CHAPTER 099 - His Last Resort







I'M MEETING DEE AND HIS PARENTS FOR BREAKFAST. I'LL BE BACK AT YOUR HOUSE BEFORE LUNCH.

Iyon ang mensaheng ipinadala ni Phillian sa kaniya nang magising siya kinabukasan. It was already nine in the morning; at nagising siya sa sakit ng ulo. Parang binabarena ang sentido niya. Thanks to that whole bottle of whiskey, he felt hellish.

Ibinalik niya sa side table ang cellphone niya saka sapo ang ulong bumangon. Naupo siya sa kama at nagpalipas muna ng ilang sandali bago binalikan sa isip ang mga nangyari kagabi.

Sa kabila ng kalasingan ay naalala niya ang ilan sa mga napag-usapan nila ni Phillian nang iuwi siya nito sa bahay niya.

He continued to drink his whiskey when they got to his house, Phillian just sat across him, watching him as he drowned himself in pain.

"Do your best to calm down and think things over, Acky," naalala niyang sabi ni Phillian nang sunud-sunod niyang nilagok ang alak na nasa kaniyang harapan. "I know how you feel, and I know it's hard to manage your emotions at this point. Pero maniwala ka... everything is going to be alright."

Of course. Sa kanilang magkakapatid, si Phillian ang higit na nakaiintindi sa nangyayari sa kaniya. At gusto niyang pasalamatan ang langit dahil naroon ang kapatid niya sa oras na kailangang-kailangan niya ito.

"Believe me, Acky, I know how you feel. The jealousy, the rage... the pain, the betrayal. I felt them all when Calley married Sacred. I thought I lost her forever. But you will have to toughen up and wait for things to smoothen. Tulad ng bagyo, madilim na ulap muna ang makikita mo sa susunod na mga araw, pero kapag humupa na ang panahon at tuluyan nang umalis ang bagyo, ay saka muling sisikat ang araw at muli kang babangon."

"Gaano katagal ko kailangang magtiis bago umayos muli ang lahat, Free?" he remembered asking.

"It depends, Acky. Gaano ba katagal mo kayang magtiis?"

"God only knows, Free..."

"Kung ganoon ay kumapit ka lang hanggang sa dumating ang araw na ibigay na sa 'yo ng langit ang sagot sa mga katanongan mo."

And he was really going to hold on to his faith and let the heaven handle everything, kung hindi lang siya biglang nagising kagabi at bumangon upang makita ang pagpasok nina Jerome at Trini sa bahay ng huli.

Para siyang binagsakan ng mundo. Ang pag-asang natira sa dibdib niya ay tuluyang naglaho. And before he knew it, the thoughts of death just came into his mind.

He couldn't handle it. He didn't want to lose Trini. He didn't want to move on with his life without her.

At hindi niya kayang makita itong kasama ang ibang lalaki. The thoughts of Jerome in Trini's bed was killing him.

At nang umakyat siya kagabi sa silid niya ay lalo siyang nakaramdam ng pagdurusa. Hindi niya akalaing makararamdam siya ng ganoon. At kung wala si Phill sa bahay niya kagabi ay baka hindi niya napigilan ang sarili. Baka lumabas siya upang komprontahin si Trini. And maybe hit Jerome, too.

Sinapo niyang muli ang ulo nang makaramdam ng pagkirot. He grunted and laid his back down on the bed again. Pinalipas muna niya ang ilang minuto, at nang hindi naalis ang sakit ng ulo ay pinilit niya ang sariling bumangon. Tumayo siya, at muntikan pang gumewang nang makaramdam ng pagkahilo. He paused and closed his eyes tightly. Nang sa tingin niya ay kaya na niya, ay saka siya muling nagmulat at itinuloy ang paghakbang patungo sa banyo. Pagdating doon ay kaagad siyang humagilap ng gamot sa vanity cabinet. He needed something for his headache.

Sh*t. When was the last time he got this drunk?

F*cking a long time.

At dati ay naglalasing siya bilang katuwaan lang. This was the first time he drowned himself in liquor because he couldn't take the pain he was feeling inside.

Hinalughog niya ang vanity cabinet, halos pinagtatatapon ang ilang mga naroon na botelya ng lotion at pabango. Nang mahanap ang aspirin tablet ay kaagad niya iyong hinablot at binuksan. He took two tablets and swallowed them instantly. Yumuko siya pagkatapos at ipinatong ang mga kamay sa lababo.

Kasabay ng pagpitik ng ulo niya ay ang malakas na pagtibok ng kaniyang puso. His breathing was deep and labored, his eyes were blurry. But damn it. The physical discomfort that he was experiencing at this moment was nothing compared to the heavy emotions in his chest.

Nagmulat siya at napasulyap sa nakabukas na bote ng aspirin. Napatitig siya roon sandali, bago wala sa loob na muli iyong kinuha at sinilip ang laman.

There were only three tablets left inside the bottle.

Not enough to knock him off. Definitely not enough to k*ll him.

Damn it, mura niya bago pabalyang ibinalik sa vanity cabinet ang hawak saka tumalikod.

Ano ba itong pinag-iiisip niya? His mother wouldn't be happy if she learned what he was going through. Lalong hindi ito matutuwa kapag nalaman kung ano ang laman ng utak niya.

But sh*t. This was Trini.

"F*ck this..."He frustratingly ran his fingers through his hair. Sinulyapan niya ang sarili sa salamin na nasa harapan at nagpakawala nang malalim na paghinga. Nanlalalim ang mga mata niya. His two-day beard didn't look good either. He had to clean up.

With that in mind, he straightened up and walked over to the shower. Hindi na siya nag-abalang hubarin ang pantalon nang pumailalim siya roon. Binuksan niya ang valve at bumuhos sa kaniyang katawan ang malamig na tubig. Hindi niya inalintana iyon.

Makalipas ang mahigit dalawampung minuto ay lumabas siya sa kaniyang silid. Wala sa sariling bumaba siya sa hagdan, at nang marating ang landing ay wala sa loob na napasulyap siya sa bintana ng living area kung saan tanaw niya ang bahay ni Trini sa harapan.

At nang makita ang nakaparada pa rin doong sasakyan ni Jerome Sison ay muling bumangon ang hinagpis at galit sa kaniyang dibdib.

That SOB spent the night at Trini's house.

He didn't want to overthink, but what else would they do the whole night?

Damn Jerome Sison.

Damn Trinity Anne.

Bago pa niya napigilan ang sarili ay lumabas na siya sa pinto ng bahay niya at sa malalaking mga hakbang ay tinumbok ang daan patungo sa katapat na bahay. Makalipas ang ilang sandali ay narating niya ang front door, at doon ay sunud-sunod siyang kumatok.

Hindi na niya naalalang hanapin ang duplicate key sa bahay niya, and he wasn't wasting time here.

Nagpatuloy siya sa pagkatok. Malalakas. Halos pahampas na halos ika-sira ng pintong gawa sa narra.

At wala siyang pakialam.

Makalipas ang ilang sandali ay naramdaman niya ang pag-kaluskos ng deadbolt mula sa loob—tanda na kahit may dala siyang duplicate key ay hindi mabubuksan ang pinto.

Lalo siyang nainis.

Siniguro ni Trini na hindi siya makapapasok sa bahay nito gamit ang duplicate na mayroon siya.

Trinity Anne didn't want him barging into her house and disturbing her night with another man.

Ah, f*ck her.

He gritted his teeth in fury as he waited for the door to open.

And it did.

At ang bumungad sa kaniya ay ang bagong gising na si Trini na nakasuot lang ng itim na roba na umabot hanggang sa ibabaw ng tuhod. Nakayapak, at ang buhok ay magulo pa.

He was expecting to see the concern on her face. Or maybe guilt for doing this to him.

Pero wala.

Sa halip ay iritasyon ang nakita niya sa mukha ni Trini. Tanda na hindi nito gusto ang pagparoon niya sa mga oras na iyon.

"Are you here to take all your clothes?" That was the first thing she said.

The f*cking first words in this f*cking new day.

He was so furious he could kill.

At gusto niyang murahin si Trini dahil wala man lang itong interes na magpaliwanag. Gusto niya itong pagsalitaan ng masama; call her names for spending the night with another guy. At iyon talaga dapat ang sunod niyang mga sasabihin nang sa pag-buka niya ng bibig ay iba ang mga salitang lumabas...

"Don't do this, Trinity Anne..."

And yes, he was back to pleading. At lihim niyang minura ang sarili.

Nagpakawala nang malalim na paghinga si Trini. "Gene, hindi ka ba napapagod sa ganito?"

Akma niya itong hahawakan sa kamay subalit kaagad na umiwas si Trini.

"Ako ang napapagod dito sa ginagawa mo, eh. Hindi mo ba talaga maintindihan na ayaw ko na?"

"Kaya ka ba nag-imbita ng ibang lalaki sa bahay mo?"

"I can invite whoever I want in my house, Isaac Genesis Zodiac. At wala kang karapatang kwestyonin iyon dahil malibang sarili kong pamamahay ito ay wala na rin tayo."

"Please don't make decisions you will later regret, Trin--"

"Oh, I wouldn't regret this for sure. Because before I decided to break up with you, ilang linggo muna akong nag-isip. And my decision is final. Hindi na pwedeng maging tayo."

"Why not?" Sh*t. His voice quivered.

"Because I don't love you anymore. I don't like having you close to me anymore; nasasakal ako."

"I don't believe you—"

"You're free not to believe anything I say, pero iyon talaga ang totoo. Just stop already." Umatras si Trini ay akmang isasara ang pinto, subalit naging maagap siya at nagawa itong hawakan sa braso.

"Marry me," he said before he could stop himself. "Please."

"Oh God, Gene." Binawi nito ang kamay—pahablot. Ang mukha ay nakasimangot na tila ba kay pangit ng mga salitang narinig mula sa kaniya. "Why are you offering marriage now that I don't love you anymore?"

"Because that's my last resort to save what we have left..."

Trini scoffed in amusement. "Noon ay ayaw mong pakasalan ako dahil ayaw mong sa pagdating ng araw na mawalan ako ng pagmamahal sa 'yo ay pilitin ko na lang ang sarili kong pakisamahan ka. And then now, this? You're marrying me so you could keep me, 'di bale na kung mahal pa kita o hindi? You are so unpredictable, Isaas Genesis Zodiac." Muli itong umatras. "But your offer is too late now."

Nag-akma siyang papasok pero naging maagap si Trini at itinulak siya paatras.

"Tama na 'to, Gene. Please. Hindi mo ba talaga ako tatantanan?"

"Hindi ka ba nanghihinayang sa dalawamput limang taon na magkasama tayo, Trinity Anne? You were with me my whole life, you didn't expect me to just give up on you so easily?" F*ck, but his eyes started to water. At nakikita iyon ni Trini kaya napasimangot itong muli.

"Oh God, Gene, stop being so pathetic. Imbes na maawa ako sa 'yo ay lalo akong naiirita."

Hindi na siya nakasagot pa at nilamon na lang ng pagkamangha nang biglang ibinagsak ni Trini pasara ang pinto. And that was the time his tear streamed down his cheek.

*

*

*

SUNUD-SUNOD NA HUMUGOT NANG MALALIM NA PAGHINGA si Trini nang sumandal sa likod ng pinto. Sunud-sunod upang pigilan ang pag-iyak.

Kanina pa naninikip ang lalamunan niya sa pagpipigil na h'wag maiyak sa harapan ni Gene. Ang mga mata'y nanlalabo na rin dahil sa pamumuno ng mga luha.

She felt terrible. Sa bawat salitang binitiwan niya ay para rin siyang sinasaksak sa dibdib.

"Nagtagumpay kang saktan ang damdamin ni Gene, but now look at you. Triple ang epekto sa 'yo," si Jerome na nakasandal sa pader katabi ng pinto. Arms crossed across his chest, his eyes focused on her.

Trini bit her lower lip and said, "It's... for the best., Jerome. Balang araw ay pasasalamatan ako ng pamilya Zodiac dahil sinalba ko si Gene mula sa labis na paghihirap." Maagap niyang pinahiran ang mga luhang kumawala sa kaniyang mga mata.

Si Jerome ay napailing at umiwas ng tingin upang hindi makita ang pag-iyak niya.

Siya naman ay napasulyap sa couch na tinulugan ni Jerome kagabi. Maayos na iyon at ang blanket na ibinigay niya rito at nakatupi na. Jerome woke up early and had already made coffee for them. Nasa kusina ito habang siya nama'y saktong pababa na nang marinig ang marahas na pagkatok ni Gene.

Humugot siya nang malalim na paghinga bago muling hinarap si Jerome. "Thank you for... staying for the night."

Ibinalik din nito ang tingin sa kaniya at sandali siyang tinitigan bago muling nagsalita.

"So, how are you feeling now?"

Naging mailap ang mga mata niya. "Kailangan mo pa bang itanong 'yan? I am dying inside, Jerome. Mauuna akong mamamatay sa sama ng loob at pangungulila kaysa sa sakit na mayroon ako."

"Was that act like night really necessary?"

"Yes, it was. At mabuti na ring naroon si Kuys Phill para makita ang mga ginawa natin. I want Gene's family to hate me, too. I want them to urge Gene to forget about me and move on with his life. I want to... emotionally hurt all of them. Para tulungan nila si Gene na kalimutan ako."

"Ni hindi mo pa alam ang resulta ng mga medical tests mo... Paano kung iba ka sa pamilya mo, Trini? What if you survived this?"

"No one in my family survived this curse, Jerome. Kamakailan ko lang napag-alaman na sa great-grandmother ko nag-umpisa ang sakit na ito. She had two children, ang lola ko at ang kapatid nitong lalaki na namatay noong kabataan pa lang nila. My grandmother inherited cancer which only developed after she gave birth to her youngest child which was my mom. May ate si Mommy na hindi ko nakilala dahil namatay bago pa man ako ipinanganak. She died due to the ovarian cancer. And the same fate happened to my mom."

Nanatiling nakatitig sa kaniya si Jerome at hinayaan siyang magpatuloy.

"I am meeting my lawyer today; ipaaayos ko ang mga dokumento ng facility at ililipat ang lahat sa pangalan ni Gene. Sa pag-alis ko ay saka lang kakausapin ng lawyer ko si Gene; bahala na siya kung ano ang gusto niyang gawin sa facility. Then, I will leave this town and move far away. May... nahanap ka na bang area na pwede kong lipatan? I want a place far from civilization, Jerome. Sa tuktok ng bundok, sa gitna ng gubat, sa parang, sa tabing dagat-- wala akong pakialam. I don't want to be found. I want to live my life in peace until I could finally be with my parents again. And if you can keep that secret from Gene and his family, I will leave you all my savings--"

"I don't need your savings, Trini." Lumapit si Jerome sa kaniya at tumayo sa kaniyang harapan. He then took her hands, held them tightly, and said, "I will stay with you until the end. Tulad ng paulit-ulit kong sinasabi sa 'yo, I will be here for you. You don't have to worry about me and my feelings just like you did with Gene. Narito lang ako hanggang sa kailangan mo ng kasama. It could be lonely from here on in, and I am willing to be here for you no matter what. Gene had you for the last two decades, but I will be here for you from today onwards."

"Jerome, hindi ako ganoon ka-makasarili para—"

"I want to be with you, Trini. And if you put it that way, hindi ka magmumukhang makasarili." His grip tightened. "Please allow me to be with you—kahit saan ka magpunta, sasamahan kita. Wala pa akong mahanap na lugar para sa 'yo, but you can move to my place if you really want to get away from Gene."

Matagal siyang napatitig lang dito hanggang sa...

"Okay." She breathed in and added, "Help me pack up, I'll move out tonight."


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top