CHAPTER 096 - Never Giving Up
SA BUONG ARAW AY NANATILI SI TRINI SA LOOB NG BAHAY—SA LOOB NG KANIYANG SILID, at pilit na pinigilan ang pag-iyak. Umasa ang dalagang anumang oras ay pupunta roon si Gene upang kunin ang mga gamit nito at ayaw niyang makita siya ni Gene na mugto ang mga mata.
She spent her day watching movies and lying in bed with her cats. Nakausap na rin niya si Dr. Hernandez na nagsabing ihanda ang katawan sa medical examination na pagdadaanan sa pagluwas niya sa Asteria sa linggo.
Marami siyang natanggap na mga tawag magmula pa kanina pero hindi niya binigyan ng pansin. Kung sino man ang mga iyon at kung ano man ang kailangan ay maghintay ang mga ito. Hindi pa siya handang tapusin ang paghihirap niya. She wanted to continue sulking and crying. Hindi pa tapos ang pagda-drama niya, at hindi pa nauubos ang mga luha niya.
Bandang alas tres ng hapon nang marinig niya mula sa nakabukas na bintana sa silid ang pag-alis nina Felicia, Quentin, at Lee. Narinig niya dahil sa lakas ng tinig ni Quentin, kaya bumangon siya at sumilip sa likod ng kurtina.
Inabutan niya si Lee na inaalalayan si Felicia na umakyat sa passenger's seat, habang si Quentin naman ay karga-karga ni Gene. Mula sa pinagtataguan niya sa gilid ng bintana ay nakita niya ang sandaling pag-uusap ng magkapatid, hanggang sa isakay na ni Lee ang pamangkin sa likuran. Matapos makasakay ng dalawa ay muling nag-usap ang magkapatid, kasunod niyon ay tumingala si Lee sa bahay niya, na sinundan ng pagbagsak ng mga balikat ni Gene.
Lee was probably asking about her, and Gene had got nothing to tell.
Makalipas ang ilang sandali ay umalis na ang mag-anak, naiwan si Gene sa kalsada na nakasunod lang ang tingin sa sasakyan. Bago ito tumalikod pabalik sa bahay nito ay nakita niya ang muli nitong pagtingala sa bahay niya, at doon na siya nagtago sa likod ng pader katabi ng bintana. Alam niyang hindi siya nakita nito dahil nagkubli siya sa likod ng kurtina, kaya hindi niya alam kung para saan ang bigla niyang pag-atras.
Pagdating ng alas siete ng gabi ay nakatanggap siya ng tawag mula kay Jerome. He was asking how she felt after what had happened last night, and he was wondering if she wanted to go out for a friendly dinner. Binigyang diin ni Jerome ang salitang iyon dahil alam nito ang pinagdadaanan ng relasyon nila ni Gene.
She wanted to turn down the invitation, dahil maliban sa wala siyang ganang humarap sa lahat at lumabas sa kaniyang bahay, ay medyo mugto rin ang mga mata niya mula sa pag-iyak niya kaninang tanghali.
Pero makalipas ang ilang minutong pag-iisip ay tinawagan niya si Jerome at sinabing darating siya. They were meeting at the newest restaurant in town, at Dee's. Malayo iyon sa restaurant na lagi nilang pinupuntahan ni Gene.
*
*
*
Meanwhile...
"You're on your way to Ramirez?" salubong ang mga kilay na tanong ni Gene nang makatanggap ng tawag mula sa nakatatandang kapatid na si Phillian. Sinabi nitong nasa daan na ito papuntang Ramirez.
"Kaarawan ng ina ni Dee at noong nakaraan pa niya ako inimbitahan. He sent Trini a message, pero hindi raw sumasagot. Is she there with you?"
"No, wait." Tumuwid siya ng upo. Magulo ang isip niya sa mga sandaling iyon at dumagdag pa si Phill. "Why is Dee's mother celebrating her birthday here?"
"Oh, haven't you heard?"
"Haven't I heard what?"
Sandaling natahimik si Phill, ilang sandali pa'y natawa ito. "Ahhh, I guess masama pa rin ang loob ni Dee dahil ikaw ang pinili ni Trini. Kahit ako ay nagtaka kung bakit d'yan sa Ramirez siya nagtayo ng negosyo gayong pwede namang—"
"Get straight to the point, Free." He leaned over and took the glass of whiskey on the center table. He put it to his mouth and sipped as he waited for Phill to answer him. Malapit na niyang maubos ang bote ng whiskey na pasalubong ni Lee para sa kanila ni Trini. He had been drinking since his family left.
"Dee and his parents put up a restaurant in Ramirez and in Manila. The Manila branch is the busiest, kaya madalas na roon ang focus ni Dee. Pero sa Ramirez napili ni Dee na i-celebrate ang kaarawan ng mommy niya para makadalo rin kayo ni Trini. He had been busy these past few months kaya hindi na niya nadalaw si Trini. He was looking forward to having you both at the party."
Dee put up a restaurant?
Naalala niyang may binanggit si Trini tungkol doon, pero hindi niya gaanong binigyan ng pansin.
"Okay, I need to focus on driving," sabi pa ni Phill. "I'll see you and Trini at the party, okay? Be there at 9.00 PM."
"But I can't go, Free—"
"Come on, man. We haven't seen each other for a while. And I will be staying at a hotel tonight, so kung hindi ka pupunta, kailan ulit tayo magkikita? I need to drive back home early tomorrow, kaya hindi rin kita madadaanan."
"Marami pa namang pagkakataon, Besides, pagod ako. Ma, Lee and Quentin spent the night here and—"
"I heard. Ma told me." Sandaling natahimik si Phillian sa kabilang linya bago nagpatuloy. "She also said something's happening between you and Trin. So, tell me. Is there really something going on in your relationship? Ano ang problema?"
"I wish I know the answer to the last question, Phill. Pero kahit ako ay walang ideya. But I am not giving up on her. Kahit pa ano ang sabihin niya, kahit pa ano ang itawag niya sa akin at kung anong kasinungalingan pa ang ibato niya, I am not giving up on her. I want her." His body slowly crouched down. Itinukod niya ang isang siko sa binti saka sinapo ang ulo, at sa naghihirap na tinig ay, "I want her so bad. And I need her. Sa loob ng maraming taon ay kami ang magkasama-- I spent more time with her than all of our brothers. I don't know what to do if I lost her..."
Si Phillian sa kabilang linya ay napabuntong-hininga. Matagal itong natahimik hanggang sa muling nagsalita, "Napansin ni Ma na may kakaiba sa inyong dalawa at nag-aalala siya kaya nang malaman niyang papunta ako ngayon sa Ramirez ay hiniling niyang daanan kita. She was worried about you, Acky. At nalulungkot akong marinig na may hindi kayo pagkakaunawaan ni Trini. But come on, nasanay rin si Trini na nariyan ka. Tulad mo ay naging parte ka na rin ng sistema niya. Siguradong hindi rin niya kakayaning mawala ka sa buhay niya. Just give it some time, okay? Kung ano man ang gusot na pinagdadaanan ng relasyon niyo ngayon, don't panic. And don't push things to happen the way you want them. Give it some time, give it some space. Hayaan mong makahinga kayo pareho." Muling napabuntonghininga si Phill. "You know what? Let's talk about it more later. Let's meet up at Dee's restaurant; doon tayo mag-usap."
Naghihirap ang loob na hinagod niya patalikod ang buhok. "Kasama si Dee? Pagtatawanan lang ako non."
"Well, kung ayaw mong kasama natin siyang pag-usapan si Trini ay tayong dalawa na lang. I might be able to... you know, offer some advice to clear your mind?"
Sandali siyang nag-isip.
Naisip niya ang nangyari sa relasyon noon nina Phill at Calley bago ang mga ito nauwi sa pagpapakasal. They went through a lot, too, and Phill almost lost hope that he and Calley would still end up together.
Sa naisip ay nabuhayan siya ng loob. Napaupo siya nang tuwid at nailapag ang hawak na baso ng whiskey pabalik sa mesa.
"I think you're right. Send me the address to Dee's new resto."
"Great. You probably have seen it already. The place is called Dee's."
*
*
*
"SORRY FOR BEING LATE, NASIRAAN ANG TAXI NA SINAKYAN KO," ani Trini nang makarating sa restaurant kung saan naghihintay si Jerome. It was already 8PM, and she was suppoed to be there thirty minutes prior.
Si Jerome ay tumayo at lumapit saka nakangiti siyang pinaghila ng upuan. "It's alright, may kausap din ako sa telepono kanina kaya hindi ko namalayan ang oras. One of my clients called and I couldn't just shoo him away. Nakakahiya kung narito ka na kanina at nasaksihan mo kung papaano ko nililigiwan ang mga kliyente ko."
She faked a chuckle and sat on the chair. She uttered thanks, and Jerome went back to his seat with a smile on his face. He looked so handsome in his yellow long-sleeve polo and brushed-up hair. Malinis at disente tingnan. The typical rich, businessman.
"Why did you take a taxi anyway? Hindi pa rin ba naaayos ang kotse mo?"
She softly shook her head and said, "Nasa workshop pa rin ni Gene ang kotse ko, at hindi ko naman magamit ang pinahiram niyang truck sa akin dahil..." Huminto siya at bumuntong-hininga. Ayaw niyang pag-usapan nila ni Jerome si Gene pagka-upo pa lang niya.
Si Jerome, na tila nakaintindi, ay tumango at ginaganap ang kaniyang kamay. "Are you okay?"
Tipid siyang ngumiti. "I'll be fine. Let's order, shall we?"
Tumango si Jerome at inalis ang kamay sa kamay niya. Ngumiti ito at kinuha ang menu na naroon na sa ibabaw ng mesa.
Kinuha rin niya ang isa pang menu at doon ibinaling ang pansin. While they were skimming through the thick paper, Jerome started asking about her day. Alam niyang pansin nito ang eyebags na pilit niyang tinakpan ng concealer, at lihim siyang nagpasalamat nang hindi na ito nagtanong pa.
At least not yet.
Makalipas ang ilang sandali ay nakapili na siya ng kakainin. Sinabi niya iyon kay Jerome at hinayaan niyang ito na ang mag-place ng order sa waiter. While Jerome was giving their orders, she began to look around.
The resto was busy that night, puno sa dami ng customers, which was understandable because the food they served was phenomenal. So far ay ito ang restaurant na nagustuhan niya, lalo at Filipino cuisines ang sini-serve doon.
Nahinto ang tingin niya sa kabilang bahagi ng resto kung saan may sliding glass door. Mula sa glass door ay nakita niya ang bakanteng mga long tables sa loob, they were neatly set up with plates and utensils, at sa kabilang sulok ay may buffet table kung saan kasalakuyang inaayos ng tatlong staff. Iyon lang ang nakikita mula sa glass door, pero siguradong malawak sa loob at marami pang mga mesa na hindi abot ng tingin niya.
"I heard one of the owners of this resto is celebrating their birthday," ani Jerome nang mapansin kung nasaan ang tingin niya.
Ibinalik niya ang tingin dito. Naka-alis na ang waiter, at si Jerome ay nakalingon din sa glass door. Pero sandali lang at ibinalik din ang tingin sa kaniya.
Doon siya nagbaba ng tingin.
"So... nag-usap na ba kayo ni Gene?"
Nag-alis muna siya ng bara sa lalamunan bago sumagot, "Sinabi ko na sa kaniyang alisin na ang mga gamit niya sa bahay ko."
"And then?"
"Hindi pa rin niya kinukuha ang mga gamit niya. Gusto pa yata niyang magmatigas."
"He probably knows you're just confused."
"I am not confused, Jerome. I really do want to break up with him, and that decision is final." Huminga siya nang malalim at sinapo ang ulo. "I need to find a way for Gene to give up on me. Alam kong hindi niya basta-bastang tatanggapin ang desisyon ko. Alam kong patuloy niya akong susuyuin. Kailangan kong gumawa ng paraan para siya na mismo ang sumuko, pero ano? I can't think of anything."
"Did you try telling him the truth?"
"Sinubukan kong gawin kaninang umaga, pero matapos kong masaksihan ang pakikitungo niya sa anak ni Kuya Quaro at matapos kong marinig ang opinyon niya sa pagkakaroon ng anak ay nawalan na naman ako ng lakas ng loob na magsabi ng totoo."
"Why, Trini? Papaano mo malalaman ang saloobin ni Gene tungkol sa sitwasyon mo kung hindi mo talaga sasabihin sa kaniya ang totoo?"
"Because I know him too well, Jerome. Kapag nalaman niya ang totoo, paiiralin niya ang awa sa akin. Ayaw kong patuloy niya akong mahalin dahil lang naaawa siya sa akin. Ayaw kong manatili siya sa relasyon namin nang dahil lang sa awa. Gene could be selfless sometimes, you know. Hindi ko kayang makita siyang nagtitiis kasama ko when all along, I know he deserves better. He deserves to meet someone who would give him a child, a complete family. Someone who would not hurt and leave him. Ayaw kong tiisin niya ang mga araw na kasama ako.. Dahil alam kong iyon ang gagawin niya kapag nalaman niya ang sitwasyon ko. Mananatili siya. He would sacrifise his own happiness just to be with me." She let out a sad and painful smile. "At ayaw kong siyang obligahing manatili, Jerome. On top of that-- ayaw kong makita siyang nasasaktan habang unti-unting sumusuko ang katawan ko sa sakit. Ayaw kong makita ang paghihirap sa mukha ni Gene na noon ay nakita ko sa mukha ni Daddy. I don't want to repeat history, Jerome. So it's better for him and his family not to know the truth."
Nagpakawala nang mahabang paghinga si Jerome, sandaling nawalan ng sasabihin.
Nagpatuloy siya; nasa tinig ang pangamba. This is hard for me, too, Jerome. Pero alam kong alam mo na kaya ko ginagawa ito kay Gene ay dahil gusto kong iligtas siya sa labis na sakit na idudulot ng mangyayari sa akin balang araw. My mom lived for twenty years after she was diagnosed; ang iba sa mga kamag-anak naming babae ay hindi tumagal ng tatlong taon."
"Trini--"
"At kung totoo ang damdamin mo sa akin, ay nagpapasalamat ako. Pero ayaw kong gawin mo ang bagay na gusto ring gawin ni Gene sakaling malaman niya ang totoo. Live your life, Jerome. Don't suffer just because you like me. Save yourself now. Hindi mo obligasyong samahan ako hanggang sa araw na hindi ko na kayang magpatuloy."
"Ako ang magde-desisyon para sa sarili ko, Trinity--"
"I know you would say that." Bumuntong-hininga muli siya. "Pagkatapos mo akong tulungang maibenta ang bahay ko rito sa Ramirez, at matulungang maghanap ng bahay na malilipatan, please, Jerome... let's not see each other again. H'wag mong itali ang sarili mo sa akin."
"Matanda na ako para pagsabihan ng kung ano ang gagawin ko sa buhay ko, Trini." Naging seryoso ang anyo ni Jerome. "More than fifteen years ago, when we first met, the situation was different. Kung hindi ako natakot sa magkakapatid na Zodiac noon ay baka nilapitan kita at nakausap. Ngayong nagkita tayong muli, I have the courage to do what I want to do-- and what I want to do is to be with youfor as long as you could live. Ayaw kong sayangin ang pagkakataong ito, Trini. So please. Just let me. At... tulad noong sinabi ko sa 'yo noong nakaraan... You didn't have to like-- love me back. Just allow me to be with you, and that's more than enough for me."
She opened her mouth to answer Jerome when suddenly, a familiar voice caught her attention. Wala sa loob na napatingin siya sa entry ng restaurant kung saan nakita niya ang kapapasok lang na dalawang babae kausap ng isa sa mga waiters. The other lady was assisted to one of the vacant tables, while the other began to walk towards the corner; doon sa hallway papunta sa restroom.
Sinundan niya ng tingin ang pangalawang babae hanggang sa lumiko ito sa hallway at mawala sa tanaw niya.
Hindi niya alam kung saan nanggaling ang ideyang biglang pumasok sa isip niya, pero bago pa niya napigilan ang sarili ay kaagad na siyang tumayo at binalingan si Jerome na kinunutan ng noo.
"You okay?" anito.
"I-I need to go to the restroom. I'll be back in a minute."
Bago pa nakasagot si Jerome ay tumalikod na siya at humakbang patungo sa restroom upang sundan ang babaeng iyon.
Pagdating sa hallway ay nakita niya ang pagpasok ng babae sa restroom. Mabilis siyang sumunod. Pagpasok niya ay inabutan niya itong nasa harap ng malaking salamin at nag-aayos ng make up. Napatingin ito sa repleksyon niya sa salamin, at nang makita siya ay kinunutan ito ng noo.
"God, of all the places..." Chona said before rolling her eyes upward. "What's up, huh?"
"Can we talk?"
Tumaas ang isang kilay ni Chona bago ini-sarang muli ang hawak na lipstick. She pushed it back into her make up kit before turning to her. "Why do you look so awful? Ano'ng problema mo?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top