CHAPTER 112 - Hope?
TULALA SI TRINI HABANG NAKAYUKO SA NURSE NA BINABALOTAN NG BENDA ANG BUONG KAMAY NIYA. Magmula nang dumating siya sa ospital hanggang sa tingnan siya at gamutin ng doktor ay walang salitang lumabas sa mga labi niya. She was quiet as the alcohol intoxication continued to overpower her system. Umiikot pa ang paningin niya, magaan ang pakiramdam niya sa puntong hindi na niya naramdaman ang hapdi mula sa sugat.
Magkaganoon man, malinaw sa kaniyang alaala ang mga naganap. Ang pagdating ni Gene, ang paghubad nito sa harapan niya, ang pagsakay niya sa kotse nito... ang mga sinabi nito.
Tandang-tanda niya ang mga iyon.
"Wala na ring halaga ang unang nakalagay r'yan kaya pinatungan ko na ng iba," she remembered him saying.
Walang halaga...
F*ck.
Those words broke her heart. Over and over.
Pero bago iyon ay nadurog na ang puso niya sa bigla nitong pagtalikod sa kaniya sa pub kanina.
Matapos niyang manggaling sa dating subdivision na tinirhan nila ni Gene ay dumiretso siya sa pub upang magpalipas ng oras at upang lunurin ang sarili sa alak matapos niyang makompirma na sa bahay na ni Gene nakatira si Chona. She felt so pathetic, at hindi niya gustong umuwi sa condo na ganoon ang pakiramdam.
She ordered a whole bottle of red wine— naubos niya iyon at um-order pa siya ng scotch on the rocks. Ang huling mga naalala niyang nangyari sa pub ay ang pakikipagtalo niya sa bagong waitress tungkol sa alak na dinala sa kaniya. She knew it wasn't the brand she asked for, pero pinagpilitan ng waitress na iyon daw ang hiningi niya. Pinagmukha siya nitong tanga; akala yata nito ay hindi niya malalamang mali ang alak na dinala nito sa kaniya. She argued with the new waitress, then the next thing she knew, may umaagos nang dugo sa palad niya. At nagkagulo na ang lahat sa paligid niya. Hindi niya alam kung ano ang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari, but one thing was for sure-- she broke the empty bottle of wine and cut herself.
Then, as the waitress tried to calm her down, she remembered lifting her head and meeting Gene's eyes. Nagulat siya nang makita ito roon—bagaman hindi nakapagtataka ay hindi rin niya inasahan. Pero tulad ng naunang nangyari noong nakaraang araw ay nagpanggap itong hindi siya kilala. Balewala lang itong tumalikod at lumisan...
Hurt and disappointed, she left the pub and soaked under the rain. Hindi niya alam kung saan siya papunta, lutang ang isip niya nang mga sandaling iyon. Hanggang sa natagpuan na lang niya ang sarili sa kalye papuntang facility. Naalala niya si Bulingling kaya dinaanan niya ang clinic, pero sarado na iyon tulad ng inaasahan. Thinking there was someone staying overnight at the facility, she proceeded there instead. Pero walang tao at sarado ang gusali, kaya nanatili na lang siya roon sa gilid ng daan at nang makaramdam ng pagod ay dumausdos at niyakap na lang ang sarili na tila kawawang bata na nawawala at pinabayaan ng magulang.
Naaawa siya sa sarili, pero ano ba ang magagawa niya? Her life was done. She was just waiting for the cancer to spread all over her system and kill her.
"Ayan, okay na po, Ma'am."
Napakurap siya at napatitig sa nurse nang marinig ang sinabi nito. Nakangiting anyo ng nurse ang nabungaran niya. Tumayo ito at binitbit ang tray na may lamang mga gamit.
"Pwede na po kayong umuwi at bayad na rin po ang bill ninyo. Nariyan na po ang mga gamot ninyo."
Wala sa loob na napatingin siya sa plastic na nakapatong sa ibabaw ng stretcher na kinauupuan niya. Naalala niyang nilapag iyon ng nurse sa tabi niya kanina bago inumpisahan ang pagtatali ng bandage sa kamay niya.
"May mga taxi pong naghihintay sa labas ng hospital, Kung handa na po kayo ay magpapatawag ako para hintayin kayo sa labas."
Ibinalik niya ang tingin sa nurse. "A-Ang kasama ko... Nasaan siya?"
"Iyong naghatid po sa inyo? Matapos po niyang bayaran ang bill at bilhin ang mga gamot ay nagpaalam na po siyang aalis. May iniwan din po siyang cash na nilagay po niya d'yan sa plastic kasama ng mga gamot, pang-taxi niyo raw po. Ang sabi niya ay nagpaalam na po siya sa inyo?"
Hindi niya napigilan ang pagbagsak ng mga balikat sa mga narinig.
Of course.
Gene wouldn't bother.
Matapos niya itong ipagtulakan palayo, saktan, paulit-ulit na tanggihan, ano pa nga ba ang inasahan niya?
Besides... didn't he say that the next time they meet, he wouldn't be in love with her anymore?
This was the time.
And he wasn't in love with her anymore. Otherwise, he wouldn't have left her.
Good for him... bulong niya sa isip, pero ang totoo ay nararamdaman niya ang pagguhit ng hapdi sa kaniyang puso.
"Ihahatid ko po kayo hanggang sa taxi, Ma'am..." pukaw pang muli ng nurse sa kaniya.
Tumango siya at kinuha ang plastic na may lamang mga gamot niya. Wala siyang interes na inumin ang mga iyon, pero siguradong hindi siya hahayaan ng nurse na lumabas ng ospital nang hindi iyon dala-dala.
Dinala siya ng nurse hanggang sa sakayan ng taxi sa harap ng ospita. Pagkarating ay kaagad siyang sumakay nang walang ibang salita. Sinabi niya sa driver ang pangalan ng condo na tinitirhan at inisandal ang sarili sa backrest bago ipinikit ang mga mata.
She was physical and emotionally exhausted. Ramdam pa rin niya ang epekto ng alcohol sa sistema niya; nahihilo at nasusuka siya. Naalala niyang may itinurok na gamot sa kaniya ang doktor kanina, kaya ang panginginig ng katawan na naranasan niya kanina ay humupa na. She still felt terrible, though.
Nagmulat siya at blangkong ini-tuon ang tingin sa labas ng bintana. Madilim sa labas dahil malalim na ang gabi kaya halos wala rin siyang makita. Isa pa, nanlalabo ang paningin niya dahil sa kalasingan, sa pagod, at sa pamumuo ng luha sa mga mata.
Mommy... bulong niya sa isip. How long do I need to suffer? I just want to give up now and be with you.
Nang maisip ang ina ay tuluyang bumuhos ang kaniyang mga luha. Tahimik siyang umiyak sa backseat habang nakatanaw sa labas. Pagod na pagod na siya. Kaya pa ba niyang maghintay? Pwede kayang... siya na mismo ang tumapos nitong paghihirap niya?
Hindi niya alam kung dala lang ng kalasingan, pero iyon ang tumatakbo ngayon sa isip niya. At habang iyon ang takbo ng isip niya ay naramdaman niya ang unti-unting paghinto ng taxi. Wala sa loob na napasulyap siya sa harapan at napagtantong narating na nila ang crossing. Ang kabilang kalsada ang daan nila patungo sa airport kung saan malapit ang condo na kasalukuyang tinitirhan niya.
Napabuntong hininga siya at itinuon ang pansin sa kabilang bintana. Natigilan siya sa nakita. Sa labas ay ang maliit na chapter na noon lang niya napansing nakatayo sa area na iyon. Maliwanag ang paligid ng chapel kaya madali niyang nabasa ang pangalang nakaukit sa ibabaw ng entry.
St. Jude Thaddeus Chapel.
Doon muling bumukal ang luha sa kaniyang mga mata.
St. Jude Thaddeus was relatively known as the Patron Saint of Hopeless Cases and Lost Causes. Naalala niya ang kaniyang ina noon na nag-no-novena habang hawak-hawak ang maliit na St. Jude prayer booklet sa kamay. She remembered her mother saying that if it wasn't for St. Jude, her life would have ended two years after she was diagnosed again with cancer.
For Christians like her, St. Jude Thaddeus is known to be a patron saint of desperate situations that are believed to be turned around with the help of others, if not by oneself. In fact, St. Jude's name in Greek means "to be saved" or "to be delivered."
At kaya siya lalong umiyak ay dahil tila iyon sign sa kaniya na mali ang takbo ng iniisip niya. Because seconds before the taxi stopped at the crossing, she was just thinking about k*lling herself once she get to the condo. Na maaaring dala ng kalasingan kaya siya nakakapag-isip nang ganoon, ay alam niyang may posibilidad na gawin din niya iyon kalaunan. But the fact that she turned in that direction when the taxi stopped at the intersection and she saw that sign meant a lot.
Napayuko siya at nagpatuloy sa pag-iyak.
Ang taxi driver sa harapan ay napapasulyap sa rearview mirror at hindi alam kung kakausapin ang pasaherong umiiyak o hayaan na lang muna. He was concerned, yet he knew he was just there to bring her to her destination and nothing else.
Ang hindi alam ni Trini ay nasa parking space pa rin ng ospital ang truck ni Gene pagkalabas nito sa ospital, at naroon sa loob ng truck ang binata upang hintayin ang paglabas ng dalaga at siguraduhing makauuwi ang huli nang maayos. At ang hindi rin alam ni Trini ay kanina pa nakasunod ang truck ni Gene sa taxi.
And he was following up to ensure she gets home safely.
At para sa binata, ginagawa lamang nito iyon dahil sa pangakong binitiwan nito sa ina ng dalaga.
*
*
*
"AYAW MONG TUMIRA SA MINDORO?" takang tanong ni Jerome nang sa pag-uwi nito ay inabutan si Trini na nasa kusina—nakabihis at naghahanda ng almusal. He had just gotten home from his out-of-town trip, and he was expecting the depressed and crying Trini in her bedroom. It was very unusual to see her in the kitchen doing something productive. Because since the day she started to live there, she never dared to touch his kitchen or do anything that would fill her time.
Ang abutan niya itong maayos ang mood, nakaayos ang sarili, at nagluluto ay nagbigay ng kung anong pag-asa at saya para sa kay Jerome.
Pero nang marinig nito ang sinabi ni Trini na hindi na ito interesadong puntahan ang bahay sa Mindoro ay nagulat ang binata. He thought they had a deal already, and he had already canceled his appointments to visit the location.
"Parang ayaw mong ayaw ko na?" sagot ng dalaga bago inilipat ang piniritong itlog sa isang plano.
"Nagulat lang ako. What changed your mind?"
"Nakausap ko si Attorney Buencamino kaninang umaga; gusto niyang dalawin ko ang facility. Hindi rin niya nagagawang asikasuhin ang pamamalakad ng facility dahil sa mga nakatambak na trabaho. Maliban pa roon ay dinala ko si Bulingling sa vet dahil nagkasakit. She needs to be observed for a week—hindi ako pwedeng umalis muna."
"I see." Humakbang si Jerome palapit sa breakfast table at isa-isang sinulyapan ang mga nakahain doon. May mga nakahiwang prutas sa isang bowl, may toasted bread, bacon, and corned beef. "You bought all these?"
"Malamang; wala kang naka-stock na mga pagkain, eh."
"Well, I don't cook and you don't eat. I just order food at a restaurant to bring to you. Hindi ko alam kung kinakain mo."
Trini looked over her shoulder and said, "I never noticed. Kapag kinakain ko ay wala akong panlasa."
Ibinalik ni Jerome ang pansin sa dalaga na tinapos na ang pagluluto. "So, ide-delay lang natin ang schedule ng paglipat mo, ganoon?"
"Yes, ide-delay lang natin nang kaunti. Kung mahahanapin mo ako ng ibang area, that would be great. Habang wala pa, pag-uusapan muna namin ni Attorney kung ano ang gagawin sa facility. Kailangan kong makapagpasiya bago matapos ang linggong ito para makausap niya si Gene tungkol dito. Gene is my one and only investor; and I have to communicate my plans with him."
"But what are your plans?"
Humarap si Trini at lumapit sabreakfast table bitbit ang platong may inilutong itlog. Inilapag muna nito iyon doon bago sumagot. "I'm planning to sell it. Pero kung walang buyer hanggang sa katapusan ng buwan ay ibibigay ko na lang kina Anne at Mari ang facility. Mukhang ayaw rin naman ni Gene na tanggapin ang ownership at ayaw na ring kunin ang share, kaya ano pa ang magagawa ko?"
Subalit wala na sa usapan ang pansin ni Jerome. Bumaba ang tingin nito sa nakabendang kamay ni Trini at salubong ang mga kilay na nagtanong. "What happened to your hand?"
"Natisod ako habang may hawak na baso sa kamay. Naitukod ko ang kamay ko sa sahig, nabasag ang baso at nasugatan ako." Balewalang humila ng upuan si Trini at naupo roon. Ini-lagay muna ng dalaga ang table napkin sa kandungan bago sinulyapan si Jerome. "Dinala ko ito kagabi sa ospital, may antibacterial cream akong nilalagay rito kaya h'wag kang mabahala. Come, let's eat breakfast. Saktong pangdalawang tao ang niluto ko."
Bagaman nagtataka sa biglang pagbabago ni Trini ay nagpatianod si Jerome. Lumapit ito sa breakfast table, hinila ang upuang paharap kay Trini, at doon ay naupo.
"Are you sure you're alright?"
"Kapag nagmumukmok ako, ganiyan ang tanong mo. Kapag bumalik naman ako sa normal na ako ay ganiyan pa rin?"
"Hindi ko na rin kasi alam kung ano ang normal na ikaw, Trin. You have been emotionally inconsistent these past two months—aminin mo."
"Whatever." Nag-umpisa nang kumuha ng pagkain si Trini.
Si Jerome ay ibinalik ang tingin sa kamay ng dalagang binabalotan ng makapal na benda. Sa gitna niyon ay ang kasing-laki ng piso na marka ng betadine. "Bakit hindi mo ako tinawagan kagabi? Base sa bendang nakabalot d'yan sa kamay mo, hindi biro ang sugat na natamo mo."
"Matagal nang naka-off ang cellphone ko at hindi ko dala kagabi—"
"Paano kung may emergency tulad ng nangyari sa 'yo kagabi? Paano kung sa susnod ay hindi lang sugat na tulad ng ganito ang matamo mo at wala ako para tulungan ka?"
"I die alone, then."
"Trini..." Jerome said in a gentle yet forwarning tone.
Umikot paitaas ang mga mata ni Trini at nag-umpisa nang sumubo. "I'm fine, Jerome. Nakita mo namang kinaya kong dalhin ang sarili ko sa ospital." Napatikhim si Trini sa kasinungalingan.
Kung wala si Gene kagabi ay baka naubusan na siya ng dugo at natagpuan na lang ang katawan sa harap ng facility.
Shit, she could have died last night. And she died ugly!
"But fine," she said after a while. "I'll open my phone and keep it with me for emergency purposes."
Doon pa lang ngumiti si Jerome. "Thank you, Trin."
Muling umikot paitaas ang mga maya ni Trini at hindi na nagkomento pa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top