CHAPTER 101 - This Heart-Wrenching Reality







DALAWANG LINGGO ANG MATULING LUMIPAS. At walang ibang ginawa si Trini kung hindi i-lugmok ang sarili sa kalungkutan. Sa unang linggo ay nagkulong lang ito sa condo unit ni Jerome Sison. She and her cats stayed in the guest room of Jerome's three-bedroom unit. Pinatay niya ang cellphone sa unang buong linggong iyon upang umiwas sa lahat.

Sa ikalawang linggo ay nagpasiya na siyang buksan ang komunikasyon, at doon ay nakatanggap siya ng tawag mula sa abogado niya. Nalaman niya mula rito na isang linggo na ring wala si Gene sa Ramirez, at tulad niya'y hindi rin ma-contact ang numero nito. Ibig sabihin, sa unang linggo ay walang nagpapalakad sa Trinity's Place.

Well, she had no one to blame; she just left without a word, and she knew it was so unprofessional of her to do. Ang dalawang staff niya sa facility ay pawang mga breadwinners; kung mapapabayaan ang Trinity's Place ay mawawalan ng trabaho ang mga ito.

God, she had many things to worry about, but she just couldn't turn her back of her staff. Kaya naman sa ikalawang linggo ay napilitan na siyang lumabas sa lunggang pinagtataguan at pumasok sa facility upang asikasuhin ang naiwan—at maiiwang negosyo.

Araw-araw siyang hatid-sundo ni Jerome sa ikalawang linggong iyon, at bagamn hindi nagtatanong ay alam niyang nagtataka na ang mga staff niya sa kung ano ang relasyon mayroon sila ni Jerome Sison, at kung bakit hindi na si Gene ang naghahatid-sundo sa kaniya.

And to make her life even more dramatic, she started lying to her employees. Sinabi niya sa dalawang staff niya sa facility na nagsasama na sila ng bago niyang kasintahan—si Jerome Sison. Ipinaliwanag niya rin sa mga ito na hindi naging maganda ang paghihiwalay nila ni Gene dahil kasalanan niyang nagkagusto siya sa ibang lalaki. Of course, kahit man lang doon ay makabawi siya kay Gene. Kailangan niyang palabasing siya ang masama at siya ang marumi. Gene would take over the business when she's gone, so she had to protect his credibility and honor.

Araw-araw rin siya halos tumatawag sa opisina ni Dra. Hernandez upang itanong kung dumating na ang resulta ng blood test, at nagsabi ang staff na nakakausap niyang tatawagan na lang siya kapag naroon na.

She couldn't wait for her results to come in – gusto na niyang malaman kung ano ang magiging kapalaran niya sa susunod na mga buwan, at kung hanggang saan lang ang buhay niya. Kapag na-kompirma nang minana niya ang sakit ng maternal family niya ay sasailalim na siya sa mga treatments. Well—wala siyang paki. Hindi siya susulpot sa mga treatments na iyon dahil handa na siyang mamatay. Bakit pa siya magpapagod sa mga treatments na 'yon, eh alam din naman niyang wala ring silbi?

Wala sa pamilya ng mommy niya ang nakaligtas; late o early stage man na na-diagnose ang mga ito. The cancer cells flowing through her maternal family's blood were deadly. Kumbaga, de kalidad na cancer.

Pucha, alam niyang walang ganoon. Pero minsan ay gusto na lang niyang sumigaw sa labis na galit at panlulumo.

When she fell in love with Gene, she thought life was always happy with rainbows and sunshines and butterflies around them. Iyon lagi ang pakiramdam niya kapag kasama niya si Gene. Hindi perpekto ang relasyon nila, may mga pagkakataong nagtatalo sila sa mga simpleng bagay, but she enjoyed every moment that they shared. She thought her happiness with him was neverending.

Boy, was she so wrong...

At nitong nakalipas na mga araw ay naging abala si Jerome hindi lang sa trabaho at negosyo nito kung hindi pati na rin sa paghahanap ng malilipatan niya. Kapag nahanap na ni Jerome ang bahay na titirhan niya sa susunod na mga buwan at taon ay tuluyan na niyang lilisanin ang Ramirez.

At lingid sa kaalaman ni Jerome, ay inaabuso niya ang sarili sa loob ng guest room. She had been drinking wine since the day she got into his house. Hindi iyon alam ni Jerome, at wala siyang balak ipaalam dahil siguradong pipigilan siya nito sa gusto niyang gawin sa buhay niya. Lihim siyang nagpapasalamat dahil sa labis na pagkaabala nito'y hindi na nito nagagawang silipin ang basurahan sa kusina kung saan doon niya tinatapon ang mga bote ng wine na nauubos niya.

Yes, she had been drinking nonstop in her room until she passed out. Itatago lang niya ang bote ng wine sa ilalim ng kama niya, at kapag lumalabas si Jerome para pumasok sa opisina nito ay saka siya lalabas upang itapon ang mga iyon sa basura.

And that guy... tsk.

Jerome was a husband material; swerte ang babaeng pakakasalan nito.

Syempre, hindi siya.

Hindi pwedeng siya.

Inaasikaso siya nito na tila reyna; pinagsisilbihan, inuunawa kapag wala siya sa mood. Doon niya napagtantong talagang gusto siya ni Jerome, at kung hindi siguro siya nahulog sa matalik niyang kaibigan at dumating si Jerome sa buhay niya, she would have fallen in love with the man. Like, instantly.

Would she, though? Noong si Dee ang nanligaw sa kaniya ay muntik din siyang nahulog doon. Ang kaso... iba talaga ang gusto ng puso niya.

Sa ikatlong linggo simula nang umalis siya sa bahay niya ay nakatanggap siya ng tawag mula kay Dra. Hernandez. The results came in and she needed to travel back to Asteria. Muli ay sinamahan siya ni Jerome—at muli ay abala ang clinic ng doktora nang dumating sila kaya halos isang oras na naman siyang naghintay sa waiting area bago makaharap ang doktora.

Pakiramdam niya ay iyon na ang pinakamahabang isang oras ng buhay niya. At nang siya na ang sunod na tinawag ay halos hindi siya bumitiw kay Jerome na matiyaga ring naghintay kasama niya. Her arms curled around his when they walked into Dra. Hernandez' office. Pagpasok sa loob ay nakatayong naghihintay ang doktora sa likod ng mesa nito; her face was unreadable.

"Siya po si... Jerome Sison," pakilala niya sa kasama nang makapasok.

Tumango ang doktora at ina-abot ang kamay kay Jerome. Doon pa lang may sumilay na ngiti sa mga labi nito. "Ikinagagalak kitang makilala. Sinabi ni Trini sa akin noong nakaraan na pinatuloy mo siya sa bahay mo habang naghahanap pa siya ng malilipatan. She's lucky to have someone like you by her side."

"No, Doctora. I am lucky to have her by my side— I feel so complete."

Sa sinabi ni Jerome ay nawala ang ngiti sa mga labi ni Dra. Hernandez. Ilang sandali pa ay napalitan ng lungkot at pag-aalala ang emosyong nasa anyo nito bago nagbawi ng tingin at binalingan siya.

"Let's check the result, shall we?"

Tumango siya saka naupo sa upuang nasa harap ng mesa. Ganoon din ang ginawa ni Jerome saka mariing ginagap ang kamay niya.

Pigil-pigil niya ang paghinga habang pinagmamadan si Dra. Hernandez na maingat na binuksan ang naka-selyado pang white envelope. Banayad din nitong hinugot ang papel na nasa loob niyon saka binuksan. Pakiramdam niya'y kay bagal ng ikot ng oras sa mga sandaling iyon habang sinusundan niya ng tingin ang doktora. And she realized that she was holding her breath, too.

Ilang sandali pa ay inumpisahan nang basahin ni Dra. Hernandez ang papel; at sa mukha nito siya nakatitig, nagbabaka-sakaling makita niya roon ang resulta ng laboratory test niya.

But the doctor's face remained unreadable.

Until...

Dra. Hernandez let out a deep, long, devastated sigh before placing the paper back on her table. Then, the doctor glanced at her with an anxious expression on her face.

Doon tuluyong gumuho ang mundo niya.

"Let's discuss how you wish to proceed with your treatments, hija." Muli itong nagpakawala nang malalim na paghinga. "The results are positive, as expected."

*

*

*

           "SASAMA NA NAMAN BA SI ACKY SA LAOT?" nag-aalalang tanong ni Calley nang makita ang pagbaba ni Gene sa batong-daan sa gilid ng beach house na magdadala rito sa baybayin.

           Si Phillian na sinusundan ng tingin ang anak habang hinahabol ang tatlong buwang tuta na ibinigay rito ni Mang Boy ay binalingan ang asawa matapos marinig ang tanong nito.

           "Bumaba na naman ba siya sa baybayin?" ani Phillian bago tinapunan ng tingin ang batong-hagdan.

           "Yes, just now. At wala pang isang oras simula nang umuwi iyon mula sa magdamagan ding pagsama sa laot." Hinarap ni Calley ang asawa, nasa anyo ang pag-aalala. "Phill, he hasn't eaten anything yet since the other. Babagsak ang katawan niya kung magpapatuloy siya sa ganito. Didn't you notice? Acky has already lost weight."

           Bumuntong-hiniga si Phillian saka ibinalik ang pansin sa anak na tumili nang ito naman ang habulin ng alagang tuta. "I will talk to him again, don't worry."

           "Pero araw-araw mo na lang siyang kinakausap at wala pa ring nangyayari. He's showing signs of depression, Phill. He needs help."

           "I know, honey. But at this point, alam mong walang ibang pakikinggan si Acky. Buti nga ngayon ay lumalabas na ng kwarto, eh. Nakalimutan mo na bang halos dalawang linggo din niyang ikinulong ang sarili niya sa guest room? He did nothing but sleep and sulk."

           "At ngayon ay pinapagod naman niya ang kaniyang sarili sa pagpalaot at pagpupuyat." Calley wrapped her hands around her body; malamig ang simoy ng hanging-dagat sa garden area ng beach house dahil nakatapat sa malawak na dagat. "I gave him food suppliments the other day, pero kaninang umaga ay nakita ni Nelly ang mga 'yon sa basurahan. I am getting so worried about Acky, Phill. Please. Sabihin na natin kay Ma ang nangyayari—or better yet, hayaan mo akong kausapin si Trini at kombinsihin siyang—"

           "I know you're worried and I appreciate your concern for my brother's well-being, Calley, but at this point, we can do nothing but just support Acky and be there by his side. Besides, hindi ako sigurado kung pakikinggan ka ni Trini kapag sinubukan mo siyang kausapin. Ilang beses na rin siyang sinuyo ni Acky pero walang nangyari. Plus... she found someone else."

           "But isn't it odd, honey?" Hindi na maalis ang pag-aalala sa mukha ni Calley. "They were so perfect together, so in love. Trini's eyes sparkled whenever she looked at Acky. Malalaman mong tunay at wagas ang damdamin niya. She has this kind of love that doesn't compare to anything, Phill. The kind of love that was groomed over the test of time. Iyong tipong kahit anong sakuna, kahit anong bagyo o dalubyo ay hindi matitibag. That kind of love wouldn't just fade away, Phillian. Hindi ako naniniwalang nawalan na lang ng pagmamahal si Trini kay Gene isang araw. I'm sure there something's bothering her. Something's happening na hindi niya sinasabi kahit kanino..."

           "You know what?" Hinarap ni Phill ang asawa. "You have a point. They have been together for so long—halos iisa na lang ang bituka nila. Walang Gene kung walang Trini, at walang Trini kung walang Gene. They were like pieces of a puzzle." Ngumiti si Phill, nilapitan ang asawa at dinampian ng halik sa pisngi. "You're right. I think we should do something. Let's try and speak to Trini and see if—"

           "Don't bother."

           Sabay na napalingon ang dalawa kay Gene nang marinig ang tinig nito. Nasa landing ito ng batong-hagdan na daanan patungong baybayin. Mula roon hanggang sa kinatatayuan ng dalawa ay limang metro lang ang layo, at narinig lahat ni Gene ang huling mga sinabi ni Phill.

           Si Phillian ay napatitig sa kapatid. Gene was looking like someone he didn't recognize. Ang buhok nito'y halos umabot na sa balikat, ang mga mata'y nanlalalim sa kakulangan ng tulog, ang mukha'y bahagyang lumubog dahil sa ilang araw na hindi pagkain, ang balat ay namumula dahil sa ilang araw na ring pagbilad sa ilalaim ng haring araw.

           Phillian could only let out a deep, sympathetic sigh.

           "Hindi ni'yo obligasyong gawin iyon sa amin ni Trini. Let her be happy with her life and with... that guy." Umiwas ng tingin si Gene at itinuloy ang paghakbang patungo kay Theo na ngayon ay inabutan na ang alagang tuta at nilalaru-laro. Nakita ng dalawa ang pilit na ngiting binitiwan ni Gene bago lumapit sa pamangkin.

           Nagkatinginan ang mag-asawa. Si Calley ay puno ng pag-aalala, si Phillian naman ay nagtataka.

           This wasn't how Gene would act whenever he heard Trinity's name these past few days. Sa tuwing naririnig o nababanggit ang pangalan ni Trini ay lagi itong napapatiim-bagang o ang anyo'y magdidilim. Ngayon ay tila...

           "Acky," Phill called, glancing at his brother. "You okay?"

           Si Gene na hindi lumingon. Yumuko ito kay Theo saka masuyong hinaplos ang pamangkin sa ulo. And while Gene was doing that, he said, "Araw-araw mo na lang itinatanong sa akin 'yan. Wala ka na bang ibang alam na tanong, Free Phillian?"

           "No, I mean... There's something different about you today—"

           "Ah, yes." Tumayo si Gene at sinundan ng tingin si Theo na humabol sa tumakbong alaga. Muling nag-habulan ang mga ito kaya binalingan ni Gene ang nakatatandang kapatid. He pushed his hands into his pockets, took a deep breath, before answering, "For the first time in three weeks, I opened my line of communication, and the first few people who reached out to me was Anne; she's one of Trini's staff at the facility, and Attorney Buencamino, Trini's lawyer. At alam mo ba kung anong mga balita ang natanggap ko mula sa kanila, Free?'

           Humugot muna nang malalim na paghinga si Phill bago sumagot, "Tell me."

           "Anna reported that Trinity has moved in with Jerome Sison almost three weeks ago. We were never close, but she said she didn't approve of what Trinity had done to our relationship, kaya nagsumbong siya sa akin. And then, the lawyer's message says Trini had prepared some documents for the ownership of the facility to be transferred to me. Trini refused to manage the business anymore because Jerome didn't want her to have any connections with me whatsoever. That Jerome Sison was going to support her financially." Gene smirked bitterly, ang tingin ay natuon sa malayo. "She found herself a rich man, good for her."

           "You know Trini isn't that kind of woman who—"

           "I know she isn't that kind of woman, Free, but I have to admit that she's changed. And I don't know her anymore. She isn't... my Trinity Anne anymore."

Ibinalik ni Phill ang pansin kay Theo na pumasok na sa loob ng bahay upang sundan ang tuta. Si Calley ay nagpaumanhin at sinundan ang anak. Nang maiwan silang dalawa ay saka muling nagsalita si Phillian.

"How do you feel now about the situation, Acky?"

           "Honestly?" Gene took a deep, calming breath before adding. "Sa bawat umaga, pag-gising ko, ay tinatanong ko ang langit kung bakit pa ako nananatiling buhay sa kabila ng ilang beses ko nang ini-suko ang buhay at pag-asa ko. Pagod na pagod na ako, Phill. It's been three weeks, but the pain of losing her is still so immense I wondered how I was still able to breathe and keep on living. So, to answer your question..." He paused to release a frustrating sigh before adding, "Having her in my heart but not in my life is the heart-wrenching reality I have to endure everyday. And it's hellish, Free."

Sandaling natahimik si Phillian sa narinig. He knew how Gene felt at this moment. He had been there. Ang pinagkaiba lang nilang dalawa ay... noon, pumaibabaw ang galit sa kaniya kaysa ang lungkot nang akala niya'y nawala na nang tuluyan sa kaniya si Calley.

Gene's situation was different. Gene loved her so much he just couldn't hate her. At kahit ano pa siguro ang gawing pagkakamali ni Trini ay hindi magagalit si Gene.

Kaya hindi alam ni Phillian kung papaano nito matutulungan ang kapatid.

"Sasama ulit ako sa laot," pukaw ni Gene makaraan ang ilang sandali. Muli itong humarap sa kapatid. "Pupunta na sana ako roon ngayon, kaya lang ay nakalimutan kong dalhin ang jacket na ipinangako kong ibibigay kay Ambong."

"At least eat something before you go-- nag-aalala si Calley para sa 'yo."

"Yeah," walang kagana-ganang sagot ni Gene bago tumalikod. "Sure."

At alam ni Phill na labas sa ilong ang sinabing iyon ni Gene, kaya muli na naman sanang mangangaral ang isa kung hindi lang tumunog ang cellphone nito.

Dinukot ni Phillian ang cellphone mula sa bulsa ng suot na Khaki shorts, at nang makita ang pangalan ng ina sa screen ay kinunutan ito ng noo. He pressed the answer button and put the call in speaker mode.

"Philly," anang inang si Felicia.

Nang marinig ang tinig ng ina ay nahinto sa paghakbang si Gene.

"Ma," sagot ni Phillian saka sinulyapan ang kapatid na nanatiling nakatalikod.

"Where is Acky?"

"Why?"

Si Gene ay bahagyang lumingon nang marinig ang pangalan mula sa ina.

"Hindi pa rin ba siya handang makipag-usap sa kahit kanino? It's been three weeks, and I need to speak to him!"

Maliban sa pag-aalala ay naroon ang panic sa tinig ng ina. Tuluyan nang humarap si Gene, humakbang palapit sa kapatid, at walang ibang salitang kinuha mula kay Phillian ang cellphone.

"Ma, it's me."

"Acky! Oh, God, how are you?"

"Alam mong narito ako kina Free?" Gene gave his older brother a warning look. Si Phillian ay nagkibit-balikat lang.

Binilinan ni Gene ang kapatid na h'wag ipagsabi ang pinagdadaanan, lalo na sa ina.

"Of course-- Ilang araw kong sinubukang makausap ka pero laging nakapatay ang cellphone mo. Then, I asked your brothers about you, at si Phillian lang ang may alam ng kinaroroonan mo. What happened between you and Trinity, anak?"

Gene narrowed his eyes in suspicion as he glanced at Phill once again. Si Phill naman ay itinaas ang dalawang mga palad sa ere upang sabihing wala itong sinasabi sa ina.

"Acky, tell me, please. What happened?" Nasa tinig ng ina ang pag-aalala.

"It's nothing, Ma. H'wag mo kaming alalahanin--"

"Paanong hindi ako mag-aalala, eh nakita ko si Trini rito sa Asteria kani-kanina lang, at may kasamang ibang lalaki!"

Lihim na napa-mura si Phillian, habang si Gene naman ay naisapo ang isang kamay sa noo.

Distress was all over his face.

"And you know what happened next?" Felicia continued on the other line. "I approached her-- tried to speak to her-- pero ipinagtabuyan niya ako at sinabing hayaan ko na siyang lumigaya kasama ang lalaking kasama niya. Oh God, anak. Alam kong noong huling dalaw ko sa inyo ay may pinagdadaanan kayo sa relasyon ninyo, but I didn't know it was that serious."

Muling hinagod ni Gene patalikod ang humahaba nang buhok. "Did you call to just report this, Ma?"

Hindi napigilan ni Gene na gamitan ng ganoong tono ang ina-- pero pagod na ito sa lahat.

Si Phillian ay gustong sawayin ang kapatid at sabihin ditong nag-aalala lang ang ina nila, pero alam din ni Phill na sa mga sandaling iyon ay walang kontrol si Gene sa emosyong nangingibabaw rito. Kaya pinanatiling kalmado ni Phill ang sarili at in-intindi ang kapatid.

Hanggang sa muling nagsalita si Felicia-- na parehong ikina-tigil ng dalawa.

"Kilala ko ang lalaking kasama niya, anak. He is Jerome Sison-- one of the youngest businessmen in town. Galing sa hirap ang pamilya nila, at kilala ng ama ninyo noon ang mga magulang niya. He's a nice kid, at ilang beses ko na siyang nakikita sa mga charity projects dito sa Asteria. At kung hindi ako nagkakamali... siya iyong lalaking pinagbantaan ninyo noong nag-aaral pa lang kayo. He was... Trinity's first love, tama ba?"

Pigik na natawa si Gene-- puno ng panibugho. "First love, my ass. I was Trinity's first and only true love, mother. At ang Jerome Sison na iyon ay ginagamit lang ni Trini para saktan ako sa hindi ko maipaliwanag na dahilan--"

"Hindi iyon ang nakita ko kanina," putol ni Felicia sa delusyon ng anak. "Trini was hugging him, and she couldn't take her hands off him. He seemed to be in love with her, too. At kung hindi pa ako lumapit ay baka hindi sila naghiwalay--"

"Stop giving me these reports, Ma! Ano ba ang gusto ninyong mangyari? Bakit kailangang i-detalye pa ninyo ang nakita ninyo kanina? What the f*ck do you want me to feel? Lugmok na lugmok na ako-- kulang pa ba ang paghihirap ko para sa inyo?!"

Natigilan si Felicia sa kabilang linya, at ganoon din si Phillian na hindi kaagad naka-apuhap ng sasabihin.

"If you cared about me, you should have just kept quiet!"

Hindi na nabigyan ng pagkakataon si Felicia na sagutin ang sinabi ng anak dahil kaagad nang ibinaba ni Gene ang telepono at pinatayan ang ina. Then, Gene tossed the phone to Phillian who was still shocked, then turned his back and walked away.

Si Phillian ay natulala lang sa pagkamangha.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top