CHAPTER 104 - The Day He Finally Got Over Her


"NAKITA KO ANG MGA ITO SA BASURAHAN, TRINI."

Napasulyap si Trini sa dose-dosenang mga tablets at capsules na ini-itsa ni Jerome sa ibabaw ng kama niya. Iyon ang mga resetang gamot na ibinigay sa kaniya ni Dra. Hernandez matapos ang huling bisita niya sa clinic nito.

It's been a month already... and she still hadn't moved on from the confirmation of her fate. Walang araw siyang hindi umiyak kahit na inasahan na niyang ganoon ang resulta. Walang araw siyang hindi nagpuyat sa kaiisip kung gaano ka-tagal ang iindahin niya hanggang sa tuluyang sumuko ang kaniyang katawan. Walang araw na hindi niya inisip si Gene.

She was crying not only for the status of her health but also for the man that she lost.

No...

She didn't lose him.

She let go of him.

But at the same time, she saved him.

That was for his own good.

Ibinalik niya ang pansin sa mga gamot na nasa ibabaw ng magulo niyang kama.

What is the use...? she asked herself.

Binigyan siya ni Dra. Hernandez ng pagpipilian. Pwede siyang sumailalim sa surgery upang tanggalin ang ovary niya kung saan kakalat lalo ang cancer. Pagkatapos niyon ay sasailalim siya sa mahabang gamutan.

Pero kahit si Dra. Hernanzdez ay hindi nakasisigurong magiging ligtas na siya pagkatapos niyon.

Ovarian surgery...

Iyon din ang procedure na pinagdaanan ng mommy niya noong bata pa siya matapos nitong ma-kompirma ang sakit. Her mother's surgery was removed, yet another cancer developed in one of her organs after a few years. She was thirteen when it happened, at simula niyon ay unti-unti nang bumagsak ang katawan ng mommy niya hanggang sa tuluyan na itong sumuko.

Her mother fought cancer for far too long. She suffered for another nine years just to die in the end.

Kaya sumailalim man siya sa gamutan o hindi, iisa lang ang pupuntahan niya.

At kung mamamatay siya ay mamatay na siya ngayon.

Ano pa ang silbi ng mga gamot na iyon?

"Trini..."

Sinulyapan niya si Jerome matapos marinig ang pagtawag nito. Puno ng pangamba at lungkot ang mukha ng binata.

"Please... Alam kong mahirap, but you have to continue fighting."

Napabuntong hininga siya at inalis ang tingin dito bago tumayo mula sa pagkakasalampak sa sahig at niyakap ang sarili. Hindi niya alam kung gaano siya ka-tagal na nakaupo lang doon at nakasandal sa kama habang nakaharap sa floor to ceiling na glass door na dumudugtong sa maliit na veranda ng guest room sa condo unit ni Jerome Sison.

She had been staring at nothingness for quite some time now. Hindi na niya namamalayan pa ang oras dahil buong araw at gabi siyang naroon lang sa silid na iyon.

"I am not taking any of those medications," aniya bago pumhit paharap sa kama at inabot ang mga gamot na ini-itsa ni Jerome doon. Sa maingat na mga hakbang ay tinungo niya ang banyo, pumasok soon, saka itinapon ang mga tabletas sa trash bin. Matapos iyon ay balewala siyang bumalik sa pinanggalingan at muling naupo sa sahig.

Si Jerome ay napabuntong-hininga; lumapit ito sa kama at naupo roon patalikod sa kaniya. Nakailang hugot muna ito ng malalim na paghinga bago nagsalita,

"Do you really wanna die this bad?"

She mentally shrugged off. "Sa kamatayan din naman mauuwi to, Jerome. Patatagalin ko pa ba?"

Matagal na natahimik si Jerome, at ganoon din siya. Hindi niya alam kung gaano sila katagal na magkatalikuran at parehong tikom ang bibig nang muli niya itong narinig na nagsalita.

"Do you want to enjoy life before it ends, at least?"

"Enjoy, huh?" She let out a painful smile. "Now I'm starting to think about what that word meant to people who have the same fate as mine."

Muling nagpakawala ng malalim na paghinga si Jerome. "I understand that it's easy to lose hope when you are in this type of situation, Trini... and it's perfectly normal to feel sad and angry about it. You have a right to be mad, after all. One day, you were happy with the person you loved, then the next day you would discover that you have a terminal disease that may or may not be cured; it's frustrating and I understand that. But would you really give up that easily without even trying? Would you really spend the rest of your time doing nothing?"

Lumingon siya upang sabihin ditong hayaan na lang siyang mag-isip, subalit saktong pag-lingon niya ay lumingon din ito kaya nagtama ang kanilang mga mata.

Then, Jerome smiled a little before adding, "At this stage, you have two options Trin. Enjoy life and die, or not enjoy life and die. You might as well die happy even if the universe doesn't care, don't you think so?"

Naudlot ang kung anoman ang nais niyang sabihin dito. Napabuntong-hininga na lang siya at muling umiwas ng tingin.

"Let's have fancy dinners—travel abroad, shop, take an adventure. Anything that will help you get by, Trin. Pakiramdam ko'y tumatagal lang ang mga araw kapag ganito ka. Let's do stuff that would make your life worthwhile."

Napayuko siya at napa-uklot. "Ayaw ko, Jerome. I would rather stay in this room and die lonely."

Natahimik si Jerome at hindi na nagpumilit pa. Ilang sandali'y naramdaman niya ang pagtayo nito at doon siya muling napalingon dito. Nakita niyang nakaharap na itong muli sa kaniya, nasa magkabilang bulsa ng suot na pantalon ang mga kamay.

"What do you want to eat for dinner?"

"Jerome, ang sabi ko ay—"

"Let's go out for a date. I just closed a deal and I feel like celebrating; hindi naman siguro kalabisan na hingin ko sa 'yong samahan ako?"

She let out an exasperating sigh. "Jerome, please..."

"Eight-thirty; we're going to that fancy restaurant you and Gene always go to. Wear anything you like; you would still look good in it anyway." He smiled again before turning his back on her. "I'll wait for you at the parking-- slot 24."

*

*

*

PUTING T-SHIRT AT ITIM NA PANTALON. Iyon ang napiling isuot ni Trini nang bumaba ito sa parking area ng condo unit upang puntahan ang naghihintay nang si Jerome sa kotse.

Mangha siyang sinuyod ng tingin ni Jerome nang maupo na siya sa passenger's seat. And she couldn't blame him.

She looked like a highschooler. Malibang wala siyang suot na make-up ay hindi rin naka-suklay ang buhok niya. Kung papaano na lang niyang itinali iyon ng gomang nahanap niya sa tokador kanina. Walang suklay-suklay o hagod man lang.

She hadn't washed her face either. Namumutla siya, ang mga mata'y maga sa araw-araw na pag-iyak, at ang mga labi'y nanunuyo. She surely had lost weight from not eating right these past few weeks. Hindi niya maalala kung kailan siya huling kumain nang matino—madalas na kakain lang siya kapag hindi na siya nakakatulog sa labis na gutom.

She wanted to buy herself some drinks, but Jerome found out about her secret. Hindi siya nito sinuway, pero nagsabi ito sa store na nasa ibaba lang ng building na h'wag siyang bigyan ng kahit na anong alak. At dahil ayaw din naman niyang lumayo pa at magpunta sa mall ay tiniis niya ang pagnanais niyang maglasing.

"Do I look pretty?' she asked in sarcasm.

Napailing na lang si Jerome sabay ngiti.

And oh, how fakely that smile was.

Jerome Sison was too nice to show disappointment. Pero magaling siyang manghuli ng nararamdaman ng tao. She's already seen the disappointment on his face when he stared at her in the first three seconds.

"You're always pretty," sagot nito na ikina-iling na lang niya.

Sa katunayan ay lumipas muna ang isang oras bago siya tumayo mula sa pagkakasalampak niya sa sahig kanina at nag-umpisang magbihis. Desidido siyang manatili roon hanggang sa makatulog, pero hindi siya mapakali dahil alam niyang tototohanin ni Jerome na maghihintay sa parking. At dahil kay Gene lang naman niya tinigasan ang puso ay napilitan siyang tumayo at sundan si Jerome sa parking.

Nasa daan na sila nang malingonan siya ni Jerome. Nakita nitong hindi nakakabit ang seatbelt niya kaya pinaalalahanan siya nito.

Which she answered, "Just let me be, Jerome. Kung mabangga man itong sasakyan natin ngayon at mamatay ako'y tapos ang problema."

Ibinalik na lang ni Jerome ang tingin sa daan at piniling manahimik na lang. Nang marating nila ang pinaka-malaking restaurant sa bayan ng Ramirez ay niragasa siyang muli ng labis na lungkot at pangungulila. Ito ang restaurant na madalas nilang puntahan ni Gene noon. Iyon din ang kaparehong restaurant kung saan siya nakita nitong kasama si Jerome noong gabing nag-away sila at nakipag-hiwalay siya.

It was the biggest and the fanciest restaurant in town, and her clothing was inappropriate. But who gives a damn?

Napatingin siya sa restaurant at napabuntonghininga. Madalas sila ni Gene doon kapag tinatamad silang magluto.

Nasa labas pa lang siya'y kay rami nang alaala ang pumapasok sa isip niya. How much more if she went inside?

This is a bad idea, bulong niya sa isip. At akma na sana niyang sasabihin kay Jerome na lumipat na lang sila sa ibang restaurant nang bumukas ang pinto sa bahagi niya. Napa-pitlag siya. Hindi niya namalayan ang paglabas ni Jerome sa kotse at ang pag-ikot nito roon.

"Let's go?"

Ang akma niyang pagsagot dito ay naudlot nang sa hindi maipaliwanag na dahilan ay lumampas ang tingin niya sa balikat ni Jerome at may nakitang pamilyar na motorbike.

Dumagundong nang malakas ang dibdib niya.

Hindi siya maaaring magkamali.

She would never mistake that motorbike for something else.

Even more bad idea, muli niyang bulong sa isip.

Lalo siyang mahihirapan kung itutuloy niya ang pagpasok sa resto at makita ang taong nagmamay-ari ng motorsiklo. And she couldn't pretend to be tough and nonchalant, anymore, dahil naubos na ang lahat ng lakas ng loob niya sa nakalipas na isang buwan. She did nothing but sulk and cry, and it was very obvious on her face.

Nag-aalala siyang baka kapag pumasok siya at magkita sila sa loob ay humulagpos siya at umiyak sa harapan nito.

Because why not? She missed him so badly.

Kung susumahin ay dalawang buwan niya itong hindi nakita, at isang buwan na ang nakalilipas simula nang huling narinig niya ang tinig nito.

Sh*t, that last phone call...

Para siyang dinurog sa mga sinabi nito sa kaniya noong hapong iyon. Nahirapan sa pag-alo si Jerome sa kaniya pagkatapos niyon. She could still remember how she suffered to breathe as she cried and screamed in pain. She was devastated-- at si Jerome lang ang nakakita sa kaniyang ganoon.

No one would ever know how broken she was after that phone call. No one but Jerome.

Humugot siya nang malalim na paghinga. Hindi siya bababa. Hindi siya papasok sa lugar na ito upang ipakita kay Gene na wasak na wasak siya.

But then...

Her body did the opposite.

Bumaba siya at wala sa loob na humakbang patungo sa entry ng restaurant.

Because sh*t. She terrribly missed him. At gusto niya itong makita kahit isang sulyap lang.

Si Jerome ay ini-sara ang pinto ng kotse sa bahagi ni Trini, ini-lock ang sasakyan, bago sumunod sa dalaga. Hindi nito kilala ang motorsiklo ni Gene kaya hindi nito alam ang naghihintay sa loob.

Pagdating sa entry ay nakita ni Jerome ang hindi pagpansin ni Trini sa sumalubong na staff. Binilisan ng binata ang paghakbang upang harapin iyon. And while he was talking to the lady staff, his eyes followed Trini who stopped in the middle of the receiving area and searched the crowd. Tila ito may hinahanap.

Then, Jerome saw Trini froze on her feet. Nakatingin ito sa isang direksyon, at nakita ng binata ang biglang pagbago ng anyo ng dalaga.

Nagpaumanhin si Jerome sa staff ng restaurant at nilapitan si Trini. Huminto ito sa likuran ng dalaga at hinayon ng tingin ang direksyon kung saan may umagaw ng pansin nito.

And Jerome could only shake his head in sympathy.

Sa bar counter area ng restaurant ay naroon si Gene at may kasamang babae. The woman was standing between Gene's thighs while holding a glass of whiskey. They were obviously flirting with each other... and then, after a while, the woman tiptoed and kissed Gene on the lips.

From where they stood, they could clearly see how Gene grinned and kissed the woman back while curling his strong arms around the woman's slender hips.

Jerome smirked in amusement. Ganoong-ganoon ang ginawa nila ni Trini sa isang restaurant dalawang buwan na ang nakararaan. And they did that because Trini saw Gene entering the restaurant. She desperately wanted to push him away, and that was one of her ways to succeed with her plans.

Walang alam ni Jerome na iyon ang plano ng dalaga noong panahong iyon; nagulat na lang ito at hindi napigilan ang sarili. He kissed her back.

Now, the tables had turned.

But he knew for sure this wasn't just an act.

Gene didn't seem to be acting. He didn't seem to notice they were there.

What their eyes were seeing at this moment... was the truth.

Gene found someone else.

And he had moved on from Trini.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top