CHAPTER 107 - The Promise He Must Keep
Ten years ago...
"Kumusta ang pakiramdam mo, Lanie?" nag-aalalang tanong ni Felicia nang maupo sa tabi ng hospital bed ng nanghihina nang si Mrs. Lanie Valencia—ang ina ni Trinity na halos pitong taon nang pabalik-balik sa ospital dahil sa kanser na kumakalat na sa buong katawan nito.
"Hindi ko alam kung papaano sasagutin ang tanong na iyan nang hindi nagmumukhang kaawa-awa, Felicia," nakangiting wari ni Lanie habang pilit na bumabangon. Sumandal ito sa headborad ng kama saka nagpakawala nang malalim na paghinga. "Pangalawang pasok ko na ito sa ospital ngayong buwan, nag-aalala akong baka malapit na akong kunin ng Diyos."
"Ganiyan din ang sinasabi mo noon. You thought you were dying back when Trini was just thirteen. Look at you now—still fighting the disease."
"I know. Noong iniwan ako ni Antony ay lalo akong nag-alala sa kahihinatnan ni Trini. If I died, no one is left to guide her—"
"Ano ka ba, narito pa rin kami ni Arc." Ginagap ni Felicia ang kamay ni Lanie. "You don't have to worry, pamilya na rin ang turing namin sa pamilya mo. And surely, Gene would never let anything happen to your girl."
Lanie chuckled. "Marinig ka ni Trini. Ayaw na ayaw no'n na tinatawag na ganiyan lalo at dalaga na raw siya. Pero ewan ko ba't parang bata pa rin kung mag-isip."
Hindi rin napigilan ni Felicia ang bahaw na matawa. "She's a sweet child, Lanie. And strong, too. Wala kang dapat ipag-alala kay Trinity Anne."
Hindi na nagawang sumagot pa ni Lanie nang bumukas ang pinto ng hospital unit at iniluwa si Gene na may bitbit na isang bungkos ng bulaklak; yellow and white followers with ferns and lavender Gypsophila . Nakangiti itong pumasok at tahimik na inisara ang pinto.
Gene was looking fresh and handsome in his white varsity jacket and faded blue jeans. Sa paa nito ay dirty white Sneakers. College boy na college boy ang porma.
"Good morning, Aunt Lanie," bati nito bago humakbang palapit sa kama.
Lumapad ang ngiti ni Lanie habang sinusuyod ng tingin ang binata. "How are you, Gene?"
"I'm perfectly good po. Kasama ko po si Trini na dumating, dumaan lang siya sandali sa pharmacy para bilhin ang mga kulang sa gamot ninyo. These flowers are for you."
Nakangiting tinanggap ni Lanie ang bulaklak at umusal ng pasasalamat. Si Gene naman ay nakangiting niyuko ang ina at humalik sa ibabaw ng ulo nito. "Hi, Ma. Akala ko ay hindi kita maaabutan dito."
"Kararating ko lang din, anak." Masuyong dinama ni Felicia ang pisngi ng anak. "Nakuha mo na ba ang lahat ng mga gamit mo sa dorm?"
"Opo, Ma. Dinala ko na rin ang mga gamit ni Trini na naiwan sa locker niya at ini-uwi sa kanila. Saktong paalis siya dala ang nilutong pananghalian para kay Tita Lanie nang dumating ako."
"Binabati kita sa pagtatapos mo, hijo," ani Lanie. "Binanggit sa akin ni Trini na tumanggap ka ng parangal. You always did good at school."
Napangisi si Gene at nagkamot ng ulo. "Trini's smarter than me, Tita. Pero laging tulog sa klase 'yang anak ninyo kaya maraming nami-miss sa klase."
Sabay na natawa ang dalawang may-edad na babae at hindi na sinagot pa ang huling sinabi ni Gene.
Noong nakaraang linggo lang nagtapos sa kolehiyo sina Gene at Trini kaya hinakot na ni Gene ang lahat ng mga gamit sa dormitory na tinirhan nito habang nag-aaral. Si Trini naman ay umuuwi sa Asteria araw-araw, pero kapag ginagabi sa school ay sa dorm ni Gene nagpapalipas ng gabi. Magkaibang kurso ang kinuha nila, pero sa iisang unibersidad. At ang unibersidad na iyon ang napili nilang pasukan kahit mahigit isang oras ang biyahe mula sa Asteria dahil doon lang available ang dalawang kursong nais nilang kunin. May dalawang malaking unibersidad din naman sa Asteria, pero ang isa ay walang accountancy course, at ang isa naman ay walang mechanical engineering course. They had to find a place where both of their courses were available so they could be together all the time. Gustuhin man ni Trini na mag-dorm na rin ay hindi maaari dahil inaalala rin nito ang ina-- kahit pa ba kay kasambahay na kasama si Lanie at may private nurse.
"Well, mabuti at narito ka na rin para sabay na tayong umuwi," ani Felicia makaraan ang ilang sandali. "Pumunta ang Pops mo sa Kuya Aris mo para tumulong sa pagtatanim sa paligid ng bagong bili niyang property. I was gonna call Lee to drive me home, but since you're already here, sabay na tayo." Tumayo si Felicia at hinarap muli si Lanie na ngayon ay sinasamyo ang hawak na mga bulaklak. "Ikukuha ko ng vase ang mga bulaklak na iyan para tumagal pa, Lan. Hihingi ako sa info desk." Binalingang muli ni Felicia ang anak. "Dito ka muna sa Tita Lanie mo, anak. I'll be right back."
Tumango si Gene at naupo sa upuang inalisan ng ina. Nang makalabas si Feli ay nakangiting binalingan ni Lanie ang binatilyo.
"When is your twenty-first birthday, Gene?"
"In two months, Tita."
"Wow... Time flies, huh? Parang kailan lang ay mga paslit pa kayo ng aking si Trini."
Nakangiting tumango si Gene. "It's been fifteen years since we met—your daughter hasn't changed at all."
Bahaw na natawa si Felicia at pinagmasdan ang gwapong binata sa harapan. Makalipas ang ilang sandali ay, "What are your plans now, Gene? Tulad din ba ng mga kuya mo ay aalis ka ng Asteria para tumayo na sa sarili mong mga paa?"
"I guess." Napakamot ito ng ulo saka nahihiyang dinugtungan ang sinabi, "I'm planning to put up a small garage where I could work freelance as mechanical engineer. Marami po akong kaibigan na nagta-trabaho sa racing circuit na pwedeng maging kliyente ko. It's going to start small, but this is really what I want, Tita. Pops and my brothers are helping me with my plan."
"Dito mo ba sa Asteria itatayo ang garage na sinasabi mo?"
"No, I'm moving somewhere else. I decided to try my like in Ramirez—that town is three hour's drive from here. Mas malapit po kasi iyon sa mga racing circuits. Nakapag-paalam na po ako kina Pops at Ma."
Sandaling natahimik si Lanie, at nang muling nagsalita ay kay seryoso na ng tinig, "Can you bring Trini with you?"
Kinunutan ng noo si Gene. "I would love to, pero alam po nating hindi niya kayo maiiwan dito—"
"I don't want her to see me suffer from this illness, Gene. Ayaw kong gawing caregiver ang anak ko. She has to be away from me. She has to enjoy her life with all good memories. Ayaw kong araw-araw niyang makikita itong nangyayari sa akin."
"Hindi ako ang makakapagpasiya niyan, Tita. Trini loves you, and I'm sure she wouldn't leave your side."
"She can visit me every weekend. Malaya na siyang gawin ang lahat ng gusto niya dahil nakapag-tapos na siya. Please... just... just help me on this, Gene. Help me convince Trini."
Hindi kaagad nakasagot si Gene, pero sa utak nito'y nagtatalo na kung ano ang susundin.
"Do you find Trini pretty?"
Muling kinunutan ng noo ang binata. Hindi nito maintindihan ang biglang pagbabago ng topiko. "What?"
"Just answer it."
"Y-Yeah, I guess she's pretty."
"Do you like her?"
Nang maintindihan ang pinu-punto ng ginang ay napabuntonghininga si Gene, at sa mahinahong tinig ay, "I love her, Tita. Pero hindi tulad ng itinutukso ninyo sa amin."
Nakaiintinding tumango si Lanie bago pinong ngumiti. "Would you do me a favor, Gene?"
"S-Sure. Ano po 'yon?"
"Can you please make sure that Trini stays happy? Kapag nawala ako ay siya na lang ang mag-isa rito sa mundo. I don't know what her life would be like in the future, but all I want is for her to be happy. Can you... please make sure she would never have a lonely life. Please look after her for me, Gene."
"Tita, kahit hindi ninyo sabihin. You know Trini will always be safe with me. Walang sinoman ang pwedeng manakit at magpaiyak sa kaniya. I will be her crying shoulder, I will be her protector. Gagawin ko ang lahat-lahat para sa kaniya. Alam niyo namang para ko na rin siyang kapatid."
Muling ngumiti si Lanie; ngiting puno ng payapa. "She has a nice taste in men, pero nag-aalala akong baka mahirapan siya sa aspeto ng pag-ibig. Can you please make sure to catch her whenever she falls?"
Hindi binigyang pansin ni Gene ang huling sinabi ng ginang. Ang naunang sinabi ni Lanie ang umagaw sa atensyon nito. "What do you mean by she has nice taste in men? Is she in love with someone?"
Nang makita ni Lanie ang pagtataka at inis sa mukha ni Gene ay lihim itong napangiti. "Hindi mo alam?"
"She never told me."
"My, akala ko ba ay bestfriends kayo?"
"Akala ko rin." Nakahalukipkip si Gene at nakasimangot na itinuon ang tingin sa bintana ng hosital unit.
Hindi na napigilan ni Lanie ang matawa, dahilan upang ibalik ni Gene ang tingin dito. Ilang sandali pa ay tumigil sa pagtawa si Lanie at masuyong tinitigan si Gene. "Trini isn't in love, pero nabanggit niya noon na nagkagusto siya sa lalaking manhid na hindi nakita ang damdamin niya."
Gene smirked and said, "Must be Jerome Sison."
"Never heard of him."
"There's another guy?"
Muling natawa si Lanie nang makita ang panggilalas sa mukha ni Gene.
Si Gene naman ay bubulong-bulong na inituon ang pansin sa labas ng binatana. Nagtatampo dahil wala man lang nasabi si Trinity tungkol sa mga lalaking nagugustuhan nito.
"Gene, hijo...
Nang ibalik ni Gene ang tingin sa ginang ay napansin ng binata ang biglang pagseryoso ng anyo nito.
"Ayaw kong pangunahan kayo, pero... sa pagdating ninyo sa trenta at wala pa rin kayong parehong mga asawa, could you just marry my daughter?"
Natigilan si Gene, hindi alam kung ano ang sasabihin. Hanggang sa napakamot na lang ito ng ulo at akmang sasabihin sa ginang na kahit kailan ay hindi sila lalagpas ni Trini sa linya ng pagkakaibigan—nang muling nagsalita ang ginang.
"My daughter used to have a crush on you, you know. Ibig sabihin, once in her life, she was attracted to you."
"It can't be possible, Tita--"
"Well, believe it or not. At sigurado akong itatanggi niya kung kokomprontahin mo siya, kaya manatili kang tahimik at obserbahan siya. Matagal na niyang sinabi sa akin iyon, at baka nga ngayon ay wala na ang damdaming iyon. But that is not the point. What I was trying to point out was the fact that she once developed feelings for you. That alone says a lot. Ibig sabihin ay hindi lang sa pagkakaibigan ang hangganan ng relasyon ninyong dalawa—at least sa bahagi ng anak ko. I won't force you into it, pero gusto kong malaman mo na mamamatay akong masaya kapag kayo ni Trini ang magkakatuluyan sa huli."
"W-Well..." Nag-alis muna ng bara sa lalamunan si Gene bago nagpatuloy. "W-We will have to see about that, I guess."
Hindi na muling nagsalita pa si Lanie nang bumukas ang pinto at pumasok si Trini na cute na cute sa suot na pink miniskirt at white tank top. Naka-tirintas ang buhok nito at bitbit sa isang kamay ang totebag na may lamang lunch para sa ina, habang nasa isang kamay naman ang plastic na may lamang mga gamot.
"Hi Ma! Kompleto na 'tong mga gamot mo, inubos ko nang bilhin hanggang sa katapusan ng buwan." Lumapit ang dalaga sa kama at ipinatong ang dala sa side table bago yumuko upang dampian ng halik sa pisngi ang ina. "Nakausap ko rin si Dr. Reyes, pwede ka nang ma-discharge bukas ng hapon." Nilingon nito si Gene na nakatulalang nakatitig dito, at doon kinunutan ng noo si Trinity. "Problema mo?"
Umiling ang binata.
Lalong kinunutan ng noo si Trini. "Makatingin ka sa 'kin, parang gusto mo akong syotain, ah?"
Gene opened his mouth to say something when Lanie beat him off.
"So-syotain mo ba?"
"In his dreams, Ma! Hindi na virgin 'yan kaya ayoko r'yan, 'no!" Nakangiwing ikiniskis ni Trini ang mga kamay sa magkabilang braso bago tumalikod at humakbang patungo sa banyo.
Ang dalawang naiwan ay nagkatinginan.
Si Gene ay napailing makaraan ang ilang sandali. "Mukhang imposible ang gusto mong mangyari, Tita." Tumayo ito at ini-suksok ang mga kamay sa magkabilang bulsa. "Pero h'wag kayong mag-aalala. I will make sure Trini ends up with the right man. It's a promise."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top