CHAPTER 097 - His First Tear



IPINARADA NI GENE ANG DALANG MOTORBIKE SA TABI NG TRUCK NI PHILLIAN. Sa hood ay naroon ang kapatid, nakasandal at nakahalukipkip habang hinihintay ang pagdating niya.

Pinatay niya ang makina at bumaba sa motorbike. Si Phillian ay napailing at lumapit.

"Isusumbong kita kay Ma," anito. "Ganito ba dito sa Ramirez? Pwedeng mag-drive ng motor nang hindi naka-helmet?"

"Walang pinipiling lugar ang mga pasaway na rider tulad ko," he answered wryly before pushing the key into his pocket.

"You look drunk."

"Because I am, Phill. I have been drinking for hours."

Muling napailng si Phill, lumapit, at pinitik siya sa noo. He grunted and glared at his older brother.

"Drunk driving without a helmet; you deserve more than just a flick, so don't glare at me like that."

Hindi niya ito pinatulan. Hinagod niya ang noo saka tiningala ang malaking sign ng restaurant. Hindi niya napigilang mapa-ismid.

"Mukhang ayaw ng kaibigan mong magpahalatang siya ang may-ari ng restaurant na ito, ah?"

"Hanggang ngayon ba ay mabigat pa rin ang loob mo sa kaniya?"

"Hindi mabigat ang loob ko kay Dee."

"Yeah, and you shouldn't be feeling that way, too, 'cause you got the girl."

"I got the girl, but failed to keep her."

"Come on, now." Phillian tapped him on his shoulder. "The party starts at 9PM; pumasok na muna tayo. I haven't eaten the whole day, too, so I'm starved."

"Isn't this too late for dinner?" Muli niyang binalingan ang restaurant.

"Not for Dee's family friends." Nauna na si Phill sa paghakbang.

Sumunod siya, subalit sa unang hakbang pa lang ay nakaramdam na siya ng bahagyang hilo kaya sandali siyang nahinto.

Damn it.

Mabilisan siyang naligo kanina at nagbihis matapos niyang mapangalahati ang bote ng whiskey. Nang sumampa siya sa motorbike niya'y maayos pa ang lagay niya, pero ngayong nakarating na siya at nakababa na ay saka siya siningil ng katawan niya.

Hindi niya alam kung tamang lumabas pa siya sa bahay niya. Dapat ay inubos na lang niya ang bote ng alak at natulog.

But... Phill might help put sense into his brain. And he needed someone to talk to at this moment.

He was confused and worried and hurt by what Trini had said this morning. She wanted to break up, and she wanted him to completely move out of the house.

For what reason?

None.

Nothing he could understand.

"Yo, come on."

Napa-angat siya ng tingin nang marinig ang pagtawag ni Phill. Nasa entrance na ito kaharap ang sa tingin niya'y isa sa mga staff ng restaurant. Nakatingin sa kaniya ang mga ito, si Phill ay naghihintay sa paglapit niya.

He took one step after another. Ramdam niya ang pagkahilo pero sinubukan niyang h'wag ipahalata sa kapatid. Nang makalapit ay binati siya ng staff na sinagot lang niya ng pagtango.

"Parating na rin daw sina Dee at ang mga magulang niya," ani Phill. "Halos lahat ng bisita ay nasa loob na raw kaya hali ka na."

Walang salita siyang sumunod nang maunang pumasok ang staff na sumalubong sa kanila upang igiya sila sa lugar na pagdadausan ng party.

Sabay silang sumunod ni Phill.

"Dee used all his money to invest on several businesses here in the country," umpisa ni Phill habang patuloy sila sa pagsunod sa staff. "Hindi na sila babalik ng mga magulang niya sa Canada kaya tinuloy-tuloy na niya ang mga investments niya. He would soon become my business partner, too. Magtatayo siya ng seafood restaurant malapit sa amin at ako ang magiging main supplier niya. Sa susunod na buwan ay bibili na ako ng dalawang malaking basnig para gamitin sa pangingisda. Papalitan ko na ang lahat ng bangka ko sa susunod na taon dahil plano ko na ring mag-deliver hanggang Maynila. The business is growing, Acky, and so is my people. I am happy to be able to give them a job."

Nanatili siyang tahimik habang patuloy sa pagkwento si Phill sa mga plano nito. He wanted to be happy for his brother-- but being happy at this point in time was just so hard to achieve. Paano ba siya magiging masaya sa iba kung puno ng lungkot at paghihirap naman ang nasa dibdib niya?

Parang gusto nga niyang mag-rebelde, eh. How could his brothers be so happy with their lives, while he was in this situation where he felt like dying?

Nagpakawala siya nang malalim na paghinga. "How's Theo and Calley?"

"Theo's great-- araw-araw kaming kinukulit na ikuha na siya ng aso't pusa, pero masyado pa siyang bata para mag-alaga ng mga iyon. He wouldn't stop asking for pets, at malapit nang bumigay ang mommy niya. Madalas siyang sumama kay Calley sa clinic kaya marami siyang nakikitang ligaw na mga pusa at aso sa kalye."

"How were you able to keep Calley by your side, Phill?"

Sandaling nahinto si Phill at hinarap siya. Tumigil din siya sa paghakbang at binalingan ang kapatid.

"It's pretty simple, Gene." Pino itong ngumiti. "You just need a woman who wants to be with you, too."

Ramdam niya ang unti-unting pagbagsak ng kaniyang mga balikat.

Nagpatuloy si Phill. "I'm sure Trini has her reasons, Acky. Palamigin mo muna ang sitwasyon bago mo alamin ang mga rason niya." Muli siya nitong tinapik sa balikat bago itinuloy ang paghakbang.

Laglag ang mga balikat na sumunod siya hanggang sa marating nila ang glass sliding door sa sulok ng restaurant. Sa likod ng pinto ay naroon ang malawak na silid na puno na rin halos ng mga bisita. It was a separate area from the restaurant per se. Nahinto silang muli ni Phill sa entry dahil sandali pa itong nakipag-usap sa staff na naghihintay sa paglapit nila. At habang nakatayo siya sa likuran ng kapatid ay sinuyod niya ng tingin ang paligid.

Matao ang lugar, punuan ang lahat ng mga pabilog na mesa, kahit ang bar counter sa opposite direction ng glass door ay puno rin at okupado ang lahat ng mga high chairs. The bartender was busy prepping for the drinks, and everyone seemed to be having fun—

Nahinto siya sa pag-suyod ng tingin sa mga taong nasa bar counter nang makilala ang isa—no—ang dalawang nakaupo roon.

At nanlamig ang buo niyang katawan nang rumehistro sa isip niya ang ginagawa ng mga ito.

It was Trinity Anne and Jerome Sison.

Si Trini ay nakatayo sa pagitan ng mga binti ni Jerome, hawak-hawak sa kamay ang walang lamang shot glass, at nakayuko sa lalaki.

Jerome's hands were on Trini's hips—gripping.

And...

... they were passionately kissing.

Pakiramdam niya ay lalo siyang nahilo.

Thinking that it was just a figment of his imagination, he shook his head in an attemp to cast it away. But the image of Trini and Jerome kissing torridly at the bar counter remained.

And his blood rushed up to his head.

Alcohol overpowered his rationality.

Pero sino bang matinong lalaki ang magiging kalmado at rasyonal—nakainom man o hindi—kapag nakita nila ang kasintahanan nilang nakikipaghalikan sa ibang lalaki bago pa man ang pormal na hiwalayan?

Bago pa siya nakapag-pigil ay umalis na siya sa kinatatayuan at humakbang patungo sa bar counter.

Doon na nagdilim ang kaniyang paningin.

Diyos na ang bahala sa maaari niyang gawin.

Pero...

Bago pa man niya ma-baybay hanggang sa gitna ng restaurant ay may kamay nang pumigil sa braso niya.

His annoyance hightened. Sa naniningkit na mga mata ay nilingon niya ang taong iyon, at sa kaniyang paglingon ay nakita niya ang serysong anyo ni Phillian.

"Let go," he commanded in a voice no one in his family would recognize. It was filled with fury, jealousy, and pain.

Si Phillian na ang tingin ay nabaling na rin sa direksyon kung saan naroon sina Trini ay sumagot, "Not now, Acky."

"Let the f*ck go, Free. I don't care anymore." He tried to pull his arm, but Free wouldn't let go.

He was a big man, he could try to release himself from his brother. Pero pareho lang silang malaking tao ni Phillian. Pareho lang sila ng lakas. At matino ito—lasing siya. Kung magpupumilit siya, sino ang lamang?

Ibinalik ni Phillian ang mga mata sa kaniya. His brother's face was unreadable. "Don't make decisions that you would later regret, Acky."

"Putangina, Free, sabihin mo 'yan kay Trinity—"

"Let's go out before you start making a scene."

"Talagang gagawa ako ng eksena dahil—"

"I won't let you ruin the party Dee prepared for his mother, Acky." Naramdaman niya ang paghigpit ng kamay ni Phillian sa braso niya. Then Phillian's jaw flexed, and his face darkened. "Let's walk out."

Gusto niyang murahin si Phillian. Gusto niyang manlaban—sabihin dito na hindi nito naiintindihan ang nararamdaman niya sa mga oras na iyon. He was too drunk to even care about Dee and the party that he prepared, too drunk to even think of what's right and wrong.

But... he wasn't that drunk to ignore the warning in Phillian's tone.

Maliban sa isa ito sa pinaka-kalmado sa kanilang magkakapatid, si Phillian din ang pangalawa at nakatatanda. They were raised to be respectful and to always listen to the older one, and he always abide to the family rules. No matter what.

"Free..." he uttered—his voice broke.

At habang nakatitig siya sa kapatid ay naramdaman niya ang pag-labo ng paningin at ang paninikip ng lalamunan. And before he knew it, a tear streamed down his cheek.

At dahil malabo ang kaniyang paningin ay hindi niya nakita ang paglambot ng anyo ni Phillian. Nang muli itong nagsalita ay kalmado nang muli ang tinig.

"Let's walk out, Acky. Let's talk about this at your house. I'll drive you home."

Hindi na siya nagpapigil pa nang hawakan siya ni Phillian sa balikat at ini-giya palabas. Hindi na rin siya lumingon upang hindi dagdagan ang pananakit ng dibdib.

F*ck it; but he had never cried for so long.

The last time he remembered shedding a tear was when their adoptive father—Arc Zodiac—died. And it had been a couple of years ago.

Ngayon lang ulit.

Dahil kay Trini.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top