CHAPTER 089 - Can't Lose Her







TWELVE MIDNIGHT. Saktong hating-gabi nang umuwi si Trini at iparada ang sasakyan sa harap ng gate.

Nakita niya ang nakabukas na ilaw sa silid nila sa itaas, pati na rin sa kusina. Tanda na naroon na si Gene at naghihintay sa pag-uwi niya. Hindi niya alam kung tumawag ito, she turned her phone off while she was in the restaurant with Jerome.

Oh, that dinner with her old crush...

Hindi niya inakalang malilibang siya at kahit papaaano ay hindi maisip ang mga pinagdadaanan ng relasyon nila ni Gene. Jerome Sison was a great company, and he was a real gentleman. Malayong-malayo ito sa nakilala niyang Jerome Sison mahigit isang dekada na ang nakararaan.

Oh well, hindi naman talaga niya nakilala nang lubos si Jerome Sison noon. She only knew him because he was a campus crush and one of the popular sportsman in their batch. Isa lang siya sa pila-pilang mga babaeng nagkagusto rito noon, at dahil misteryoso ang dating noon ni Jerome ay lalo pa itong nakahakot ng mga fans. He wasn't really the most handsome, but he was attractive and his popularity helped a lot to put him alongside the Zodiac brothers as one of the hearthrobs on the campus.

At noong high school sila, akala niya ay mayabang at snob si Jerome.

Kagabi lang niya nalaman ang dahilan kung bakit hindi nito masyadong pinapansin ang mga babae noon.

Jerome was a scholar and he needed to secure his scholarship to be able to get to college. At para rito, malaking distraction ang pakikipagrelasyon noon kaya hindi nito pinansin ang pakikipaglapit ng mga babae rito. And Jerome also reminded her that he was interested about her before, dahil nga raw marami sa mga team mates nito ang may gusto sa kaniya at napukaw ang curiousity nito. At noong araw na nagkaharap sila sa unang pagkakataon— ang araw na dinatnan siya at napahiya sa locker room— ang pagkakataong nakilala siya ni Jerome at nakita nang malapitan. And he admitted he found her pretty at the time, lamang ay hinarang ni Gene at ng mga kuya nito ang pagkakataong makausap siya ni Jerome sa sumunod na mga araw.

And because Jerome didn't want any trouble that would put his scholarship at risk, he decided to back off and move on with his life.

Which did him good, because look at him now...

At kanina... nang magkaroon siya ng pagkakataong makilala ito nang lubos, ay namangha siya sa mga napansin.

Jerome was a gentleman. Lagi itong nakaalalay sa kaniya. He was also respectful and polite. Kahit sa mga waiter at restroom lady ay mabait ito at magalang. Maingat ito sa mga sinasabi at marunong magdala ng konbersasyon. May mga pagkakataong nagiging flirt ito sa kaniya, but it was just subtle it didn't turn her off.

At... kahit hindi niya sabihin dito ay alam ni Jerome na may pinagdadaanan siya. Sinabi nitong nawalan ng ningning ang mga mata niya, and that if she needed someone to talk to, he was just a one call away.

It was so nice to have Jerome around.

He was different. He was... chivalrous.

Kung sa mga bagong lengguwahe pa, pa-fall ito. Pero ito rin ang tipong kung mapo-fall ka ay sigurado ang pagsalo sa 'yo. Hindi ito pa-fall na nang-iiwan. Pa-fall ito na sumasalo.

And Jerome somehow reminded her of Deewee. Ang pinagkaiba lang ng dalawa... si Deewee ay medyo reserved na tila takot magkamali at ayaw lumandi. Which she understood dahil kilala ni Deewee ang mga magkakapatid na Zodiac at nag-aalala itong baka ma-sampolan ng mga barako. Deewee was conservative and wholesome. Medyo... boring.

Si Jerome ay perfect gentleman na may pagka-flirt. Tuluy-tuloy ang konbersasyon, marunong tumayming ng biro at landi, at laklakero rin tulad nila ni Gene.

At si Gene...

Ano ang pinagkaiba ni Gene sa dalawa?

Well, physically, Gene was on top.

Mabait ito at malambing sa kaniya dahil bago naging sila ay naging matalik na magkaibigan muna.

He was her best friend and at the same time, the only person who could be her bully.

He was kind and faithful. He was a keeper.

Maginoo rin naman, pero bastos.

Which she loved.

At si Gene ang... mahal niya.

Pero minsan, hindi por que mahal mo ang tao ay pwede nang maging kayo habang buhay.

Life was full of twists and turns.

Deliberately hurting Gene now just so she could prevent him from suffering in the future was her twists and turns in life.

Humugot siya nang malalim na paghinga saka bumaba sa kotse. Kung noon ay lagi siyang sabik na umuwi at makasama si Gene sa ilalim ng munti nilang tahanan, ngayon ay para siyang papasok sa impyerno na hindi niya alam. Her chest was heavy, her mind was filled with worries.

Para siyang may pasan-pasang mabigat na bagay sa kaniyang likuran nang humakhakbang siya papasok.

Nang makapasok ay sadya niyang ibinagsak pasara ang pinto upang ipaalam kay Gene na naroon na siya. She then walked straight to the kitchen to get a glass of water. Nang marating ang kusina ay dumiretso siya sa cupboard, pero imbes na tall glass ang kukunin ay isang wine glass ang nadampot niya.

Nagsunud-sunod na ang maling desisyon niya matapos iyon.

She took a bottle of Chardonnay from the cupboard and poured an ample amount into her glass. Dinala niya iyon sa bibig, subalit bago pa man dumikit ang likido sa kaniyang mga labi ay naalala niya ang sinabi ni Doktora Hernandez noong huling nagkita sila.

"If you don't want to end up like your mother, you have to take care of yourself, Trinity. Layuan mo lahat ng bawal sa 'yo. Pagkain, maling lifestyle, bisyo. Alcohol, most especially. Lalo iyong nakabababa ng tsansang umayos ang kondisyon ng matres mo."

Nang maisip iyon ay naibaba niya ang hawak na glass sa ibabaw ng sink saka mariing napapikit. Yumuko siya at ini-tukod ang mga kamay sa edge ng lababo.

Hindi niya alam kung bakit bigla na lang pumasok sa isip niya ang mga sinabing iyon ni Doktora Hernandez. Kanina sa restaurant kasama si Jerome ay hindi niya naisip iyon. They took a bottle of white wine and finished it. Kung hindi pa ito magmamaneho pauwi ay baka kumuha pa ito ng isa pang bote.

Bakit hindi niya naisip ang mga sinabing iyon ni Doktora Hernandez kanina? Ang dami pa man din niyang nilaklak...

Nang marinig niya ang mga yapak ni Gene na bumababa ng hagdan ay awtomatikong nagsara ang kaniyang isip.

She took a deep breath and prepared herself.

Ilang sandali pa ay...

"Hey, where have you been?"

Muli siyang humugot nang malalim na paghinga bago humarap, sumandal sa lababo, at humalukipkip. She deliberately ignored Gene's naked chest. Nakasuot lang ito ng sleeping pants at nakayapak. Ang buhok nito ay basa pa sa pagligo.

"Well, how about you tell me kung saan ka galing kanina bago ko sagutin ang tanong mo?" aniya.

Kinunutan ito ng noo. Tila nairita. Maliban pa roon ay mababakas sa anyo nito ang pagod.

Well, of course. Knowing how he performed, talagang mapapagod ito. Nang sobra-sobra.

Oh, lalong nasira ang mood niya.

"Hindi ba at sinabi ko na sa 'yong may mga kliyente akong kailangang puntahan bago ang ilang araw nating bakasyon? I went to all of their destinations and I am dead tired, Trinity Anne. I don't have the energy left to argue, so please."

She narrowed her eyes in annoyance. Ito pa talaga ang may ganang um-attitude matapos nitong makipagkita sa Chona na iyon?

"Wala pa akong sinasabi pero alam mo na kaagad na magtatalo tayo. Ang taong may nililihim lang ang magsasabi nang ganiyan, Genesis."

Nakita niya ang pag-igting ng panga nito sa kontroladong inis. At nang wala itong ini-sagot sa huling sinabi niya ay muli siyang nagsalita,

"Kilala ko ba ang mga kliyenteng pinuntahan mo?"

Gene's irritation subsided, his forehead furrowed next.

She was sure that her last question caught him off-guard.

At nang makita niya ang sandaling pag-iwas ng tingin ni Gene bago ang pagpapakawala nito nang malalim na paghinga ay parang tinurok ng kung anong matulis at matalim na bagay ang kaniyang dibdib. His reaction just confirmed her assumption. May ginawa itong hindi niya nagustuhan.

"Yes, you know some of them."

"Any women?" God, she was thankful her voice didn't quiver.

May sampung segundong natahimik si Gene at nakipagtitigan lang sa kaniya bago sumagot,

"Yes."

"Was Chona one of them?"

Biglang nagsalubong ang mga kilay ni Gene. Nalito, nagtaka. "Wait, what? How did you know?"

Puno ng hinanakit na tinapunan niya ito ng tingin. "Bakit hindi ka nagsabi? And why the hell did you hide it from me? Kung hindi ko ba itatanong ay hindi mo rin sasabihin?"

"Hey, allow me to explain." Lumapit ito at akma siyang hahawakan pero itinaas niya ang kamay sa ere upang pigilan ito.

"Explain without holding me, Gene. Ayaw kong gamitan mo na naman ako ng mahika sa pamamagitan ng mga haplos mo. Nauuto mo ako kapag iyon ang ginagawa mo."

"Okay, listen." Humugot muna ito nang malalim na paghinga bago nagpatuloy. "I went to one of my VIP clients, Sergio. He is one of the F1 racers na ka-kompetensya ni Sky O'Hana. Noong dumating ako ay may miniparty sa bahay niya and Chona was one of the visitors. We spoke for a while before I headed to his garage; may kasunod pa akong kliyente pagkatapos ni Sergio kaya kailangan kong magmadali. I wouldn't deny the fact that Chona did try to hit on me, but I did my best to avoid her." Muli itong huminga nang malalim, itinaas ang kamay upang hawakan siya, subalit kaagad siyang umiyas kaya muli nito iyong ibinaba. "Come on, Trin. Did you really think na sisirain ko ang relasyon natin dahil lang sa kaniya? If I cheated on you, I will forever ruin not only this relationship but our friendship. Did you really think I was that stupid?"

She looked him in the eye to search for sincerity.

And damn did she find it.

Gene was telling the truth, she could tell.

Pero hindi pa siya tapos.

"I have this feeling na kung hindi pa kita nahuli ay hindi ka pa magsasabi nang totoo."

Again, he let out a sigh. "Tama ka, Trini."

Napasinghap siya sa pagkamangha. "Really, Gene? You were planning to hide this from me?"

"I was planning to ignore it and pretend it never happened. Because Chona didn't matter, and nothing happened between us. I don't really want to make it a big deal, pero narito na tayo. But I have already explained, and it's up to you kung paniniwalaan mo o hindi."

"At kung pipiliin kong h'wag paniwalaan ang palusot mo, what would you do?"

Please save yourself, Gene.

Hindi ka pa rin ba natu-turn off o nagagalit sa mga incosistencies ko lately? Sa pagmamaldita ko? Come on, love. Give up already.

Para sa 'yo rin ito...

"What else can I do, Trini?" Gene asked. Nasa tinig ulit ang kontroladong inis. "Gusto kong sa 'yo manggaling para alam ko ang kailangan kong gawin para isalba tayo. Gusto kong ikaw ang magsabi kung ano ang gagawin ko nang sagayon ay hindi ako magkamali. That way, hindi na madagdagan itong suliranin sa relasyon natin."

Itinaas niya ang mukha. "I don't know, Gene. Baka wala na talaga."

Tumalikod na siya at ini-salin sa lababo ang laman ng wine glass. Ang bote naman ay ibinalik niya sa cupboard, at habang ginagawa niya ang mga iyon ay ramdam niya ang mga mata ni Gene sa kaniya. "Gusto kong mapag-isa ngayong gabi sa silid."

Palabas na siya sa kusina nang magsalita ito. "Paano mo nalamang magkasama kami ni Chona kanina?"

"I called your phone and she answered. Sinabi niyang sasabihin niya sa 'yo na tumawag ako, pero mukhang hindi niya ginawa." Tuluy-tuloy siya sa paghakbang.

Sumunod si Gene. "So, hindi mo rin sasagutin ang tanong ko kung saan ka nanggaling at ano ang ginawa mo? Tumawag ako sa facility at sinabi sa akin ng isa sa mga staff mo na maaga kang umalis."

Huminto siya at sa nang-uuyam na tinig ay, "Ah, so ako naman ngayon ang may ginawang mali."

"Ang taong may ginawang mali lang ang magsasabi ng ganiyan, Trinity Anne."

Naningkit ang mga mata niya. She turned and faced him. "Nag-dinner ako kasama si Jerome!"

Natigilan si Gene.

At gusto niyang umiyak.

Gusto niyang umiyak dahil nakita niya ang sama ng loob na dumaan sa mga mata nito bago ang mga iyon naging blangko.

"So, tama nga ako. May ginawa ka ring mali."

"Yeah, makes us equal." Muli siyang tumalikod at sa malalaking mga hakbang ay tinungo ang hagdan. Naramdaman niya ang muling pagsunod nito. At nang marating na niya ang landing ay saka siya inabutan ni Gene. He took her arm and pulled her. She flinched in pain. Humarap siya at itinulak ito.

"What do you want?!" singhal niya rito. Pretending to be angry was her defense to hide her pain.

"Sumama ka ba kay Jerome para bumawi sa akin? You thought I was with Chona for a different reason and you decided to get back at me by going on a fancy dinner with Jerome. Iyon ba, Trinity?"

"Sumama ako kay Jerome dahil iyon ang gusto ko," pagsisinungaling niya bago binawi ang kamay. Kilalang-kilala nga talaga nila ni Gene ang isa't isa. Alam na alam nito ang dahilan kung bakit siya sumama kay Jerome.

Pero hindi niya aamining tama ito.

"And you know what I realized, Gene?" Nag-umpisa nang manikip ang lalamunan niya sa pagpipigil na h'wag maiyak. "Masaya palang kasama si Jerome Sison. At mas payapa ang pakiramdam ko habang kasama siya."

Just like she intended, Gene's eyes showed pain. At nang hindi ito kaagad na nakasagot sa sinabi niya'y ay muli siyang tumalikod saka umakyat sa hagdan. Nasa kalagitnaan na siya nang maramdaman ang muling pagsunod nito, at doon siya nakaramdam ng labis na pagod.

Mukhang hindi nga talaga siya titigilan ni Gene. Mukhang matibay talaga ito. Mukhang... hindi niya ito madaling mapaaalis.

"Trinity," tawag nito pero nagtuluy-tuloy lang siya hanggang sa marating niya ang silid.

Dumiretso siya sa banyo at bago pa makasunod sa kaniya papasok si Gene at ini-sara na niya ang pinto at ni-lock. Para siyang loka na nakaramdam ng guilt nang marinig niya ang pagbuntong hininga nito mula sa harap ng pinto.

And she stood there behind the door holding her tears.

"Trini..." ani Gene sa harap ng pinto. "I'm sorry, okay? Hindi ko na uulitin ang hindi ko pagsabi kaagad ng tungkol kay Chona. From now on, I will be transparent. H'wag na nating pagtalunan ito. At h'wag mo nang gamitin si Jerome para galitin ako. O balikan ako sa ginawa ko. Let's just move on and restart, okay?"

Her eyes watered. Kay lambing at kay payapa ng tinig ni Gene sa mga sandaling iyon.

"I missed the old us, love," Gene added. "It's been weeks already. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko para maibalik ang dating tayo."

Dinala niya ang palad sa pinto saka ini-dikit ang pisngi roon. Hindi na niya napigil ang luha nang mahimigan ang sakit sa bawat mga salita ni Gene.

"Are you getting tired of this? Of me?" tanong pa ni Gene. "Dahil may pakiramdam akong kahit anong gawin ko ay hindi ka na nagiging masaya. Kahit wala akong ginagawang mali ay parang laging mali na lang ang nakikita mo sa mga ginagawa ko. What's really going on? Please be honest with me."

Doon na bumagsak ang mga luha niya. Ang bawat salita ni Gene ay tila humihiwa sa puso niya. At higit siyang nasasaktan para rito.

"You demand honesty, and yet ikaw nga itong naglihim sa akin," aniya, pilit na itinatago ang nginig sa tinig sanhi ng tahimik na pag-iyak. "I'm tired, Gene. Just tired of everyhing. At mainit ang ulo kong umuwi kanina kaiisip ng tungkol sa inyo ni Chona." Umalis siya sa pagkakasandal sa pinto at tuwid na tumayo. "Gusto kong matulog nang mag-isa ngayon sa kama. Pwede bang... sa couch ka muna sa ibaba ngayong gabi? I want to be alone."

Matagal muna ang pinalipas ni Gene bago sumagot. "If that's what you want, love. But please promise me that tomorrow, we will talk things over. Bukas ay kailangan na nating pag-usapan kung ano ang nangyayari at umpisang alisin ang pader na ilang linggo nang namamagitan sa atin. H'wag na nating patagalin pa ito. H'wag na nating hintaying mauwi sa hindi maganda ang nangyayari ngayon. Because I could see where this is going, Trini. And I don't want us to go that way. I can't... lose you."

Dinala niya ang mga kamay sa bibig upang takpan ito at nang sagayon ay hindi marinig ni Gene ang lihim niyang paghikbi.

"Goodnight, love."

Nanatili siyang nakatayo sa likod ng pinto ng banyo hanggang sa marinig niya ang pagbukas ng pinto ng silid at ang banayad na pagsara niyon.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top