CHAPTER 088 - Pushing The Love Away




"KAPAG MAY PROBLEMA AY PWEDE NINYO AKONG TAWAGAN, otherwise, I'll see you both after four days," paalam ni Trini sa dalawang staff nang hapong iyon.

            She and Gene had decided that it was better for them to have a break—indeed. They agreed to go to Thailand for a three-day short vacay. It was the closest, and one of the countries in Asia that didn't require a visa application.

            Bukas na ng gabi ang alis nila, pero pareho pa silang hindi nakakapag-empake. Dahil tatlong araw silang mawawala ay tinrabaho na ni Gene ang lahat ng mga booking nito sa linggong iyon. He told her he needed to work overtime tonight. Nagpresenta siyang mag-empake para sa mga damit na dadalhin nilang dalawa.

Hindi pa sila muling bumabalik sa dati, pero kahit papaano ay hindi na ganoon ka-lamig ang pakikitungo niya rito. These past two days, matapos ang gabing nakita niya si Chona sa harap ng workshop ni Gene, her mental and emotional inconsistencies had somehow... subsided. Na kahit pumapasok pa rin sa utak niya ang kasalukuyang kalagayan ay sinusubukan na niya ngayong ibaling ang pansin sa ibang bagay.

Umaasa siyang pag-uwi nila ni Gene galing sa Thailand ay makapag-desisyon na siya kung ano ang gagawin sa relasyon nila. Because at this point, she couldn't decide what to do with this relationship. Basta ang alam niya'y mahal niya nang sobra-sobra si Gene para itali ito sa relasyong hindi makapagbibigay rito ng lubos na ligaya.

Because after learning her fate, she realized that she could never make Gene truly happy. She could never make him feel complete. She would never satisfy his yearning. She would never be able to stay by his side for a long time.

At hindi niya ikukulong si Gene sa relasyong kasama siya kung ganoong hindi rin niya maibibigay rito ang uri ng kaligayahang nararapat para rito.

Now, she and Gene were the same.

Hindi siya nais na pakasalan ni Gene dahil ayaw nitong ikulong siya sa pagsasamang maaaring sumakal sa kaniya sa huli.

At ngayon ay siya rin. She didn't want to stay in this relationship because she knew she would just make Gene cry in the end.

            "Tawagan ninyo si Dr. Sertos kapag may problema," dagdag-bilin niya, na ang tinutukoy ay ang vet na kinontrata niya para sa facility. Dr. Sertos' clinic was just a few walk from the facility, at tuwing umaga'y dumadaan ito upang tingnan ang kondisyon ng mga pets na naroon.

Binilinan din niya ang mga staff na dagdagan ang mga pet supplies na naka-display sa estante, at na h'wag kalimutang i-refill ang water container ng mga pets na nasa facility bago ang mga ito magsara. Habang nakikipag-usap siya sa dalawang dalagang staff ay narinig nila ang pagbukas ng entrance; sabay silang napalingon doon.

It was Jerome Sison; smiling so brightly as he entered the room.

Bumati ang dalawang staff ng magandang hapon dito, at sabay ding bumaba ang tingin nila sa dala nitong paperbag na may lamang mga pasalubong. Inabot nito ang isa sa dalawang dalaga at sinabing para sa mga ito iyon.

Tuwang-tuwang nag-usal ng pasasalamat ang dalawa bago sandaling nagpaalam at tinungo ang staff room bitbit ang tinanggap na pasalubong.

Siya naman ay nakangiting hinarap si Jerome. "I didn't expect you today. Akala ko ay bukas pa ang balik mo?"

            "I'm back with a surprise." Nakangisi nitong ipinatong ang isa pang dalang paperbag sa ibabaw ng counter. Nalipat doon ang tingin niya. "Pasalubong ko naman ito para sa 'yo."

            "Oh, Jerome. Hindi ka na sana nag-abala, ano ka ba."

            "But I want to." Ini-usog nito sa kaniya ang paperbag. "Please accept it. Pasasalamat ko sa pagtingin kina Ash at Savior."

            "I was being paid to," she answered, chuckling. Kinuha niya ang paperbag saka iyon inilapag sa mesang nasa ilalam ng counter.

            "Open it," anito. "Gusto kong makita ang reaksyon mo."

            She playfully rolled her eyes up and chuckled again. Ibinalik niya ang paperbag sa ibabaw ng counter at binuksan. Kinunutan siya ng noo nang makitang isang bagay na nakabalot sa bubble wrap.

            A jar? Made in porcelain, maybe?

            "What is this?"

            "I bought it from the art gallery in Hongkong. Doon ako dinala ng isa sa mga nakilala ko sa conference kahapon at nakita ko 'yan."

            Itinuloy niya ang pagtanggal ng bubble wrap, at nang bumungad sa kaniya kung ano ang naroon ay napaghugot siya ng paghinga. It was a ten-inch statue of a warrior-woman, holding a sword. Her long hair was covering her breasts, and her lower body was covered by something like a skirt made of furr.

            And it was gold-plated. Lalo siyang namangha.

            "It's actually made of gold."

            Muli siyang napasinghap, at kung hindi siya nag-ingat ay baka nabitiwan niya ang statue. Mangha siyang napatitig kay Jerome.

            "G-Gold?"

            He smiled gently. "You said you like yellow. Unfortunately, wala akong mahanap na kulay dilaw na ipangre-regalo sa 'yo. Nang makita ko ang statue na 'yan ay ikaw ang una kong naalala. Hindi na rin naman nagkakalayo ang yellow at gold, kaya baka pwede na 'yan?"

            "I—I can't accept expensive gifts, Jerome—"

            "I insist, Trin. Kung ayaw mo ay ipamigay mo na lang o itapon mo, because I'm not taking it back."

            Lalo siyang namangha. Lalong walang nasabi.

            "So..." Jerome's eyes shifted to the playroom's door. "Can I see Ash and Savior now?"

*

*

*

            HABANG NAKIKIPAGLARO SI JEROME KINA ASH AT SAVIOR doon sa playroom ay bumalik si Trini sa counter upang kunin sa bag ang cellphone. She would give Gene a call and let him know that Jerome was there.

            Naka-ikatlong subok siyang tawagan ang numero nito nang sa wakas ay sumagot si Gene.

            "Hey, sorry, I'm quite busy at the moment."

            "I understand. Gusto ko lang sabihin na narito si Jerome." Kinunutan siya ng noo; may ingay siyang naririnig sa backgroun ng linya ni Gene. Na bagaman mahina at mukha nasa malayo, ay kilalang-kilala niya ang ganoong tipo ng ingay.

Ingay na tila may nagpa-party.

At akma na sana siyang magtatanong kung nasaan ito nang muling nagsalita si Gene,

             "Is he causing trouble?"

             "No, no. I mean... gusto ko lang... ipaalam." Why, she wondered. Hindi nga ba at mainam na ma-misunderstand ni Gene ang mga bagay-bagay? It would benefit her the most.

            "It's okay, Trin. I trust you."

            Bahaw siyang napangiti sa huling sinabi nito. Mukhang mahihirapan siyang ilayo ang loob ni Gene sa kaniya...

            And Gene added, "Hindi ko alam kung anong oras ako makauuwi, but I'll see you tonight, okay?"

            "Okay."

"At h'wag kang pagagabi sa pag-uwi. Call me if anything happens."

"What could happen?" aniya. Sa gilid ng kaniyang tingin ay nakita niya ang pagbukas ng pinto ng playroom.

"Well, we don't know. You liked the man back in the day..."

Gene's statement was like a free ticket to another trip of argument. Pwede niyang gamitin ang sinabi nito para mag-umpisa ng away. That way, muli niyang mailalayo ang loob nito sa kaniya. That way, magiging madali na kay Gene na tanggaping hindi siya magiging permanenteng parte ng buhay nito.

Lihim niyang ipinilig ang ulo sa mga naiisip.

"I gotta go now, love. Tatawagan kita mamaya kapag pauwi na ako."

Ibinalik niya ang pansin kay Gene na nasa kabilang linya. Humugot muna siya nang malalim na paghinga bago sumagot. "Okay, Gene. Mag-ingat ka sa pagmamaneho." Iyon lang at ibinaba na niya ang cellphone saka tinapos ang tawag.

Wala sa loob na sinapo niya ang noo matapos mailapag ang cellphone sa ibaba ng desk.

She used to say more whenever she and Gene would speak on the phone; she used to be sweet and clingy. Pero kanina ay walang kabahid-bahid ng sweetness ang mga sagot niya. She was... nonchalant.

Muli siyang huminga nang malalim saka ibinaba ang kamay upang hagurin ang batok.

She just realized that she was unconsciously pushing Gene away, and she wasn't even worried about it. Masakit na ginagawa niya ito at kailangang mangyari ang ganito, pero titiisin niya para sa huli ay hindi masyadong masaktan si Gene.

And she also realized that what she was doing was a... preparation.

Preparation for Gene's heart.

"Hey Trin," si Jerome na lumabas mula sa playroom.

Naghanda siya ng huwag na ngiti bago ito hinarap. "Babalikan ko na lang sina Ash at Savior mamayang gabi; I have to go meet a client over dinner. Mag-asawa sila na umuwi galing Europe. They wanted to buy a property, at ako ang personal na kakausap sa kanila. The table is booked for four people, at gusto sana kitang yayain, pero ayaw kong ratratin ng bala ni Gene. I mean, okay lang kaya?"

"Na ratratin ka niya ng bala?" She couldn't help but chuckle at her own joke. Jerome was a good distraction, ewan ba niya. Sa mga nangyayari ngayon sa utak niya, mas gusto niyang si Jerome ang kausap at kaharap kaysa ka Gene. Because... there was no pressure. She didn't have to act cold and nonchalant. She could be herself. Dahil... hindi niya kailangang protektahan ang puso ni Jerome.

With Jerome, she didn't feel accountable.

Jerome chuckled back. "No, silly. I was talking about dinner."

Gusto niyang paunlakan, sa totoo lang. Dahil unang-una, gagabihin si Gene at wala rin siyang kasamang kakain ng hapunan. Pangalawa, pwede rin niyang gamitin iyon upang...

Shit.

Ganito ba talaga ako ka-atat na dispatsahin si Gene?

Ni hindi pa ako nag-uumpisang mag-undergo ng mga medical tests!

"Well?" untag ni Jerome.

She smiled again and said, "May mga gagawin pa ako mamaya, eh. Maybe some other time?"

Jerome smiled back. "No worries."

*

*

*

IT WAS PAST EIGHT O'CLOCK, at nagpaalam na si Trini sa dalawa niyang staff na uuwi na. Nasa kotse siya nang buksan niya ang cellphone upang tingnan kung may mensaheng ipinadala si Gene.

            There was none.

             It's been three hours since they last spoke.

            At mukhang abala nga ito.

Ibinaba niya ang cellphone sa dashboard at minaniobra na ang sasakyan. She drove her car to town, at nang may madaanang bagong tayong restaurant ay nagmenor siya. She rolled down her window and studied the new place.

It was a Filipino restaurant. And the place was called Dee's.

Dee's?

Deewee?

Come to think of it... Ilang buwan silang hindi nagkausap o nagkita ni Dee. Naging abala rin sila ni Gene sa buhay nila, at wala na silang narinig tungkol dito. But she did know Dee was planning to put up a business because he wasn't planning to go back to the US. At dahil may Filipino restaurant itong itinayo sa Canada, anong business pa ba ang itatayo nito roon sa bansa?

Could it be?

At dito talaga sa Ramirez?

Salubong ang mga kilay na inabot niya ang cellphone at ni-dial ang numero ni Gene. She waited for quite long before he picked up.

            "Hey. I know you're busy, but I just want to ask you a question. Have you heard anything about Deewee these past few weeks... errr months? May nakita akong bagong Filipino resto dito sa bayan, I think ngayong araw lang sila nagbukas. Malakas ang kutob ko na--"

            "Sorry, Gene's busy."

            Para siyang sinipa sa sikmura nang marinig ang pamilyar na boses sa kabilang linya.

            "He's working on my... motorbike. And he won't be able to answer your call for the next... hour, I guess?"

            Her grip tightened on the phone. "Why do you have his phone, Chona?"

            "He left his phone on the table. It rang and I saw your name. I wanted to tell you he was busy."

            Hindi man lang sinabi ni Gene na si Chona ang kasama niya...

            "Sasabihin ko kay Gene na tumawag ka." Then, the call ended.

            Sa inis ay muntik na niyang ihagis ang cellphone sa labas ng bintana ng kotse.

            Hindi niya maintindihan.

            Bakit hindi man lang ipinaalam ni Gene? Kung siya nga kanina ay nagsabi rito, pero...

Wait...

This is actually helpful.

I could use this to...

Shit. Heto na naman ang demonyo sa utak ko.

But it's now or never.

Mariin niyang ipinikit ang mga mata saka itinaas ang isang kamay upang ihagod sa buhok.

            Naiinis siya sa nalaman, but she knew this could actually help her with her plans.

At pwede niyang palalain pa ang sitwasyon.

Muli niyang niyuko ang cellphone at hinanap ang numero ni Jerome. She called him, at sa loob lamang ng ilang ring ay sumagot ito.

             "Hey."

            "Oh, hey, Trin. What's up?"

             "Where you at now?"

             "I'm at the newest Filipino restaurant in town-- have you seen it? It's called Dee's. Kaaalis lang ng mga kliyente ko, just having a quick drink before--"

            "Mukhang pagtatagpuin tayo ng tadhana, Jerome." Lumingon siya at naghanap ng parking space. "I'll be there to join you in a minute."


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top