CHAPTER 094 - Space To Grow







            "SALAMAT AT PINAYAGAN MO AKONG MANGIALAM DITO SA KUSINA MO, TRINI," nakangiting sabi ni Felicia habang inililipat sa malaking bowl ang ulam na ni-init nito. She brought two large caserole with two different viands. Niluto nito iyon sa bahay ni Quaro kung saan daw ito nanatili ng isang gabi at sadyang nagdala upang idaan sa kanila.

            From Montana where Quaro and his family resides to Asteria, kailangang dumaan ni Felicia sa Ramirez. At sa gabing iyon ay mananatili ang mga ito roon bago tumuloy sa byahe bukas ng umaga.

            Yes. Ang mga ito.

            Dahil kasama ni Felicia ang anak ni Quaro at Kirsten na si Quentin, pati na rin si Lee na siyang driver ng mga ito. At dahil bagong bili ang sasakyan ay hindi iyon kaagad nakilala ni Gene.

            "I-It's all good, Tita Feli. Kayo pa ba?" Trini did her best to act normal. Ayaw niyang mapansin ni Felicia na nasa hindi sila magandang sitwasyon kanina ni Gene bago ang mga ito dumating.

Ah, shit. She was so close to finalizing the breakup with Gene. So, so close...

Ang huling pagkikita nila ni Felicia ay noong kaarawan pa ni Gene, at alam ni Feli na may dinaramdam siya noong araw na iyon. Ayaw niyang mahalata siya ng matanda kaya pinilit niyang maging masigla at in-imbitahan ang mga itong doon na sa bahay niya tumuloy. She knew there was nothing in Gene's kitchen.

            At dahil nalinis ni Gene ang silid nito sa kabila ay doon matutulog si Felicia at ang apo sa gabing iyon, habang si Lee naman ay maaaring pumili kung saang sala ito matutulog dahil ang guest room sa bahay ni Gene ay naging tambakan na ng mga lumang gamit, habang ang guest room naman sa bahay niya ay 'private playroom' ng mga furrbabies niya.

            According to Felicia, kahapon ay dumating ito sa Montana kasama si Lee dahil biglaan daw dinala sa ospital si Kirsten. She was having premature labor at nasa ospital pa rin sa mga sandaling iyon kasama si Quaro. Naiwan sa kasambahay si Quentin, at nang malaman iyon ni Felicia ay kaagad itong nagpahatid doon kay Lee na ang tirahan ay siyang pinakamalapit sa Asteria.

            "I'm worried about Kirsten, hija," kwento ni Felicia nang ibaba nito sa ibabaw ng mesa ang bowl. Ang anyo nito ay naging malumbay. "Dalawang buwang napaaga ang panganganak niya. She was in so much pain on their way to the hospital, and Quaro was panicking."

            "Kirsten's a strong woman, I'm sure she and the baby will survive this; h'wag po kayong masyadong mabahala." Pilit niyang sinamahan ng simpatya ang tinig kahit pa sa mga sandaling iyon ay punung-puno ang dibdib ng sama ng loob at lungkot.

            And she was feeling that way because she could never relate to what Kirsten was going through. Never even if she wanted to. At upang iwasang pahabain ang topiko ay kinuha na niya ang bowl ng ulam at dinala sa dining area. Pagbalik niya'y nakangiting mukha ni Felicia ang inabutan niya.

            "You're right. Kirsten and the baby are gonna be fine. Si Quaro kasi, kung mag-panic ay ganoon na lang." Inabot nito sa kaniya ang bowl ng kanin, at nang akma na siyang tatalikod upang dalhin iyon sa maliit na dining area ng bahay niya'y masuyo siya nitong hinawakan sa braso. Muli siyang napalingon kay Felicia. "How about you and Gene? Got any update for me?"

"P-Po?" Oh, she knew what Felicia meant. Nagtatanga-tangahan lang siya dahil wala siyang maisagot.

"Nagpaparamdam na ba ang anak ko tungkol sa pagpapakasal? Hindi na ako makapag-hintay, aba. Gusto ko nang makita ang magiging anak ninyo. The more grandbabies I have, the longer my life will be."

            She deliberately looked away before forcing a smile and said, "Hayaan nating ang langit ang magpasiya, Tita Feli..."

            Felicia puckered and said no more. Sakto namang pumasok ng kusina si Quentin at patakbong lumapit sa kaniya. Sabay na natuon ang pansin nila ni Felicia rito.

Quentin pulled the hem of her blouse, looked up, and said, "Aunt Trini, can I have one of your cats, please?"

            Niyuko niya ito. Ang ngiting ini-gawad niya sa bata ay pilit. "I can't do that, Quentin. Magtatampo sa akin ang mga pusa ko. Pero kapag nagka-baby sila ay ibibigay ko sa 'yo ang isa, I promise."

            Damn it, she shouldn't be giving promises to anybody. Hindi niya alam kung hanggang kailan siya mananatili sa buhay ng mga ito. Isa pa... tila walang planong lumandi ang mga pusa niya, kaya baka inu-uod na siya sa ilalim ng lupa bago pa magkaanak ang mga ito—kung magkakaanak man nga...

            "But I want the amber-colored one..." ungot pa ng bata sabay hawak sa braso niya. "Please?"

            Pasagot na siya nang lumusot sina Gene at Lee sa kitchen entry.

            "Quentin, stop bothering your Aunt Trini—she doesn't feel well." Si Gene na kaagad na lumapit sa pamangkin at kinarga. Dinala nito iyon sa isang upuan sa tapat ng breakfast table at doon pina-upo.

            "But Uncle Gene—"

            "Magpaalam ka muna sa Mommy at Daddy mo. Kapag pumayag silang mag-alaga ka ng pusa ay ibibili kita. Not just one but three of them."

            Quentin's face brightened in excitement. "Oh, you're the best, Uncle Gene!"

            Mabilis siyang umiwas ng tingin nang makitang yumakap kay Gene si Quentin. She couldn't take the sight—masakit para sa kaniya.

            "Masama ang pakiramdam mo, hija?" tanong naman ni Felicia; nasa tinig ang pag-aalala.

            "K-Kinulang lang po sa tulog," pagsisinungaling niya bago yumuko upang si Felicia naman ang iwasang tingnan nang diretso. Pailalim niyang sinulyapan si Gene na napatingin din sa kaniya bago siya humakbang palabas ng kusina at patungo sa dining area. Nilampasan niya si Lee na nakangising nakasunod ang tingin sa kaniya.

            "Hindi ka pinatutulog ni Acky?" biro ni Lee bago binalingan ang kapatid. "Man, Isaac Genesis Zodiac— you are such a selfish lover."

            "Shush, Lee Benedict, 'yang bibig mo," suway ni Felicia sa anak bago pa man makasagot ang isang binuska. "Humayo na nga kayo sa dining area at nakahanda na ang hapunan."

            "Ma, isn't this too late to eat? Hindi naman nagre-reklamo si Quentin na gutom, eh."

            Si Felicia ay ipinaypay lang ang kamay sa ere bago humakbang patungo sa dining area kung saan siya nakatayo sa harap ng mesa matapos ilapag ang bowl ng mainit na kanin.

            Tama si Lee; it's almost midnight. Pero naghanda pa si Felicia ng hapunan.

            "Ang sabi ni Gene ay hindi pa siya kumakain," sabi ni Felicia na pumwesto sa dulo ng mesa. "He said he hasn't eaten anything since this morning. Naku, 'yang batang iyan. Kapag nasa harap ng trabaho ay nakakalimutan na ang sarili."

            Sa narinig ay napalingon siya at sinulyapan si Gene na papasok na rin sa dining area buhat-buhat si Quentin. Pansin niya ang disimulado nitong pag-iwas ng tingin sa kaniya nang humakbang ito patungo sa mesa. Una nitong pina-upo si Quentin katabi ni Felicia bago ito umikot sa kabilang panig at humila ng isa pang upuan.

            Napa-igtad siya nang sulyapan siya nito. "Come sit here, Trin."

            Hindi siya tuminag. Nanatili siyang nakatingin dito.

            "Bakit... hindi ka kumain buong araw?" She didn't know why she had to ask that. But she wanted to know the answer.

            "Dahil ayaw kong kumain nang hindi kita kasama," walang kaabog-abog na sagot nito.

            Nagsalubong ang mga kilay niya at pilit na in-ignora ang pagsipol ni Lee na tila nambubuska pa. "Hindi ko hawak ang kaldero mo, Gene. Don't starve yourself."

            Sandaling natahimik si Gene bago ibinaling sa ibang direksyon ang tingin.

            "I wanted to eat dinner with you, so I waited."

Nahimigan niya ang akusasyon sa tinig nito, at doon ay para na naman niyakumos ang puso niya. Totoong nagkataon lang na nagkita sila ni Jerome sa restaurant sa bayan. May kausap pa itong kliyente nang dumating siya— she was just intending to order a quick meal, pero natapos kaagad ang meeting ni Jerome at lumipat ito sa table niya.

Pumanig sa kaniya ang tadhana at dinala si Gene roon.

"Hindi ako makakain dahil buong gabing wala akong narinig sa 'yo, so I went to the facility to check on you."

            What would you do without me, Gene...? Pababayaan mo na lang ang sarili mo kaiisip sa akin? Lihim siyang nagpakawala nang malalim na paghinga. Kaya mas maiging magalit ka sa akin bago ako umalis— I dont want you to suffer.

            "Are you two having a lover's quarrel?" Lee asked after noticing something.

            Si Felicia naman ay nagsalubong din ang mga kilay at palipat-lipat ang tingin sa kanila.

            "Yeah," sagot pa ni Gene bago umikot sa kabilang panig at naupo sa tabi ni Quentin na hindi naiintindihan ang usapan. "Trini had been busy with work, kaya madalang ko na siyang nakakasamang kumain. Nawawalan na siya ng oras sa relasyon namin."

            Si Felicia, nang marinig ang sinabi ng anak, ay umikot paitaas ang mga mata. "Such a childish reason," anito. "You fell in love with someone who has ambitions in life. Let her follow her dreams and stop sulking. Kung hindi siya makasabay sa pagkain dahil abala siya sa negosyo niya, be old enough to feed yourself and proceed with your own tasks. Hindi por que mahal mo ang tao ay di-depende ka na lang sa kaniya. You have to live your own life, too."

Hindi na sumagot pa si Gene. Alam nitong kapag nag-umpisa nang sumermon ang ina ay kailangan na nitong manahimik.

Nagpatuloy si Felicia. "Ang dalawang tao sa isang relasyon ay parang mga puno 'yan, anak. Kailangan nilang magkaroon ng sapat na espasyo para kumalat pa lalo at lumalim ang mga ugat nila. That way, they would grow bigger and mightier. They would become stronger. What I was trying to say is that... people in a relationship need space, too. For them to grow and be stronger. Dahil kung hindi, papaano nila mapo-protektahan ang pag-ibig nila sa isa't isa?"

Nagkatitigan sila ni Gene matapos ang huling sinabi ni Felicia. At nagtagal iyon ng ilang segundo bago muling kunin ni Felicia ang pansin nila.

"And you need to grow up, Genesis, kung ganiyang ginagawa mong malaking problema ang simpleng bagay. Naku naman anak..." Pumalatak ito at sinenyasan na si Lee na maupo na rin.

            Lee shrugged his shoulders and walked over to the table. He sat beside her. Siya naman ay muling napayuko upang itago sa lahat ang paghihirap na dala-dala niya sa mga sandaling iyon.

"Alam kong mahal mo si Trinity, Gene," dagdag pa ni Felicia. "Pero kung hahayaan mong umikot ang mundo mo sa kaniya at pababayaan na lang ang sarili mo, I don't think you will grow, anak. And if you wouldn't grow, how are you able to protect the love you have for her? You will be obsessed, and when it happens, Trini will get tired of you and who knows? Baka mapagod siya at layuan ka. Give it space, anak-- give Trini some space."

Oh, damn. Gusto niyang pasalamatan si Felicia sa mga sinabi nito. Although wala itong alam sa totoong dahilan kaya may problema sila ni Gene sa relasyon nila ngayon, ay tumutugma ang mga sinasabi nito sa dahilang ibinigay niya kay Gene para tapusin na ang relasyon.

Gusto rin niyang isipin ni Gene na kaya siya nagkakaganoon ay dahil sa nakalipas na ilang buwan, bagaman masaya, ay napapagod na siya dahil tila umiikot na lang ang mundo nila sa isa't isa. Na nagiging dependent na ito sa kaniya. Na nagiging obsessed na ito sa kaniya. At napapagod na siya.

Those weren't the reasons for her to give up on the relationship, pero iyon ang gusto niyang isipin ni Gene.

At mukhang napapaisip na rin si Gene, dahil hindi na ito sumagot pa at yumuko na lang.

"O siya, kumain na tayo nang makapagpahinga na. Quentin, apo, do you wanna eat rice?"

Nang matuon ang pansin ni Felicia sa apo ay muling nag-angat ng ulo si Gene at sinulyapan siya. Disimulado siyang umiwas ng tingin.

Si Lee, nang mapansin ang pag-iwas niya ay kinuha ang pansin ni Gene. He began talking about hiring Capri to build his new warehouse, and about Cerlance who was missing in action again. Nang tuluyan nang makuha ni Lee ang pansin ni Gene ay saka pa lang siya nakahinga nang maluwag.

            Nag-umpisa nang kumain ang lahat, subalit nang may mapansin si Felicia ay muli itong nagsalita.

            "Trini, hindi ka ba kakain, anak?"

            Para siyang loka na sinulyapan ang plato niya. Wala siyang nilagay na kahit ano roon magmula pa kanina. She grimaced and shifted her gaze back to the older woman. "Busog pa po ako, Tita..."

            "Oh, kumain ka na ba kanina?"

            "Opo, I had dinner with... a friend." Sa gilid ng kaniyang tingin ay nakita niya ang pagtiim-bagang ni Gene.

            At ayaw niyang bumalik na naman ang pansin nina Lee at Felicia sa kanila ni Gene kaya ini-usog na niya paatras ang upuan saka tumayo.

"I'm sorry, Tita Feli. Inaantok na po ako. Enjoy your late dinner, and I'll catch you all tomorrow."

Bago pa man makasagot ang mga naroon ay mabilis na siyang tumalikod at lumisan.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top