CHAPTER 118 - Series Of Wrong Decisions



SHE STOPPED AND LOOKED OVER HER SHOULDER. Nakita niyang nakasunod ang tingin ni Gene sa kaniya. She frowned and faced him.

"Ano na naman ang gusto mong sabihin?" aniya sa neutral na tono, kahit ang totoo ay malakas na kumakabog ang dibdib niya sa mga sandaling iyon.

Nakita niya ang pagdaan ng inis sa mga mata ni Gene bago ito nagpakawala nang malalim na paghinga saka mahinahong nagsalita.

"Is Jerome Sison treating you right?"

"What?"

"Just answer it."

"Bakit ko ipakikipag-usap sa 'yo ang status ng relasyon ko kay Jerome?"

"Dahil gusto kong malaman kung bakit ganoon ang sitwasyon mo noong gabing dinala kita sa ospital."

Sandali siyang natahimik bago nagbaba ng tingin. "Look, I got wasted that night, okay? Nalasing lang ako at nawalan ng kontrol sa sarili kaya–"

"Hindi ka lumalabas ng bahay na ganoon ang itsura, Trinity Anne. The only time you went out of the house wearing nothing but pajama was when I tricked you and brought you to the pub without letting you know where we we're going."

"Trip kong lumabas na ganoon ang itsura, bakit ba?"

"Don't give me that bullshit."

Doon siya muling nag-angat ng tingin. "Babalik na naman ba tayo sa pangingialam mo sa akin? Akala ko ba ay wala nang pakialamanan? Akala ko ba ay naputol na natin ang koneksyon natin sa isa't isa? Akala ko ba ay nakausad na tayong pareho?"

"That's right. Wala na tayong pakialamanan, at mukhang nakausad na tayong pareho dahil sabi mo nga ay mahalaga si Jerome Sison sa 'yo at ayaw mong magkaroon kayo ng problema. But I still want to know if he's treating you right.."

"Para saan at gusto mo pang malaman, Gene?"

"To fill my curiosity."

"That's it?"

"Yeah. That's it. Napapaisip ako kung anong buhay mayroon ka kay Jerome Sison para lumabas sa condo ninyo na ganoon ang itsura. You were never like that, Trinity."

Kinunutan siya ng noo, sandaling nalito. "Paano mo nalamang... sa condo ako nakatira?"

Sandaling natahimik si Gene; sandaling nawalan ng isasagot. Nanatili lang itong blangkong nakatitig sa kaniya na tila pinag-iisipan muna ang isasagot sa tanong niya.

Mangha siyang napanganga. "H'wag mong sabihin na sinusundan mo ako?"

"Don't flatter yourself." Umiwas ito ng tingin at ibinalik ang pansin sa baybayin.

"I could tell you're lying, Isaac Genesis Zodiac." At hindi niya alam kung bakit siya nakararamdam ng tuwa. Ano ba ang problema niya? Ano ba talaga ang gusto niya? Gusto niyang umusad si Gene mula sa kaniya, o gusto niya ang ideyang pumapasok sa isip niya na sinusundan pa rin siya ni Gene?

The f*ck was wrong with her brain?

Sa utak yata ako may cancer at hindi sa bahay-bata...

Sa naisip ay napangiti siya, at iyon ang nalingunan ni Gene.

Nagsalubong ang mga kilay nito. "Do you find this amusing?"

Inalis niya ang ngiti sa mga labi at muling sumeryoso. "Bakit mo ako sinusundan?"

"I wasn't." His jaw flexed in an attempt to cover his lies.

Umangat ang isang sulok ng labi niya sa pagka-umay. "You still care, don't you?"

Napabuntong-hininga ito at tuluyang humarap sa kaniya. "Look, Trinity Anne. Nasaktan ako sa nangyari sa ating dalawa, but I've put that sour memory behind and did my best to move on with my life. Tinanggap ko ang pagkatalo ko tulad ng sinabi ko noong huling beses na nag-usap tayo sa telepono, at sa totoo lang ay ayaw ko nang makisali pa sa buhay mo. But do you really want to know why I was asking you that question? Why was I so eager to know if that man was treating you right?"

"Yes. Tell me, Gene. Why indeed?"

"Because I promised your mother."

She couldn't help but scoff. "Come on, Gene. H'wag mong isali si Mommy rito–"

"I promised your mother that I will make sure you ends up with the right man." Gene lifted his head and gave her an intimidating look. Tila hari na tinatapunan ng tingin ang mga nasasakupan mula sa itaas ng burol. "Gusto kong tuparin ang pangakong iyon sa mommy mo. So answer my question– is Jerome Sison treating you right? Sa tingin mo ba ay nakikita ka ng mommy mo ngayon mula sa langit na masaya sa piling ng lalaking iyon?"

Tinapatan niya ang anyo ni Gene. Itinaas din niya ang mukha at tinapunan ito ng maanghang na tingin. "Kapag sinabi kong hindi, ano ang gagawin mo?"

Hindi ito kaagad na nakasagot.

At sinamantala niya ang pananahimik nito para magpatuloy,

"Kapag sinabi ko sa 'yong hindi ako masaya sa piling niya, ano ang gagawin mo? Nangako ka 'ka mo sa mommy ko na sisiguraduhin mong babagsak ako sa tamang lalaki. Now, would you consider Jerome Sison the right man? If not, what's the plan?"

I should stop.

I shouldn't be talking to him in the first place.

Dapat ay itinuloy ko na ang paghakbang.

Bakit ba ako sumasalungat sa gusto kong mangyari?

Tama si Chona... ano ba ang motibo ko? Ano ba itong ginagawa ko?

Then, the other side of her brain answered her questions...

Because you missed him so much, biatch. And you wanted to hear him say that he's still into you...

"If Jerome Sison wasn't treating you right, then I'm sorry to hear that."

Napukaw siya mula sa malalim na pag-iisip nang marinig ang sagot ni Gene. "Ano?"

"I'm sorry you sucked and you're living a miserable life. You can blame no one but yourself because you chose this; you wanted this, didn't you?"

Siya naman ang nawalan ng sasabihin. The mockery on Gene's voice was defeaning.

"Nakikita ko na kung paanong nadidismaya ang Tita Lanie habang pinapanood ka mula sa langit. She must have been disappointed with the series of choices you made."

She opened her mouth to say something... anything that would stop him from mocking her. But then, even before she could think of anything to say, Gene started to speak again,

"I did my best to keep my promise, and your mother saw how I tried to save the relationship. She saw from wherever she is right now that I tried to hold on as tightly as I could. I tried to be the right man for you, at sa tingin ko ay ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para matupad ang pangakong iyon. Pero nakita niya rin panigurado na ang anak niya mismo ang umayaw, and maybe she would understand if my promise could only do so much." Gene gave her a sinister smirk before turning his back on her and walking away, in the direction of Phill's beach house.

"Wait," she called.

Huminto nga ito.

"That's it?" aniya. "Gusto mong malaman ang status namin ni Jerome para lang ipamukha sa aking nagkamali ako sa deisyon kong bumitiw sa relasyon natin?"

"Why" tanong ni Gene, hindi na nag-abalang humarap. "Were you expecting otherwise?"

"O-Of course, not–"

"I told you already– wala na akong pakialam, Trinity Anne. And I only asked because... I was curious. That's all. Whether or not you find happiness and content in the choices you made, I don't care anymore. You chose that life, deal with it."

Manghang umawang ang bibig niya, nawalan ng isasagot.

Well, ano pa nga ba ang sasabihin niya? Malibang tila hindi na niya kilala ang taong kausap niya ngayon, ay naninigas ang katawan niya sa lamig ng tono ng pananalita nito.

You chose that life, deal with it...

Nagpaulit-ulit ang mga salitang iyon sa isip niya.

And she had one answer to that.

Hindi ko pinili ang buhay na ganito, Gene. Kung ako man ang may kakayahang pumili, pipiliin kong maging malusog at manatili sa tabi mo hanggang sa kaya na kitang bigyan ng buong pamilya.

Pero sa tingin ko ay may ginawang malaking pagkakamali ang pamilya ko noong nakaraang buhay nila, dahil binigyan kami ng langit ng ganitong uri ng sumpa para mag-dusa...

And you're right. I couldn't complain, I just have to deal with it.

Nang manatili siyang tahimik ay itinuloy na ni Gene ang paghakbang hanggang sa lumiko ito sa halamanan papasok sa beach house na pag-aari ni Phillian. Nang mawala ito sa kaniyang paningin ay saka siya pumihit patalikod at wala sa sariling humakbang paakyat sa main house.

Mukhang tama nga si Chona.

Talagang nakausapd na si Gene.

Dahil ang Gene na kilala niya, ang Gene na mahal niya ay hindi siya pagsasalitaan ng ganoon.

*

*

*

NATAPOS ANG SEREMONYA NG KASAL NA MASAYA ang bawat panig. Nelly was crying in the duration of the ceremony, habang si Ambong naman ay hindi malaman kung papaano aaluin ang ngayon ay asawa. Simple lang ang kasal at kaunti lang ang mga bisita. Halos lahat ay pamilya lang ng bawat panig at mga tauhan ni Phillian sa silong/pangingisda kung saan nagta-trabaho si Ambong ang mga naroon.

Matapos ang ceremony ay may picture taking pa muna. Mahigit isang oras din bago natapos at nag-umpisang kumain ang lahat. Ang reception ay nakahanda na sa likurang bahagi ng main house kung saan may nakapaikot na balcony at siyang tumatanaw sa malawak na karagatan ng Contreras at Batangas.

Masaya ang lahat sa pag-iisang dibdib nina Nelly at Ambong, and she was, too. Really. Only if everything was normal for her.

She kept herself distant from everyone. Sa durasyon ng wedding ceremony ay naroon lang siya sa loob ng main house at palihim na tumitira ng alak sa bar counter sa kusina. Ang mga staff ng catering service na naroon at naka-stand by sa loob ay nakasunod ang tingin sa kaniya habang sunud-sunod na tumo-toma.

Wala sa plano ang paglalasing niya; it was just a sudden urge. Naisip niyang kakailanganin niya ng alak para may kapal siya ng mukhang tumayo sa stage at magbigay ng speech. At nang sa tingin niya'y may sapat na siyang lakas ng loob upang humarap sa lahat ay saka pa lang siya nagpasiyang tumayo. Inubos muna niya ang lamang whiskey sa baso niya bago siya pumihit paharap. Wala nang tao sa kusina dahil abala na ang mga staff sa reception area. Kanina pa siya naroon at siguradong sa mga sandaling iyon ay tapos na ang picture-taking at ang kainan. It's about time she showed herself up as the speaker.

Humakbang siya palabas ng kusina, pero bago niya iyon tuluyang marating ay nahinto siya nang biglang sumulpot sa kaniyang harapan si Taurence. Salubong ang mga kilay na hinagod siya nito ng tingin.

"Hey, I was looking for you. Narito ka lang pala."

Pilit niyang ningitian si Taurence. "Oras na ba para sa speech?"

"Yes, malapit nang matapos ang speech ng tatay ni Ambong at ikaw na ang kasunod. Kumain ka na ba? Kanina ka pa namin hinahanap ni Lee; kahit si Phill ay bumaba sa beach house sa pag-aakalang bumalik ka roon." Lumapit ito at banayad siyang hinawakan sa braso.

"No, wala akong ganang kumain."

Muling kinunutan ng noo si Taurence bago yumuko na ikina-laki ng mga mata niya. Pero bago pa man niya maisip ang gagawin nito'y muli itong nag-angat ng ulo at nagsalita,

"Amoy alak ka, Trinity Anne."

"I... had a couple of shots."

"Nang walang laman ang tiyan? Tsk." Napailing ito saka siya inalalayan. "Look, hindi kami magtatanong sa 'yo kung ayaw mong maungkat ang dahilan ng paghihiwalay ninyo ni Acky, kaya h'wag kang umiwas sa amin. We respect the decision you made irrespective of how it affected Acky, so you don't have to put a wall between us."

"Pero Kuys Tau–"

"At h'wag mo akong ma-kuya-kuya, ilang buwan lang ang tanda ko sa 'yo." Ngumisi ito at inalalayan na siya palabas ng kusina.

Payuko siyang naglakad ay nagpaakay na lang.

At habang naglalakad sila palabas ng main house ay muling nagsalita si Taurence. "Kanina pa naming pansin na wala ka, kaya lang ay nagsabi si Ma na hayaan ka naming mag-isa dahil kung hindi ay baka mailang ka. Hindi namin maintindihan ni Lee kung bakit ka maiilang gayong maayos tayong naghiwalay kanina bago ka sumama kina Phill, kaya sa kabila ng sinabi ni Ma ay inikot pa rin namin ni Lee ang buong bahay para hanapin ka. Ayaw naming maramdaman mong may nagbago dahil para sa amin ay wala, Trin. Kung hindi na ninyo maibabalik ni Acky ang pagkakaibigan ninyo tulad ng dati, that's fine. But we are still here, and we will never change."

Nanatili siyang tahimik at nakayukong naglalakad. Pagdating sa pinto ay huminto si Taurence, humarap sa kaniya, at hinawakan siya sa magkabilang balikat. Nag-angat siya ng tingin at sinalubong ang mga mata nito.

Taurence gave her a gentle, reassuring smile. "You ready?"

Bago sumagot ay sandali niyang sinulyapan ang sarili sa glass wall ng sala.

She wore a simple white satin dress na lampas tuhod. Thin strap ang nasa balikat, low back naman ang design sa likod. Halos yumakap iyon sa katawan niya, and the last time she remembered, it was perfectly fitting. Ngayon ay medyo maluwag na dahil sa pagbagsak ng timbang niya, at hindi niya alam kung ikatutuwa o ika-ngingiwi niya ang malalim na collarbone niya at ang lubog niyang mukha na hindi na niya pinagkaabalahang takpan ng make-sup.

She just put a dash of pink lipstick on her lips– no powder on her face at all. Malibang wala siyang dalang make-up ay wala siyang interes na makipag-kompetensya kay Chona, who was so gorgeous in her royal blue mini dress na hapit na hapit sa katawan nito. She was wearing a pair of black five-inches stilettos. So posh. So freaking hot.

Saan ka ba naman kasi naka-kita ng sugarol na nakikipag-kompetensya sa manok niya? bulong niya sa sarili habang nakatingin sa replesyon niya sa glass wall. Kung paano na lang niyang hinayon patagilid ang buhok na hindi niya namalayang numinipis na. Her long, silky hair was gone. Sa malao't madali ay matutulad ang ulo niya sa mommy niya noong sumasailalim ito sa gamutan.

And just thinking about it gave a sour taste in her mouth. Napangiwi siya saka inalis ang tingin sa salamin. Ayaw niyang magdusa ng matagal katulad ng mommy niya, kaya hindi siya sasailalim sa kahit na anong gamutan kahit pilitin pa siya.

"Y-Yeah. I guess..."

"Don't worry, you look pretty," sabi pa ni Taurence na hindi niya alam kung ikangingiwi o ika-iismid niya. Obviously, Taurence was lying. Halata namang mukha siyang timang na kulang sa kain at tulog kahit pa may lipstick siya at nakasuot ng maayos na damit.

"You don't have to lie. Nakita mo ba ang itsura ni Chona? Iyon ang totoong magan–"

"Kahit si Chona pa ang pinaka-magandang babae sa mundo, nasa sa iyo pa rin ang boto naming magkakapatid."

Sa sinabi ni Taurence ay nakaramdam siya ng paninikip ng lalamunan. At ayaw niyang umiyak sa harap nito kaya yumuko siya at banayad itong siniko sa sikmura. "Ang galing mong mang-uto, pero hanggang ngayon ay wala ka pa ring asawa."

Taurence just smirk and said nothing. Binuksan nito ang pinto at pinauna siyang lumabas. Nang nasa porch na sila ay muli siya nitong inalalayan, at upang ilihis ang usapin tungkol sa kaniya at kay Gene ay nagtanong siya,

"Come to think of it. Bakit hindi ka pa rin nag-aasawa hanggang ngayon? Kung tutuusin ay ikaw at si Kuys Aris ang naisip kong unang mag-aasawa noon, at hindi si Kuys Quaro. I really thought tatandang binata 'yon, pero nauna pa sa lahat. What happened, Tau? You haven't found the one?"

"I did find the one, at alam mo 'yan."

"Come on, it's been more than ten years. Hanggang ngayon ba ay siya pa rin?"

"Just because I haven't moved on from the pain she caused me doesn't mean I still love her."

Huminto siya at hinarap ito. "Hindi ba at ang sabi nila, kung hindi ka pa nakaka-move on ay hindi ka pa rin tapos na mahalin ang taong iyon?"

Umiling ito. "Not in my case, Trini. The love I had for that woman was long gone, but the pain and trauma she gave me remains deep in my soul. And this is probably the reason why I couldn't find someone to love. I was traumatized."

"Ibig sabihin... posibleng... mangyari rin kay Gene ang nangyari sa 'yo?" Muli siyang yumuko. "Maaaring nakausad na siya at maaaring nawala na ang pagmamahal niya sa akin, pero naroon na ang trauma sa kaniya at may posibilidad na hindi na siya magmahal muli..."

If that's the case, papaano akong mamamatay nang maluwag ang kalooban?

Wala bang mangyayari sa sakripisyo ko?

"Who knows?" sagot ni Taurence. "Each person in this world has a different story and walks a totally different path. Magkaiba kami ng landas na tinatahak ni Acky, magkaiba kami ng pinagdaanan, at magkaiba kayo ng... babaeng gumawa sa akin nito."

Muli niyang hinarap si Taurence. "Paano kung... bumalik ang babaeng iyon sa buhay mo? What will you do?"

Matagal na nakayuko lang si Taurence sa kaniya na tila pinag-iisipan muna ang isasagot. Then, after a while, he tucked his hands into the pocket of his pants and shifted his hazel brown eyes in another direction. At habang nakatingin ito sa malayo ay tila ito sandaling naglakbay sa nakaraan.

Ilang sandali pa ay ngumisi ito at ibinalik ang tingin sa kaniya. "I'll probably take my revenge."

"Huh?"

"An eye for an eye, a tooth for a tooth." Muli nitong iminuwestra ang braso sa kaniya. "Let's go. Malapit nang mag-umpisa ang reception program."


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top