CHAPTER 100 - Hopes, Expectations, and Preventions







"TRINI, ARE YOU READY TO GO?"

Inalis ni Trini ang tingin sa bahay ni Gene at ibinaling kay Jerome na nakatayo na sa tabi ng kotse nito. He was patiently waiting for her after loading her three large luggages into his trunk. Nasa back seat na rin ang dalawang malalaking pet carriers kung saan nakasilid ang mga pusa niya. The house had been locked, and so was the gate. Everything was all set. Siya na lang ang hinihintay, at ilang minuto na siyang naka-tayo sa harap ng bahay niya habang nakatanaw sa katapat na bahay.

Alam niyang walang tao sa kabilang bahay sa mga sandaling iyon. Nag-e-empake sila ni Jerome sa silid niya sa itaas nang marinig niya mula sa nakabukas na bintana ang pagdating ng kotse ni Phillian. Sumilip siya mula sa siwang ng kurtina at nakita niya ang paglabas ni Gene bitbit ang traveling bag nito at ang pagsakay nito sa kotse ni Phill.

            Nauna itong umalis. Na ikinalungkot niya nang labis pero lihim din niyang ipinagpasalamat. Mabuti na ring wala ito roon sa pag-alis niya, dahil baka muli itong lumabas at harangan siya. Muling mangulit hanggang sa hindi na niya ito matiis pa.

            Mabuti na ring wala si Gene roon para magkaroon siya ng pagkakataong tanawin ang bahay nito—na naging bahay na rin niya sa loob ng sampung taon simula nang lumipat sila roon sa Ramirez—bago siya tuluyang umalis at magpakalayo-layo.

            "Are you ready to go?" ulit ni Jerome.

            Tumango siya saka bagsak ang mga balikat na humakbang patungo sa passenger's side. Umikot din doon si Jerome at pinagbuksan siya ng pinto. Umusal siya ng pasasalamat bago sumampa.

            Nasa daan na sila palabas ng subdivision nang magsalitang muli si Jerome. "Alam mo ba kung saan patungo si Gene?"

            Humugot muna siya nang malalim na paghinga bago sumagot, "I'm not sure, pero baka sumama siya kay Kuys Phill papuntang Contreras. Hindi uuwi si Gene sa Asteria sa ganitong sitwasyon, he didn't want Tita Feli to worry."

            Tumango si Jerome at hindi na sumagot pa.

            Siya naman ay ibinaling na ang tingin sa labas ng bintana at hinayaan ang isip na maglakbay sa masasayang araw na magkasama sila ni Gene. The memories she had with him were the only thing that kept her standing. Alam niyang magiging mahirap sa kaniya ang susunod na mga buwan— o taon. Pero unti-unti na niyang sinasanay ang sarili niyang hindi na kasama si Gene sa sistema. Unti-unti na niyang tinanggap ang kapalaran niya. She couldn't run away from it. Kung hindi iyon nagawang takasan ng buong pamilya ng mommy niya, sino siya para bigyan ng milagro ng Diyos?

            "Hindi ba at ngayong araw mo rin pupuntahan ang doktorang titingin sa 'yo sa Asteria?"

            Ibinalik niya ang pansin kay Jerome nang marinig ang tanong nito. Diretso itong naka-mata sa daan.

Nang hindi siya sumagot ay muli itong nagsalita. "Gusto mo bang pagkatapos nating marating ang condo ay ihatid na rin kita sa Asteria? I'm planning to visit my parents, anyway. So, might as well come with you."

            "Jerome..." Mangha siyang napatitig dito. "Why are you so kind to me? Kahit alam mong hindi ko matutugunan ang damdamin mo, bakit ganito ka pa rin ka-bait sa akin?"

            Nagkibit-balikat ito, ngumiti. "Maybe because you're the one that got away." Then he turned to her, and his smile widened. "And I'm not wasting the second chance I have with you."

Malalim na paghinga lang ang ini-tugon niya kay Jerome, at nang ibalik nito ang tingin sa daan ay muli naman niyang binalingan ang bintana.

The one that got away... bulong niya sa isip bago nangalumbaba at blangkong itinuon ang pansin sa labas.

Gene would probably consider me 'the one that got away'... and over time, I would just become part of his 'what ifs'.

But I've done so much to hurt him...

Would he still think of me after I'm gone?

*

*

*

            PUNO NG MGA PASYENTE ANG CLINIC NI DRA. HERNANDEZ NANG DUMATING SINA TRINI AT JEROME BANDANG ALAS TRES NG HAPON. Trin was 8th in line, at mayroon tatlo pang kasunod ang dalaga. Tatlo sa mga iyon ay mga nagdadalang-tao, dalawang matanda, at ilang mga kaedad din niyang babae na mapuputla ang mga anyo at tila may iniindang mga sakit. Not only did the patients lost the glow on their faces, they were literally looking pale and weak.

Subalit hindi ang mga mukhang may sakit ang iniiwasang tingnan ni Trini. She was doing her best not to take a single glance at the pregnant women. Kunwari'y inabala nito ang sarili sa pakikipag-usap kay Jerome tungkol sa naaalala nitong karanasan ng ina habang ini-inda ang cancer na kumalat sa katawan nito. She didn't want to speak about what happend to her mother, but she had nothing else to talk about.

            Ang dalawang assistants ng private clinic na iyon ay abala rin sa phone calls at pagsasalansaln ng mga records sa shelf na nasa likuran ng counter. It was a hectic day.

Isang oras mahigit din bago tinawag ang pangalan ni Trini, at nang pumasok ito sa private clinic ni Dra. Hernanzdez ay sumilay ang ngiti sa mga labi ng dalaga nang makita ang may edad nang doktora.

            Si Dra. Hernandez ay nakangiti ring tumayo at sinalubong siya ng yakap.

            "How are you doing, hija?"

            "I'm... okay, I guess?"

            Dra. Hernandez let out a sympathetic smile. Ini-giya siya nito sa upuan kaharap ng table nito at pinaupo siya roon. May isa pang upuan sa tapat ng patient's chair at doon naman naupo ang doktora. Ginagap nito ang kamay niya.

            "You are so brave to come to me and have yourself checked, Trini. Naalala ko ang mommy mo noon..." May dumaang lungkot sa mga mata ng doktora. "When she first came to me, sinabi niyang ilang taon muna ang pinalipas niya bago siya nagdesisyong magpatingin. She was scared to confirm her fate; she knew she had the disease, but she was just so scared to confirm it because you were still young during that time. Natatakot siyang iwan ka."

Naramdaman niya ang pagkirot ng kaniyang puso sa muling pagpapaalala sa kaniya ni Dra. Hernandez tungkol sa kaniyang ina.

"I can't imagine the pain you feel in your heart at this point, hija. Nakikita ko sa mga mata mo ang lungkot na nakita ko sa mga mata ng mommy mo noon, pero alam mo kung ano ang nakamamangha? Hindi tulad ng sa mommy mo noon, wala akong nakikitang takot sa iyong mga mata ngayon."

            She smiled bitterly. "I mean... I've got nothing to lose... kaya bakit pa ako matatakot?"

            Nagpakawala ng malalim na paghinga si Dra. Hernandez bago banayad na tumango. "Noong nakaraang tiningnan kita ay dumaan ka muna sa mga blood at imaging tests. Your blood tests returned normal, but the imaging test showed that a pelvic mass was present. Although I couldn't tell whether that mass was cancerous or not, let's just hope for the best. Maraming kababaihan sa edad mo ang nakararanas ng ganito; actually ang ilan sa mga pasyente ko kanina ay kapareho ng case mo."

So, they're dying, too? Ang ilan ba sa mga 'yon ay 'yong mga mukhang hinang-hina na kanina?

Napangiwi siya sa isip. Hindi magtatagal ay matutulad din siya sa mga iyon.

"If the pelvic mass you have at the moment is noncancerous, normally, it wouldn't require treatment. Natatanggal na lang 'to nang kusa after a couple of menstrual cycles. Pero ayaw kong pakampante, lalo at alam ko ang medical history ng pamilya ng mommy mo. I don't want to scare you, Trinity Anne, but because ovarian cancer is proven a hereditary disease, you are at a higher risk of developing it."

            Mariin siyang napalunok at tumango sa mga sinabi ng doktora. Inasahan na niya ito, inihanda na niya ang sarili. Wala na itong sasabihin na ikatatakot niya. Pero bakit kay bigat pa rin sa dibdib niyang marinig ang kapalaran niya?

            "You will need to undergo a couple more tests for us to confirm whether or not your ovary is developing cancer cells. Another blood test is needed, but this one is different. It is called the BRCA gene test which is offered to those who are likely to have an inherited mutation based on a family history of breast or ovarian cancer. In short, to people like you. Kapag nakuha na natin ang resulta at nalaman natin ang kondisyon ng ovary mo ay kailangan mo nang maghanda."

            "M-Maghanda sa mga treatments?" Pumasok sa isip niya ang gamutang pinagdaanan ng mommy niya noon.

"To various options, hija," Dra. Hernandez clarified. "If the result turned positive, you will have to undergo cancer treatment. If negative, you may want to consider having another procedure that may prevent your ovaries from developing cancer cells."

Napatuwid siya ng upo nang marinig ang huling sinabi nito. "M-May prevention?"

"Yes. It's called Salpingo-oophorectomy."

"W-What is it?" She didn't want to hope, but she couldn't help it.

"It is a procedure that removes both of your ovaries and your fallopian tubes, which will prevent you from developing ovarian cancer."

"R-Removal of my ovaries?"

"Yes, hija. This procedure will lower the risk of you developing the same illness that killed your mother. It will prolong your life—ang downside lang ay hindi ka na magkakaroon ng biological child. Iyon ay kung... negative ang result. At kung gusto mong masigurong hindi ka madapuan ng sakit ng pamilya ng mommy mo, it is the best option to consider. But it is still your discretion-- sino'ng babae ba ang ayaw magkaanak at magkaroon ng sariling pamilya?"

Bumilis nang bumilis ang pagtibok ng puso niya.

"Ayaw ko sanang sabihin sa 'yo ito dahil baka umasa ka, but I also don't want you to lose hope, so..." Tumuwid ng upo si Dra. Hernandez, dahan-dahang pinakawalan ang kamay niya, saka tumayo. "If the result turned out positive, as I said earlier, you will need to undergo several treatments. Pero sabi mo nga noong nakaraang nagpa-test ka, malibang nahihirapan kang mag-buntis ay wala ka namang nararamdamang kakaiba sa katawan mo. There were no symptons, which was always the case because ovarian cancer often goes undetected. Mabuting nagpatingin ka na ngayon pa lang para mas madaling agapan kung sakaling humuhulma na ang sakit sa ovary mo. Early-stage ovarian cancer is more likely to be treated successfully, so let's just hope that's the case."

Lumipat si Dra. Hernandez sa likod ng table at may binuksang drawer.

"I will perform the new blood test today, and you can generally expect to receive the result within 2 to 4 weeks. Kapag nalaman na natin ang result ay saka natin pag-usapan ang tungkol sa susunod na hakbang. But for now, I want you to prepare yourself for the worst. I have read your mother's medical history, and I did my research about you maternal family. Halos lahat ng generation magmula sa great grandmother mo ay minana ang sakit. This isn't looking good, but miracles do happen, so keep praying."


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top