CHAPTER 090 - Moving Out of the Love Nest




Dahil naka-schedule sina Trini at Gene sa gabing iyon na lumipad patungong Thailand ay parehong nanatili sa bahay ang dalawa.

            Trini slept in. Nagising ito ng bandang alas dies ng umaga, habang si Gene naman ay maagang nagising at nag-work out. Alas otso nang bumalik ito sa bahay at naghanda ng almusal. Sinubukan nitong gisingin si Trini para kumain pero hindi ito kinibo ng huli. Kaya bumaba na lang ito at kumain kasama ang mga pusa ni Trini na tulad ng amo ay pawang mga wala sa mood. They were laying around the living area far from each other. Natutulog at kapag ginagalaw ay nangangalmot. Hindi rin ng mga ito pinansin ang gatas at cat food na inilagay ni Gene sa mga naka-hilerang bowl ng mga ito sa kitchen.

            Gene just had coffee and toast. Inilagay nito sa frdige ang almusal na niluto, at lumipat sa kabila—sa sarili nitong bahay—dala-dala ang mug ng kape at tinapay sa bibig. He went straight to his workshop and did some cleaning. He did that to kill time as he waited for Trini to wake up.

Si Trini ay nagising ng alas dies at kaagad na naghilamos. Bumaba ito at hinanap ng tingin si Gene. Nang makitang wala roon ang binata ay tila ba nakahinga ito nang maluwag.

And that was something that bothered her.

Dumadating na siya sa puntong ayaw niyang magkaharap sila, o makita ito roon. Mas komportable na siyang wala ito roon, that way, hindi niya kailangang magpanggap na galit, at hindi niya kailangang pilitin ang sariling iwasan ito.

And she didn't want him around because the more she saw him, the more she missed the old them.

            Pagdating niya sa kusina ay hinarap niya ang fridge at tiningnan kung ano ang mga karneng naroon upang lutuin. Kailangan niyang may gawin para hindi siya makapag-isip nang kung anu-ano.

            Sa loob ng fridge ay nakita niya ang tatlong glass containers na may lamang vegetable soup, omellete, at bacon. Sigurado siyang iyon ang mga niluto ni Gene nang umagang iyon. He tried to wake her up for breakfast, but she refused his invitation. Umungol lang siya at sinabing gusto pang matulog; buti at hindi ito nagpumilit.

            She took out the chicken and some veges; dinala niya ang mga iyon sa lababo at hinugasan. Matapos iyon ay naglabas siya ng kutsilyo at pealer mula sa cabinet at isa-isang binalatan ang mga carrots at patatas. Wala sa loob na itinuloy lang niya ang ginagawa nang bigla siyang nakarinig ng nagsalita mula sa kitchen entry.

"Morning, love."

Napa-igtad siya at nagkamali sa pag-kiskis sa peeler dahilan kaya nakayod niya ang balat sa gilid ng hinlalaki. She gasped and cursed consecutively. Inihagis niya ang peeler sa lababo at pinisil ang gilid ng hinlalaki na nahiwa niya. The blood oozed like water from an open faucet. Nanlaki ang kaniyang mga mata.

            Si Gene, nang makita ang mga nangyari, ay kaagad na lumapit. Kinuha nito ang kamay niya at sinuri ang sugat. He tsked and reached for the faucet valve and turned it open. Maingat nitong hinugasan ang sugat niya. Matapos iyon ay hinablot nito ang tissue roll at kumuha ng sasapat upang ibalot sa sugat. Ilang sandali pa ay hinila siya nito patungo sa mesa at pina-upo sa harapan niyon.

            "Hawakan mo nang mariin ang tissue para magsara ang sugat. Kukunin ko lang ang first aid kit sa—"

            "Maliit na sugat lang 'to, Gene. Malayo sa bituka." Hawak-hawak ang daliring may balot ng tissue ay tumayo siya at lumayo rito. Humakbang siya pabalik sa kinaroroonan ng tissue roll at kumuha ng panibago. Ang hawak niya ay basa na ng tubig at dugo at kailangan niyang palitan.

Habang humihila ng panibagong rolyo ng tissue ay sinulyapan niya ang mga inihandang ingredients sa lababo. Ang mga gulay ay natalsikan ng dugo, ang manok ay matigas pa rin. Dahil sa sugat niya sa kamay ay tinamad na siyang maghanda ng tanghalian. She let out a heavy sigh before turning her back on the ingredients and walking out of the kitchen.

"Where are you going?" si Gene na ang tingin ay nakasunod lang sa kaniya.

"Kung gusto mong mananghalian ay um-order ka na lang ng pagkain. Aakyat na ako."

            "Pero kabababa mo lang at hindi ka pa rin kumakain—"

            "Wala akong gana, Gene. Sinubukan ko lang maghanda ng tanghalian dahil wala akong magawa pag-gising ko. This house is becoming a boring place and I hate it."

            "But Trini—"

            Hindi na naituloy pa ni Gene ang mga sasabihin dahil nag-tuloy-tuloy na siya palabas ng kusina. At sa malalaking mga hakbang ay tinungo niya ang hagdan paakyat sa kaniyang silid.

*

*

*

            MATAPOS MULING HUGASAN AY BINALOT NI TRINI NG BAND-AID ANG SUGAT SA DALIRI. Hindi naman iyon malalim, pero mahaba at kinailangan ng dalawang bandages para matakpan.

            She put on a new pair of pajamas and tucked herself back in the bed. Hindi siya matutulog pero plano niyang magmukmok sa silid buong maghapon.

Naisip niyang umalis at umiwas pero saan siya pupunta? Ayaw niyang sa facility magtungo dahil wala siya sa mood para humarap sa mga staff na ang alam ay naghahanda na siya sa pag-alis nila ni Gene sa gabing iyon. Isa pa... Ganitong magulo ang utak niya at mabigat ang dibdib ay hindi niya kayang magmaneho nang maayos.

Maingat siyang nahiga, at saktong naibalot na niya ang sarili sa ilalim ng makapal na blanket nang bumukas ang pinto ng silid. Napasulyap siya roon at nakita si Gene na pumasok, dala-dala ang tasa niya.

Tasa niyang binili nila nang sabay. It was a big black mug na may design na panda. Gene's mug was a white one with the same panda design.

The sales lady at the mall called it a couple's mug.

Such cheesy sh*t.

Tahimik niyang sinundan ng tingin si Gene hanggang sa makalapit.

            "You can't skip a meal, Trini. You need to have something, somehow," anito bago ini-lapag sa side table ang tasa. "Here, ininit ko ang vegetable soup na niluto ko kaninang umaga. Eat a little at least."

            "Ayaw kong kumain—"

            "Sabaw lang 'yan, Trinity Anne."

            Hindi na siya umimik pa, subalit hindi rin niya kinuha ang mug. Determindo siyang magmatigas, kaya imbes na ang mug ang kunin niya ay ang cellphone na nasa tabi niyon ang inabot niya. Humiga siya at tumalikod saka inabala ang sarili sa pagbukas ng social media.

            Naupo si Gene sa gilid ng kama, ipinatong ang mga siko sa magkabilang tuhod, pinagsiklop ang mga kamay, saka siya nilingon. "Kagabi ay sinabi kong kailangan na nating mag-usap tungkol sa nangyayari sa relasyon natin. Pero sa nakikita ko ngayon ay mukhang hindi ka pa handa."

Hindi siya umimik.

"Pero kailan ka magiging handa, Trinity?"

Wala pa rin siyang sagot na ibinigay rito.

Nagpakawala nang malalim na paghinga si Gene at hinagod ang kamay sa buhok. Ilang sandali pa ay muli itong nagsalita.

"Hindi pa tayo nakakapag-empake ng mga dadalhin natin mamaya. We're leaving to the airport at 5pm, isn't that right?"

            Nahinto siya sa pagpapanggap na abala sa pag-so-scroll sa social media at humugot nang malalim na paghinga. "Nagbago ang isip ko."

            Napatingin ito sa kaniya. "What do you mean?"

            "H'wag na nating ituloy ang pag-alis mamaya. Nawalan ako ng gana."

Walang naging sagot mula kay Gene, pero nakita niya ang pag-igting ng panga nito.

He was angry. And he was trying not to let it show.

            Tama ba itong ginagawa ko?

            Ito ba ang paraang nararapat para... hindi masaktan si Gene kung sakaling... magtapos ang lahat sa amin?

            Would it be better for him to get tired of me?

            Would it be easier for him if he learned to hate me?

Am I really doing the right thing?

            "Explain to me why, Trinity," Gene said calmly, pero naroon ang diin sa mga salita nito. At nahihimigan niya ang inis.

            "I just said it, didn't I? Sinabi kong nawalan ako ng gana—"

            "The itinerary and accommodation have been booked and paid in full. Sapat bang dahilan na nawalan ka ng gana para i-forfeit ang halagang ibinayad natin sa mga iyon?"

            "Just ask for a refund— kahit 50% lang. Kaunting halaga lang 'yon kung tutuusin." Ibinalik niya ang tingin sa cellphone at nagkunwaring balewala ang naging pag-uusap nila. "Kung pipiliting kong tumuloy ay baka mawalan din ng silbi ang bakasyong iyon. I would rather keep myself busy than go on a holiday."

Si Gene ay inis na muling hinagod ang kamay sa buhok. Alam niyang may nais itong sabihin, pero pinanatili nitong tahimik ang sarili para marahil iwasan ang pakikipagtalo.

At sa sumunod na ilang sandali ay namayani sa kanila ang katahimikan.

And during this time, Gene was suppressing his annoyance, while she was trying to think of something to shoo him away.

"Oh, and by the way," aniya nang may maalala. "Kailangan ko rin palang bumalik sa Asteria sa Linggo. Dalawang araw ako roon."

            Muli siya nitong sinulyapan. His expression changed, his eyes lost their shine. "Ano'ng gagawin mo roon?"

            "I'll visit a friend."

            "At babalik ka ritong masama na naman ang loob o wala na naman sa mood? I don't think it's a good idea, Trini—"

            "I have to, Gene. At kahit ano pa ang sabihin mo ay ako pa rin ang masusunod. I am going, and nothing you say would stop me."

            Hindi na ito sumagot, subalit ang blangko nitong mga mata ay nanatiling nakapako sa kaniya.

At upang iwasang salubungin ang mga tingin nito'y muli niyang binalingan ang cellphone at nagkunwaring abala.

Makaraan ang ilang sandali ay nagbawi ng tingin si Gene, umiling, saka tumayo.

            "Just eat that f*cking soup, Trini." Then, he walked away.

            Doon niya ito sinundan ng tingin hanggang sa huminto ito sa harap ng closet. Pabalibag nito iyong binuksan at kumuha ng ilang mga damit. Napabangon siya at kinunutan ng noo.

            Para siyang gaga na nakaramdam ng panic.

            "What are you... doing?"

            "Doon muna ako sa bahay ko," malamig nitong tugon.

            "What?"

Why the heck am I panicking? Hindi ba at ito ang gusto ko? Unti-unti na kaming nasisira, unti-unti na siyang naiinis sa akin, at unti-unti na siyang lumalayo. Everything is going according to my plan. So, why the heck am I panicking?

            "Doon muna ako sa kabila hanggang sa lumamig na 'yang ulo mo at handa ka nang pag-usapan itong nangyayari sa atin."

She opened her mouth to say something-- or stop him. Pero pinigilan niya ang sarili. Masisira ang plano niya at mawawalan ng saysay ang lahat ng mga iniyak niya kung magsasalita siya sa mga sandaling iyon.

"Besides," Gene looked over his shoulder and gave her an empty look. "I feel like you didn't want me anywhere near you."

            Hindi niya narinig ang huling sinabi nito dahil nalipat na ang kaniyang pansin sa mga damit na inilabas na nito mula sa closet. Lima—no, mahigit sampung t-shirts ang kipkip nito, at ilang pares ng pants.

"Tama ba ako, Trinity Anne?"

Napakurap siya at ibinalik ang tingin sa mukha nito. His face remained emotionless, his voice remained cold.

"S-Saan?"

"Tama ba ako para isiping hindi mo na ako gustong nasa tabi mo?"

She opened her mouth again to say something, but she decided it was better for him to think he was right, so she just shut it close again and looked him dead in the eye.

Iyon naman kasi talaga dapat ang isipin nito sa mga ipinakikita at ipinararamdam niya rito nitong nakalipas na mga linggo.

At dahil sa kawalan niya ng tugon ay doon nagpakawala nang malalim na paghinga si Gene. Hindi nito naitago ang pagdaramdam nang pabalya nitong inisara ang closet.

"I f*cking knew it," he said in a voice full of pain and sorrow. Tinapunan siya nito ng tingin na puno ng hinanakit bago tumalikod at humakbang patungo sa pinto.

            Nang makalabas si Gene ay pabalya rin nitong ini-sara ang pinto ng silid.

At doon lang siya natauhan. Doon ay naramdaman niya ang pagsikip ng lalamunan at paghapdi ng mga mata.

Gusto niyang murahin ang sarili.

Araw-araw na lang siyang umiiyak. Araw-araw na lang niyang sinasaktan si Gene.

Pero kailangan na nilang masanay; siya sa pag-iyak... at si Gene sa pagdaramdaman.

Dahil sa susunod na mga araw ay ganitong-ganito ang mangyayari hanggang sa tuluyang matapos ang lahat sa kanila.

Sandali siyang natigil sa pag-iisip nang marinig ang pagtunog ng cellphone. Niyuko niya iyon, at nang makita ang pangalan ni Jerome sa screen ay nakaisip siya ng ideya.

She pressed the answer button and said, "Hey. What's up?"

"Hey, narito ako ngayon sa facility. Nakalimutan kong dalhin ang binili kong bagong laruan at snacks para kina Savior at Ash. Your staff says you're leaving with Gene for Thailand tonight. Just wanted to wish you a happy trip."

Bumangon siya at bumaba sa kama. "Hindi matutuloy ang trip namin. So, are you free tonight?"

Matagal muna ang pinalipas ni Jerome bago sumagot. "For you? Of course. Where to?"

"Your place."


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top