CHAPTER 103 - The Promise She Didn't Keep
16 years ago...
"I'M SORRY TO INFORM YOU, MR. VALENCIA. Mabilis na kumalat ang cancer sa katawan ng inyong asawa, at hindi na ito kayang agapan pa ng gamutan."
Antony Valencia's face turned pale. Magkahalong pag-aalala at pagkalito ang makikita sa mga mata nit. "Pero... tinanggalan na siya ng matres sampung taon na ang nakararaan, hindi ba? Ikaw ang nag-opera sa kaniya noong sa ospital ka pa nagta-trabaho. I-I don't understand... Bakit pa..."
Huminga nang malalim ang cuarenta y anyos na si Dra. Hernandez. "The cancer developed in another part of her reproductive organ, and—"
"Let's have that part removed, then." Pinagpapawisan na nang malapot si Antony; hindi nito alam kung ano ang gagawin kapag lumala ang kondisyon ng asawa. He thought his wife beat cancer when she had her ovaries removed ten years ago, and after undergoing several treatments to cure the desease. He thought his wife was cleared. Tapos, heto na naman ngayon?
"Maliban sa hindi certain ang resulta ng operasyon, ay manganganib na rin ang buhay ng inyong asawa, Mr. Valencia," paliwanag pa ni Dra. Hernandez. "I'm sorry... but the treatments and medication could only prolong your wife's life for a couple more months, or a year. Pero hindi na niya matatakasan pa ang kapalaran niya."
"Are you saying that I should just give up on my wife and wait for her to die?" Antony was being irrational, and he blamed that on the fear of losing his wife.
"No, Mr. Valencia. What I was trying to say is that... your wife will never get better, and the medication and treatment that I am going to give to her will only prolong her life for a bit more, but never cure her."
Nasapo ni Antony ang ulo; hindi na nito alam kung ano ang isasagot. Life was meaningless without his wife. And how could he raise their daughter alone? He needed his wife to be there not only for him but for their daughter. Hindi nito kayang palakihin nang mag-isa si Trinity Anne...
"Prepare yourself, too, Mr. Valencia. Because from here on in, it is going to be tough for your wife. Araw-araw ninyong makikita ang pagbabago hindi lang sa kalusugan niya kung hindi pati na rin sa mood niya. I ask for your patience and support..."
Wala nang nagawa pa si Antony kung hindi yumuko at tahimik na umiyak.
Si Mrs. Lanie Valencia—ang asawa nito—ay nasa loob ng private unit sa ospital at nakahiga sa hospital bed katabi ang nagpapa-antok na si Trini.
Trini, who was only thirteen at the time, was laying next to her mother, while holding her favorite Alice In Wonderland book. Wala itong ka-malay-malay sa magiging kapalaran ng ina... at sa magiging kapalaran nito dalawampung taon mula sa araw na iyon...
Si Lanie ay masuyong hinahagod ang mahaba't itim na itim na buhok ng anak. Sa masuyong tinig ay binabasa nito ang pahina ng librong hawak ni Trini. Nang makitang napapikit ang anak ay huminto ito at puno ng pagmamahal na hinagod ng tingin ang anak.
Doon nagmulat si Trini at napatingala sa ina. "Why did you stop, Mom?"
Masuyong ngumiti si Lanie—ang dating natural na mapula nitong mga labi ay naging maputla, ang dating masigla nitong awra ay naglaho. All that was left on her face was sadness... for she knew that her time was going to end soon.
"Teenager ka na ngayon..." usal ng ginang habang patuloy sa paghaplos sa buhok ng anak. "But you still love having me to read you a story..."
"Because I like the sound of your voice, mom. You sound like an angel..." Inabot ni Trini ang pisngi ng ina saka banayad iyong hinaplos.
"Paano mo naman nalaman kung ano ang tinig ng anghel?"
"I don't know-- I just know it."
Lanie chuckled before softly pulling her child into her arms. Banayad nitong niyakap ang anak saka hinalikan sa ibabaw ng ulo. Nang muli itong magsalita at puno na ng lungkot ang tinig. "I'm sorry that we weren't able to celebrate your thirteenth birthday last month, sweetheart. Inubos na naman ng mga gamot ko't pampa-ospital ang benta natin sa shop."
Trini puckered and shifted her attention down to the book. "As if I care..." mahina nitong usal. "Ang mahalaga ay gumaling na kayo. Pwede pa rin naman akong mag-birthday next year, eh. At sa susunod pang taon. And then the next.... Until I turned sixty."
Lanie chuckled again, but painfully so. "But honey, I wouldn't be there when you turned sixty..."
"You will, Mom. You have to. Kailangang naroon kayo sa... eiteenth birthday ko. Sa graduation ko mula kolehihyo... sa kasal ko, sa binyag ng anak ko, sa silver anniversary namin ng magiging asawa ko, hanggang sa uugod-ugod na ako. Dapat ay naroon pa rin kayo."
Ngumiti si Lanie; hindi nagawang sabihin sa anak na hindi sigurado kung sa susunod na taon ay naroon pa rin ito upang daluhan ang ika-labin-apat na kaarawan ni Trinity.
"Thirteen ka pa lang pero naiisip mo na ang kasal at binyag. May crush ka na siguro, ano?"
Napanguso si Trini at tuluyan nang ini-sara ang libro. Bumangon ito saka inilapag ang libro sa sidetable at inabot ang mansanas na naroon sa basket. She wiped off the imaginary dirt before taking a bite. And while her mouth was full, she answered, "You're right, Mom. I had a crush. Pero manhid ang loko kaya 'di bale na."
"Manhid? Oh, who is he? Do I know him?"
Kibit-balikat lang ang sagot ni Trini, patuloy sa pagnguya.
"Come on... Gusto kong malaman. Sino itong crush mo? Is he someone from your class? That tall, Chinese kid maybe? Ang cute no'n, eh. Or the one who always had a bandana around his head? 'Di ba bad boy 'yon? But girls your age may find someone like him attractive, so I wouldn't be so surprised. So... alin sa kanila?"
Umikot paitaas ang mga mata ni Trini. Nilunok muna ang nasa bibig bago sumagot, "None of them, Mom. Kung pwede ngang sa dalawang iyon na lang ako nagka-crush, eh, 'di sana may napala ako."
"Eh kung hindi sila, sino? I don't think there are other cuties in your class other than those two and..." Napasinghap si Lanie at biglang napatuwid ng upo na lihim din nitong ikina-ngiwi. Bahagyang itong nakaramdam ng kirot sa katawan sa biglang pagkilos. At dahil ayaw nitong makita ng anak ang paghihirap ay hindi nito ipinahalata ang naramdamang sakit. She remained calm, and she maintained the excitement in her voice when she said, "Wait, does Gene know you have a crush? If he did, ano ang sabi niya?"
Ang akma muling pagkagat ni Trini sa mansanas ay nahinto nang marinig ang pangalan ng kaibigan. Sandali itong natigilan bago napabuntonghininga at itinuloy ang pagkain.
Kinunutan ng noo ang ginang sa naging reaksyon ng anak, at nang rumehistro sa isip nito kung ano ang nangyayari ay malapad itong ngumiti—dahilan upang kahit papaano'y muling bumalik ang kinang sa mga mata nito.
"Si Gene ba?"
Pinanlakihan ng mga mata si Trini sabay lingon sa nakasarang pinto ng private hospital unit. Nang masigurong nakasara iyon ay binalingan nito ang ngayon ay natatawang ina. "Mom!"
"What? Nanghuhula lang, eh."
"H'wag ninyong lakasan ang boses ninyo at baka may makarinig!"
"Ikaw itong malakas ang boses, eh." Hindi matigil sa pagtawa si Lanie.
Si Trini ay napahalukipkip at eksaheradang napanguso.
Unti-unting huminto sa pagtawa si Lanie at sinuyod ng masuyong tingin ang anak. Ilang sandali pa ay, "Did you tell him?"
"I subtly did, pero tulad ng sabi ko'y manhid ang loko."
"What happened?"
Nakangusong sinabi ng dalaga ang tungkol sa paglalagay nito ng strawberry-flavored lipbalm sa mga labi upang magpa-impress kay Gene. Eksaheradong nilakihan ng ginang ang mga mata, nagpanggap na nagulantang sa ginawa ng anak. Hanggang sa natawa na naman ito nang naghihimutok na nagsumbong si Trini tungkol sa kung gaano ito na-turn off sa ginawang pagpahid ni Gene ng daliri nito sa mga labi ng dalaga imbes na humalik.
"You wanted him to kiss you at thirteen!" natatawang akusa ng ginang sa anak.
"Mom, your voice!"
Tawa nang tawa ang ginang. "Oh, gosh, Trinity Anne... You and Gene are so cute together."
Muling napanguso si Trini saka nakahalukipkip na ini-sandal ang sarili sa bakal na headboard ng hospital bed. "Simula no'n ay itinigil ko na ang crush ko sa kaniya. Napaka... manhid."
"Gene just probably wanted you to be straightforward; ang dami mo kasing pakana, eh. And besides, isn't that amazing? He respects you because he didn't take advantage at the time. Isaac Genesis Zodiac is such a fine young man; pure and innocent. Sa edad niyang ito ay wala pa sa isip niya ang halik-halik. Ikaw 'tong masyadong advance—saan mo ba kasi nakikita 'yon?" Muling bumungisngis ang ginang.
"Eh 'di sa inyo ni Daddy! Dad always kisses you in the morning or before he leaves for work. At kapag uuwi siya ay ikaw kaagad ang una niyang nilalapitan upang halikan. I see that everyday and I thought that's how someone shows their affection—at gusto kong halikan si Gene to show my affection to him. Pero ang mokong, manhid!"
Tumigil sa pagtawa si Lanie saka masuyong tinitigan ang naka-busangot na anak. Ilang sandali pa'y itinaas nito ang kamay at banayad na hinaplos ang pisngi ni Trini.
"I would be happy if you and Gene would end up marrying in the future..."
Napalis ang simangot sa mukha ni Trini nang marinig ang sinabi ng ina. Napatitig ito sa maputlang mukha ng ina at sandaling nagtaka sa lungkot na nahimigan sa tinig nito.
Nagpatuloy si Lanie sa sinasabi. "Gene is a good kid. May respeto sa kapwa, mabait, mapagmahal sa mga magulang at kapatid, matalino, at protective pagdating sa 'yo. I could already tell that he's going to grow up into a fine man. At mamamatay akong masaya kapag siya ang lalaking makakasama mo habang buhay."
Hindi binigyang pansin ni Trini ang sinabi ng ina tungkol sa hiling nitong sila ni Gene ang magkatuluyan sa huli. Nag-aalala itong napatuwid ng upo at humarap. "Mom, stop talking about dying. Lagnat lang naman ang mayroon ka, ah? Why are you talking so negatively?'
Malungkot na ngumiti ang ginang. "I am unwell, anak. And I want you to prepare yourself for the worst. I may not be able to stay by your side for your next birthdays—definitely not until you get married and have your own child. But I want you to remember that I will live in your heart and I will always be with you..."
Si Trini ay nawalan ng sasabihin—hindi maipaliwanag ang kabang bumangon sa dibdib. She was too young to understand things about death. Too young to read the utter sadness in her mother's face and voice. Too young to respond to what her mother had just said.
"Can I ask you something, Trinity?"
Napakurap si Trini at wala sa loob na tumango.
"Make sure na mananatili kayong magkaibigan ni Gene sa mahabang panahon. Don't ever let anyone... or anything tear you apart."
"Huh?" Hindi na rumerehistro nang maayos sa isip ng dalagita ang sinasabi ng ina. She was confused and worried and scared.
Nagpatuloy ang ginang. "Gene and the whole Zodiac family are the only people who I could trust to look after you when I'm gone, Trini. Your father will be there, of course. But I know that dad will be very sad when I die. At nag-aalala akong baka kalimutan niyang alagaan ang sarili at ikaw kapag nangyari iyon. He would surely be devastated, he would surely forget to live his life. So, if... the time comes that I am no longer here, I want you to go to Gene and find refuge in his arms. I know he will take care of you. He will look after you and protect you from anyone... and anything."
"But Mom—"
"Promise me, Trinity."
Confused, Trini could only nod her head.
Malungkot na muling ngumiti ang ginang. "I also want you to promise that you would celebrate your birthdays with Gene. Promise me that you will maintain your friendship with him... and promise me that you will be faithful to the love you have for him."
"I— I don't love him..."
"Of course, you do. And you will, for sure. Maaaring hindi mo kaagad mapagtatanto ang damdamin mo sa kaniya, pero alam kong hindi imposibleng mahalin ninyo ang isa't isa. Why? Because I could see myself in you, and Gene in your father." Lumapad ang ngiti ni Lanie. "Hindi ko ba nasabi sa 'yo na bago ako niligawan ng daddy mo ay naging matalik na magkaibigan muna kaming dalawa? We were like you and Gene when we were younger. Kaya alam kong itong pagkakaibigan ninyo... ay mauuwi sa mas magandnag relasyon balang araw. I could just tell it. I don't know why, but I could clearly see the future that awaits you."
"Mom, l-let's not talk about Gene. Le'ts talk about... how you feel." Binitiwan ni Trini ang mansanas saka dinala ang mga palad sa maputlang pisngi ng ina. "Are you... really dying?"
Hindi na napigilan ni Mrs. Valencia ang pagbukal ng luha sa mga mata. Tumango ito at malungkot na ngumiti. "I couldn't run away from this, anak. I'm sorry if I couldn't fight this off; no one in my family ever did. This curse is so strong I couldn't just fight it off." Then, Lanie paused when she realized something. A sudden urge of concern rushed into her heart next. Nag-aalala nitong hinawakan sa magkabilang balikat ang anak. "Y-You might get it, too. Oh, God!" Doon na ito napahagulgol saka hinapit ang anak at niyakap nang mahigpit. "Oh, God, Trinity Anne, I am so sorry..."
"W-Why are you... sorry?" Hindi alam ni Trini kung ano ang nangyayari. Pero unti-unti na ring naninikip ang lalamunan nito, at ang mga mata'y nag-umpisa na ring manlabo. "Mom..."
"I'm sorry kung napabilang ka sa ganitong pamilya, Trinity Anne," naiiyak pang wari ng ginang. "I wish I could do something about it..." Lanie helplessly turned to the cross hanging at the hospital wall. "Oh, God, please." Humigpit pa ang pagyakap nito sa anak. "I am willing to sacrifise the years I have left in this world, but please spare Trini from this curse..."
"Mommy..." Naiyak na rin si Trini. "Mommy, please stop crying."
"I will give everything I have left for you to be spared from this curse, Trinity Anne. Kahit pa mamatay na ako bukas, basta mailigtas lang kita rito."
"Mommy, wala akong naiintindihan sa mga sinasabi ninyo..." Patuloy na rin sa pag-iyak si Trini. Natatakot sa biglang outburst ng ina.
Iyon ang napasukan ni Antony. Nag-aalala itong lumapit sa mag-ina.
"What's going on? May masakit ba sa 'yo?" anito sa asawa.
Humiwalay si Lanie sa anak at tiningala ang asawa. Nasa mukha na rin ni Antony ang labis na pag-aalala. "Daddy, I'm scared... Not for my life but for Trinity's. Ano ba ang dapat kong gawin para iligtas ang anak ko sa ganitong kapalaran?"
Hindi alam ni Antony ang isasagot, kaya napayakap na lang ito sa luhaang asawa.
Si Trinity na patuloy rin sa pagluha ay napatitig na lang sa magkayakap na magulang. At mula sa araw na iyon... at tumatak na sa isip ng dalaga ang tagpong iyon.
At tunay na nakamamangha ang kapalaran, dahil anim na taon makalipas ang araw na iyon sa private unit ng ospital, Mr. Valencia—Trini's father—died of heart attack. Isang umaga ay hindi na ito nagising. Napabayaan nito ang sarili sa pag-aasikaso sa mag-ina at hindi na nag-abalang magpatingin sa doktor matapos ang ilang beses na nakaramdam ito ng sintomas.
Mrs. Valencia, on the other hand—with the help of consistent treatments and mercy from God—was able to live for 9 more years. Nagawa nitong saksihan—sa kabila ng karamdaman—ang pag-tuntong ng anak sa ika-labinwalong taon, at ang pagtatapos ng anak sa kolehiyo.
Trini was twenty-two when Mrs. Valencia succumb to cancer.
At simula niyon—tulad ng ipinangako ng dalaga sa ina—ay pinanatili nito ang sarili sa buhay ni Gene. Sinundan nito ang kaibigan saan man ito magpunta. They became inseperable.
Until... the same fate haunted Trini.
She was not spared at all. Pagdadaanan din niya ang pinagdaanan ng mommy niya.
Ang lamang lang niya sa mommy niya ay hindi niya ipatatanggal ang kailangang tanggalin upang pigilan ang pagkalat ng cancer sa katawan niya; she had accepted her fate and was ready to die anytime. Wala naman siyang maiiwan kaya bakit pa niya patatagalin ang pagdurusa niya?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top