluto, Nelly should receive an award. Ang swerte ni Ambong kay Nelly dahil malibang sobrang sipag at maalaga, ang sarap pang mag-luto..."
"Nakalimutan mong idagdag na maganda!" hirit pa ni Nelly na ikina-tawa ng lahat, kabilang na siya.
"Fine, maganda," aniya, ngingisi-ngisi. "Pero alam niyo bang muntikan nang hindi mag-asawa 'yang si Magandang Nelly na 'yan? Buong-buo na ang pasiya niya dati na tatandang-dalaga siya dahil baka raw walang lalaking sumeryoso sa kaniya." Masuyo niyang tinitigan mga bagong kasal nang makitang masuyong ini-untog ni Ambong ang ulo nito sa ulo ni Nelly. Iyon ang reaksyon ni Ambong sa sinabi niya, at hindi niya napigilang makaramdam ng inggit at pangungulila dahil naalala niyang iyon din ang ginagawa ni Gene noon sa tuwing may topak siya.
Lihim niyang ipinilig ang ulo.
Damn it; hindi para sa kaniya ang eksenang ito kung hindi para kay Nelly.
Nagpatuloy siya at ikinuwento ang dahilan kung bakit muntik nang sukuan ni Nelly ang pag-aasawa. Tawa nang tawa si Ambong at ang mga bisita; napa-tapik naman ng ulo si Aling Patty.
Makalipas ang ilang sandali ay nagpatuloy siya, pero sa pagkakataong iyon ay sa seryoso nang tinig.
"Nelly and Ambong... I hope you both have a beautiful life together. Sana ay... hindi kayo bumitiw. Sana ay hindi kayo sumuko sa mga pagsubok. Maging matatag kayo at hiling ko ay sana... tumagal ang pagsasama ninyo hanggang sa makita ninyo ang mga apo ninyo sa tuhod." She wanted to sound funny, pero hirap na hirap na siyang maging komedyante. Ngumiti siya, yumuko, at pinag-isipang mabuti ang goodbye piece na sasabihin niya hindi lang sa bagong kasal kung hindi para na rin sa pamilya Zodiac na naroon ngayon.
Humugot siya nang malalim na paghinga bago nag-angat ng tingin. Her eyes then landed on the table where the Zodiacs family were seated. She opened her lips to begin her final piece, but her peripheral vision caught something that made her turn in that direction.
It was Gene and Chona, walking back to the party.
Si Chona ay nag-aayos ng nagulong buhok, si Gene naman ay nakapamulsang naglalakad sa likuran nito.
Huhulaan pa ba niya kung ano ang ginawa ng mga ito?
Damn it.
Mabigat ang pakiramdam na sinundan niya ng tingin ang mga ito hanggang sa marating ng dalawa ang table kung saan naroon sina Felicia Zodiac. Chona greeted the family matriarch before sitting down next to Lee. Si Gene ay kinausap muna si Taurence na nakatayo pa rin sa likuran ng ina, at nang may sinabi si Taurence dito ay saka pa lang ito sumulyap sa stage.
Their eyes met, and that instant magnetic force she used to feel whenever they would look at each other hit her.
At bago pa niya napigilan ang sarili ay kusa nang bumuka ang kaniyang bibig,
"Life is full of surprises, kailangan ninyong maging handa dahil hindi ninyo alam kung paano maglaro ang tadhana. Maaaring masaya ngayon ang pagsasama ninyo, pero bukas ay hindi n'yo alam kung ano ang kapalarang naghihintay sa inyo." She said that all while she was staring directly to Gene. Nagpatuloy pa siya. "May mga pagkakataong susubukan kayo ng tadhana; susubukan kung hanggang saan kayo kakapit, hanggang kailan kayo lalaban. Susubukan ang tatag ninyo at pasensya. Kung mahina kayo, letting go and running away were the only option. Kung malakas naman ang loob ninyo ay patuloy kayong lalaban at patuloy ninyong ipagpipilitan na... pwede pa. May remedyo pa siguro. But then... sometimes, fighting for things to work out the way you wish they would can be exhausting. And it can eventually hurt the people you love so dearly..."
Nakita niya ang pagsalubong ng mga kilay ni Gene sa mga salitang lumabas sa mga labi niya.
Nagpatuloy pa siya.
"Kaya imbes na makasakit kayo– imbes na masaktan ninyo ang taong pinakamamahal n'yo, mas pipiliin ni'yo na lang na bumitiw at tumakas at magdusang mag-isa. Because believe me, at some point, you will have to choose between what's best for the person you love. Not for you, but for the person you love with all your heart." Sandali siyang tumigil nang maramdamang naninikip na ang kaniyang lalamunan. She had to stop or else, her voice would crack.
Humugot siya nang sunud-sunod na paghinga upang huminahon. Tahimik ang paligid dahil ang lahat ay nakikinig sa sinasabi niya. Ang iba sa mga iyon ay nagtataka kung ano ang ibig niyang sabihin, pero wala siyang pakialam. Gusto niyang ituloy ang nais niyang iparating para kahit papaano... kahit papaano ay mapigilan niyang mahulog si Gene sa sitwasyong kinaroroonan ni Taurence.
She didn't want Gene to be traumatized. She wanted him to be happy and love again.
Kaya sana... sana ay maintindihan nito kahit kaunti ang rason kung bakit kailangan niyang bumitiw.
Sana... ay makarating dito ang mensaheng nais niyang ipaabot.
Nang sa tingin niya'y okay na siya ay muli siyang nagpatuloy,
"At some point, pipili kayo kung ano ang mas makabubuti, at ang mas makabubuti ay ang maging makasarili. But that kind of selfishness is something that would benefit the people you cared the most, hindi ikaw. And that selfishness includes walking away and vanishing one day. And it's going to be so hard... dahil alam ninyong hindi ni'yo kayang mag-isa pero kailangan dahil iyon ang magsa-salba sa taong mahal ninyo mula sa labis na sakit at pighati. Kailangan ninyong maging makasarili sa puntong iyon para hindi na ninyo madamay ang taong mahal ninyo sa pagdurusang pagdadaanan ninyo. And that... is something you wished you could explain to the person you love, but you can't. You can't because you just want this person to move on and be happy and find new love." Pumiyok na siya sa puntong iyon, kaya tumigil siya at bahagyang ibinaba ang microphone.
Si Nelly na kinunutan na ng noo ay napalingon sa direksyon kung saan naroon ang pamilya Zodiac. At nang makita nito si Gene na nakatayo roon at titig na titig din sa stage ay napailing ito at binalingan ang bagong asawa saka binulungan.
Si Felicia naman ay hindi alam kung ano ang gagawin. Her face was filled with concern– may hinala na ito kung ano ang totoong nangyayari, and she wanted to do something but she didn't want to get things even messier than they already were.
Si Gene ay unti-unting kinunutan ng noo. Naguluhan, nalito.
Yumuko siya at hinagod ang sentido. Bigla siyang nakaramdam ng pananakit ng ulo– maaaring sanhi ng alak na ini-inom niya kanina o dahil sa stress. But it didn't concern her, because headaches weren't new to her anymore. Madalas na siyang makaranas niyon nitong nakaraang mga linggo.
"You okay?" si Caprionne mula sa kaniyang likuran. Wala na ang malokong tinig nito at napalitan na ng pag-aalala.
"Y-Yeah..." mabuway niyang sagot bago muling nagtaas ng tingin. Sa pagkakataong iyon ay umiwas na siyang salubungin ang mga mata ni Gene. Ibinalik na niya ang pansin sa mga bagong kasal. Pilit siyang ngumiti saka muling nagsalita. "Kaya nga sana ay maging matatag ang pagsasama ninyo, Nelly at Ambong. Sana ay maging masaya kayo habangbuhay." Itinuon niya ang tingin kay Nelly na hindi na makangiti dahil sa ka-dramahan niya. "Thank you for inviting me to come to your wedding, Nelly. I kept my promise."
Tumango si Nelly, pilit na nagpakawala ng ngiti.
Hindi na siya muling sumulyap pa sa table ng pamilya Zodiac. Kaagad na siyang tumalikod at hinarap si Caprionne na ngayon ay seryoso na rin ang anyo.
"Please take over, Cap. Cover me– bumawi ka sa pambubuska mo dahil ito na ang huling beses na magkikita tayo."
Hindi na nakasagot pa si Capri nang ibalik niya rito ang MIC at mabilis na nilisan ang stage. Sa likod siya dumaan– lumusot sa likuran ng malaking wedding cake na naka-display roon sa gilid at dumiretso sa likuran ng mga food stations upang ikubli ang sarili.
Si Capri nang makabawi ay kinuha ang pansin ng mga bisita. Tinawag nito ang groom at bride upang sunod na magsalita sa stage, at lihim siyang nagpasalamat dahil alam niyang ginawi iyon ni Caprionne upang tulungan siyang makaalis sa tingin ng lahat.
Tinalunton niya ang daan palayo sa reception area at pabalik sa front door. Walang tao kaya dumiretso siya hanggang sa marating niya ang porch. Pagpasok niya sa main house ay kaagad siyang dumiretso sa kusina. Sa likod ng minibar niya iniwan ang tote bag na dala niya, yumuko siya roon at hinablot iyon bago pumihit palabas ng kusina at pabalik ng front door.
Pagdating muli niya sa porch ay walang lingon-likod siyang humakbang patungo sa gate. Mag-a-alas sinco na at alas seis ng gabi ang usapan nila ng taxi driver. Tatawagan na lang niya ito pagdating niya sa crossing para doon na sila magkita. Sinabi niyang sa bayan lang ng Contreras siya nito hintayin, and surely, the taxi would get to her in five minutes upon receiving her call.
Natatanaw na niya ang malaking gate nang bigla siyang matigilan matapos niyang maramdaman ang isang kamay na pumigil sa braso niya.
Sunud-sunod na kumabog ang dibdib niya. Mariin siyang napalunok bago pigil-hiningang lumingon.
At hindi niya alam kung makahihinga na siya nang maluwag o madi-dismaya nang makita kung sino ang naroon at pumigil sa kaniya.
"What was that speech, Trin?"
It was Ariston Ghold, narrowing his green eyes in suspicion.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top