CHAPTER 092 - No Rights
KINUNUTAN NG NOO SI GENE nang sa pagbukas nito ng roll up door kinaumagahan ay nakita si Trini na naka-harap sa hood ng kotse nito at nakapamaywang. Nakaangat ang hood at nakasimangot ang mukha ng dalaga.
It was nine in the morning. Tanghali na siyang nagbukas ng shop dahil anong oras na rin siyang nagising. Hindi niya maalala kung anong oras siyang nakauwi kagabi sa bahay niya. Matapos nilang mag-usap ni Trini ay lumipat siya sa kabila. Padabog na naglinis siya ng silid at pagdating ng gabi ay inilabas niya ang motorbike at nagtungo sa pub na madalas nilang puntahan noon ni Trini.
Nilunod niya ang sarili sa alak sa labis na pagdaramdam. Hindi niya alam kung ano talaga ang problema ni Trini, hindi ito nagsasabi nang buo sa kaniya. He could feel there was more she wasn't telling him about.
At kung may problema man ito, ay nararamdaman niyang ayaw nitong solusyonan dahil hindi nito sinasabi sa kaniya para maayos nila.
Trini's actions were pissing him off already.
He wanted to sort this out. Ang bakasyong akala niyang mag-aalis sa kalungkutang naramdaman ni Trini ay nakansela pa dahil pinairal na naman nito ang negatibong damdaming pumupuno sa dibdib nito. He wanted to help her, but Trini didn't want to be helped.\
Kung hindi rin nito tutulungan ang sarili ay papaano aayos ang sitwasyon nila? Ang relasyon nila?
Naghintay siyang umayos ang pakiramdam nito, ilang araw... linggo siyang nagtiis at nagpasensya. Pero sa paglipas ng mga araw ay nagiging inconsistent ito hanggang sa siya na naman ang napagod.
"Damn it!"
Naibalik niya ang tingin kay Trini nang marinig ang sunud-sunod na pagmumura nito. Nakita pa niya ang pagsipa nito sa harapan ng kotse. Kinunutan siya ng noo at humakbang palabas ng workshop. Tuluy-tuloy siya hanggang sa makalapit siya sa kinaroroonan ni Trini.
Nang makalapit ay saka pa lang siya nito napansin. Napatingin ito sa kaniya at naging mailap ang mga mata.
Hindi pa sila nag-uusap simula kahapon kaya naiintindihan niya ang reaksyon nito. He could sense her awkwardness, which was something he had gotten used to, anyway... Wala na siyang naramdamang iba rito kung hindi inconsistencies at awkwardness.
"What's going on?" he asked, eyeing the car.
"Ayaw umandar ng kotse ko," payuko nitong sagot.
He walked over to the hood, at isang tingin pa lang ay alam na niya kung ano ang problema. He tsked and faced her. "Ilang beses ko nang sinabi sa 'yong masyado nang luma ang engine ng kotse mo. Kung papalitan ko ay mapapamahal ka sa gastos, kaya sinabihan kitang bumili ng bago. This can't be fixed anymore, Trin. Mahigit pitong taon na rin ang kotseng ito sa 'yo kaya pagpahingahin mo na."
"Ayaw kong bumili ng bagong kotse. Ayusin mo na lang ulit kung bakante ka ngayong araw; I'll pay your. For now, I'll just take a cab—"
"Kung ayaw mong gumastos ay ako ang bibili sa 'yo ng sasakyan—"
"I don't need a new car, Gene. Lalo na kung bibilhin mo. Besides, hindi ko rin naman magagamit pa 'yon nang matagal."
Kinunutan siya ng noo at muli itong niyuko. "What the heck do you mean?"
Muling naging mailap ang mga mata ni Trini bago nagkibit-balikat. She cleared her throat and said, "I mean, hindi ko rin naman magagamit nang madalas kaya mas mabuting h'wag na akong bumili ng bago."
Matagal siyang nakatitig sa mukha nito; tulad ni Trini ay wala na ring ibang salita ang namutawi sa mga labi niya. Sa mabilisang paraan ay sinuri niya ng tingin ang kabuoan ng mukha nito. Those dark circles under her eyes were evident-- siguradong tulad niya ay hindi rin ito nakatulog nang mahimbing kagabi. Ang buhok nito'y tila madalian lang nitong tinali-- and he knew her too well. Hindi ito aalis nang hindi nakaliligo. But this time, her hair was oily; which meant she hadn't taken a bath yet. Ang mga labi nito'y tuyot, at doon siya sinalakay ng kung anong awa at inis.
Awa dahil hindi niya kayang makita ito sa ganoong kondisyon, at inis dahil kung nasasaktan at nahihirapan na rin ito'y bakit hindi pa nito ipakipag-usap sa kaniya ang problema?
He let out an exasperating and irritated sigh.
He missed Trini and he wanted to hug her. They hadn't been intimate for weeks now, and he missed kissing and hugging her...
At kahit na may kaunti siyang sama ng loob dito dahil sa nangyari kahapon ay hindi niya ito kayang pabayaan na lang.
"You don't need to take a cab," aniya rito makaraan ang ilang sandali. "Just use my truck instead."
"Pero—"
"Hindi ko madalas na nagagamit ang truck, at mas masisira lang engine kung hahayaan ko na lang na naka-tengga nang matagal. Use it for me."
"W-Well, if you insist. Gagamitin ko muna, pero ngayong araw lang."
Ibinalik niya ang pansin sa sasakyan ni Trini. "Ano'ng plano mo sa sira mong sasakyan? Do you want me to fix it still?"
"Yeah, sure." Iyon lang at kinuha na nito ang bag sa driver's seat. "Nasa keychain mo ang susi ng truck, 'di ba? Ako na ang kukuha."
"Nasa workshop ang susi ko, sa ibabaw ng working table."
Walang ibang salita na tumalikod na ito at akmang tatawid ng kalsada nang tawagin niya itong muli. Huminto si Trini subalit hindi lumingon.
"Do you want to eat dinner with me tonight?"
Ilang segundo muna ang pinalipas ni Trini bago sumagot. "No, Gene. Gagabihin ako ng uwi mamaya dahil may mga papeles akong kailangang asikasuhin."
Wala na siyang sinabi pa hanggang sa tumalikod ito at humakbang patungo sa workshop. Ilang sandali pa ay inilabas na ni Trini ang truck. Hindi na ito nag-abalang magpaalam pa sa kaniya. She just drove the truck past him as if he was some kind of a stranger that didn't matter to her.
At labis siyang nasaktan doon.
*
*
*
IT WAS TEN IN THE EVENING; WALA PA RIN SI TRINI. Hindi na nakatiis pa si Gene. Lumabas ito ng bahay at sumampa sa motorbike.
Ipinaharurot niya iyon hanggang sa marating ang facility sa bayan. Subalit pagkarating doon at makitang sarado na iyon at wala sa harapan ang truck niya na gamit nito noong araw na iyon ay lalo siyang nagtaka.
Trini was not answering any of his calls, her phone just kept ringing.
Well, nasanay na siyang sa nakalipas na mga araw ay hindi na nito gaanong sinasagot ang mga tawag niya. At may dahilan itong hindi sagutin ang mga tawag niya dahil sa naging pagtatalo nila kahapon. At kahit na hindi rin maayos ang naging paghaharap nila kaninang umaga, umasa siyang kahit papaano ay umayos na ang takbo ng utak nito at sasagutin na ang mga tawag niya.
Matapos ang ilang beses na pagsubok at ang hindi pa rin pagpansin ni Trini sa mga tawag niya ay ibinalik niya ang cellphone sa bulsa ng suot na pantalon saka muling ini-suot ang helmet. Pinaharurot niya ang motorsiklo niya hanggang sa mapadaan siya sa pinakamalaking restaurant sa bayan nila na madalas nilang puntahan ni Trini noon.
At doon ay bigla siyang napa-preno.
Nakita niya ang truck niyang nakaparada sa harap. Ibig sabihin ay nasa loob ng restaurant na iyon si Trini.
He parked his bike and got off. Bitbit ang helmet ay pumasok siya at hinanap ng tingin si Trini.
Iilan na lang ang mga guests na nasa loob, kaya madali niya itong nahanap.
Si Trini ay nakaupo sa pinaka-sulok na mesa, kaharap si Jerome Sison na kay lapad ng pagkakangisi habang nakikipag-usap.
Uminit ang ulo niya—at bago pa niya napigilan ang sarili ay humakbang na siya patungo sa mga ito.
"Trinity Anne."
Si Trini na nakatalikod sa entrance ay kaagad na napalingon nang marinig ang tinig niya. Sandaling nanlaki ang mga mata nito, at nang remehistro sa isip ang pagdating niya ay kaagad nitong initago ang ibang emosyon sa mga mata at ang anyo'y muling naging blangko. Nang muli itong magsalita ay kay lamig na ulit ng tinig. "You're here..."
Para siyang sinaksak sa puso nang marinig ang sinabi nito. She made it appear like it was nothing. Na parang balewala lang dito na nahuli niya itong nakikipag-harutan sa ibang lalaki all while he was worried sick about her!
"Dito mo ba inasikaso ang mga mahahalagang papeles na sinabi mo kanina?" he asked; face darkened in fury and... jealousy.
Trini just nonchalantly shrug her shoulders and said, "I got hungry after my paperwork, so I went here to have dinner--"
"With this guy?" Hindi niya alam kung kanino magagalit -- kay Trini ba o kay Jerome Sison? Damn both of them!
Si Jerome ay tumayo at sa mahinahong tinig ay, "Gene, I met with a client here this evening and I just happened to--"
Subalit naputol ang paliwanag ni Jerome nang magsalita si Trini habang nakatitig pa rin sa kaniya. "Yes, I asked him to join me. Now what, Gene?"
Gustong sumabog ng dibdib at ulo niya sa sama ng loob. He didn't want to make a scene, it wasn't how he rolled. Pero nawawalan siya ng kontrol dahil sa ginagawang ito ni Trini.
Bago pa niya napigilan ang sarili ay hinablot na niya ang kamay ni Trini upang i-angat ito sa upuan. SI Jerome ay akmang lalapit subalit tinapunan niya ito ng masamang tingin.
Jerome Sison was a tall guy, at hindi nagkakalayo ang laki ng mga katawan nito. But Jerome Sison should know better. He could fight. And he could kill him if he wanted to. H'wag siya nitong susubukan. At piliin nito ang babaeng susulutin!
F*ck.
He was getting out of hand.
His mind was a mess; kung ano-ano na ang naiisip niya.
"Let go of me, Gene," matigas na tugon ni Trini sabay bawi ng kamay. "Don't make a scene."
"Kung ayaw mong gumawa ako ng eksena ay umuwi ka na." Pigil-pigil na niya ang galit, subalit ang mga mata'y naglalabas pa rin ng apoy.
"Hindi mo hawak ang buhay ko kaya wala ka sa katayuan para manduhan ako kung ano ang dapat kong gawin." Her voice was shaking yet Trini tried so hard to appear calm. "Uuwi ako kung kailan ko gusto, at makikipag-dinner ako sa kahit kanino ko gusto. Wala kang karapatang um-akto na parang pag-aari mo ako--"
"Tinatanggalan mo ako ng karapatang magalit at magselos bilang kasintahan mo?" He could not believe what's happening. Ramdam niya ang mata ng mga tao sa paligid nila dahil napapalakas na ang tinig nilang pareho ni Trini, pero nawalan na siya ng pakialam. Nanggigilalas siya sa paraan ng makikipag-usap ni Trini sa kaniya.
Inilipat niya ang tingin kay Jerome na nanatiling nakatayo. Muli niya itong tinapunan ng masamang tingin.
Sigurado siyang kung ano-ano na ang itinatanim ng lalaking ito sa utak ni Trini kaya nakakapagsalita nang ganoon.
"Yes, Gene, tama ka."
Ibinalik niya ang tingin kay Trini nang marinig ang sinabi nito.
"Tinantanggalan na kita ng karapatan."
"You can't just do that. We are still in a relationship, Trini. I am still your boyfriend. Nagtalo tayo kahapon, umalis ako para magbigay ng espasyo. But that didn't mean our relationship is over—"
"Kaya nga. Bakit hindi na lang natin tapusin na ngayon?"
"Ano?" Pakiramdam niya'y tumigil ang mundo at paghinga niya.
"Let's officially end this. Let's break up."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top