CHAPTER 105 - Back At Her
"TRIN..."
Napasinghap siya nang marinig ang pagtawag ni Jerome sa likuran niya. She felt like she was drowning and there was a hand that pulled her back to the surface. Atubili niyang inalis ang tingin sa masakit na tanawin at nilingon si Jerome.
"Do you want to leave?" he asked, careful with his words.
"W-Why?" aniya. Alam ni Jerome ang damdamin niya kaya sigurado siyang alam nito na sa mga sandaling iyon ay nadudurog ang puso niya sa nakikita.
"You don't want to be here witnessing that scene, do you?" he asked, gesturing in Gene's direction.
"I—I don't mind..." bulong niya saka muling nilingon ang kinaroroonan nina Gene at Chona.
Yes, he was with Chona.
The woman successfully crawled her way to Gene's life.
Good for her. Good for Gene...
"Are you sure? Hindi tumutugma ang sagot mo sa ekspresyong nakikita ko sa mukha mo."
"I-It's fine, Jerome. Narito na tayo kaya... manatili na lang tayo rito."
Matagal bago sumagot si Jerome. "Okay. Do you wanna get a seat then?"
Tumango siya at akma na sanang iaalis ang tingin sa nakikita nang makita niya ang banayad na paghihiwalay nina Gene at Chona. Si Gene ay nakangiting tumayo saka inilapag ang hawak na bote ng beer sa counter top bago masuyong yumuko upang muling dampian ng halik sa pisngi si Chona na sa mga sandaling iyon ay parang sawang naka-kapit sa braso ni Gene.
Ilang sandali pa'y nakita niya ang pagbulong ni Gene kay Chona kasunod ang pag-alis ni Chona ng kamay nito sa braso ni Gene.
Bahagya na niyang narinig ang paglapit ng staff na kausap ni Jerome kanina sa entry ng restaurant at ang pag-giya nito sa kanila sa bakanteng mesa. Pero hindi niya magawang kumilos sa kinatatayuan, lalo nang makita niya ang pag-alis ni Gene sa counter at ang paghakbang nito patungo sa sulok ng restaurant— direksyon patungo sa restroom.
At bago pa niya napigilan ang sarili ay napahakbang na siya roon pasunod.
Damn it.
Hindi niya alam kung ano itong ginagawa niya, but she couldn't stop herself.
She a safe distance between them. May mga nakakasalubong siyang mga guests ng restaurant na nanggagaling sa restroom pero tila hindi niya
nakikita ang mukha ng mga ito. She was focusing on Gene who was walking a few meters in front of her.
Napatitig siya sa malapad na likod nito.
He wasn't wearing his usual get-up. Ngayong gabi ay tanging gray na T-shirt at itim na pantalon lang ang suot nito. On his feet was a pair of black boots. He also had cut his hair short—which was normal to him, pero hindi niya alam kung bakit kay aliwalas ng mukha ni Gene ngayon.
Or maybe her life was just too dark at the moment? Na ang tingin niya sa ibang tao ay nabubuhay ng masaya at maaliwalas?
Nonetheless, Gene looked happy. He looked... perfectly alright.
At hindi niya napigilan ang pagragasa ng labis na lungkot sa kaniyang dibdib.
Kaagad na naka-usad si Gene. Kaagad na nakabawi. She was probably not that relevant to him.
You could survive without me... she whispered in her mind painfully.
At bigla na lang sa kung saan ay pumasok sa isip niya ang mga salitang binitiwan ni Gene noong huling beses na nag-usap sila sa telepono.
The next time you see me, I won't be in love with you. I won't fight for you anymore, and I won't chase after you. Because by that time, I know... that I have already moved on from you.
Kung alam lang ni Gene kung ilang baldeng luha ang ini-luha niya nang gabing iyon...
Nahinto siya sa pag-iisip nang makitang narating na ni Gene ang dulo ng hallway— doon sa pinto ng unisex restroom. Itinulak iyon pabukas ni Gene at kaagad itong pumasok. Mabilis siyang sumunod. Nang marating niya ang harapan ng pinto ay humugot muna siya ng sunud-sunod na malalalim na paghinga bago iyon itinulak pabukas. Napa-igtad siya nang sumalubong sa kaniya ang dalawang dalagitang naghahagikhikan.
"He smiled at me..." pabulong na tili ng isa sa mga ito.
"And girl, he's gorgeous!"
Nilampasan siya ng dalawa na tila walang nakita. Abala ang mga ito sa pagbubulungan. At bago tuluyang nakalayo ang mga ito ay narinig pa niya ang isang nag-usal ng,
"Partida, naka-T-shirt pa 'yon, ha? How much more kung hubad na?"
Sabay na naghagikhikan ang mga ito, at hindi niya napigilan ang pagsilay ng pait na ngiti sa kaniyang mga labi.
How much more kung hubad na... bulong niya sa isip. Baka maloka kayo...
She took another deep breath before turning her attention back to the door. Itinulak niya iyong muli at tumambad sa kaniya ang tatlong magkakatabing cubicle—nakasarado lahat. Pumasok siya at akmang tutungo sa washing area ng restroom upang magpanggap doon na naghuhugas ng kamay habang hinihintay na lumabas si Gene sa isa sa mga okupadong cubicle nang mapatda siya sa kinatatayuan.
Gene was standing at the lavatory washing his damned hands! Wala ito sa isa sa mga cubicles!
Nang makita ito roon ay kaagad siyang napaatras at lumabas sa pinto. Sigurado siyang hindi siya nito nakita dahil nakayuko ito habang nagsasabon ng mga kamay. At para siyang gaga na naghabol ng paghinga habang nakasandali sa pader katabi ng pinto.
Ano ba ang ginagawa niya roon? Why the heck did she follow him? Ano ang sasabihin niya rito kapag nagkaharap sila? Anong pagpapanggap ang gagawin niya sa harap nito mamaya kapag nagkita siya? She had nothing to show— she could no longer act in front of him. She was numb from all the sulking and crying this past few weeks.
Shit. Hindi nga niya alam kung bakit siya nakatayo roon.
Damn it. I should go back to Jerome. Mas maigi nga yatang lumipat na lang kami ng lugar.
Akma na siyang aalis sa kinatatayuan nang bumukas ang pinto ng restroom. Napigil niya ang paghinga sa pag-aakalang si Gene na iyon, subalit hindi. It was another guy—probably one of those who occupied the cubicle. Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa makita naman niya ang paparating na dalawang may edad na babae. Nag-uusap ang mga ito at umiwas siya ng tingin nang mapasulyap ang mga ito sa kaniya.
Nakasandal siya roon sa gilid ng pinto ng restroom na tila guwardiya, natural na magtaka ang mga guests.
Huminto ang dalawang babae sa harap ng pinto; ang isa ay nagtanong sa kaniya,
"Nakapila ka ba, hija? Kailangan ba naming pumila sa likuran mo?"
Alanganin siyang umiling. At hindi na niya nagawang sumagot pa nang bumukas muli ang pinto mula sa loob—at doon natuon ang tingin ng dalawang may-edad nang babae. Nakita niya ang biglang pag-lapad ng ngiti ng mga ito.
"Oh, such a gentleman..." usal ng isa.
"Thank you, young man..." sabi naman ng isa.
"No problem, ladies."
Doon na naman niya napigil ang paghinga.
It was Gene who opened the door, at ipinako niya ang sarili sa kinatatayuan sa labis na kaba. Nasa kaliwang bahagi siya ng pinto nakasandal, kung lalabas si Gene ay hindi siya nito makikita kung hindi ito lilingon sa direksyong iyon dahil ang daan pabalik sa main hall ay sa kanan.
Damn it, ano ang silbi ng pagsunod niya kung hindi sila magkakaharap?
But shit, why would she want to face him? Again, she had nothing to say! And besides, mukha siyang gaga sa mga sandaling iyon—ni hindi nga siya nagsuklay!
F*ck... Sinapo niya ang ulo saka yumuko. Why am I here...?
Sa gilid ng kaniyang tingin ay nakita niya ang tuluyang pagpasok ng dalawang babae, kasunod naman ng paglabas ni Gene. She held her breath and kept her head down. Awtomatikong sumara ang pinto ng restroom sa likuran ni Gene pagkalabas nito. Pigil-pigil niya ang paghinga hanggang sa tuluyang humakbang si Gene pabalik sa main hall.
At lihim siyang nagpasalamat dahil hindi siya nito napansing nakatayo roon.
Good, she thought. I just really wanted to see him up close. Hindi namin kailangang magkaharap.
Unti-unti niyang itinaas ang mukha saka ini-tuwid ang likod. Sandali niyang sinundan ng tingin si Gene bago pumihit papasok ng banyo. Ang akma niyang pagtulak ng pinto ng restroom ay naudlot nang makita niya ang paghinto nito sa paghakbang.
That's when she held her breath again.
That's when her heart started racing.
At tulad ng mga nakikita niya sa pelikula, tila naging slow motion ang sumunod na mga eksena.
Nasaksihan niya ang unti-unting paglingon ni Gene patungo sa kaniyang direksyon na tila nakaramdam na may presensyang nakatayo roon at nakasunod ang tingin.
And then their eyes met.
And her body froze in an instant.
This was the first time their eyes met again after two long months—the longest they were apart. At hindi niya alam kung maiiyak siya sa tuwa o pighati.
Nakita niya ang sandaling pagkamangha sa mukha ni Gene nang makita siya, tanda na hindi nito inasahang makikita siya roon. Subalit ang pagkamanghang iyon ay kaagad na napalis at napalitan ng blangkong ekspresyon.
She took a deep breath and raised her chin. Inihanda na niya ang sarili sa sasabihin nito.
Go on, Gene.
I know you've got a lot to say...
But then...
Gene said nothing. He just looked at her with an empty expression on his face before slowly turning his back on her and walking away.
Siya naman ngayon ang namangha sa nasaksihan.
Did Gene really... do that?
Did he really just... ignore me?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top