CHAPTER 102 - Letting Her Walk Away



SAPO ANG ULO NG MAGKABILANG MGA KAMAY, naupo si Gene sa kamang in-okupa niya sa loob ng ilang araw sa beach house ng mag-asawang Phillian at Calley.

Ilang araw nang nananakit ang ulo niya sa kakulangan sa tulog at kain. He was restless, he lack of sleep and energy. Sinusubukan niyang matulog at magpahinga, pero sa tuwing nasa isang tahimik siyang lugar, mag-isa, at madilim, ay kaagad na gumagapang sa isip niya ang mga alaalang magkasama pa sila ni Trini.

She invaded his senses-- and he didn't know how to manage it yet.

Sa unang linggo simula nang dumating siya roon sa beach house ay wala siyang ginawa kung hindi mag-kulong. Si Nelly ay dinadalhan siya ng pagkain sa guest room na okupado niya, pero kainin-dili niya ang mga iyon. Phillian would always check on him, too. Pero wala itong sinabi na pinakinggan niya.

Then, in the second week, Phillian allowed Theor to enter his room. At doon siya napilitang lumabas ng silid na okupado niya nang yayain siya ng pamangking maglaro sa labas. It was then that he finally saw sunlight again. It was then when he reliazed how beautiful the ocean was. Kahit papaano ay nagkaroon ng kulay ang mundo niya. Kahit papaano ay nawaglit sa isip niya si Trinity.

Sa ikatlong linggo ay nag-umpisa naman siyang sumama sa laot. Kahit na hindi niya gaanong nakakausap ang mga tauhan ni Phill na nakakasama niya roon ay ramdam niya ang suporta ng mga ito. At laking tulong ng pagsama niya sa laot dahil hindi niya naiisip si Trini; sa tuwing uuwi siya sa beach house ay pagod na ang katawan niya. He would just drop his body in bed and doze off. Hindi na nagkaroon pa ng pagkakataon ang mga alaala ni Trinity na guluhin ang araw at gabi niya.

At nang sa tingin niya'y may sapat na siyang lakas ng loob upang bumalik sa reyalidad ay binuksan niya ang linya ng komunikasyon niya. At doon niya natanggap ang balitang nagsasama na si Trini at Jerome-- at na iiwan ni Trini ang facility sa kaniya.

Damn her.

Damn the facility.

He turned his phone off again and continued his life on the beach. Wala pa siyang balak bumalik sa Ramirez. Maraming naghihintay sa pag-uwi niya-- lalo na ang mga kliyente niya-- pero wala pa siyang interes na atupagin ang trabaho. He wouldn't be able to focus on his work, anyway. Kaya mabuting hindi na muna siya bumalik.

Sa kabila ng nalaman ay hindi pa rin niya magawang magalit kay Trini. He was hurt and he felt betrayed for how their relationship had turned into, but never did he despise her for it.

And damn, he still loved her.

So much it was breaking his heart to pieces.

At noong akala niya'y unti-unti na niyang natatanggap ang reyalidad, ay saka naman magdadala ng masamang balita sa kaniya ang ina.

"Damn it..." aniya habang sapo pa rin ang ulo. Hindi niya sinasadyang pagtaasan ng boses ang ina at pagsalitaan ng ganoon.

Sh*t, he felt sorry he acted that way. Kahit kailan ay hindi sila nagsalita nang ganoon sa ina nila.

Damn it; kailangan niyang humingi ng dispensa sa ina.

Sa naisip ay tuwid siyang naupo at hinanap ng tingin ang cellphone. Malinis ang silid niya dahil kaagad na sinusunod ng ayos ni Nelly. Ang mga gamit na naalala niyang pinagtatatapon niya noong nakaraang mga gabi ay nakita niyang nakasalansan na nang maayos sa ibabaw ng accent table malapit sa pinto ng banyo. Doon niya nakita ang cellphone. Tumayo siya at hinablot iyon.

He opened his phone and waited for the information to load. Tulad ng inasahan niya ay bumaha na naman ang mga messages. Messages na noon pa niya nakita nang una niyang buksan ang cellphone makalipas ang ilang araw. Kasama sa mga nagpadala sa kaniya ng mensahe ay ang mga kliyente niya, sina Lee, Leonne, Capri, at Aris, ang ina niya... at isa sa mga ka-klase niya sa kolehiyo na matagal na niyang hindi nakakausap. Isa ito sa mga naging malapit niyang kaibigan noong kolehiyo-- at lagi niyang kasama sa tuwing hindi bakante si Trini. The guy was a shop owner in Asteria, at madalas niyang daanan sa tuwing umuuwi siya roon.

"Why did I get a message from him?" Buong pagtatakang binuksan niya ang mensaheng iyon. It was an online message sent just yesterday. And the message said,

I didn't know your best friend Trinity Anne and Jerome Sison are lovers?

May kalakip na larawan ang online message na iyon. Larawan kung saan nakahawak si Trini sa braso ni Jerome habang naglalakad ang mga ito papasok sa isang gusali sa bayan.

Muli siyang nakaramdam ng panibugho nang makita ang mga ito. He felt terrible. At naramdaman na lamang niyang humihigpit na ang pagkakahawak niya sa cellphone.

Pumikit siya. Huminga nang malalim, saka muling nagmulat.

Naglakad siya pabalik sa kama at naupo roon. Ipinatong niya ang mga braso sa magkabilang binti saka yumuko, kimkim pa rin sa isang kamay ang cellphone.

He breathed in and out. He needed to calm down.

Nang sa tingin niya ay huminahon na siya, ay muli niyang itinaas inangat ang binuksan ang screen. And before he could stop himself, he began dialling Trini's number.

Matagal siyang naghintay na kumonekta ang tawag-- tuluy-tuloy lang na nagri-ring ang nasa kabilang linya.

Hanggang sa tumigil ang ring at napalitan ng busy tone.

Trini canceled his call.

F*ck.

Muli niyang sinubukan.

There was something he needed to settle with her once and for all.

Muli ay ring lang nang ring ang nasa kabilang linya hanggang sa muling kinansela ni Trini ang tawag niya.

He mumbled a curse and straightened his back. Hindi niya titigilan si Trini hanggang sa sagutin nito ang tawag niya.

He tried again.

And again.

On the fifth try, their lines connected.

And it was Jerome who answered his call.

"Hindi mo ba titigilan si Trini, Gene?"

Jerome answering his call on Trini's phone confirmed that they were really living together.

"Can I speak to her?" Wala siyang pakialam kung masira ang cellphone niya sa higpit nang pagkakahawak niya roon.

"No."

"Don't make me hate you more, Jerome Sison."

"She didn't want to speak to you."

Naramdaman niya ang unti-unting pagbagsak muli ng mga balikat niya. Muli ay hinagod niya patalikod ang buhok na tumatabing na sa kaniyang mga mata. "Tell her that this is going to be my last communication with her."

Matagal na natahimik si Jerome bago niya narinig ang pagbuntonghininga nito. Makalipas ang ilan pang sandali ay tinig na ni Trini ang narinig niya.

"What is it this time, Gene?" Ang lamig sa laot tuwing madaling araw ay hindi maiko-kompara sa lamig ng tinig ni Trini nang magsalita ito.

"Bakit kailangang pati sa Asteria ay maghasik kayo ng lagim?"

"Ano'ng lagim ang pinagsasasabi mo; nababaliw ka na ba?" he could imagine her frowning in annoyance. "Kailangan bang itago ko sa madla ang relasyon ko kay Jerome? Kailangan bang sa condo na lang namin gugugulin ang buong maghapon at gabi? His family still lives in Asteria-- at kung si Jerome ang lalaking pakakasalan ko, hindi ba dapat ay makilala ko rin ang pamilya niya? And why the heck am I explaining things to you? Diyos ko naman, Genesis, kailan mo ba ako titigilan?"

Sana ay binaril na lang siya nang sunud-sunod ni Trini para natumba na siya kaagad.

She didn't have to be this nasty...

"Akala ko pa naman ay naka-usad ka na dahil hindi ka na nagparamdam sa loob ng tatlong linggo," sabi pa nito sa kabilang linya. "Tapos heto at mangungulit ka na naman. Can't you just move on with your life and be happy for me? Hayaan mo akong sumaya sa taong hindi lang ako mahal kung hindi handa rin akong pakasalan at pag-alayan ng lahat-lahat--"

"Hindi ba't inalay ko rin sa 'yo ang lahat-lahat, Trinity?" puno ng hinanakit na sabi niya.

"Well, maliban sa pangalan mo?" sarkastikong balik nito.

"I offered you marriage--"

"When I was already done with you." Then, Trini let out an exasperating sigh and said, "I expect this to be your last communication with me, Gene, tulad na rin ng sinabi mo. I am happy with Jerome now, at sana ay matanggap mo nang wala na ako sa buhay mo."

Matagal na namayani ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Sa loob ng ilang segundo ay hinayaan niyang rumehistro sa isip ang lahat ng mga sinabi ni Trini. He wanted her hurtful words to somehow reduce the love he still had for her. Gusto niyang tadtarin ng masasakit nitong mga salita ang durog-durog na niyang puso.

And somehow... they did.

"Don't worry, Trin..." he said those words so quietly, na halos ibinulong lang niya sa hangin. "I promise this is going to be my last attempt to speak to you. Because I've worn myself down, I'm so exhausted."

Si Trini sa kabilang linya ay nanatiling tahimik. Na kung hindi niya naririnig ang banayad na tunog ng AC system ay aakalain niyang naputol na ang koneksyon.

At dahil nanatiling tahimik si Trini ay nagpatuloy siya,

"This is my surrender, Trin. You've won; I am finally ready to let you walk away." He paused to take a deep, calming breath.

At sandali pa siyang nagtaka nang matapos niyang sabihin ang mga salitang iyon ay bahagyang gumaan ang pakiramdam niya.

Hindi niya maintindihan kung bakit, pero ang pag-tanggap niya sa katotohanang ito ay naghatid ng kung anong kapayapaan sa dibdib niya. Nakaramdam siya ng kaginhawaan nang tanggapin niya ang pagkatalo niya sa labang ito.

Wala sa loob na napahawak siya sa dibdib. Ang kaninang bilis na pagtibok ng kaniyang puso ay unti-unting naglaho.

Then... his chest lightened, and his breathing relaxed.

He was... at peace.

And before he knew it, his lips slowly curled into a soft smile. A smile full of acceptance and peace.

And with a voice full of determination, he said, "The next time you see me, I won't be in love with you. I won't fight for you anymore, and I won't chase after you. Because by that time, I know... that I have already moved on from you."

At mula sa kabilang linya ay narinig niya ang paghugot ni Trini nang malalim na paghinga.

Muli ay namayani ang katahimik sa pagitan nilang dalawa. Dahan-dahan siyang tumayo saka humakbang patungo sa bintana ng kaniyang silid. Inilihis niya ang makapal na kurtina, at doon ay sinalubong siya ng liwanag mula sa papalubog nang haring araw.

A smile formed on his lips again.

The sun was setting down, and so was this heavy feeling in his chest.

Finally.

He realized that all along, what he just needed was to accept his defeat.

"I wish you a happy life with Jerome, Trin. And I hope he would love you more than I ever did. This is... goodbye, Trinity Anne. And for the last time, I wanted you to know... that I would never love someone the way I loved you."

And without another word, he put down his phone and ended the call.

Sa mahabang sandali matapos niyang putulin ang linya ay nanatili lang siyang nakatanaw sa papalubog na araw na nagkalat ng kulay kahel na liwanag sa langit at rumereplika sa dagat.

The scenery was so serene... so beautiful... and so magical. And for some reason, it gave his heart security and tranquility like no other.

Ilang sandali pa'y muli niyang niyuko ang cellphone saka iyong binuksan. He dialled another number and waited for someone on the other line to pick up the phone.

Makalipas ang ilang ring ay...

"Acky?" his mother answered.

"Ma," he started. "I'm deeply sorry..."

Si Felicia sa kabilang linya ay napaluha at hindi na sumagot pa. 


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top