CHAPTER 116 - Warm Welcome
NAPATINGALA SI TRINI SA DALAWANG PALAPAG na beach house na pag-aari ng pamilya Zodiac sa Contreras. It was a huge house surrounded by tall coconut and mango trees. Nasa mataas na bahagi iyon ng lupa at sa gilid ay may daan patungo sa malawak na white-sand beach. Limang minutong lakad mula roon ay ang bahay naman ni Phillian—iyon ang mas malapit sa dagat.
The lower part of the Zodiac's beach house was painted in white. Ang pader naman sa second floor ay gawa sa tinted glass. Moderno at malaki, sapat upang kumasya ang buong pamilya.
Mabibilang sa kamay ang pagkakataong bumisita siya roon kasama si Gene. And the last time was when Phill married Calley.
Mula sa kinatatayuan niya ay tanaw niya ang malawak ding garahe sa kaliwang bahagi ng facade; it was filled with cars—tanda na naroon na ang magkakapatid. Ang tanging sasakyang naroon na kilala niya ay ang sasakyan ni Felicia Zodiac at Lee Benedict. Ang iba'y hindi pamilyar sa kaniya. There were five cars in total; at napapaisip siya kung sino sa magkakapatid ang naroon na sa mga sandaling iyon?
At ngayong naroon na siya ay tila niya gustong pagsisihan ang naging desisyon. She should have just declined Nelly's invitation and apologise to her later on. Shit. Sabi na nga ba at mali itong naging desisyon niya.
Sa huling naisip ay yumuko siya at pumihit patalikod. Babalik na lang siya sa highway saka tatawagan ang taxi driver na sinakyan niya upang pabalikin doon at sunduin siya. Babalik na lang siya sa Ramirez. Magpapadala na lang siya ng regalo kina Nelly at Ambong. Ite-text na lang niya si Nelly upang humingi ng dispensa.
At tama si Gene. Hindi naman sila sobrang close ni Nelly, wala siyang kailangang ipag-alala kung hindi niya matupad ang pangakong binitiwan niya noon. It was just a petty promise between two teenagers, anyway. At sa totoo lang ay nawala na rin sa isip niya ang tungkol doon.
Yeah, hindi na niya kailangang tumuloy.
Pero...
Bago pa man siya maka-ilang hakbang palayo sa gate ng beach house ay nahinto siya nang makarinig ng paparating at papasalubong na sasakyan. Lalong dumagundong ang dibdib niya dahil kahit nakayuko siya at kilalang-kilala niya ang tunog ng makina ng sasakyang iyon. Ni hindi niya kailangang manghula; ni hindi niya kailangang mag-angat ng tingin upang kompirmahin.
It was Gene's white truck for sure.
Or maybe it was just her imagination playing tricks on her?
Nag-angat siya nang tingin upang siguraduhin.
At hindi nga siya nagkamali.
Huminto ang truck tatlong metro ang layo mula sa kaniya. At mula sa windshield ay nakikita niya si Gene nakatitig din sa kaniya. His hands were on the steering wheel, at sa tabi nito ay si Chona na manghang nakamata rin sa kaniya.
Humugot siya nang malalim na paghinga bago itinuwid ang sarili. Gene was staring at her with a blank expression on his face.
Damn it; sadya niyang inagahan ang pag-alis sa Ramirez sa pagnanais na hindi sila magkasabay ng pagdating ni Gene doon sa Contreras, pero talagang pinaglalandas sila ng tadhana. At kung kailan paalis na sana siya ay saka naman ito humarang sa daanan niya.
Hindi niya alam kung gaano sila ka-tagal na nagpalitan ng tingin hanggang sa diinan ni Gene ang busina. Napa-igtad siya pero nanatili sa kinatatayuan. Muling bumusina si Gene, at sa pagkakataong iyon ay hindi na nito ini-tago sa kaniya ang irita. His forehead furrowed, his jaw flexed, and his eyes narrowed in annoyance. Yet she planted herself on her feet. Hindi siya nagpatinag.
Mukhang kailangan na naman niyang baguhin ang plano niya. She needed to go back to her original plan; hindi na siya pwedeng umalis at umatras. Narito na siya, kaharap na niya si Gene. Kapag umalis siya ay magmumukha lang siyang katawa-tawa rito.
At ayaw niyang magmukhang katawa-tawa kay Gene.
Muling bumusina si Gene nang manatili siya sa kinatatayuan. Sunud-sunod, tila gigil na gigil. Nakikita niya sa mukha nito ang pising umiiksi na nang umiiksi.
Until...
"Who's making that freaking noise?"
Napalingon siya sa pamilyar na tinig na narinig mula sa gate ng malaking beach house, at doon ay nakita niya ang sabay na paglapit ng tatlong magkakapatid na Zodiac sa gate.
There were Aris, Taurence, and Lee. At ang narinig niyang nagsalita ay si Aris na salubong ang mga kilay na pinaglipat-lipat ang tingin sa kaniya at sa truck ni Gene.
Si Lee naman na kaagad na nakabawi sa pagkagulat nang makita siya'y malapad na ngumiti. Binuksan nito ang gate, lumabas, at lumapit.
"Hey, gorg," ani Lee pagkalapit. "Akala ko ay nagbibiro lang si Ma nang sabihin niyang darating ka ngayong araw."
Hindi siya kaagad na nakasagot nang yumuko ito upang halikan siya sa pisngi. Sa gilid ng kaniyang tingin ay nakita niya si Taurence na humakbang din palapit. Nang makalapit ay nakangiti rin itong yumuko upang dampian siya ng halik sa kabilang pisngi niya.
Napakurap siya at pinaglipat-lipat ang tingin sa dalawang likha ni Bathala.
"I missed you, Trin," Taurence said— the guy whose sex appeal could reach the moon and back. Ang mga mata nitong laging puno ng emosyon ay nakatitig sa kaniya nang may sinseridad. "Haven't seen you in a while. You okay?"
Muli siyang napakurap. Hindi makapaniwala sa warmth na ipinakikita ng mga ito sa kaniya. Bagaman inasahan niyang magiging neutral ang mga ito at hindi makikisali sa pinagdadaanan nila ni Gene, ay hindi pa rin siya makapaniwala sa mainit na pagtanggap ng mga ito sa kaniya. She was expecting the atmosphere around them to be... awkward. Not this.
"Wala ka bang dalang mga gamit maliban d'yan sa tote bag na bitbit mo?"
Napatingala siya kay Lee nang muli itong nagsalita. Dashingly handsome as usual. Salubong ang makakapal nitong mga kilay habang nakayuko sa dala niyang tote bag.
"D-Dinala ko lang ang lahat ng... kailangan ko," ang tanging naisagot niya.
Ibinalik nito ang tingin sa mukha niya, at doon ay muli itong nagpakawala ng masuyong ngiti. Tipong tila wala siyang ginawang nakasakit sa isa sa mga kapatid nito.
"Sabay ba kayong dumating ni Gene?"
Sandali niyang inais ang tingin kina Lee at Tau nang marinig ang paglapit ni Aris. Bago pa siya makasagot ay yumuko na rin ito at hinalikan din siya sa pisngi. Hindi tulad ng dalawa, kay seryoso ng anyo ni Aris. And he seemed... different.
He wasn't the Aris she used to know.
Ariston Ghold Zodiac was always smiling; flirty most of the time. He had this boy-next-door aura in him. Pero... tila may nag-iba rito. Something changed him...
At dalawa ang dahilang naiisip niya;
Maaaring siya at ang ginawa niya kay Gene... or that lady named Lawrah.
"I..." She trailed off and swallowed hard. Naiilang siya sa pagiging seryoso ni Aris. "I... came alone."
"Without a car?" si Lee, muling nagsalubong ang mga kilay.
"I took a cab..."
"From Ramirez to Contreras? Sana sinabi mo para dinaanan na kita."
"I-It's fine, Lee. I... don't think I have the right to ask favors from any of you. I just came to... attend Nelly's wedding because I promised her that."
Lee puckered adorably, lifted his hand, and gently ruffled her hair. "Of course, you can still ask favors from any of us. Nothing changes, Trini."
"And..." Ini-muwestra ni Taurence ang siko para sa kaniya. "Kung ano man ang dahilan kaya dumalo ka sa kasal ni Nelly at nagpakita sa amin, we are happy. We missed you, you know? You will always be our sister, so don't hesitate to ask if you need some help."
Pino siyang ngumiti, yumuko, at walang salitang ikinawit ang kamay sa siko ni Taurence. Ayaw niyang ipakita kay Tau-Tau ang lungkot sa mga mata nang marinig ang huling sinabi nito.
"I don't think he feels the same, though."
Nag-angat siya ng tingin nang marinig ang sinabi ni Aris. Ang tingin nito'y wala na sa kaniya kung hindi nasa truck sa likuran nila.
Aris tsked before adding, "And he brought his new girl, huh?"
Napalingon sina Lee at Taurence sa truck, at nang makita ang babaeng kasama ni Gene na nakaupo sa front seat ay parehong kinunutan ng noo ang mga ito.
"New girl?" tanong ni Taurence.
"Yeah. Nice chick, though. Great ass, poppin' boobs," Lee said in amusement.
Pinanlakihan siya ng mga mata at mangha itong tinitigan. Naramdmaan iyon ni Lee kaya ibinalik ang pansin sa kaniya, Nang makita ang reaksyon niya'y natawa ito.
"What?" anang loko.
"Ganiyan ba kayo mag-usap lagi kapag may dinadalang date ang mga kapatid ninyo?" aniya, hindi makapaniwala. "Ganiyan din ba kayo mag-usap noong unang dalhin nina Kuys Quaro at Kuys Phill sina Kirsten and Calley?"
Lalong natawa si Lee. Si Aris na kanina pa seryoso ay napangiti sa naturan niya. Si Taurence ay napailing sa kalokohan ng nakababatang kapatid at binalingan siya.
"No, we never talked about Kirsten and Calley that way, Trin," ani Taurence. "It was a different case."
Binalingan niya si Taurence. "What's the difference?"
Si Lee ang sumagot, "The difference is... we know Gene isn't serious about this new girl."
"Paano niyo... nasabi 'yan?" At hindi niya alam kung bakit siya natuwa sa sinabi ni Lee. Hindi dapat ganoon ang maramdaman niya, lalo at tinulungan siya ni Chona na ilayo ang loob ni Gene mula sa kaniya.
"We know, Trin. We could easily tell."
"How?"
"Top secret," ani Aris na hindi na napigilan ang paglapad ng ngiti. Ganito ang Aris na kilala niya, maloko, laging nakangisi, laging nag-niningning ang mga mata. "Kaming magkakapatid lang ang nakaaalam kung ano ang pagkakaiba. It's something only men could tell, and hard for women to understand."
"Yeah, like a secret code," dugtong pa ni Lee sabay kindat sa kaniya. "Just one look and we know."
"Kahit na. Hindi ka dapat nagsasalita nang ganoon sa babae."
"Nang ganoon?" Lumapad ang ngisi ni Lee. "Wala akong nakikitang masama sa sinabi ko. I was just highlighting the fact that Acky's newest girl has killer assets."
"Yo, why are you so offended? It's not like you know her?" sabi naman ni Aris.
Hindi na siya sumagot pa. Bakit nga ba siya affected?
Well, the answer was simple. Manok niya si Chona. At kahit na mahirap sa kaniya ay gusto niyang magustuhan at tanggapin ito ng magkakapatid.
Si Lee, nang walang narinig na sagot sa kaniya ay nilingon ang truck ni Gene, ngumisi, saka kumaway. "Hey, Acky! Nariyan ka na rin pala?"
"Damn you!" sigaw ni Gene na narinig niya dahil nakabukas ang bintana nito. "Could someone just open the damned gate?!"
Nakangising ibinalik ni Lee ang tingin sa dalawang kapatid. "Ang init ng ulo, may dalaw yata."
Tatawa-tawa si Taurence na ini-giya na siya papasok sa gate, si Aris naman ay kinuha sa kaniya ang bitbit niyang tote bag at sumabay na rin sa kanila, habang si Lee naman ang nagbukas ng gate para papasukin ang truck ni Gene.
Tahimik silang naglakad patungo sa malaking beach house, at habang naglalakad ay pilit niyang ibinaling ang pansin sa ibang bagay at hindi sa truck ni Gene na paharurot na pumasok sa garahe. Para siyang na-bingi nang bigla itong nag-preno; ang mga bato sa parking space ay nagtalsikan pa at tumama sa mga katabing kotse na ikina-yamot ni Lee. Mula sa likuran ay narinig niya ang pagsuway ni Lee kay Gene.
Sina Taurence at Aris ay walang pakialam at tuluy-tuloy lang ang paghakbang.
Siya naman ay tahimik na ibinaling ang tingin sa kanang bahagi ng facade. Sa kaliwang bahagi ang parking space na tanaw mula sa labas, habang ang kanang bahagi ay ang malawak na garden. Doon ay may mga taong nag-aayos ng mga bulaklak sa aisle na lalakaran ng bride mamaya. Sa magkabilang panig ng aisle ay ang mga upuang naka-balot ng puti at kulay pink na tela. Sa unahan ay naroon ang makeshift stage na napuno rin ng samut-saring bulaklak. Ang ceremony area ay nasa gitna ng malawak na garden at tila nagmukhang munting paraiso. The decorations were all set and the staff were just fixing all the final details. Base sa bilang ng mga upuang naroon ay hindi hihigit sa isang daan ang mga taong dadalo sa kasal.
Nang marating nila ang porch ay kaagad niyang napansin ang tatlong bote ng organic beer na kilala niya ang brand. It was one of Leanne's signature products. Fresh from the farm. At sa hula niya ay doon nakatambay sa porch ang tatlong magkakapatid kanina nang marinig ang sunud-sunod na pag-busina ni Gene.
Pagsampa nila sa porch ay biglang bumukas ang malaking front door. Sumalubong sa kanila sina Phillian at Calley na palabas. Napasinghap si Calley nang makita siya. Si Phillian ay nakangiting lumapit at masuyong inabot ang kamay niya.
"I'm glad you made it."
Ngumiti siya at sinulypan si Calley na nanatili sa pinto. "Hi, Calley."
"Hey..." Pasimple siya nitong hinagod ng tingin. And by Calley's nature, sigurado siyang napansin nito ang biglang pagbagsak ng katawan niya. At bilang doktor ay sigurado siyang may komento ito.
But then, Calley remained quiet and just gave her a soft smile.
"Aalis kayo?" tanong ni Aris sa mag-asawa.
"Babalik lang kami sa bahay para silipin kung handa na si Nelly," sagot ni Phill bago ibinalik ang tingin sa kaniya. "Naroon siya kasama sina Ma at Aling Patty pati na rin ang buong bridal party para sa pre-ceremony shoot. They were doing it on the beach. The ceremony will start in 2hrs, uuwi na muna kami ni Calley para makapag-handa na rin. Gusto mo bang sumama sa amin?"
Pasagot na siya nang makalapit naman si Gene at nagsalita. "Y'all acting as if I wasn't here. Mas binati ni'yo pa siya kaysa sa akin."
Ibinaling ng lahat ang tingin kay Gene.
"What do you mean?" si Lee, patay-malisya. "Binati kita, ah?"
Si Aris ay nagsalita rin. "At kausap lang kita kaninang umaga sa telepono. You didn't expect me to come running to you?"
"And come on," si Taurence na sandaling humiwalay sa kaniya upang lapitan si Gene. Tinapik nito sa balikat ang nakababatang kapatid. "This is your house, too. Hindi mo kailangan ng mainit na pagtanggap katulad ni Trini."
Gene just glared at Taurence before turning his attention to Chona. "You could at least say hello to her."
"We were about to, masyado ka lang atat." Hindi na sumagot si Gene nang humakbang si Taurence palapit kay Chona.
Taurence greeted Chona and introduced himself. Si Aris ay tipid na nginitian si Chona bago tumalikod at itinuloy ang paglapit sa pinto. Sina Phill at Calley ay lumapit din upang magpakilala sa kasama ni Gene.
Sinubukan niyang huwag nang tapunan ng tingin si Gene habang abala ang lahat sa pagbati kay Chona, pero hindi niya napigilan. Tila may kung anong enerhiya ang humihila sa kaniyang sulyapan ito, at nang magawa niya'y napa-igtad siya nang makitang nakamata rin ito sa kaniya.
Akma niyang babawiin ang tingin nang magsalita ito,
"You don't plan on staying overnight, do you?"
"I–"
"I don't think there will be available rooms for additional guests."
Don't worry, Gene, hindi mo ako kailangang ipagtabuyan nang ganiyan dahil aalis ako kaagad pagkatapos ng speech ko.
"You are welcome to stay at our house, Trinity."
Binawi niya ang tingin mula kay Gene at inilipat kay Calley nang marinig ito. Ang pansin ng lahat ay nabaling muli sa kanila. Nginitian niya ito at akmang sasabihing hindi niya kailangan ng accommodation nang muling nagsalita si Gene,
"Ayaw ni Trini na makaabala, kaya siguradong mas gugustuhin niyang umalis pagkatapos ng reception. Tama ba, Trinity Anne?"
Si Aris na natigil sa pagpasok ay hindi napigilang sumabat, "Trini can have my room. May kliyente akong darating bukas ng umaga kaya kailangan ko ring umuwi pagkatapos ng reception."
"Nah," sabat ni Gene– ang tingin ay nanatili sa kaniya. "Hindi rin naman niya kailangang magtagal kaya hindi niya kailangang manatili sa bahay natin. Besides, I don't think it would be alright with Ma. After what she did, I don't think our mother would be pleased."
"Nakakalimutan mo bang hindi marunong magtanim ng sama ng loob si Ma?" sagot ni Aris sa sinabi ng kapatid. "Mas higit siyang nag-alala para sa 'yo kaysa ang magdamdam sa ginawa ni Trini noong huling nagkita sila."
Akmang sasagutin ni Gene ang sinabi ni Aris nang sumingit siya,
"Thanks, Kuys Aris, pero tama si Gene. Hindi ko kailangang magtagal."
Ibinalik ng lahat ang tingin sa kaniya. Nagpatuloy siya habang ang tingin ay naka-pako kay Gene.
"Ang paalam ko kay Jerome ay dadalo lang sa kasal, hindi kasama ang overnight stay. Ayaw kong magka-problema kami lalo at alam niyang magkikita kami ni Gene sa okasyong ito.' Humugot siya nang malalim na paghinga bago nagpatuloy. "I am doing my best to make our relationship work; ayaw kong magkaroon kami ng problema. Ayaw kong mawala siya sa akin."
She wanted to see how Gene would react to that.
She wondered if he would show any emotions after hearing her lies about her relationship with Jerome. Because Gene showing any emotion meant he still had feelings for her. And if so, she may need to speak to Chona and urge her to step up her game.
At hindi niya alam kung matutuwa siya o madi-dismaya nang makitang nanatiling naging blangko ang anyo ni Gene.
He showed no emotion.
He didn't care at all.
At hindi na rin nagawang sumagot pa ni Aris nang bumukas ang front door sa harapan nito at iniluwa si Caprionne.
"Oh, wow. Bakit parang nangyari na 'to dati?"
Binalingan niya si Capri at nakita ang pag-ngisi nito habang pinaglipat-lipat ang tingin sa kanila nina Gene at Chona. Ilang sandali pa ay nilakihan nito ang pagkakabukas ng pinto upang papasukin si Aris saka ini-sandal ang sarili sa hamba sabay halukipkip.
"What do you mean?" tanong ni Taurence, naguluhan. "Paanong nangyari na ito dati?"
Capri shrugged his shoulders and said, "The Ex visiting the family house which would eventually turn into a dramatic confrontation between the two lovers who both haven't moved on from the love they shared." Sinulyapan nito sina Phill at Calley. "Pamilyar na eksena, 'di ba?"
Calley just rolled her eyes and said nothing. Whilst Phillian gave his younger brother a warning look before turning his attention back to her.
"Let's go, Trin. Just come with us. Mas magugustuhan mong manatili roon habang naghihintay ng oras kaysa rito at iyang si Capri ang makausap mo."
Natawa si Capri sa naturan ni Phill. "What? I'm a good conversationalist."
"Being academically smart doesn't make you a good conversationalist," sabi pa ni Phill. "Lalo at hindi mo alam kung saan at kailan ipe-preno 'yang bibig mo. Let's go, Trin." Tumalikod na si Phill at niyaya ang asawa.
Siya naman ay binalingan si Capri at ningitian. "Catch you later, Cap."
"You bet," Caprionne answered, grinning.
Ang akma niyang paghakbang palapit kina Phill at Calley ay nahinto nang magsalita si Chona.
"Can I come, too?"
Sandaling nagkatinginan sina Phill at Calley hanggang sa tumango si Calley at nakangiting hinarap si Chona.
"Absolutely. Let's go, ladies."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top