CHAPTER 098 - Better Days Are Coming
"SORRY ABOUT THAT, DEE. Something came up and we had to leave," paliwanang ni Phill nang makatanggap ng tawag kay Dee nang gabing iyon. It was already 10PM; nasa bahay na sila ni Gene at katatapos lang mag-usap nang tumunog ang cellphone.
"Yeah, sinabi sa akin ng isa sa mga staff ng resto. Bigla na lang daw kayong umalis. At nakita ko ring naiwan ang motorbike ni Acky kaya napatawag ako para malaman kung ayos lang kayo."
"Ayos lang kami. May biglaan lang na... naganap." Sinulyapan ni Phill ang kapatid na nakahiga sa sofa, at sa labis na kalasingan ay nakatulog doon. Gene's arm was on his forehead, almost covering half of his face. Ang bote ng whiskey ay naubos nito habang nag-uusap sila, at hinayaan niyang ubusin iyon ng kapatid dahil naisip niyang makabubuting makatulog din ito kaagad.
Gene was already intoxicated; having more would make him sleep until midday tomorrow. Umaasa siyang sa pagdating ng oras na iyon ay maayos na ang utak nito. And he was confident that Gene would still remember what he had told him.
"Ikaw kaagad ang hinanap ko nang dumating kami, eh. Hinanap ka rin ni Mom. At kanina pa dapat ako tatawag kaya lang ay naging abala sa dami ng bisitang dumating. The resto was also full, and I was hoping to see Gene and Trini, pero ang sabi ng staff ay si Gene lang daw ang kasama mo?"
"I guess you really were busy to notice Trini amongst the crowd," he answered wryly.
"What do you mean?" Deewee asked. "Was Trini here in the restaurant?"
Napabuntonghininga na lang siya at binalikan sa isip ang eksenang nakita nila ni Gene sa restaurant kanina.
Ramdam niya ang hinagpis ng kapatid nang makita ang eksenang iyon sa bar counter, pero hindi pa niya naririnig ang bahagi ni Trini kaya hindi niya magawang magalit dito.
He and his brothers had known Trini since forever. Sabay nilang lumaki at nagkaisip ng dalaga. Kapag walang pasok noon ay naroon ito sa bahay nila para makipag-laro hindi lang kay Gene kung hindi pati na rin kina Lee at Cerlance. Kasa-kasama rin ito ni Gene noon para i-babysit ang tatlong bunso na sina Sacred, Sage, at Capri. Kaya kahit na mas malapit ito kay Gene ay alam din nilang magkakapatid kung anong klase ng pagkatao mayroon si Trinity Anne Valencia. She wasn't the type who would do such thing—lalo na kay Gene na halos karugtong na ng bituka nito. Mas malapit si Gene kay Trini kaysa sa alinman sa kanilang magkakapatid, at noong mga bata pa sila ay akala niya, parang kapatid na rin ang turing ni Gene sa dalaga.
Not until he and his other brothers started to notice the chemistry between the two, and since then, they began urging Gene to just hit on Trini.
Pero mukhang mali rin ang ginawa nila.
Those two shouldn't have crossed the line.
Heto ngayon ang nangyari....
Tsk.
"Phill, ano ang ibig mong sabihin? Was Trini here with you guys?" pukaw ni Dee sa kaniya.
Inalis niya ang tingin sa kapatid at muling ibinaling sa labas ng bintana ng living area nito. "Yeah, she was there. Pero nauna kaming umalis at naiwan siya kasama..." he paused. What was that man again? Jerome Sison?
Yeah... He remembered who that guy was.
Kasama niya noon sina Quaro, Aris, at Taurence. Silang apat na mga panganay ay binugbog at pinagbantaan ang lalaking iyon noong inakala nilang pinahiya at sinaktan ni Jerome si Trini. They were so overprotective of her when they were younger, at pinagsisihan nilang ginawa nila iyon dahil naparusahan sila ng tatay nila nang malaman ang nangyari. They were grounded for a month, their allowance was cut short, and they were not permitted to use the truck to commute for weeks. Naglakad sila mula sa farm nila hanggang sa crossing upang makasakay ng bus papuntang eskwela; lakad na umaabot ng kalahating oras! Maliban pa roon ay pinagtrabaho sila ng Pops nila sa bukid kasama sila Nelly.
Hindi sa ayaw nilang magtrabaho sa bukid o makaranas ng ganoon, pero napagtanto nilang kapag nasa mali sila ay hindi nila kailanman makukuha ang simpatya ng mga magulang. Kaya simula nang mangyari iyon ay hindi na sila umulit pa. At least, sa iba.
Dahil kahit na pinarusahan sila ng tatay nila, ay siniguro nilang hindi magkakaroon ng lakas ng loob si Jerome Sison na lapitan o ulitin ang ginawa kay Trinity Anne.
"She was with someone else?" tanong pa ni Dee na muling pumukaw sa kaniya.
Subalit hindi na niya nagawang sagutin iyon nang may makita siya sa labas ng bintana. Ilaw mula sa paparating na sasakyan. Sandali siyang natahimik, at nang makita niya ang sasakyan na huminto sa tapat ng bahay ni Trini ay humugot siya nang malalim na paghinga. Nakita niya ang pagpatay ng headlights tanda na pinatay na rin ang makina ng sasakyan. Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto sa driver's side at mula roon ay lumabas ang lalaking inasahan niyang makita.
Jerome Sison.
Umikot ito sa passenger's side at pinagbuksan ng pinto si Trini. Mula sa kinaroroonan ay nakita niya ang nakangiting anyo ng dalaga habang inaaabot ang kamay ni Jerome, Nagpaalalay itong bumaba.
Nang makababa ay kumapit ito sa braso ni Jerome, at sabay ang mga itong humakbang patungo sa gate.
Later on, his forehead furrowed when Jerome locked the gate.
Bakit kailangang i-lock ang gate kung aalis din naman ito kaagad?
Iyon ay kung... aalis din ito kaagad?
Nagpatuloy ang mga ito hanggang sa marating ang front door. Nakita niya ang pagdukot ni Trini ng susi mula sa dala nitong handbag at ang pag-abot nito niyon sa kasama. Jerome opened the door for them, then they stepped in.
Then, the door closed behind them.
And the lights in the living room remained off.
Hndi niya alam kung bakit siya kinabahan habang hinihintay ang pagbukas ng ilaw sa loob ng bahay ni Trini, at para siyang tinakasan ng lakas nang makitang hindi iyon nangyari.
Hindi na siya bata para hindi maintindihan ang nangyayari.
Jerome Sison was spending the night at Trini's house.
All while Gene was sleeping on the couch, suffering from a broken heart.
Hindi na niya nagawang magpaalam kay Dee nang ibaba niya ang cellphone at tapusin ang tawag. He was... disappointed. Hindi niya inakalang kayang gawin ni Trinity Anne ang ganito sa kaniyang kapatid.
Hindi niya inakalang ganoon itong uri ng babae.
And he was... terribly sorry for his younger brother.
I can't believe this, he thought with a deep sigh. What happened to Trinity Anne?
Nahinto siya sa pag-iisip nang makarinig ng malalim na buntonghininga sa kaniyang likuran. Napalingon siya at nakita si Gene na nakatayo ilang dipa sa kinatatayuan niya, at tulad niya'y nakatingin din sa labas ng bintana.
Hndi niya namalayan ang pagkilos nito, o ang pagbangon nito mula sa couch. Or... was he just occupied to what he witnessed that he wasn't able to notice anything else?
"Hey," aniya sa kapatid, worried to the core.
Humugot nang malalim na paghinga si Gene bago tahimik na tumalikod. Muntik pa itong matisod nang bumangga ang tuhod nito sa edge ng center table. Mahahalata sa kilos nitong lango ito sa alak.
"Acky..."
Sa kabila ng kalasingan ay pinilit ni Gene na maglakad. He was swaying, yet he tried his best to balance himself. Tuluyan siyang humarap at sinundan ng tingin ang kapatid.
"Where are you going?"
Nagpatuloy ito sa paghakbang hanggang sa marating ang hagdan. Napahawak muna ito sa handle upang ibalanse ang sarili bago nakatalikod na sumagot,
"I'm... going to sleep in my room."
He could sense the pain in Gene's voice, and he could do nothing but feel sorry for his brother.
"Do you need help?"
Sandaling natahimik si Gene bago ito nagpakawala ng pigik na tawa. At doon siya lalong nag-alala para rito. "Help..." he echoed. "Yeah, maybe..."
"Acky..."
"Could you please just kill me, Free? I can't do this anymore..."
Sa narinig ay napahakbang siya patungo rito. Huminto siya ilang dipa mula sa likuran ni Gene at nagsabing,
"I feel you, Acky. I know how hard this could get. Been there, done that. But please-- you need to gather your thoughts together. This isn't the end of the world--"
"It is for me, Free. This is the end of the line for me."
"Hindi mo ba naalala ang pinag-usapan natin kanina bago ka nakatulog? Sinabi ko sa 'yo ang pinagdaanan namin ni Calley. You witnessed what I was like when we broke up. I was in the dark for weeks; I almost gave up, too. Pero kung sumuko ako noon, papaano ko malalaman na may karugtong pa pala ang istorya ng buhay namin? Papaano ko malalaman na hindi pa pala tapos ang lahat? If I gave up during that darkest time, how would I know that Calley needed me as much as I needed her? Acky... you need to stay still and wait for things to clear up. Maliliwanagan ka rin sa paglipas ng mga araw, makukuha mo rin ang sagot sa mga bakit mo. Just stay still. You need to stay still."
Muli ay natahimik si Gene. Mula sa kinaroroonan niya ay nakikita niya ang sunud-sunod na paghugot nito nang malalim na paghinga.
Nagpatuloy siya. "When Calley married Sacred, I felt so betrayed, so defeated. Pero kalaunan ay nalaman ko ang totoo at naliwanagan ako. Just calm your thoughts for now, and allow yourself to rest. Let's talk again tomorrow, okay?"
Hindi na sumagot pa si Gene. Muli niyang nakita ang paghugot nito nang malalim na paghinga bago nito itinuloy ang paghakbang paakyat sa hagdan.
Nakasunod lang ang tingin niya hanggang sa tuluyan nitong marating ang landing sa itaas at marating ang silid nito.
Matapos iyon ay nagpakawala siya nang malalim na paghinga. Itinaas niya ang kamay at hinagod patalikod ang buhok.
"This is getting out of hand..." he whispered before glancing at his phone screen. Nakita niya ang pinadalang text message ni Deewee. Nagsabi itong magkita muna sila bukas bago siya bumalik sa Contreras. He texted back and confirmed the meeting. Matapos makapag-reply kay Deewee ay tinawagan niya ang asawa para ipaalam dito na nasa bahay siya ni Acky.
He spoke to his wife for a while before ending the call. Matapos iyon ay humakbang din siya paakyat; nakita niyang nakabukas ang pinto ng silid ni Gene. Dumiretso siya roon at nakita ang padapang paghiga ni Gene sa kama. He went in and closed the door behind him. Ibinaba niya ang cellphone at susi ng truck niya sa side table bago niyuko ang kapatid at ini-usog sa kabilang dulo ng kama.
Umangat ang ulo ni Gene at salubong ang mga kilay na tinapunan siya ng tingin.
"I'm sleeping next to you just like in the old days."
"I want to be alone--"
"Nope, not tonight. Kailangan kong masigurong wala kang gagawing kagaguhan."
"Free--"
"I told you, Acky. I was in your shoes before. Alam ko kung ano ang tumatakbo sa isip mo ngayon, kaya hindi kita pwedeng hayaang mag-isa." Nahiga siya sa tabi nito. "Shut your eyes and get some sleep. This is a long, painful day for you, so take a rest now."
Si Gene ay sandali siyang tinitigan bago ito nagbaba ng tingin at ini-libing ang mukha sa unan. Humugot siya nang malalim na paghinga bago nakipagtitigan sa kisame.
"You'll get through this, brother. I promise, better days are coming for you."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top