CHAPTER 095 - Move On and Out







           TANGHALI NA NANG BUMANGON SI TRINI KINABUKASAN. Sadya nitong pinatay ang alarm at ini-sara ang mga bintana upang hindi sumilip ang sinag ng araw sa loob ng silid. She wasn't in the mood to face the day. She wasn't in the mood to leave her room. Kagabi pa lang ay tumawag na ito sa isa sa mga staff upang ipaalam na hindi makapupunta sa facility sa araw na iyon.

           It was 11AM. Ginising siya ng pagkalam ng sikmura. Bumaba siya sa kama at tinungo ang banyo. She washed her face and brushed her teeth. Tulala siyang nakatingin sa vanity mirror habang ginagawa ang mga iyon.

           She was like an empty shell. She felt... nothing.

           Kahungkagan. Para siyang walang isip at damdamin. Para siyang... tinakasan ng kaluluwa.

           All she knew was she just needed to be alone for some time. And that she wasn't in the mood to show up and face everyone. Kahit sa mga pusa niya. Wala siyang gana.

           Matapos mag-ayos ay lumabas siya sa silid nang nakasuot pa rin ng pajama. Nahinto siya sa hallway.

           The silence was eerie.

           Loneliness surrounded the entire house.

           Kahit ingay ng mga pusa niya sa kabilang silid ay hindi niya marinig.

           Napabuntong-hininga siya at itinuloy ang pagbaba. Pagdating sa landing sa ibaba ay kaagad siyang napatingin sa sala.

           It was immaculately clean. The couch cover was made, and the throw pillows were organized. The glass table was wiped, too.

           Did Gene come into her house and cleaned it? He always did it since they started living together.

Isang oras matapos niyang umakyat kagabi sa kaniyang silid ay naramdaman niya ang paglipat nina Feliciat at Quentin sa kabilang bahay. Sumilip siya sa bintana niya at inabutan sina Lee at Gene na naglalakad palabas ng gate niya. Nakita niyang sandaling nag-usap ang mga ito sa kalsada bago sabay na pumasok sa kabilang bahay. It was almost 1AM when all the lights in Gene's house turned off.

Maaaring kagabi pa lang ay naglinis na si Gene bago pa umalis. Or maybe he did really come into her house this morning to check on her?

           Muli siyang napabuntong hininga at dumiretso sa kusina. Pagdating doon ay nahinto siya nang makita ang percolator sa ibabaw ng breakfast table. Sa tabi niyon ay may sticky note na naka-dikit.

           She knew it.

           At kung kanina ay wala siyang maramdaman, ngayon ay niragasa ng lungkot ang kaniyang dibdib.

           You're making this hard for both of us, Gene...

           Why can't you just give up?

           Sa mabibigat na mga hakbang ay tinungo niya ang mesa at sinulyapan ang note.

           It was just a short message, but her heart sank in despair.

           I love you. No matter what.

            Bago pa niya napigilan ang sarili ay nagsimula nang manikip ang kaniyang lalamunan at manlabo ang kaniyang mga mata. She felt horrible.

            Kay bigat ng kaniyang dibdib na hindi na niya kinaya at naitukod niya ang mga kamay sa mesa. Yumuko siya at mariing ipinikit ang mga mata.

            Should I just tell Gene what really is happening?

            He loves me—for sure hindi mababawasan ang pagmamahal niya kapag nalaman niyang hindi ko siya kayang bigyan ng anak?

            I mean... I could try. We could still try. Maraming paraan.

            Yes. Sasabihin ko na sa kaniya. Sasabihin ko lang para matapos na tong paghihirap naming pareho.

            Kung may magbabago sa turing niya sa akin dahil sa katotohanang iyon, I will accept it. I couldn't blame him. This is my family's grudge, there is nothing I could do to change it.

Hindi ko na kayang saktan si Gene. Hindi ko na kaya ang bigat sa dibdib ko.

I need to tell him the truth. Now or never.

            Sa mga naisip ay tuwid siyang tumayo at tumalikod. Sa malalaking mga hakbang ay tinungo niya ang front door. She unlocked and opened it. And the first thing she heard upon opening the door was waves of laughters.

            At nahinto siya sa paglabas.

            They were Gene and Quentin's laughter. They were having fun.

            Mula sa kinatatayuan ay nakita niya ang mga ito, nasa harap ng workshop ni Gene at naghahabulan. Gene was chasing Quentin who was running around the motorbike. May hawak si Gene na hose ng tubig na wari'y ginamit upang linisan ang big bike nito. Tinututok ni Gene ang hose kay Quentin, binabasa habang humahabol. And Quentin was shrieking in excitement as he ran away from his uncle.

            At doon ay muli siyang niragasa ng labis na lungkot at hinagpis.

            She couldn't help imagining Gene playing with his own son. He would surely be happier. He would laugh more than this. He would be elated. Gene would be a great father.

            Sa mga naisip ay nawalan siyang muli ng pag-asa at tinakasan ng lakas ng loob.

            Tumalikod siya at akmang babalik sa loob nang makita siya ni Quentin at tinawag.

            "Hey, Aunt Trini! There you are!"

            Natigilan siya at napahugot naang malalim na paghinga. She forced herself to smile before turning to them. Nakita niya ang patakbong paglapit ni Quentin sa gate ng bahay niya.

            "Good morning, Aunt Trini!" Quentin halted and peeked through the grills. "You look beautiful in your pajamas!"

            Pakiramdam niya ay lalo siyang maiiyak. Sa sulok ng kaniyang tingin ay nakita niya ang paghakbang din ni Gene patungo sa gate ng bahay niya. Humugot siyang muli ng malalim na paghinga bago humakbang upang pagbuksan si Quentin.

            "Ang bata mo pa pero bolero ka na," she joked before opening the gate. "Ganiyan ba ang daddy mo, ha?"

            "That's how my dad greets mom in the morning," Quentin said with a giggle.

            She forced a giggle which sounded like a witch's hollow. Ibinaba niya ang kamay at masuyong ginulo ang buhok ni Quentin. "Thank you for saying that to me, Quentin. Pero masama ang magsinungaling, ha?"

            "But you are beautiful, Aunt Trini. Uncle Gene thought so, too. That's why he said he loves you so much."

            Sa sinabi nito'y lalo lang nadurog ang puso niya. At doon pa lang niya sinulyapan si Gene na nakatayo sa likuran ng pamangkin. Gene's face was enigmatic.

            "M-Morning," atubii niyang bati rito.

            "Morning. How's your sleep?"

            "G-Good. Sadya akong... nagising nang tanghali."

            Si Quentin ay salubong ang mga kilay na pinaglipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa. "Hey... That's not how you're supposed to great each other."

            Sabay nilang niyuko ang bata.

"What do you mean?" si Gene.

            "If you love Aunt Trini, you should be greeting her with a kiss. That's how dad is with mom."

            Lihim siyang napa-ungol.

            Si Gene naman ay napangiti at ginulo ang buhok ng pamangkin. "You're right, Quentin. Dapat ay ganoon talaga."

            At bago pa niya nahulaan ang gagawin ni Gene ay lumapit na ito at walang ibang salitang yumuko upang halikan siya sa mga labi. His lips moved against hers with tender, hungry yearning, tasting and shaping them, fitting them to his own. It took a while for her to close her eyes and respond to him-- it had been so long since he kissed her this way, and she admit that she missed this. She missed him so badly.

"That's more like it," wari ni Quentin na nagpagising sa diwa niya. Itinaas niya ang mga kamay at itinukod sa dibdib ni Gene upang sana'y itulak ito subalit nauna na itong pakawalan siya. She opened her eyes and stared at his smokey green eyes.

            Banayad itong ngumiti saka masuyong dinama ang kaniyang mga labi.

            "Good morning, love..."

            Napakurap siya. Tulala sa nangyaring halik.

            Quentin giggled and turned his back on them. Atubili niya itong sinundan ng tingin upang iwasan ang mga mata ni Gene. Si Quentin ay tumakbo patawid.

"Lola made a grilled cheese sandwich for you, Aunt Trini. I'm gonna have her heat it up for you. Just wait a sec—I'll be back soon!"

            Mabilis na narating ni Quentin ang gate ng bahay ni Gene; pumasok ito roon at patakbong tinungo ang pinto.

            "Dapat ay kanina pa sila bumiyahe patungong Asteria," ani Gene na nakasunod din ang tingin sa pamangkin. "Pero nagpumilit si Quentin na manatili muna at mamayang hapon na bumiyahe. He's a really cool kid, salamat na lang at hindi siya nagmana sa tatay niyang bugnutin." Sinundan nito iyon ng pinong ngiti. "I'm glad he took his bubbly attitude from his mom; kung kay Quaro ay hindi 'yan magiging malambing na bata."

            Napatitig siya sa mukha ni Gene at inobserbahan ang emosyong dumaan sa mga mata nito habang nagku-kwento ng tungkol kay Quentin. He had this warm and gentle expression on his face, and she couldn't help but ask the question she had in her mind,

            "What are your thoughts about having a child?"

            Ibinalik nito ang tingin sa kaniya. "Why the sudden question?"

            "You seem to enjoy having Quentin around."

            "Oh." Ngumiti itong muli. "You know how I adore kids, Trin. Kung naaalala mo pa, noong mga bata pa tayo ay ako lagi ang pinag-iiwanan nina Ma at Pops sa tatlong bunso kapag wala rin ang mga kuya. And I enjoyed watching them, kahit sobrang kulit noon nina Sacred at Sage, at kahit sobrang iyakin si Capri. It's been so long since we had a baby in the house, kaya sa tuwing nakikita ko ang mga pamangkin ko ay nabubuhay ang dugo ko. I don't spend much time with them because they live far away, but you know how much I adore them." Then his face softened as he gazed at her. "And I would love to have a big family with you in the future, Trin. I would want nothing but have you as the mother of my future children."

            Doon tuluyang gumuho ang mundo niya.

            Ang mga sinabi ni Gene ay nagbigay lang ng sapat na dahilan sa kaniya upang patuloy na ilihim ang dahilan kung bakit siya nagkakaganoon, at nagpatibay pa sa pagnanais niyang hindi na ituloy ang relasyong mayroon sila.

Bumaba ang tingin niya nang maramdaman ang pag-hawak ni Gene sa mga kamay niya.

"Sana ay napag-isipan mo nang mabuti ang binitiwan mong salita kagabi, Trini. If you need more time to think things over, I'll give it to you. Susundin ko ang sinabi ni Ma na bigyan ka ng espasyo."

Humugot siya nang malalim na paghinga. She didnt want to discuss the break up with Gene just yet. She wanted to focus on the previous topic. "Paano kung hindi ko gustong magkaanak?"

            Nagsalubong ang mga kilay nito. "Huh?"

            "Paano kung ayaw kong mag-anak?"

            "Why not?"

            "I don't like children." That was a lie, but Gene didn't know that.

            Sandaling natahimik si Gene bago pinong ngumiti. Ang pag-gagap nito sa kamay niya'y humigpit.

            "It's fine."

            "It's... fine?"

            "It's fine kung hindi ka pa handa. I can wait until you're ready."

            But I will never be ready, Gene.

            Nagpakawala siya nang malalim na paghinga bago muling yumuko. Sa pagyuko niyang iyon ay unti-unti niyang pinakawalan ang sarili mula sa pagkakahawak nito.

            "My mind is made up. I really want to break up with you, Gene."

Nang wala siyang narinig na sagot mula rito ay saka siya nag-angat ng tingin, at doon niya nakita ang unti-unting pagpalis ng banayad na ngiti sa mga labi ni Gene hanggang sa ang mga mata nito'y muling tinakasan ng emosyon. They darkened and lost their glow.

            At habang may lakas na loob pa siyang magpanggap ay tinuluy-tuloy na niya ang mga sasabihin. "Pwede mo nang kunin ang lahat ng mga gamit mo sa bahay. Mga damit mo lang naman ang inilipat mo roon kaya magiging madali at mabilis lang ang lahat. Doon lang ako sa kusina habang inaalis mo ang mga damit mo sa kwarto."

            Tumalikod na siya bago pa man may mapansin si Gene sa mukha niya at sa tinig niyang pilit niyang inaalis ang nginig.

            Nakakailang hakbang pa lang siya nang marinig ang tugon ni Gene na sandaling nagpahinto sa kaniya,

            "Don't do this, Trinity..."

            Kung ano man ang pakiramdam ng patalim na itinurok sa puso ay ganoon ngayon ang nararadaman niya. At kung nasasaktan si Gene sa pinaggagawa niya ay lalo na siya. Triple-triple.

            Humugot siya nang malalim na paghinga bago sumagot. "We can still be friends if you want," she said, lying to herself. Alam niyang imposible nang mangyari iyon matapos ang lahat. "Hindi nga lang magiging pareho ng noon, pero at least..."

            "I don't wanna be friends with you," he answered. "If you want space just like what Ma suggested last night, we can do it. I can give it to you. I can handle putting space between us, but break up? I can't, Trinity. Parte ka na ng buhay ko, ng pagkatao ko. I don't know what to do if I... lost you."

Pero doon din mapupunta ang lahat whether you like it or not, Gene, she wanted to say. It's just a matter of time. Mawawala ako sa buhay mo ngayon o sa hinaharap. This fate is inevitable.

Huminga siya ng malalim. "You know what I realized over time, Gene? We shouldn't have crossed the line. We should have just remained best friends..."

Nang hindi sumagot si Gene ay itinuloy niya ang paghakbang pabalik sa bahay niya. Nang nasa pinto na siya ay sandali siyang huminto, bahagyang lumingon, at muling nagsalita,

"Please stop coming into my house; hindi na ako natutuwa sa pagtimpla-timpla mo pa ng kape ko at pag-iwan ng note. It's getting annoying."

She stepped into her house, closed the door behind her, locked it, and wept.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top