CHAPTER 113 - Small World
NASA ISANG CAFÉ SINA TRINI kasama ang dalawang staff ng facility upang pag-usapan ang plano niyang paglilipat ng business ownership sa dalawa. Sina Anna at Mari ay namangha, at habang ipinapaliwanag ni Trini ang proseso ng paglilipat ay nakatulala lang ang dalawa rito.
"Kapag nakahanda na ang mga dokumento ay kakausapin na lang kayo ni Attorney Buencamino. Tiwala akong aalalagaan ninyo ang facility..."
Nagkatinginan ang dalawa, mangha pa rin hanggang sa mga sandaling iyon. Ilang sandali pa ay muling humarap si Anna, kunot ang noo.
"Pero... Ma'am Trini, bakit po?"
Napangiti siya sabay yuko sa kapeng hindi pa niya ginagalaw simula nang ilapag iyon doon ng waitress. She stared at her reflection on the black coffee, and her smile slowly faded away.
Kahit papaano ay nag-ayos siya bago umalis sa condo. Ayaw niyang humarap sa dalawang trabahante na mukhang ewan ang itsura. She needed to somehow instill her credibility so she dolled up and fixed herself, otherwise, iisipin ng mga itong nababaliw na siya.
Kahit pa nga ba doon na siya papunta...
"Well," she breathed in before adding, "Wala akong mahanap na buyer, at naisip kong pahahalagahan ninyo ang sinimulan ko. Besides, you both need this for your family."
"P-Pero hindi rin po namin alam kung papaano magpatakbo ng negosyo," sabi naman ni Mari.
Ibinalik niya ang tingin sa mga ito. Muli siyang ngumiti. "You will eventually learn. Kung kailangan ninyong pag-aralan kung papaano mag-manage ng negosyo, kakausapin ko si Attorney Buencamino na tulungan kayong mag-enrol sa mga crash courses tungkol sa paghawak ng negosyo. Plus, he will guide you. Siya din naman ang takbuhan ko noong nagsisimula pa lang ako."
"Bakit po... biglaang gusto na ninyong pakawalan ang facility?" si Anna.
"Kailangan kong umalis, Anna, at hindi ko alam kung... makababalik pa ako."
Lalong nagtaka ang dalawa.
"Saan po kayo pupunta?" si Mari.
"Sa malayo. M-Maninirahan ako sa malayo at... hindi na babalik dito sa Ramirez."
"Alam po ba ito ni Sir Gene?"
Nang marinig ang pangalang binanggit ni Anna ay muling napalis ang ngiti sa mga labi niya.
Alam ba ni Gene? Syempre hindi.
May pakialam ba ito? Siyempre wala.
Napatunayan niyang wala na itong pakialam sa kaniya noong iwan siya nito sa ospital. Pagkakataong napilitan lang itong samahan at ihatid siya dahil tinawagan ito ng pub. In-obliga. And before that, he showed no interest about her and her situation at the pub. Those were enough proof he didn't care about her anymore, and damn, she deserved it.
"Hoy, ano ka ba?" Narinig niyang pabulong na usal ni Mari. Nahuli ng kaniyang tingin ang pagsiko nito kay Anna. "Bakit mo pa inisasali rito ang pangalan ni Sir Gene, eh pareho na silang nasa maayos na kalagayan ni Ma'am Trini?"
Napa-ismid si Anna saka nakasimangot na sinagot si Mari. "Si Sir Gene ang tumutulong sa atin na pamahalaan ang facility kapag wala si Attorney Buencamino. At nakakalimutan mo bang kasosyo siya ni Maam Trini sa negosyo? Kailangan din niyang malaman ang mga plano ni Ma'am."
"Ilang beses nang kinausap ni Attorney Buencamino si Gene," aniya upang kunin ang pansin ng mga ito. "I was trying to transfer full ownership to him, but he wouldn't sign the agreement. Ibig sabihin ay ayaw niya. It's okay, mas kailangan ninyo ang facility kaysa sa kaniya. At siguradong hindi siya magre-reklamo kapag nalaman niyang sa inyo ko ibinigay ang ownership."
Ang dalawa ay muling nagkatinginan. Si Anna ang unang nagyuko ng ulo, habang si Mari naman ay binalingan siya. Seryoso ang anyo. "Ma'am, ayaw ni'yo na po bang makipagbalikan kay Sir Gene?"
Si Anna ay nanlalaki ang mga matang siniko ang kasama nang marinig ang tanong. "Hoy, Mari! Ano ka ba?"
"Eh, bakit ba?" baling ni Mari rito. "Naniniwala ka ba roon sa relasyon nina Sir Gene at 'yong Chona na 'yon? Eh, parang hindi naman mahal ni Sir 'yon, eh. Hindi ko nakikita 'yong ningning sa mga mata niya sa tuwing titingnan niya si Chona. Hindi tulad noong sila pa ni Ma'am Tr—aray!" Natigil ito nang kurutin na ito ni Anna.
"May kasintahan na rin si Ma'am," ani Anna. "Pareho na silang masaya. At itikom mo 'yan bibig mo't wala tayo sa lugar para magbigay ng komento natin tungkol sa personal nilang mga buhay."
Nag-alis siya ng bara sa lalamunan upang muling kunin ang pansin ng mga ito. Sabay na humarap sa kaniya ang dalawa. Si Mari ay bubulung-bulong, si Anna naman ay ngumiti na may halong paghingi ng paumanhin.
"So..." She forced a smile. "Nakilala niyo na pala si Chona?"
Tumango si Anna. "Dinala po siya minsan ni Sir Gene sa facility noong kinailangan namin ng tulong noong nasira ang electrical main switch. Pinatingnan po namin sa kaniya kasi wala kaming mahanap na available na electrician noong araw na iyon. Si Sir po ang nag-ayos—"
"At habang nag-aayos si Sir Gene, eh nag-ikot-ikot po itong Chona sa facility," sumbong ni Mari na pumutol sa sinasabi ni Anna. "Nang makakita ng pupu ng aso ay kay arteng tumakbo palabas, sumuka pa. Tapos nagreklamong mabaho raw ang buong facility kahit hindi naman. Aba, Ma'am Trini, sinusunod po namin ang instruction ninyo na panatilihing malinis at gumagana ang air humidifier sa receiving area kaya siguradong malinis ang amoy ng buong facility noong araw na pumunta siya. Maarte po, sobra."
Si Anna ay muling siniko si Mari. "Hindi mo na kailangang sabihin 'yon."
"Bakit hindi? Eh totoo naman. Ang bigat ng loob ko roon sa babaeng iyon, 'di hamak namang mas bagay si Sir Gene kay Ma'am Tr—"
"Tama na nga 'yan." Sinubuan ni Anna si Mari ng isang hiwa ng chocolate cake na nasa platito nito. "Masaya na si Ma'am Trini kay Sir Jerome kaya h'wag mo nang ipilit 'yang komento mo." Itinulak ni Anna ang platito nito patungko kay Mari. "O hayan, iyo na 'yang chocolate cake ko. Dami mong dada, kumain ka na lang r'yan."
Si Mari ay tinapunan ng masamang tingin si Anna bago kinuha ang platito ng huli at itinuloy ang pagkain ng cake na naroon. Si Anna naman ay ibinalik ang tingin sa kaniya, muling umusal ng paumanhin.
"K-Kung saan man po ninyo nais na pumunta, hiling ko po, Ma'am, na nasa maayos lang po kayong kalagayan lagi. Kumain din po kayo nang marami dahil... pansin ko pong bumagsak ang timbang ninyo ay namumutla ang balat. Sana po ay alagaan ninyo ang sarili ninyo at—" Muling natigil si Anna nang biglang napasinghap si Mari.
Sabay nila itong binalingan at nakitang bigla itong natigilan habang namumukol ang magkabilang pisngi sa ini-subong cake.
Napailing si Anna at ini-usog kay Mari ang baso nito ng pineapple juice. "O hayan, nabulunan ka na tuloy. Mirisi."
Subalit hindi pinansin ni Mari ang sinabi ni Anna. Sa halip ay inabot nito ang ulo ng kasama at ini-giya paharap sa entry ng cake shot.
"Ano ba 'yon?" Sinulyapan ni Anna ang gustong ipakita ni Mari rito, at nang makita kung ano iyon ay ito naman ang pinanlakihan ng mga mata at natigilan.
Nagsalubong ang mga kilay niya at nilingon ang dahilan kung bakit natigilan ang dalawa.
Nang makita kung sino ang taong pumasok sa cake shop at pumila sa harap ng counter ay napatda rin siya.
Who is sending you to my location, Gene?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top