CHAPTER 108 - Lost
MULA SA PAGKAKASANDAL SA MOTORBIKE AY TUMAWID NG TAYO SI GENE nang makita ang paglabas ni Chona mula sa restaurant. Nakahalukipkip nitong hinintay ang paglapit ng dalaga.
"What took you so long?"
"I saw someone in the restroom."
"Oh."
Chona pouted and gave Gene a suspicious look. "Did you also see someone in the restroom?"
Napatitigi si Gene sa magandang mukha ng kaharap at pilit na pinag-aralan ang anyo nito. Nang mapagtantong nanunukso lang si Chona ay napailing si Gene at pumihit paharap sa bike. He then put his helmet on and sat on the vehicle.
"Get your arse up here and let's get going."
"You haven't answered my question."
"Let's not go there, Chona."
"And here I thought you have moved on?"
"I have." Gene looked over his shoulder and gave Chona a lopsided grin. "I wouldn't be f*cking you if I haven't."
"You're a moron." Nakangusong lumapit si Chona at humawak sa balikat ni Gene.
Si Gene naman ay inalalayan itong makasampa sa likuran, at nang makaayos na si Chona ay saka nito inabot ang isa pang helmet na naka-sabit sa handlebar. "Put this on."
Kinuha iyon ni Chona at ini-suot, and while she did that, Gene started the engine.
"So, did you see her?" tanong pa ni Chona nang matapos.
"Do we really need to talk about her?"
"I'm curious— paano mo siyang hinarap?"
"Let's not talk about her, Chona. She doesn't exist in my world anymore."
Sa narinig ay napakapit si Chona sa magkabilang mga balikat ni Gene at dumukwang upang idikit ang dibdib sa likod ng binata. Ipinatong din nito ang baba sa balikat ni Gene saka nagsabing, "Talaga? Hindi na siya mahalaga sa 'yo ngayon?"
He smirked again and knocked his helmet against hers. "Stop being so adorable and just hold on tight."
"How tight?" Ipinulupot ni Chona ang magkabilang braso sa katawan ni Gene saka muling bumulong sa tenga ng binata. "Ganito ba?" Sinadya nitong idiin ang dibdib sa likod ni Gene upang iparating ang mensahe.
Mensaheng ang mga katawan lang nila ang nakaiintindi.
Napangisi lang si Gene at hindi na sumagot pa. Dinala nito ang isang kamay sa binti ni Chona upang bahagya iyong tampalin bago nito ibinalik ang kamay sa handlbar upang iabante na ang motor.
Gene kicked off the stand and was about to drive off when something told him to glance at the side mirror. And when he did, he saw someone standing at the door watching them.
Sandali lang na tinapunan ng tingin ni Gene ang taong iyon bago ibinalik ang pansin sa harapan at tuluyan nang pinasibad ang motorsiklo.
*
*
*
"KANINA PA TAWAG NANG TAWAG SI DRA. HERNANDEZ; tinatanong ang pakiramdam mo at kung bakit hindi ka pumunta kahapon para sa follow-up check up mo."
Hinigpitan ni Trini ang pagkakayakap sa unan at pinanatili lang ang tingin sa nakabukas na bintana. She was looking at the afternoon sky. It was almost five o'clock and the sun was setting down. Unti-unti nang kumakalat ang kahel na kulay ng papalubog na araw sa langit. It was a serene view. So peaceful... so magical.
And soon, that place would become her home. Malapit na siyang makarating doon at makasama ang mga magulang.
Nasa guest room siya—sa sarili niyang silid sa unit ni Jerome—at tulad ng madalas na mangyari ay naroon siya upang hintaying matapos ang mga araw na humihinga pa siya. Kung hindi sa pagpipilit ni Jerome ay baka hindi na rin siya kumain. Baka hindi na rin siya uminom ng tubig. Baka hindi na rin siya natutulog. She just wanted to die already.
She was... so exhausted to continue this life.
This life without Gene.
"Hindi ko alam na kahapon pala ang schedule mo. Kung alam ko ay pinilit sana kitang pumunta roon para—"
"Hindi ba malinaw ko nang sinabi sa 'yo na ayaw ko nang mag-follow up check up lalo't alam kong ang kasunod niyon ay ang pagpipilit sa akin ni Dra. Hernandez na sumailalim sa chemotherapy, Jerome? Hindi ba at nilinaw ko na sa 'yo 'yon dati pa?"
Lilhim siyang napangiwi nang marinig ang sariling boses. Hindi na niya kilala ang sarili—hindi niya kilala kung kaninong tinig iyon. It was deep and dry and lonely.
Hindi na niya kilala ang katawang taglay niya ngayon. Para siyang kaluluwa na sumanib sa katawan ng taong hindi niya kilala.
Shit, she was out of her mind again. Epekto ito ng walang kain at sapat na tulog.
"Trini, I just want to help you—"
"Hindi ka pa rin ba nakahahanap ng bahay na malilipatan ko? Kapag naroon na ako ay gusto kong tantanan mo na ako, Jerome. Dahil hindi ko kaya itong pagpipilit mo at pangongontrol sa akin kahit na alam mo na kung ano ang gusto kong mangyari. When you told me you wanted to stick with me, I was expecting you to just be there next to me, not hinder my decisions."
Natahimik si Jerome.
Nagpatuloy siya. "Now, I am starting to think you are just delaying this so I could stay longer in your condo."
"O-Of course, not—"
"Kung hindi mo pa ako mahahanapan ng malilipatan sa susunod na dalawang araw ay aalis na lang ako at sa hotel titira."
Nagpakawala nang malalim na paghinga si Jerome. "You don't really need to do that." Muli itong napabuntonghininga. "Fine. Pagbalik ko bukas ay dadalhin kita sa isang property na nahanap ko sa Mindoro. It's a house on top of the hill, overlooking the ocean. Magugustuhan mo iyon. Nagdalawang isip akong dalhin ka roon dahil masyadong malayo ang lugar sa ospital. Nakalimutan kong gusto mo na nga palang mamatay."
Siya naman ang nagpakawala nang malalim na paghinga. "Ito ang dahilan kung bakit gusto kong mapag-isa, eh. Ayaw ko ng drama."
"I am just worried about you, Trini. I can't just stand here and watch you die. I want to do something for you somehow. I want you somehow try. Try to keep living until it's over, Trin. Just try."
"Oh, God. Just leave, Jerome. Gusto kong mapag-isa."
Isa pang malalim na paghinga ang pinakawalan ni Jerome bago muling nagsalita. "I won't be here tonight dahil sa lakad ko, pero bukas pagbalik ko ay ihahatid kita sa Mindoro. Start packing."
Makaraan ang ilang sandali ay narinig niya ang pagsara ng pinto sa kaniyang silid. Ilang minuto pa nakalipas ay narinig naman niya ang alarm tone sa front door—ibig sabihin ay lumabas si Jerome.
Ilang minuto pang muli ang pinalipas niya bago siya bumangon at naupo sa kama. Tuluyan nang nilamon ng kulay kahel ang kalangitan, at mula sa kinaroroonan niya ay nakikita niya ang mga panghapong ibon na lumilipad patungo sa malayo.
Saka lang niya inalis ang tingin sa langit nang maramdaman ang paglapit ng isa sa mga pusa niya—si Bronx; her one and only Siamese cat. Nilingon niya iyon at masuyong hinagod sa likod. The cat meowed and laid down next to her.
Iniuwi na ni Jerome ang dalawang alaga nitong aso sa Asteria—doon sa bahay ng mga magulang—dahil sa madalas nitong pag-alis para sa negosyo. Hindi nito maatupag ang mga alaga kaya dinala na lang muna nito sina Ash at Savior sa mga magulang.
Naisip niyang hindi sana magiging ganito ka-lungkot ang buhhay niya kung naroon sina Ash at Savior. They would surely ease her anxiety somehow. Iba rin kasi ang bigay na ligaya ng mga aso kompara sa mga pusa. Her cats were loners and they seemed to be always tired. Malambing pero hindi mahilig makipaglaro. Lagi pang nag-aaway. Dogs were playful and entertaining. Bakit kasi hindi siya kumuha ng aso?
Isa pa sa mga pusa niya ay nag-meow dahilan upang matuon naman ang tingin niya roon. Nakita niya si Sibi (Siberian cat) na paikot-ikot kay Bulingling na natutulog nang patihaya. Panay ang meow nito na tila kinakausap o ginigising si Bulingling.
"Sibi, hayaan mong matulog ang Lola Bulingling mo para may lakas na makipag-away sa inyo mamaya. H'wag kang makulit at matulog ka roon sa—" Naudlot ang iba pa niyang mga sasabihin nang may mapansin.
Natigilan siya.
Napagtanto niyang hindi natutulog si Bulingling. Nakatihaya ito at tila hinihingal at hindi magawang makabangon.
Maagap siyang tumayo at mabilis na nilapitan ang alaga. Paglapit ay kaagad niyang binuhat si Bulingling, at tila siya binagsakan ng mundo nang may mapansin.
Bulingling lost weight-- it w eighed like paper. At nakita niyang may suka ito sa hinigaan.
Sa takot at pag-aalala ay napatayo siya saka humakbang patungo sa pinto. Nang masulyapan ang wallet sa ibabaw ng accent table sa tabi ng pinto ay madali niya iyong hinablot bago tuluy-tuloy na lumabas.
She needed to bring Bulingling to the vet!
*
*
*
BAGSAK ANG MGA BALIKAT NA LUMABAS SI TRINI MULA SA clinic ng vet na si Dr. Sertos. Ito ang veteranary na naka-kontrata sa Trinity's Place para tumingin sa mga pets na nasa pangangalaga nila.
Dr. Sertos advised her that Bulingling was suffering from an early stage of cholangiohepatitis (a liver disease). At dahil early sign pa lang naman daw ay madali pang magagamot thru a biopsy. At dahil sa karamdaman ay kailangan munang manatili ni Bulingling sa clinic ng isnag linggo para maobserbahan pa.
Hindi niya alam kung matatawa o iiyak na naman.
May sakit na nga ang amo, pati ba naman ang alaga?
Ang lamang lang ni Bulingling sa kaniya ay ang pag-asang magagamot pa ito at isandaang porsyentong gagaling. Samantalang siya ay...
She let out a deep sigh. She couldn't help but blame herself. Nang dahil sa kapabayaan niya nitong nakaraang mga linggo ay hindi niya namalayang may dinaramdaman na pala ang isa sa mga furrbabies niya. Hindi niya alam kung gaano ka-tagal na nagdusa si Bulingling bago niya nakita ang kondisyon nito. She didnt event realize it lost weight!
Tama si Jerome. Kailangan niyang mabuhay kahit papaano. Keep living until it's over.
Pero... paano?
Wala sa loob na napasulyap siya sa dulong bahagi ng street kung saan naroon ang facility. Hindi na siya dadaan doon dahil hindi niya alam kung papaano niya haharapin ang dalawang staff na kung tingnan siya nitong nakalipas na mga linggo ay para siyang kay ruming babae. But could she really blame them?
Isang buntonghininga ang pinakawalan niya bago inalis ang tingin sa facility at inituon ang pansin sa daan.
Naghintay siya ng taxi sa harap ng vet clinic. Wala siyang kasama sa condo, at wala siyang maisip na gagawin. Matutulog na lang siguro ulit siya? Or, should she check her cats and spend more time with them? Hindi kaya may sakit na rin ang iba sa kanila?
Nahinto siya sa pag-iisip nang makaramdam ng ambon. Kunot-noo siyang tumingala sa madilim na langit. Mukhang uulan pa yata. Ramdam niya ang malamig na simoy ng hangin.
Saktong may dumaang taxi na bahagyang binagalan ang takbo nang makita siya sa gilid ng daan. Pinara niya iyon. Paghinto ay kaagad siyang lumapit. Ang akma niyang pag-abot sa handle ng passenser's door ay naudlot nang mapatingin siya sa repleksyon niya sa glass window.
She looked like someone who came from a horror film. Magulo ang mahaba nang buhok dahil sa ilang araw na walang suklay. Ang suot niyang oversized black T-shirt ay may punit sa bandang balikat— it was one of her favorite pambahay that she couldn't just dispose of. Noong nakaraang araw pa niya suot iyon. Napayuko siya at disimuladong sinuyod ng tingin ang sarili, at doon niya nakita ang narumihan nang laylayan ng suot na white pajama bottom. Mahaba iyon kaya lumalaylay sa sementadong daan-- imbes na puti ay nagkulay brown na ang laylayan niyon.
Napabuntonghininga siya at tuluyang binuksan ang pinto ng taxi saka pumasok sa loob. Sa itsura niya, mukhang wala siyang ibang pagpipilian kung hindi umuwi sa condo at muling magmukmok doon.
Saan pa ba siya maaaring magpunta sa ganoong itsura? Sa ganoong amoy?
"Saan tayo, Ma'am?" tanong ng may-edad nang taxi driver.
"Green Garden's Subdivision po." Matapos iyong sabihin ay inihilig niya ang sarili sa sandalan saka ini-tuon ang tingin sa labas ng nakasarang bintana. Wala sa loob na napatingin lang siya sa mga gusaling dinaanan nila hanggang sa lumiko ang taxi sa pamilyar na kalye.
At doon ay may napagtanto siya.
Pinamilugan siya ng mga mata sabay tuwid ng upo.
Bakit siya nagpahatid sa dati niyang address?!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top